You are on page 1of 13

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat aytem.

Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa papel o


kuwaderno.

1. Alin dito ang nagpapakita ng pangangalaga sa


kalusugan ng ating katawan?
A. Pag-eehersisyo araw-araw

B. Pagkain ng kendi at mamahaling tsokolate

C. Pag-inom ng softdrinks dalawang beses sa isang


araw
D. Paghugas ng kamay at paa kung pagsasabihan ng
nanay

2. Paano mo maipapakita ang tamang pangangalaga sa


sarili? Ako ay .
A. Iinom ng gatas araw-araw

B. Matutulog nang madaling araw

C. Kakain palagi ng kendi at tsokolate

D. Mag-eehersisyo minsan sa isang lingo

3. Ano ang mangyayari sa kalusugan ni Lito kung


palagi siyang naglalaro sa cellphone?
A. Siya ay sisikat sa mga kaibigan.
B. Makakakuha siya ng maraming points.

C. Masisira ang kanyang mga mata.


D. Madali niyang matatapos ang pagsagot ng modyul.

4. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng


tamang pangangalaga sa sarili?
A. Matutulog sa tamang oras

B. Kakain nang sapat at tama

C. Mag-eehersisyo araw- araw

D. Iiwas sa pag-inom ng gatas

5. Nakita mong basang-basa ng pawis ang damit ng


iyong kapatid dahil naglinis siya sa bakuran. Gusto
na niyang maligo agad . Ano ang maipayo mo sa
kanya?
A. “Sasabayan kitang maligo at maglalaro tayo ng
habulan.”
B. “ Magpahinga ka muna pag tuyo na ang pawis at
saka ka maligo.”
C. “Hayaan mo ng mabasa ang iyong likod ng

pawis dahil mababasa ka rin pag naligo.”


D. “Maligo ka na. Kukuha ako ng sabon at

tuwalya para makapagpunas ka agad.”


6. Tayo ay nilikha upang ipahayag o ipakilala ang
kadakilaan ng Diyos sa pamamagitan ng paggawa
ng sa kapwa.
A.kabutihan B. kalokohan C. kamuhian D.
kasamaan

7. Pahahalagahan natin ang buhay dahil .


A. masayang mabuhay C. ito ay
ipinagkaloob ng Diyos
B. anak ka ng nanay mo D. kailangan tayo sa
mundong ibabaw

8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng


wastong pangangalaga sa kalusugan?
A. Paborito ni Arman ang softdrinks.

B. Si Lyka ay mahilig sa tosino at humba.

C. Si Glaiza ay laging kumakain ng pork barbecue.

D. Si Noel ay palaging kumakain ng gulay at prutas.

9. Paano mo maipakita ang pagmamahal sa Diyos?


A. Magsinungaling ka. C.Tutulong sa taong may
sakit.
B. Awayin ang batang lansangan. D. Hind igalang ang
mga magulang.

10. Bakit mahalaga ang malusog na pangangatawan?


Upang .
A. makaiwas sa sakit na dala ng Covid-19 virus.
B. maiinggit ang ibang bata sa akin
C. maging maganda o guwapo ako
D. may magka- crush sa akin

11. Ang buhay natin ay bigay ng Diyos. Paano natin ito


pahahalagahan?
A. Kakain ng mga prutas at gulay upang maging
malusog.
B. Maglalaro ng computer games hanggang
hatinggabi.
C. Iinom ng soft drinks tuwing kakain.
D. Bibili ako ng maraming chocolate.

12. Paano mo maiiwasan ang sakit dala ng COVID-19


virus?
A. Hindi magpabakuna dahil takot sa injection
B. Magsusuot ng face mask na nakalabas ang ilong.
C. Gagamit ng face mask pero walang social
distancing.
D. Gagamit ng face mask at palaging maghugas ng
kamay.
13. Alin sa mga pagkain ang nagbibigay ng bitamina at
mineral sa ating katawan?
A. gulay at prutas C. karne at bigas
B. chippy at coke D. burger at fries

14. Alin dito ang HINDI mabuti sa kalusugan kung


palaging kinakain?
A. Isda at guso C. kangkong at pechay
B. saging at papaya D. chorizo at longganisa
15. Ang anumang uri ng endangered na hayop ay dapat
.
A. batuhin B. ikulong C. patayin D.
protektahan
16. Alin ang nagpapakita ng pagkalinga sa mga
endangered na hayop?
A. pagbabato sa mga ibon C. hindi paggamit ng
pesticides
B. magtatapon ng basura sa ilog D. hindi
pagpapakain sa mga pusa
17. May naligaw na munting aso sa tapat ng iyong
bahay. Ano ang gagawin mo?
A. Babatuhin ko ang aso. C. Bibigyan ko ito ng
pagkain.
B. Sisipain ko ito nang malakas. D. Papaluin ko ang
aso ng walis.
18. Alin dito ang nagpapakita ng pagkalinga sa mga
likha ng Diyos?
A. Paggamit ng mga pesticides sa halaman.
B. Paggamit ni nanay ng bag na gawa sa balat ng
hayop.
C. Pagsunod sa mga batas na nagprotekta sa mga
hayop.
D. Pagtangkilik ng mga produkto na bumubuga ng
maraming carbon dioxide.
19. Bakit mahalagang bumili ng mga produktong
environment-friendly? Upang __________
A. hindi malason ang mga hayop C. makatipid sa
gastusin
B. may maitabing pambili ng celpon D. makamura sa
mga pinamili

20. May namamaril ng ibon sa inyong lugar. Ano ang


gagawin mo?
A. Irereport ko ito sa barangay. C. Manonood ako sa
pamamaril.
B. Sasama ako sa namamaril . D. Paglalaruan ko
ang nahuling ibon
21. Ang mga sumusunod ay mga endangered na hayop
maliban sa isa.
A. baka B. buwaya C. agila D. tarsier

22. Alin ang ahensiya ng pamahalaan na tumutulong sa


pagprotekta ng mga hayop?
A. BFAD B. PAWB C. PROBE D. DEPED
23. Ang mga sumusunod ay mga hayop na kinakain
MALIBAN sa isa.
A. agila B. baboy C. baka D. manok
24. Pinagbabato ng iyong mga kalaro ang isang aso.
Ano ang gagawin mo?
A. Sasali ako sa pagbabato.
B. Papaluin ko ang aso ng kahoy.
C. Pagagalitan ko ang mga kalaro.
D. Kukunin ko ang aso upang alagaan.
25. Bakit mahalagang sumunod sa mga batas
na nagprotekta sa mga hayop? Upang .
A. makasunod sa uso
B. makatawag pansin sa mga tao

C. may maipost ka sa social media

D. maipakita ang pagmamahal sa Diyos

26. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa mga


ligaw at endangered na hayop?
A. Gagawa ako ng poster sa kahalagahan nila.

B. Bibili ako ng bag na gawa sa balat ng buwaya.


C. Titiradurin ko ang mga ibon na makikita sa puno.
D. Babatuhin ko ang mga hayop na makapasok sa
bakuran.

27. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng


pagprotekta sa mga ligaw at endangered na mga
hayop maliban sa isa.
A. Pagrecycle ng mga plastic products.
B. Paggamit ng mga environment-friendly products.
C. Paghuli ng mga endangered na mga hayop upang
ipagbili.
D. Paggawa ng album tungkol sa kahalagahan ng
mga hayop.

28. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng


disiplina sa pangangalaga sa mga gamit sa loob
ng silid-aralan kahit walang nakakakita?
A. Sinisira mo ang walis tingting.
B. Hinahagis mo ang mga mesa kahit saan.
C. Pinaglalaruan mo ang pisara sa kabilang silid-
aralan.
D. Inilagay mo sa tamang lagayan ang mga
kagamitan sa silid-aralan.

29. Ano ang maaring maidudulot ng tamang pag-aalaga


ng mga gamit sa paaralan?
A. Madali itong anayin.
B. Matagal itong masira.
C. Alikabukin kaagad ang mga ito.
D. Maraming sapot ang didikit nito.

30. Nakita mong nasira ang mesa sa inyong bahay. Ano


ang maari mong gawin?
A. Wala akong pakialam sa nasirang mesa.
B. Tutulungan ko sa pagkukumpuni si tatay.
C. Pababayaan ko ang mesa at maglaro sa labas ng
bahay.
D. Pagmamasdan ko si tatay habang nagkukumpuni sa
nasirang mesa.

31. Pinagpupunit ng nakababatang kapatid ang


iyong papel. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
A. “Huwag mong aksayahin ang papel upang may
magamit pa tayo.”
B. “Pinaglalaruan mo na naman ang gamit ko.”

C. “Isusumbong kita sa teacher ko.”

D. “Pakialamera ka talaga!”

32. Nabasag ng kaibigan mo ang iyong gitara. Ano ang


maari mong gawin?
A. Papagalitan ko siya.

B. Itatapon ko na lang ito.

C. Susunugin ko ang gitara.

D. Ipakukumpuni ko sa pagawaan.
33. Naririnig mo sa iyong guro na masyado nang
manipis ang ozone layer ng mundo na naging
dahilan sa pagkakasira nang mga puno, na siyang
pinagkukunan natin ng mga materyal na
kagamitan. Ano ang maari mong gawin bilang
isang mag- aaral?
A. Magtatanim ako ng mga puno para makatulong sa
kalikasan.
B. Wala akong pakialam sa ozone layer kahit na minipis
na ito.
C. Maglalaro ako kasama ang mga kaibigan.

D. Ipagpawalang bahala ang aking narinig.

34. Nakita mong sinusulatan ng iyong kaibigan


ang mga upuan sa parke. Ano ang gagawin mo sa
kanya?
A. Tutulungan ko siya sa pagsusulat.
B. Isusumbong ko sa mga nakatatanda.
C. Hindi ako makialam dahil buhay niya ‘yon.
D. Mahinahon kong sasabihan sa kanya na itigil ang
pagsusulat.

35. Ang pagtatanim ng punongkahoy ay isa sa mga


paraan upang makatulong sa ating inang bayan na
maparami ang mga mateíyal na kagamitang likas o
gawa ng tao. Paano mo ito matugunan?
A. Tutulong ako sa pagtatanim ng punongkahoy.
B. Hindi ako sisipot kung may pagtitipon sa
pagtatanim.
C. Pababayaan ko na mamatay ang mga punongkahoy.
D. Ipagpawalang bahala ko ang mga programa tungkol
sa pagtatanim.

36. Pinagsabihan kayo ng nanay ninyo na dapat ay


maingat kayo sa mga bagay sa loob ng bahay upang di
madaling masira ang mga ito. Ano ang gagawin mo sa
sinabi ng nanay?
A. Hindi ako makikinig kay nanay.
B. Sasabihin ko na wala akong paki-alam.
C. Magdadabog ako habang sinusunod si nanay.
D. Susundin ko si nanay nang may bukal sa puso.

37. Nakita mong hinahagis ng kaklase mo ang


eraser sa inyong silid-aralan. Ano ang gagawin
mo?
A. Sasabihin ko na dapat ay pahalagahan ang mga
gamit sa silid-aralan.
B. Ipagpawalang bahala ko ang pangyayari.

C. Hindi ako makikialam para walang gulo.

D. Pagtatawanan ko ang pangyayari.


38. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang
nagpapakita ng pag-iingat sa mga gamit sa loob
ng bahay?
A. Palaging pinupunasan ang mga gamit sa bahay para
hindi madaling masira.
B. Inuuna ang paglalaro kaysa sa paglilinis sa mga
gamit sa bahay.
C. Hinahayaang nilalaro ng mga kapatid ang mga
upuan sa mesa.
D. Ipinagpaliban ang paghuhugas ng pinagkainan sa
bahay.

39. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng


pangangalaga sa gamit ng bahay
maliban sa isa?
A. Itinago ko sa kahong matibay ang mga kagamitan
na hindi ko na ginagamit.
B. Iniiwan ko sa mesa ang mga baso, pinggan,
kutsara at tinidor na ginamit ko sa pagkain.
C. Tumutulong ako sa paglilinis ng mga gamit o
kagamitan sa display cabinet
para magandang tingnan.
D. Ginagamit ko nang may wastong pag-iingat
ang mga gamit o kagamitan sa aming bahay
upang hindi masira.
40. Ginawang takip sa ulo ng iyong
nakatatandang kapatid ang libro dahil malakas
ang ulan. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
A. “Kuya, masaya akong nakikita na tinakip mo sa
ulo ang libro.”
B. “Kuya, ingatan mo ang libro. Masisira iyan kapag
nabasa.”
C. “Sige kuya kunin ko ang aking libro at susundin
kita.”
D. “Kuya, nakakatuwa ang ginawa mo.”

You might also like