You are on page 1of 20

PAG-AARI NG PAMAHALAAN

HINDI IPINAGBIBILI

DEPARTMENT OF EDUCATION
DIVISION OF CITY OF BOGO
Buac, Cayang, Bogo City, Cebu

EPP4
Agrikultura
SELF-LEARNING KIT
QUARTER 1
(Week 4)

PAGGAWA/ PAGHAHANDA
NG TANIMAN at
PAGHAHANDA NG MGA
ITATANIM O PATUTUBUIN

This Self-Learning Kit belongs to:


Name: ________________________________________________________
School: ________________________________________________________
Address: _____________________________________________________
0
Cellphone Number: ___________________________________
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ang pag-unawa sa kaalaman at kasanayan sa
pagtatanim ng halamang ornamental bilang isang gawaing
pagkakakitaan.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Naisasagawa ang pagtatanim, pag-aani, at pagsasapamilihan ng
halamang ornamental sa masistemang paraan.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
1.6.2 paggawa/ paghahanda ng taniman
1.6.3 paghahanda ng mga itatanim o patutubuin at itatanim

CODE
EPP4AG-Od-6

1
PAUNANG SALITA

Narito ang Self- Learning Kit (SLK) sa Edukasyong


Pantahanan at Pangkabuhayan na sadyang inihanda para sa mga
mag-aaral ng ikaapat na baitang. Layunin ng SLK na ito na
mahubog ang mga kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng
halamang ornamental bilang isang pagkakakitaang gawain.
May mga pagsasanay na nagpapaloob sa SLK na ito na
nagsisilbing gabay nila sa pagsasagawa sa mga kasanayan at
kaalaman sa pagtatanim ng halaman bilang isang pagkakakitaang
gawain. Ang kaalamang natutunan ng mga bata ay may katapat na
paggawa upang maging makabuluhan at makahulugan ang
karanasan nila sa pagkatuto.
Nawa’y mahalin at ingatan sana ninyo ang SLK na ito.

Halina at Alamin!

2
I.PANIMULANG
I. PANIMULANG
PAGTATAYA
PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at bilugan ang


tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod ang dapat na unang isinasaalang-alang sa pagsasagawa ng
pagtatanim ng mga halamang ornamental?
a. mga halamang ornamental c. mga kasangkapang gagamitin
b. lugar na pagtataniman d. lahat ng mga ito
2. Bakit kailangang may sapat na kaalaman sa paggawa ng landscape gardening?
a. mas magiging maraming halamang ornamental ang tumubo
b. upang tumubo nang malaki ang mga halaman sa bakuran
c. mas magiging maayos at mapalamuti ang bakuran
d. mas maraming mamumulaklak na halaman sa bakuran
3. Ang lahat ng nabanggit ay mga elementong kinakailangan upang maging malusog ang
tubo ng mga tanim MALIBAN sa isa?
a. nitrogen b. phosphorous c. potassium d. calcium
4. Pagkatapos mabungkal ang lupa, ano ang angkop na kasangkapan ang ginagamit
upang pumantay ang lupa?
a. kalaykay b. dulos c. asarol d. pala
5. Bakit kailangang buhusan ng mainit na tubig ang lupa pagkatapos mabungkal at
mapantay ito?
a. upang tumaba ang mga halamang ornamental
b. upang mapatay nito ang mga masasamang organismong namumuhay dito
c. upang lumambot at tumaba ang lupa
d. upang lumaki at lumago ang itinanim na halamang ornamental
6. Ano ang tawag sa pagpapaganda ng isang lugar sa pamamagitan ng pagtatanim ng
mga halamang ornamental?
a. vegetable gardening c. urban gardening
b. floral arrangement d. landscape gardening
7. Nais mong magtanim ng halamang ornamental sa ayos na WELCOME, saan mo ito
dapat isagawa?
a. harapan ng bahay c. likod ng bahay
b. kanang gilid ng bahay d. kaliwang gilid ng bahay
8. Aling mga halamang ornamental ang HINDI dapat na itinatanim sa harapan o unahan ng
maliliit na halaman?
a. mga may kulay na halaman c. mga maliliit na halaman
b. mga lumalaki at yumayabong na halamang ornamental d. mga nabubuhay sa tubig
9. Saan maaaring magsimula ang itatanim na halamang ornamental?
a. paso at lupa c. buto at sangang pantanim
b. bunga ta dahon d. wala sa mga ito
10. Anong uri ng halamang ornamental na may malambot na tangkay at
karaniwang nabubuhay ng isa o dalawang taon?
a. herbs b. shrub c. vine d. tree

3
II. TALAKAYAN

Kung ang inyong bakuran


ay matagal nang may tanim
na mga halaman at puno,
maaari ba itong baguhin?

Basahin at Alamin!

Wastong Pamamaraan sa Paghahanda ng Taniman ng


Halamang Ornamental
Mas magiging maayos at mapalamuti ang inyong bakuran kung may kaalaman ang
gagawa ng simpleng landscape gardening. Alamin muna ang anyo ng lupang taniman, kung
sakaling hindi maganda ang dating mga tanim, maaaring lagyan ito ng lupang angkop sa
mga tanim, ‘yong may nitrogen, phosphorous at potassium. Ito ang mga elementong
kinakailangan upang maging malusog ang tubo ng mga tanim. Ito ay nasa: lupa mula sa
halamanan, organikong lupa mula sa lanta na mga tanim o dumi ng mga hayop na taglay nito
ang nitrogen at phosphorous at buhangin na may potassium at magpabuhaghag rin ng
lupa . Kung walang buhangin, maaaring gamitin ang sunog na dayami ng palay (carbonized
rice halls). Haluing mabuti ang magkasingdaming tatlong uri ng lupa at ilagay sa lugar na
gustong gawan ng landscape garden o ilagay sa mga sisidlan kung saan gustong patubuin
and mga halamang ornamental. Bago magsimulang magtanim o magpunla, patagin muna
ang lupa gamit ang kalaykay (rake) at buhusan ito ng mainit na tubig (sterilization) upang
mapatay nito ang mga masasamang organismong namumuhay dito.
Kung handa na ang kamang taniman maaari na itong taniman ng mga halaman o
punong ornamental.

Sa paghahanda ng taniman para sa mga halamang ornamental, maganda ang


disenyo kapag may nakaangat na lupa at may iba’t ibang hugis ng bato sa mga gilid ng lugar
na tataniman. Sa malalawak na lugar, maaaring maglagay ng mga accessories gaya ng
pergola, maliit na fish pond, garden set, at grotto. Kung ito naman ay di gaanong malawak,
simpleng kaayusan lamang ang bagay na ilagay gaya ng mga palamuting banga o
porselanang sisidlan.

4
Maaari na tayo ngayong magtanim ng mga
halamang ornamental. Ngunit dapat din natin
malaman ang wastong paraan ng pagsasagawa
nito.
*Anu-ano ang uri ng halamang ornamental? Dapat
ba nating alamin kung anong mga uri ng halamang
ornamental ang ating itatanim? Alamin din ang mga
alituntunin sa pag-aayos ng pagtatanim.

Basahin at Alamin!

Wastong Paraan sa Paghahanda ng mga Itatanim o Patutubuin

Natalakay na natin ang paghahanda ng tatanimang lugar, kailangan nating


suriin naman kung anong mga uri ng halamang ornamental ang ating ihahanda
at itatanim upang patubuin. Sa pamamagitan ng paggawa ng layout para sa
gagawing simpleng landscape garden dapat ay alamin ang mga halamang ito.
Ang mga uri ng halamang ornamental ay ang herbs, vines, shrubs, trees, air
plant at aquatic.
 Ang herbs ay mga halamang may malambot na tangkay at karaniwang
nabubuhay ng isa o dalawang taon.
 Ang shrub ay mga halaman na may ilang matitigas na sanga na
pangkaraniwan ng hindi tumataas ng mahigit sa 7 metro.
 Ang vine o baging/gumagapang na halaman ay mga halamang hindi
nakakatayo sa sarili kaya’t gumagapang sa lupa o kumakapit sa mga
bagay.
 Ang tree o punong-kahoy ay may malalaking puno at maraming sanga
na karaniwang tumataas ng higit sa 7 metro kapag magulang na.
 Ang air plant o aerial ay mga halamang nakakapit sa taas ng punong-
kahoy o sa malalaking bato sa mga bundok tulad ng orchids at pako.
 Ang aquatic ay mga halamang tubig nabubuhay gaya ng water lily at
lotus.

5
Alamin din kung saang parte ng bakuran itatanim ang mga
halaman/punong ornamental na ito upang mapabilis at maging maayos ang
pagkakaayos ng gagawing proyekto.
Sundin rin ang gabay sa paghahanda ng mga itatanim na
halaman/punong ornamental tulad ng mga lumalaki at yumayabong na
halaman, kulay, laki, lapad at namumulaklak.
Sa pagsasaayos ng mga halamang ornamental sa lugar na pagtataniman,
narito ang ilang gabay na dapat sundin:
a. Ang mga lumalaki at yumayabong na halamang ornamental ay di dapat
itanim sa harapan o unahan ng mga halamang maliliit kung tumubo.
b. Ang mga may kulay na halaman ay pinaplano kung paano at saan sila
magandang patubuin.
c. Ang laki at lapad ng mga dahon ay iniuuri kung saan ito ilalagay ayon sa
plano ng landscaping.
d. Ang namumulaklak na mga halaman ay kailangan ilagay sa naaarawan at
kasiya-siyang tanawin. Makatutulong ang pagsasama-sama ng uri o kulay
kung kinakailangan.
e. Ang mga halamang magiging malalaking puno ay dapat ilagay sa hindi
makakasagabal sa darating na panahon.

Ang mga halamang ornamental ay inihahanda ayon sa makasining


na pagtatanim, at maaaring pasibulin muna ang mga buto o sangang pantanim
upang makatiyak at makasiguro na tatagal ang buhay ng bawat halamang
itatanim.
Gumawa muna ng layout ng pagtatanim ng mga halaman o puno upang
hindi masayang ang pagod, lakas, pera, at oras at makasisiguro pa na magiging
maayos ang pagsasagawa ng simpleng landscaping sa tahanan o sa paaralan.
Ang lupang tataniman ay dapat suriing mabuti sa ikagaganda ng pagsibol at
paglaki ng mga halaman/punong ornamental.
Ang ikatatagal ng buhay ng mga halamang ornamental ay sa
pamamaraan ng paghahanda ng lupang taniman, wastong paraan ng
pagpapatubo ng mga buto at sangang pantanim at ang masinsin na pag-aalaga
habang ang mga halamang ornamental ay sumibol at lumalaki.

6
GAWAIN 1- DAY1

Panuto : Basahing mabuti ang bawat pahayag at bilugan ang tamang


sagot.

1.Bakit kailangang may sapat na kaalaman sa paggawa ng landscape


gardening?
a. mas magiging maraming halamang ornamental ang tumubo
b. upang tumubo nang malaki ang mga halaman sa bakuran
c. mas magiging maayos at mapalamuti ang bakuran
d. mas maraming mamumulaklak na halaman sa bakuran
2. Ang lahat ng nabanggit ay mga elementong kinakailangan upang maging
malusog ang tubo ng mga tanim MALIBAN sa isa?
a. nitrogen b. phosphorous c. potassium d. calcium
3. Pagkatapos mabungkal ang lupa, ano ang angkop na kasangkapan ang
ginagamit upang pumantay ang lupa?
a. kalaykay b. dulos c. asarol d. pala
4. Bakit kailangang buhusan ng mainit na tubig ang lupa pagkatapos
mabungkal at mapantay ito?
a. upang tumaba ang mga halamang ornamental
b. upang mapatay nito ang mga masasamang organismong namumuhay
dito
c. upang lumambot at tumaba ang lupa
d. upang lumaki at lumago ang itinanim na halamang ornamental
5. Paano napapaganda ang malalawak na lugar?
a. garden set b. grotto c. pergola d. lahat

7
6. Sa pagsasagawa ng pagtatanim ng mga halamang ornamental, alin sa
sumusunod ang dapat na unang isinasaalang-alang?
a. mga halamang ornamental c. mga kasangkapang gagamitin
b. lugar na pagtataniman d. lahat ng mga ito
7. Kailangang alamin muna ang uri ng lupang tataniman ng mga
halamang ornamental bago magsagawa ng gawain.
a. Oo b. hindi c. maaari d. depende
8. Kailangan bang gumamit ng angkop na kasangkapan sa paghahanda
ng taniman?
a. tama b. mali c. maaari d. puwede
9. Ito ay isang uri ng pataba na walang kemikal at gawa mula sa mga
nabulok na balat ng gulay, prutas, mga dahoon, dumi ng hayop at iba pa`
a. organiko b. di-organiko c. pesticide d. organism
10. Kung ay lugar na pagtataniman ay di-gaanong malawak, ano ang
puwedeng ilagay?
a. fish pond b. grotto c. palamuting banga d. lahat ng nabanggit

8
GAWAIN 2- DAY2

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Isulat sa patlang ang T kung
tama ang pahayag at M kung ito ay mali.

______ 1. Lagyan ng lupang angkop sa mga tanim kung sakaling hindi


maganda ang dating mga tanim.
_______2. Kung ang lugar na pagtataniman ay di gaanong malawak, lagyan
ito ng accessories tulad ng maliit na fish pond.
_______3. Hindi na kailangan gumamit ng angkop na kasangkapan sa
paghahanda ng taniman.
_______4. Kapag nakita na ang lugar na pagtataniman, kailangang pag-aralan
muna kung anong uri ng lupang taniman ito.
_______5. Lalago nang maayos ang mga pananim kapag tinatamnan ito
kaagad.
_______6. Sa paghahanda ng taniman para sa mga halamang ornamental,
maganda ang disenyo kapag may nakaangat na lupa.
_______7. Magiging maayos ang bakuran kung may kaalaman ang gagawa
ng simpleng landscape gardening.
_______8. Magiging malusog ang tubo ng mga tanim kung ang lupang
pagtataniman ay may nitrogen, phosphorous at potassium.
_______9. May taglay na potassium ang organikong lupa kung ito ay mula sa
lanta na mga tanim o dumi ng hayop.
_______10. Kailangang buhusan ng mainit na tubig ang lupang pagtataniman
upang mapatay ang mga masasamang organismong namumuhay dito.

9
GAWAIN 3- DAY3

Panuto : Basahing mabuti ang bawat pahayag at bilugan ang tamang


sagot.
1. Nais mong magtanim ng halamang ornamental sa ayos na WELCOME,
saan mo ito dapat isagawa?
a. harapan ng bahay c. likod ng bahay
b. kanang gilid ng bahay d. kaliwang gilid ng bahay

2. Aling mga halamang ornamental ang hindi dapat na itinatanim sa harapan o


unahan ng maliliit na halaman?
a. mga lumalaki at yumayabong na halamang ornamental
b. mga may kulay na halaman
c. mga maliliit na halaman
d. mga nabubuhay sa tubig

3. Saan maaaring magsimula ang itatanim na halamang ornamental?


a. paso at lupa c. buto at sangang pantanim
b. bunga at dahon d. wala sa mga ito

4. Ano-ano ang dapat pagsama-samahin sa pagsasaayos ng mga halamang


ornamental?
a. magkakasing kulay na halaman
b. magkakauring halaman
c. magkakasinlaking halaman
d. lahat ng mga ito

5. Alin sa mga halamang ornamental ang halimbawa ng air plant o aerial?


a. Rosas b. Orchids c. San Francisco d. Santan

10
6. Ano ang tawag sa pagpapaganda ng isang lugar sa pamamagitan ng
pagtatanim ng mga halamang ornamental?
a. vegetable gardening c. landscape gardening
b. floral arrangement d. urban gardening

7. Anong uri ng halaman ang may malambot na tangkay at karaniwang


nabubuhay ng isa o dalawang taon?
a. herbs b. shrub c. vine d. tree

8. Ano ang unang dapat gawin bago magsasagawa ng simpleng landscaping


sa tahanan o sa paaralan?
a. ihanda ang mga halaman c. lagyan ng pataba ang lupa
b. dapat maganda ang napiling halaman d. gumawa ng layout

9. Saan dapat ilagay ang mga halamang namumulaklak?


a. ilagay sa naaarawan at kasiya-siyang tanawin
b. sa likod ng mga iba pang uri ng mga halaman
c. isama sa mga halamang gumagapang sa lupa
d. ilagay sa tabi ng mga malalaking puno at maraming sanga

10. Bakit kailangang alamin kung saang parte ng bakuran itatanim ang mga
halaman o punong ornamental?
a. upang maganda tingnan ang mga halaman
b. upang mapabilis at maayos ang pagkakaayos ng gagawing proyekto
c. upang ang lahat ng mga halamang itatanim ay tumubo
d. upang dumami ang mga halamang itinanim

11
GAWAIN 4- DAY4

Panuto : Ayusin ayon sa pagkakasunod-sunod na hakbang sa


pagtatanim ng halamang ornamental sa pagkamalikhaing paraan. Lagyan
ng bilang 1 – 5.(2 puntos bawat bilang)

______ Bungkalin ang lupang tataniman

______ Basaing mabuti ang lupang binubungkal.

______ Ihanda ang mga gagamiting kasangkapan at pananim.

______ Bungkalin ang kimpal na lupa gamit ang asarol upang


mabuhaghag ito.

______ Gumawa ng layout sa nais na kalalabasan ng pagtatanim.

12
GAWAIN 5-DAY5
POST-ASSESMENT

Panuto : Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng


tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang dapat na unang isinasaalang-alang sa


pagsasagawa ng pagtatanim ng mga halamang ornamental?
a. mga halamang ornamental c. mga kasangkapang gagamitin
b. lugar na pagtataniman d. lahat ng mga ito

2. Bakit kailangang may sapat na kaalaman sa paggawa ng landscape


gardening?
a. mas magiging maraming halamang ornamental ang tumubo
b. upang tumubo nang malaki ang mga halaman sa bakuran
c. mas magiging maayos at mapalamuti ang bakuran
d. mas maraming mamumulaklak na halaman sa bakuran

3. Ang lahat ng nabanggit ay mga elementong kinakailangan upang maging


malusog ang tubo ng mga tanim MALIBAN sa isa?
a. nitrogen b. phosphorous c. potassium d. calcium

4. Pagkatapos mabungkal ang lupa, ano ang angkop na kasangkapan ang


ginagamit upang pumantay ang lupa?
a. kalaykay b. dulos c. asarol d. pala

5. Bakit kailangang buhusan ng mainit na tubig ang lupa pagkatapos


mabungkal at mapantay ito?
a. upang tumaba ang mga halamang ornamental
b. upang mapatay nito ang mga masasamang organismong namumuhay dito
c. upang lumambot at tumaba ang lupa
d. upang lumaki at lumago ang itinanim na halamang ornamental

6. Ano ang tawag sa pagpapaganda ng isang lugar sa pamamagitan ng


pagtatanim ng mga halamang ornamental?
a. vegetable gardening c. urban gardening
b. floral arrangement d. landscape gardening

13
7. Nais mong magtanim ng halamang ornamental sa ayos na WELCOME, saan
mo ito dapat isagawa?
a. harapan ng bahay c. likod ng bahay
b. kanang gilid ng bahay d. kaliwang gilid ng bahay

8. Aling mga halamang ornamental ang HINDI dapat na itinatanim sa harapan o


unahan ng maliliit na halaman?
a. mga may kulay na halaman
b. mga lumalaki at yumayabong na halamang ornamental
c. mga maliliit na halaman
d. mga nabubuhay sa tubig

9. Saan maaaring magsimula ang itatanim na halamang ornamental?


a. paso at lupa c. buto at sangang pantanim
b. bunga ta dahon d. wala sa mga ito

10. Anong uri ng halamang ornamental na may malambot na tangkay at


karaniwang nabubuhay ng isa o dalawang taon?
a. herbs b. shrub c. vine d. tree

11. Paano napapaganda ang malalawak na lugar?


a. garden set b. grotto c. pergola d. lahat

12. Alin sa mga halamang ornamental ang halimbawa ng air plant o aerial?
a. Rosas b. Orchids c. San Francisco d. Santan

13. Ano-ano ang dapat pagsama-samahin sa pagsasaayos ng mga halamang


ornamental?
a. magkakasing kulay na halaman
b. magkakauring halaman
c. magkakasinlaking halaman
d. lahat ng mga ito

14. Alin sa mga halamang ornamental ang nakasaad na gumagapang sa lupa o


kumakapit sa mga bagay?
a. Gumamela b. Sampaguita c. Kadena de Amor d. Palmera
15. Bakit kailangang alamin kung saang parte ng bakuran itatanim ang mga
halamang ornamental?
a. upang mapabilis at maging maayos ang pagkakaayos ng gagawing
proyekto
b. upang mabilis lumaki ang mga halaman
c. upang mapadali ang pagsugpo ng mga sakit nito
d. upang maibenta kaagad ang mga produkto

14
INSIDE BACK COVER

DIVISION OF CITY OF BOGO

JERALYN Y. JUMAO-AS
Writer

JERALYN Y. JUMAO-AS
Illustrator

JERALYN Y. JUMAO-AS
Layout Artist

JOSEPHINE T. ALEGRE
ESTELA S. MUÑEZ
Editor

MRS.CLEOFE F. ANDALES
Reviewer

DR. MYRNA A. GARCIA/ DR. FELIPA C. MANTOS (Alternate)


ADM Coordinator

MRS. LOURDESITA P. GUARDIARIO


LRMDS, Education Program Supervisor

JOCELYN M. CONTA
Chief, Curriculum Implementation Division

NILO J. SENDRIJAS
Assistant Schools Division Superintendent

ROSELLER N. GELIG, CESO VI


Schools Division Superintendent

15
SYNOPSIS

Ang Self-Learning Kit na ito ay tumatalakay sa paglutas sa learning


competency na paggawa/paghahanda ng taniman at paghahanda ng
mga itatanim o patutubuin.
Ang mga mag-aaral ay inaasahan na masubok at malinang ang kanilang
kakayahan at magamit ang mga natutunan nila sa kanilang pang-araw-
araw na pamumuhay.
Tara na at samahan mo kami sa paglalakbay at alamin ang pakinabang
sa paggawa/paghahanda ng taniman at paghahanda ng mga itatanim o
patutubuin.

16
This material was contextualized by the
Curriculum and Learning Management Division (CLMD)
Learning Resource Management and Development Section (LRMDS)
Department of Education
Region VII
Division of City of Bogo

ROSELLER N. GELIG, CESO VI


Schools Division Superintendent

NILO S. SENDRIJAS
Assistant Schools Division Superintendent

JOCELYN M. CONTA
Chief, Curriculum Implementation Division

LOURDESITA P. GUARDIARIO
LRMDS, Education Program Supervisor

DR. MYRNA A. GARCIA/ DR. FELIPA C. MANTOS (Alternate)


ADM Coordinator

CLEOFE F. ANDALES
EPP/TLE/TVL, Education Program Supervisor

JERALYN Y. JUMAO-AS
May Akda

DEPARTMENT OF EDUCATION - REGIONAL OFFICE

DR. SALUSTIANO T. JIMENEZ


Officer-in-Charge
Office of the Regional Director

DR. MARIA JESUSA C. DESPOJO


Chief, Curriculum and Learning Management Division

MAURITA F. PONCE
LRMS, Education Program Supervisor

DR. CESAR RESTAURO


ADM Coordinator

Dr. ROLAND V. VILLEGAS Ed. D.


EPS EPP/TLE/TVL

17
SUSI SA
PAGWAWASTO

PRE-TEST ACTIVITY 3
1. d 1. a
15
2. c 2. a
3. d 3. c
4. a 4. d
5. b 5. b
6. d 6. c
7. a 7. a
8. b 8. d
9. c 9. a
10.a 10.b

ACTIVITY 1 ACTIVITY 4
1. c
3
2. d
3. a 5
4. b 2
5. d 4
6. b 1
7. a
8. a POST-ASSESSMENT
9. a
10.c 1. d
2. c
ACTIVITY 2 3. d
1. T 4. a
2. M 5. b
3. M 6. d
4. T 7. a
5. M 8. b
6. T 9. c
7. T 10.a
8. T 11. d
9. M 12. b
10.T 13. d
14. c
15. a

18
SANGGUNIAN

Kagamitan ng Mag-aaral, pahina 347-349, pahina 350-353


Patnubay ng Guro, pahina 147-150, pahina 150-153
K-12 Curriculum Guide for Grade 4, pahina 8
https://www.alamy.com/stock-photo/children-planting-flowers.html?cutout=1
https://www.google.com/search?source=hp&ei=H-
nZXozbN9WDoASPwJCoCg&q=1.6+naipakikita+ang+wastong+pamamaraan+sa+p
agpapatubo
%2F+pagtatanim+ng+halamang+ornamental&oq=1.6+naipapakita+ang+wastong+p
amamaran+sa+pagpapatub&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQARgAMggIIRAWEB0QHjoOC
AAQ6gIQtAIQmgEQ5QI6BQgAELEDOgIIADoFCAAQgwE6BggAEBYQHjoICAAQF
hAKEB46BQghEKABOgcIIRAKEKABOgQIIRAVUPgWWKLXAWD75AFoBHAAeA
GAAcwBiAG4N5IBBjQuNDkuMZgBAKABAaoBB2d3cy13aXqwAQY&sclient=psy-

19

You might also like