You are on page 1of 12

4

EDUKASYONG PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Paghahanda ng Taniman ng Halamang
Ornamental
Ikatlong Markahan- Ikaapat na Linggo
EPP-Agrikultura- Ikaapat na Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Paghahanda ng Taniman ng Halamang Ornamental
Ikatlong Markahan-Ika-apat na Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte
nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot
sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Kasanayang Pagkatuto

Manunulat: Mary Rose F. Orario


Editor: Josephine N. Sales
Tagasuri: Lea A. Mangahas
Tagapamahala: Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle Ablian-Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Jay D. Morados
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
School Division of Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

2
Paghahanda ng Taniman ng
Halamang Ornamental

Panimula
Kung ang inyong bakuran ay matagal nang may tanim na mga
halaman at puno, maaari ba itong baguhin?
Mas magiging maayos at mapalamuti ang inyong bakuran kung may
kaalaman ang paggawa ng simpleng landscape gardening. Alamin muna
ang anyo ng lupang taniman, kung sakaling hindi maganda ang dating mga
tanim, maaaring dagdagan ng lupang mataba o anumang organikong bagay
na maaaring ihalo. Hindi lalago nang maayos ang mga pananim kapag tuyo,
matigas at bitak-bitak ang lupa. Ganito rin mangyayari kapag malagkit at
sobrang basa ang lupa.

Kasanayang Pampagkatuto

Naipapakita ang wastong pamamaraan sa pagpapatubo/pagtatanim


ng halamang ornamental. (EPP4AG-0d-6)

1.4.2. paggawa/paghahanda ng taniman

1.4.3 paghahanda ng mga taniman o patutubuin at itatanim

3
Mga Layunin

Pagkatapos mong basahin ang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang


Pampagkatutong ito, ikaw ay inaasahang:

1. naiisa-isa ang wastong paraan sa paggawa/paghahanda ng


taniman; at
2. napapaganda ang isang lugar sa pamamagitan ng pagtatanim ng
halamang ornamental.

Balik-aral
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng halamang ornamental ang
sumusunod na mga larawan. Piliin ang sagot at lagyan ng tsek ito sa dulo.

Halamang ornamental na namumulaklak

Halamang ornamental na di- namumulaklak

1.

Halamang ornamental na namumulaklak

Halamang ornamental na di-namumulaklak

2.

4
Halamang ornamental na mataas

Halamang ornamental na mababa

3.

Halamang ornamental na nabubuhay sa


tubig

4. Halamang ornamental na nabubuhay sa


lupa

Halamang ornamental na mahirap


palaguin

Halamang ornamental na mababa

5.

5
Pagtalakay sa Paksa

Napag-usapan ng klase ni Ginang Atrero na ayusin at pagandahin


ang kahong makikita sa harap ng kanilang silid-aralan dahil nais nilang
mapaganda at maging kaakit-akit tingnan ito. Kailangan pagsunud-
sunurin ang wastong pamamaraan sa paggawa/paghahanda ng taniman ng
halamang ornamental.

Kung kayo ang gagawa, anong paghahanda/paggawa ng taniman ang


inyong gagawin?

Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa/paghahanda ng


taniman ng halamang ornamental?

Basahin at unawain.

Matapos makita ang lugar na pagtataniman, pag-aralan muna kung


anong uri ng lupa at halaman and gagamitin sa pagtatanim.
Kapag ang lupa ay tuyo, matigas, at bitak-bitak, nararapat na haluan
ito ng mga organikong bagay gaya ng mga binulok (decomposed) na mga
halaman tulad ng dayami, tinabas na damo, mga tuyong dahon, at mga
dumi ng hayop upang maging mabuhaghag ang lupang tataniman.
Kapag malagkit at sobrang basa, haluan din ito ng compost upang lumuwag
ang lupa.
Kapag naayos na ang lupang tataniman, pwede na itong bungkalin
gamit ang asarol at piko. Tanggalin ang mga bato, matitigas na mga ugat at
mga di kailangang bagay ng halaman sa lupang tataniman habang
nagbubungkal. Kapag nabungkal na ang lupang taniman, lagyan ito ng
organikong pataba. Pagkatapos mabungkal at mapatag ang lupang
taniman, gumawa ng isang disenyo upang mas kaakit-akit ang iyong
hardin. Pagkatapos, maaari na itong taniman ng mga halaman o punong
ornamental.

6
Sagutin ang mga tanong mula sa binasang sulatin.

1. Ano ang dapat mong gawin kapag ang uri ng lupa sa pagtataniman ay
tuyo, matigas, at bitak bitak, malagkit at sobrang basa?

2. Ano-anong mga kasangkapan ang gagamitin upang maayos ang lugar na


pagtataniman?

3. Anong ugali sa palagay mo ang dapat tagalayin ng taong naghahanda ng


taniman?

4. Ano ang gagawin matapos makita ang lupang pagtataniman?

5. Ano ang pinakahuling gagawin kapag napatag na ang lupa gamit ang
kalaykay o rake?

Tandaan:

Kung nais mong maging kaaakit-akit ang lugar ng inyong taniman,


ang magandang disenyo ng lupa ay nakaangat ng bahagya at may mga iba’t
ibang hugis ng bato sa mga gilid ng lugar na tataniman. Kung ang lugar na
pagtataniman ng mga halamang ornamental ay malawak, lagyan ito ng mga
accessories gaya ng pergola, maliit na fishpond, garden set at grotto. Kung
ito naman ay di gaanong malawak, simpleng kaayusan lamang ang bagay
na ilagay gaya ng mga palamuting banga o porselanang sisidlan.

7
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga Wastong Hakbang/Pamamaraan sa
Paghahanda ng Lupang tataniman ng Halamang Ornamental. Isulat ang 1-5
sa iyong sagutang papel.

____1. Kapag nabungkal na ang lupang taniman, lagyan ito ng organikong


pataba gaya ng kompos o humus at patagin ito gamit ang kalaykay (rake).

____ 2. Pag-aralan muna kung anong uri ng lupang taniman ito.

_____3. Tanggalin ang mga bato, matitigas na ugat at mga di kailangang


bagay ng halaman sa lupang tataniman habang nagbubungkal.

_____4. Kapag ang lupa ay tuyo, matigas, at bitak-bitak, nararapat na


aluan ito ng mga organikong bagay gaya ng mga binulok(decomposed) na
halaman tulad ng dayami, tinabas na damo,mga tuyong dahon, at mga
dumi ng hayop upang maging mabuhaghag ang lupang taniman.

_____5. Kapag naayos na ang lupang tataniman, puwede na itong bungkalin


gamit ang asarol at piko.

8
Pang-isahang Pagsasanay

Panuto: Bilang pagsulat sa inyong natutuhan, buuin ang parirala sa


pamamagitan ng paglalagay sa patlang ng tamang salita mula sa kahon.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

disenyo nakaangat hugis ng bato


taniman lugar pergola
simpleng kaayusan garden set pond
grotto Halamang Ornamental

Sa paghahanda ng taniman para sa mga 1.)__________________, maganda


ang 2.)__________ kapag may 3.)_____________ na lupa at may ibat-ibang 4.)
______________ sa panabi ng 5.)______________.Sa malalawak na lugar,
maaring maglagay ng 6.)_____________, fish7.)_________,8.)_______________, at
9.)_____________ at sa di gaanong malalawak, 10.) _____________ lamang ang
bagay na ilagay gaya ng mga palamuting banga o porcelanang sisidlan.

Pagsusulit

Panuto: Lagyan ng (/) ang mga sumusunod na nagpapakita ng wastong


paraan sa paghahanda ng taniman at (X) kung hindi. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.
_____1. Huwag alisin ang mga kalat na makasasagabal sa pagtubo ng mga
pananim tulad ng bato, bote, lata at iba pang di nabubulok na bagay.
_____2. Bungkalin ang lupa gamit ang mga gamit pangbungkal tulad ng
patik,pala at asarol.
_____3. Kapag tuyo, matigas at bitakbitak ang lupa, nararapat na haluan ng
mga organikong bagay tulad ng dayami at mga dumi ng hayop.
_____4. Hindi na kailangang lagyan ng pataba ang lupa.
_____5. Patagin ang lupa gamit ang kalaykay.

9
Pangwakas

Maghanda ng mga halaman o punong ornamental na gagamitin


pantanim upang makagawa ng isang simpleng landscaping sa inyong
tahanan.

Pamantayan Oo Hindi Di-Gaano


1. Gumamit ba ng angkop na
kasangkapan sa paghahanda
ng lupang taniman?
2. Naisasagawa ban ang maayos
ang paghahanda ng taniman?
3. Napanatili ba ang kalinisan
ng kapaligiran at ng sarili?

Mga Sanggunian

Teresita B. Doblon, et.al. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4


(Kagamitan ng Mag-aaral) Vibal Group, Inc. Deped Complex, Meralco
Ave., Pasig City, Philippines
Wastong Pamamaraan sa Pagpapatubo/Pagtatanim ng Halamang
Ornamental. MISOSA IV.

www.slideshare.net

Susi sa Pagwawasto

10
11
Pagsusulit: Balik-Aral:
1.
1. X Halamang ornamental na namumulaklak
Halamang ornamental na di- namumulaklak /
2. / 2.
3. / Halamang ornamental na mataas
4. X Halamang ornamental na di-namumulaklak /
3.
5. / Halamang ornamental na mataas /
Halamang ornamental na mababa
4.
Halamang ornamental na nabubuhay sa tubig /
Halamang ornamental na nabubuhay sa lupa
5.
Halamang ornamental na mahirap palaguin
Pangwakas Halamang ornamental na mababa /
Magkakaiba ang inaasahang
sagot sa mga mag-aaral Pinatnubayang Pagsasanay
1. 5
2. 1
3. 4
4. 2
5. 3
Pang-isahang Pagsasanay
1. Halamang Ornamental
2. Disenyo
3. Nakaangat
4. Hugis bato
5. Taniman
6. Pergola
7. Pond
8. Garden set
9. Grotto
10. simplng kaayusan
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng
Zambales ang taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-
ambag ng tagumpay para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad,
paglimbag at pamamahagi ng Ikatlong Markahang Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto sa lahat ng asignatura sa iba’t
ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng naaangkop na
kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga
pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan
upang makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at
mga tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak
ang kawastuhan at katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng
Edukasyon;
Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang
patuloy na paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang gugugulin
sa paglilimbag ng mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga
magulang at mag-aaral sa tahanan.
Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat
asignatura sa kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro,
sa kanilang lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na
pagsubaybay sa pag-unlad ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy
sa kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay
upang maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang
bawat mag-aaral na maging responsableng indibidwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong
panahon ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay
na malasakit na pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala

12

You might also like