You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region ___
Schools Division of ___________
_____________ ELEMENTARY SCHOOL

PERIODICAL TEST IN TLE-AGRI 4


QUARTER

Name: ____________________________________ Date: __________________


Teacher: __________________________________ Section: _______________

Panuto: Piliin ang titik ng dapat gawin na angkop sa bawat sitwasyon.

1. Nakahanda ng magtanim ang mag-anak ni Aling Sion, nalinis na nila ang lupang
pagtataniman. Ano ang susunod nilang hakbang na gagawin?
a. ibabaon ang halaman c. bubungkain ang lupa
b. didiligan ang mga tanim d. lahat ay tama

2. May dala-dala si Ana na sanga ng mga halamang namumulaklak. Ano kaya ang
kanyang gagawin sa mga halaman?
a. gugulayin c. itatanim
b. ilalaga d. itatago sa loob ng bahay

3. Binabasa ni Jason ang listahan ng pakinabang sa paghahalaman. Ang lahat ay


tama. maliban sa isa alin ito?
a. nakalilibang na gawain c. mapagkakitaan
b. nagpapaganda sa kapaligiran d. nasaayang ang oras at panahon

4. Pumipili si Ana ng halamang ornamental na madaling buhayin at mapalago. Alin


ang kanyang pipiliin?
a. orchids c. calalily
b. santan d. tulips

5. Bubungkalin at aalisan ni Justine ng damo ang lupang tataniman ng halaman.


Aling kagamitan ang nararapat niyang gamitin?
a. pala b. bareta c. dulos d. kalaykay

6. Si Joshua ay sampung taong gulang na at gusto niyang matutuhan ang


pagtatanim ng halamang ornamental. Kanino siya magpapaturo?
a. kay bunso c. kay nanay
b. sa kapitbahay d. sa kanyang kaibigan
7. Natapos ng magtanim si Kardo. saan dapat ilagay ang mga kagamitang ginamit
niya sa pagtatanim?
a. sa kusina
b. isasandal sa likod bahay
c. isasabit sa kisame
d. ilalagay sa bodega o lalagyanan ng mga kagamitan sa pagtatanim

8. Si Sally ay magtatanim ng halaman, anong kasuotan ang dapat niyang isuot para ma
proteksyunan siya sa init ng araw?
a. pantulog c. pang-alis
b. damit na may manggas d. kapote

9. Naiinip si Sandra sa bahay dahil walang pasok. Anong kapakipakinabang na


gawain ang maari niyang gawin para sa pamilya at pamayanan?
a. panonood ng T.V. maghapon
b. patatanim ng halaman
c. paglalaro sa labas ng bahay.
d. matulog na lang ng matulog

10. Pinagmamasdan ni Joy ang kanilang kapaligiran, harap at likod ng kanilang


bahay. Maya-maya pa ay napangiti siya sa kanyang nakita. Ano ang nagpangiti
kay Joy?
a. mga basura sa tabing daan
b. mga namumulaklak na halaman
c. mga nabubulok na prutas
d. mga asong dumudumi sa daan.

11. Si Aling Inday ay gustong maging malilim ang kanilang bakuran upang sa hapon
ay mayroon silang mapagpahingahan. Anong halamang ornamental ang maaari
niyang itanim?
a. ilang-ilang b. santan c. cosmos d. Lotus

12. Namili ng maliliit na isda ang aking ate at ilalagay niya ito sa aming fishbond
sa likod. Ano ang maaaring ilagay sa fishpond upang pamahayan ng mga isda?
a. sampaguita b. rosas c. waterlilies d. pine tree

13. Maraming halamang ornamental na cosmos si Sandra. Maraming kapitbahay ang nais
magtanim nito. Ano ang kanyang maaaring gawin sa mga cosmos?
a. maaaring pagkakitaan ito ni Sandra
b. pwede niya ito bawasan at sunugin
c. ipagdamot sa mga kapitbahay para hindi sila magkaroon ng cosmos
d. hayaan na lamang ang mga cosmos na mamatay at kumonti

14. Nais ni Mang Pedring na magtanim ng halamang ornamental na pwedeng


maging bakod. Ano ang maaari niyang itanim?
a. gumamela b. daisy c. lotus d. cactus

15. Ang magpinsang Lito at Jose ay inutusan ng kanilang lola na pagandahin ang
kanilang bakuran. Anong halamang ornamental ang maaari nilang itanim?
a. zinnia c. santan
b. espada d. lahat ng nabanggit
16. Ang mga sumusunod ay mga magagandang katangian na maaari natin makuha sa
pagtatanim ng halamang ornmental maliban sa isa.
a. Ang mga halamang ornamental ay nakakaganda ng kapaligiran.
b. Ang mga halamang ornamental ay maaari ding pagkakitaan.
c. Ang mga halamang ornamental ay maaaring gawing pananggalang sa sikat ng
araw.
d. Ang mga halamang ornamental ay perwisyo sa mga miyembro ng pamilya.

17. Ano ang mga magagandang naidudulot ng pagtatanim ng halamang ornamental?


a. Nagsisilbi itong palamuti sa bakuran
b. Nagdudulot ito ng kaligayahan sa ibang tao
c. Nagbibigay ng lilim sa ating tahanan
d. Lahat ng nabanggit

18. Alin sa mga sumusunod ang uri ng halamang ornamental?


a. namumulaklak o di namumulaklak
b. maaaring ito ay mababa o mataas
c. maaaring ito ay mdaling tumubo
d. lahat ng nabanggit

19. Kung gusto mong magtanim ng halamang ornamental na magsisilbing lilim na rin
sa iyong tahanan ano ang maaari mong itanim?
a. santan c. ilang-ilang
b. lotus d. cactus

20. Ano sa tingin mo ang mangyayari kapag ang bawat mag-anak ay magtatanim ng
iba’t-ibang halamang ornamental sa kanilang bakuran.
a. magkakaroon ng magandang pamayanan
b. magkaka-inggitan ang bawat pamilya
c. magkakaroon ng kompetisyon at awayan
d. wala sa nabanggit

21. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay nakakapagbigay ng malinis at


sariwang hangin sa ating pamayanan.
a. Tama b. Mali c. Maaari d. hindi sang-ayon

22. Si Jose ay may maliit na fishpond sa kanilang tahanan. Anong halamang


ornamental ang maaari niyang ilagay sa kanyang fishpond.
a. rosas b. waterlilies c. gumamela d. orchids

23. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng halamang ornamental?


a. santan b. cosmos c. pine tree d. lahat ng nabanggit

24. Kapag nais mong pagandahin ang iyong bakuran ano ang maaari mong piliing
itanim dito?
a. halamang baging c. halamang gamot
b. halamang ornamental d. halamang gulay
25. Sino sa mga sumusunod na pamilya ang may mithiing mapaganda ang kanilang
bakuran?
a. Ang Pamilya delos Santos ay pinutol lahat ang kanilang mga punong
ilangilang.
b. Ang Pamilya San Agustin ay hinayaan lamang na matuyo ang mga orchids sa
kanilang bakuran.
c. Ang Pamilya Dela Cruz ay tulong tulong sa pagtatanim ng mga
namumulaklak na halaman gaya ng rosal at santan sa kanilang bakuran.
d. Ang Pamilya De Jesus ay walang pakialam kung kainin ng alagang kambing
ang mga halamang nakatanim sa kanilang bakuran.

26. Alin sa mga sumusunod na kagamitan ang ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa


paligid ng halaman?
a. asarol b. dulos c. kalaykay d. pala
27. Ginagamit naman ito sa paglilipat ng lupa.
a. asarol b. dulos c. kalaykay d. pala
28. Ginagamit ito upang linisin ang kalat sa bakuran tulad ng tuyong dahon at iba pang
uri ng basura.
a. asarol b. kalaykay c. pala d. regadera
29. Ginagamit ito sa pagbubungkal ng lupa.
a. asarol b. kalaykay c. regadera d. pala
30. Ginagamit naman ito sa pagdidilig ng halaman.
a. asarol b. dulos c. kalaykay d. regadera

31. Ang bunga ng talong ay pinapaabot ng paggulang sa puno. Ano ang dapat gawin sa magulang na
hindi kailangan?
a. Itapon na lang
b. Ipamigay kahit kanino
c. Anihin at itago ang mga buto sa malinis na sisidlan
d. Ipagbili sa magsasaka

32. Alin sa sumusunod ang dapat na unang isinasaalang-alang sa pagsasagawa ng pagtatanim ng mga
Halamang ornamental?
a. Mga halamang ornamental c. lugar na pagtatamnan
b. Mga kasangkapang gagamitin d. lahat ng mga ito.

33. Bakit kailangan ang masusing paghahanda sa itatanim?


a. Upang mabilis lumaki ang mga halaman
b. Upang maisakatuparan nag proyekto ng wasto
c. Upang mapadali ang pagsugpo ng mga sakit nito
d. Upang maibenta kaagad ang mga produkto

34. Ano-ano ang dapat pagsama-samahin sa pagsasaayos ng mga halamang ornamental?


a. Magkakasing kulay na halaman c. Magkakasinlaking halaman
b. Magkakauring halaman d. Lahat ng mga ito
35. Saan maaaring magsimula ang itatanim na halamang ornamental?
a. Paso at lupa c. buto at sangang pantanim
b. Bunga at dahon d. wala sa mga ito

36. Ano-anong mga alangang hayop sa tahanan ang maaaring paramihin?


a. Aso b. kalabaw c. bayawak d. Palaka

37. Ano ang kahalagahan ng paggawa ng plano sa pagpaparami ng mga alagang hayo sa tahanan?
a. Matitiyak ang paraan ng pagpaparami ng alagang hayop.
b. Maibebenta agad ang alagang hayop.
c. Makakakain ng marami ang alagang hayop.
d. Mapaglalaruan ng mga bata.

38. Alin ang dapat tandaan sa paggawa ng plano ng pagpaparami ng hayop upang kumita?
a. Uri ng produkto na maaaring ibigay ng alagang hayop
b. Kulay ng alagang hayop
c. Kalagayan ng pamumuhay
d. Uri ng hayop na aalagaan

39. Ano ang maaaring idulot ng paggawa ng plano bago simulan ang pagpaparami ng alagang hayop?
a. Upang matiyak na kikita ang napakaraming alagang hayop
b. Upang makapagbigay ng maraming uri ng hayop
c. Malalaman ang kasanayan ng nag-aalaga ng hayop
d. Maibibigay ang kagustuhan ng nag-aalaga

40. Alin ang sumusunod ang batayan sa pagpili ng pararamihing alagang hayop?
a. Mabilis lumaki at madaling dumami
b. Nakapabibigay ng matibay na kulungan
c. Madaling kapitan ng sakit
d. Nangangak ng isang beses lamang

You might also like