You are on page 1of 6

IKALAWANG MARKAHANG PASULIT

EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN – IV


AGRIKULTURA
Taong Panuruan 2019-2020

Pangalan :______________________________________Baitang/Seksiyon __________________Iskor _______

Panuto : Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin at bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Si Marga ay nagpaplanong magtanim ng halamang ornamental. Anong paghahanda ang dapat niyang
gawin?
A. Bumili ng mga mamahaling halaman B. Iangkop ang pagtatanim sa panahon
C. Magtanim kahit anong oras at panahon D. Pumili ng mabuhanging lupa

2. Ang mga sumusunod ay mabuting epekto sa pagtatanim ng mga halamang ornamental sa ating
kapaligiran MALIBAN sa isa.
A. Nagbibigay lilim sa kapaligiran B. Nagiging sanhi ng polusyon sa kapaligiran
C. Napagkakakitaan at nagpapaganda ng kapaligiran D. Pinipigilan nito ang pagguho ng lupa

3. Si Aling Belen ay nagtanim ng halamang ornamental sa gilid ng kanyang bakuran. Ipaliwanag kong bakit
ornamental ang kanyang itinanim? Ang halamang ornamental ay ________________
A. Nagbibigay lilim at nakakatawag pansin sa mga dumadaan. B. Namumunga at napagkakakitaan
C. Mabuting gawing panggatong D. Mapagkukunan ng matibay na uri ng kahoy.

4. Isa sa paghahandang ginagawa ng naghahalaman ay ang pagsasaliksik at pagkuha ng impormasyon.


Anong kagamitang mekanikal ang ginagamit sa buong mundo upang madaling maipadala ang ano
mang impormasyon sa pamamagitan ng computer?
A. Facebook B. Journal C. Internet D. Google

5. Gumamit si Celine ng Teknolohiya/Internet sa pagsaliksik ng iba’t-ibang paraan ng


pagpapatubo/pagtatanim ng halamang ornamental. Alin sa mga ito ang kanyang natuklasan?
A. Ang Adelfa ay tumutubo sa pamamagitan ng pagtanim ng buto at risoma
B. Ang Cosmos ay tumutubo gamit ang sanga at dahon
C. Ang Espada ay tumutubo sa pamamagitan ng pagtanim ng buto at bunga
D. Ang Zinnia ay tumutubo sa pamamagitan ng pagtanim ng buto

6. Ang pagsu-survey ay isang mahalagang hakbang bago gawin ang pagtatanim ng halamang ornamental.
Ang mga sumusunod ay mga katanungan o survey question para sa gagawing pagsu-survey MALIBAN
sa isa.
A. Ano-anong pangangailangan ang dapat ihanda sa pagtatanim ng halamang ornamental?
B. Anu-ano bang halamang/punong ornamental ang gusto ng mamimili?
C. Ang mga napili bang halamang ornamental ay maaaring itanim ng tag-ulan o tag-araw?
D. Ang mga napili bang halaman ornamental ay napagkukunan ng matitibay na uri ng kahoy?

7. Habang namamasyal si Katherine sa isang mall napansin niya ang mga magagandang halaman sa loob
at labas ng gusali at ito ay nagbibigay ng preskong hangin at lilim sa mga taong namamasyal doon.
Anong uri ng halaman kaya ang mga ito?
A. Halamang gamot B. Halamang mabunga C. Halamang gubat D. Halamang ornamental

8. Ang magkaibigang sina Sam at Matt ay nagtatanim ng halamang/punong ornamental na hinaluan ng


pagtatanim ng halamang gulay sa magkaparehong lugar. Anong paraan ng pagtatanim ang kanilang
ginamit?
A. Fruit cropping B. Intercropping
C. Internal cropping D. Root Cropping
9. Si Walter ay nagtatanim ng halamang ornamental gamit ang tuwirang pagpapatubo. Alin dito ang
HINDI KASALI sa kanyang ginagawa?
A. Ihanda ang kahong punlaan B. Ihanda ang lupang taniman at diligan
C. Lagyan ng patpat at itali bilang gabay D. Maghulog ng 2-3 butong pantanim

10. Sinubukan ng dalawang magkaibigan na sina Sahaya at Lindsay ang magtanim ng halamang
ornamental. Si Sahaya ay gumawa muna ng disenyo at outline gamit ang teknolohiya bilang
paghahanda. Samantalang, si Lindsay ay nagtanim na kaagad ng walang paghahanda. Hulaan ang
magiging resulta ng kanilang halamanan.
A. Maging maayos ang halamanan ni Lindsay kaysa kay Sahaya
B. Maging maayos ang halamanan ni Sahaya kaysa kay Lindsay
C. Parehong maayos ang kanilang halamanan
D. Parehong magulo ang kanilang halamanan

11. Ang mga mag-aaral sa ika-apat na baitang ay inatasan ng kanilang guro na gumawa ng outline sa
disenyo ng halamang namumulaklak, gumagapang, palumpon at matataas na punong ornamental.
Saang posisyon dapat ilalagay ang mga matataas na punong ornamental?

Harapan ng bakuran (1)

halamang halamang halamang


namumulaklak (2) namumulaklak (3) palumpon
halamang halamang halamang
gumagapang gumagapang palumpon

Likod ng bakuran (4)

A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

12. Ang iyong kaibigan ay nagpapatulong sayo kung anong halamang ornamental ang maaaring itanim sa
mainit/maaraw nilang kapaligiran. Ano ang maipapayo mo sa kanya?
A. Magtanim ng Adelfa at Gumamela B. Magtanim ng Orkidyas at Santan
C. Magtanim ng Fortune at Abaka D. Magtanim ng Water Lily at Petsay

13. Ang lupang pagtataniman ni Mang Teddy ng halamang ornamental ay malagkit-lagkit at mamasa-masa.
Kung ikaw si Mang Teddy ano ang gagawin mo sa lupa upang maging maluwag at mataba ito?
A. Haluan ito ng buhangin B. Haluan ito ng decompost
C. Haluan ito ng compost D. Haluan ito ng liquid fertilizer

14. Ayusin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga gawain sa paghahanda ng isang lupang
pagtataniman.
1. Lagyan ng organikong pataba gaya ng kompos o humus
2. Tanggalin ang mga bato at matitigas na ugat
3. Bungkalin ang lupa gamit ang asarol at piko
4. Patagin gamit ang kalaykay at taniman ng halaman
A. 3-1-2-4 B. 3-2-1-4 C. 3-2-4-1 D. 3-1-4-2

15. Isa sa mga halamang itatanim ng mga mag-aaral ni Gng. Dimamay ay namumulaklak na ornamental.
Saang parte kaya ng halamanan nila ilalagay ang nasabing halamang ornamental?
A. Ilalagay sa lugar na hindi naaarawan B. Ilalagay sa lugar na may maraming damo.
C. Ilalagay sa lugar na hindi nakikita ng tao D. Ilalagay sa lugar na naaarawan at natatanaw

16. Nagpaparami si Enrique ng halamang puno. Pinagsama niya ang sanga ng isang puno at sanga ng isa
pang puno na nakalagay sa paso. Ano ang tawag sa paraan ng kanyang pagpapatubo?
A. Budding B. Inarching C. Grafting D.Marcotting
17. Ang magkaibigan na sina Tito, Joey, Mark at Vic ay nagkasundong sabay na magtanim ng halamang
puno. Sina Joey at Tito ay nagtanim ng buto diretso sa lupa samantalang sina Mark at Vic ay pinauugat
ang pinutol na sanga saka itinanim sa lupa. Sino sa mga magkakaibigan ang gumagamit ng natural na
paraan ng pagpapatubo ng halaman?
A. Joey at Vic B. Joey at Mark C. Mark at Vic D. Tito at Joey

18. Si Mang Florence ay papunta sa kanyang halamanan dala-dala ang mga sumusunod na kagamitan,
ASAROL, KALAYKAY, DULOS, DISTURNILYADOR AT REGADERA. Hulaan kong alin sa mga kagamitang
dala ang hindi magagamit sa paghahalaman.
A. Asarol B. Kalaykay C. Disturnilyador D. Dulos

19. Ang mga halamang ornamental ni Aling Belen ay hindi gaanong mataba kaya naisipan niyang maglagay
ng abono. Naghukay siya ng pabilog sa paligid ng tanim na may layong kalahati hanggang isang pulgada
mula sa puno o tangkay at saka inilagay ang pataba sa lugar na hinukay.
Anong paraan ng paglalagay ng abono ang ginamit ni Aling Belen?
A. Basal Application Method B. Broadcasting Method
C. Foliar Application Method D. Ring Method

20. Inutusan ni Gng. Sandoval ang kanyang mga mag-aaral sa EPP-5 na pumunta sa halamanan upang
bungkalin ang lupa para magiging buhaghag. Kung isa ka sa mga mag-aaral ng klase, anong kagamitan
ang iyong dadalhin sa halamanan?
A. Asarol B. Kalaykay C. Regadera D. Tulos

21. Si Barley ay anak ng isang maghahalaman na si Mang Nardo. Isang araw inutusan siya ng kanyang ama
na anihin at ibenta ang mga naani sa kalapit na palengke. Ano ang kanyang batayan sa pagbibigay
presyo o halaga?
A. Ibinabatay niya sa kulay, laki at amoy ng halaman
B. Ibinabatay niya sa laki, uri at haba ng pag-aalaga
C. Ibinabatay niya sa laki, bigat at hugis ng halaman
D. Ibinabatay niya sa laki, tamis at anyo ng halaman

22. Ang batang si Kim ay naghahanda ng payak na plano sa pagbebenta ng kanyang halamang ornamental.
Saang bahagi ng kanyang plano makikita ang “PAGBEBENTA NG HALAMANG ORNAMENTAL”?
A. I. Mga Layunin B. II. Titulo/Pangalan ng Gawain C. III. Pamamaraan D. IV Resulta

23. Importante sa pagbebenta ng ornamental na halaman ay ang diskarte sa pag-akit ng mamimili. Kung
ikaw ang nagbebenta paano ka mang-akit ng mamimili?
A. Bigyan ng libre ang mga mamimili B. Maging tahimik lang sa sulok ng tindahan
C. Sasayaw sa harap ng mga mamimili D. Salubungin ng maayos ang mga mamimili

24. Tingnang mabuti ang tsart sa ibaba. Pag-aralan ang mga datos na nakasulat. Anong pamagat ang
nararapat ilagay dito?

Paninda Puhunan Ginastos


1. Santan P 500.00 P 20.00
2. Rosas P 850.00 P 100.00
3. Palmera P 1,500.00 P 400.00
A. Talaan ng mga Paninda B. Talaan ng Puhunan at Ginastos
C. Talaan ng Puhunan D. Talaan ng Paninda at Kita

25. Ang mga sumusunod na pahayag ay mga palatandaan kung ang mga halamang namumulaklak o di-
namumulaklak ay maari nang anihin, MALIBAN sa isa.
A. Kadalasan ito ay matataas B. Malapit ng bumukadkad ang bulaklak
C. Malalago at magaganda ang dahon D. May malalambot at dilaw na dahon
26. Pagbebenta ng halamang ornamental ang ikinabubuhay ng pamilyang Dela Cruz. Ito ang pinagkukunan
nila ng pang-gastos sa araw-araw at pagpapa-aral sa kanilang mga anak. Ano kaya ang sekreto ng
pamilya sa kanilang matagumpay na negosyo?
I. Araw-araw na bagsak presyo IV. May makasining na pag-aayos ng paninda
II. Konting ilaw sa tindahan para makatipid V. May maayos na marka ang mga paninda
III. Madaling basahin ang mga presyo ng paninda VI. Maayos na pagkwenta ng Paninda
A. I-II-II-IV B. III-IV-V-VI C. II-III-IV-V D. I-III-V-VI

27. Tuwing hapon iniimbentaryo ni Liza ang kanyang paninda upang malaman kung siya ay kumita o nalugi.
Saan ibabawas ang pinagkagastusan at puhunan upang malaman kung magkano ang kinita o lugi?
A. Halaga ng bawat piraso B Halaga ng pinagbilhan C. Halaga ng puhunan D. Kita o tubo

28. Tuwing buwan ng Setyembre ay nagtitinda si Mercy ng Halamang Ornamental sa “MUGNA FAIR”. Ang
kanyang puhunan ay Php. 8,500.00, nang maubos ang kanyang paninda kumita siya ng Php. 13,985.00.
Magkano ang halaga ng kanyang tubo?
A. Php. 2,485.00 B. Php. 3,485.00 C. Php. 4,585.00 D. Php. 5,485.00

29. Isa sa mga hakbang sa mga gawaing pagpaplano ng halamang ornamental ay ang paggawa ng Talaan ng
Pagtatanim at Pag-aani. Kung ikaw ay nagtanim ng Gumamela nang Disyembre. Anong buwan maaari
na itong anihin?
A. Enero B. Pebrero C. Marso D. Abril

30. Ang pamilyang Lubguban ay may limang (5) alagang aso sa kanilang tahanan. Bukod sa nakapagdudulot
ito ng ligaya sa kanila. Ano pang benepisyo ang makukuha nila sa mga alaga?
A. Dagdag gastos sa mag-anak B. Nakatatanggal ng stress
C. Nagbibigay ng alalahanin D. Nakatutulong sa mga gawaing bahay

31. Gustong mag-alaga ni Pepe at Pilar ng mga hayop na mapagkukunan ng masustansiyang karne. Anong
hayop ang mainam nilang alagaan?
A. Aso, pusa at kuneho B. Ahas, baka at ibon
C. Isda, aso at gecko D. Kambing, kuneho at pabo

32. Tingnan ang larawan ng mga hayop na nasa loob ng kahon. Alin sa mga ito ang HINDI mainam alagaan
sa tahanan?

pusa buwaya isda

manok ahas kuneho

A. Ahas at buwaya B. Isda at kuneho C. Kuneho at manok D. Manok at pusa

33. Ang iyong kaibigan na si Carlos ay nagpapatulong sa pagpili ng hayop na mainam alagaan sa bahay.
Bilang kaibigan anong hayop ang iyong irerekomenda sa kanya?
A. Aso, ibon, at tarantula B. Aso, pusa at ahas
C. Gagamba, tigre at ibon D. Goldfish, kalapati at manok

34. Ang dalagitang si Marian ay bumili ng aalagaang aso sa isang pet shop. Bilang tagapag-alaga ano ang tungkulin
niya sa hayop?
A. Bigyan ng tahanan at pakainin nang tama ang aso B. Gawan ng pugad ang aso
C. Paliguan ito sampung beses sa isang araw D. Ipagbili para makabawi sa gastos
35. Si Alden ay may alagang isang malusog na aso. Pinagawan niya ito ng isang matibay, maayos at naka-angat na
tahanan sa bakante at walang lilim na bahagi na lote sa likod ng kanilang bahay. Alaga din niya ito sa pagkain.
Ngunit isang hapon nagulat na lamang si Alden dahil ang kanyang alagang aso ay naninigas at wala ng buhay.
Ano kaya ang sanhi ng pagkamatay ng aso?
A. Namatay sa sobrang gutom B. Namatay sa sobrang lamig ang aso
C. Namatay sa sobrang lungkot D. Namatay sa sobrang init ng araw

36. Si Maine ay niregaluhan ng kanyang mommy ng maliit na aso noong kanyang kaarawan. Isang araw napansin
niyang matamlay ang kanyang alaga, nang hawakan niya ito nagulat siya sa sobrang init ng katawan ng aso.
Nataranta silang lahat at dinala nila ito sa City Hospital para ipagamot. Alin ang HINDI tama sa kanilang ginawa?
A. Ang pagreregalo ng aso sa kaarawan B. Ang paghawak sa matamlay na alaga
C. Ang pagdala ng aso sa City Hospital D. Ang pagpapagamot sa alagang maysakit

37. May mga tao na mahilig mag-alaga ng isda sa aquarium, bukod sa nakakaaliw ito din ay napagkakakitaan. Ayon
sa mga bihasa anong uri ng isda ang pinakamadaling alagaan?
A. Arwana B. Fighting Fish C. Flower Horn D. Goldfish

38. Ang mga magsasaka ay nabubuhay sa pagtatanim at pag-aalaga ng ibat-ibang uri ng hayop. Ilan sa mga alaga nila
ay BAKA, KAMBING AT KALABAW. Anu-anong benepisyo ang makukuha sa mga nabanggit na hayop?
A. Gatas, karne at kita B. Itlog, karne at keso
C. Itlog, karne at balahibo D. Karne, kita at makapal na balat

39. Ang binatilyong si Matthew ay nadakip dahil sa salang pagmamalupit sa mga hayop. Base sa Republic Act No.
10632 – An Act Amending certain Section of Republic Act No. 8485. Magkano ang multang ibabayad ni
Matthew?
A. Php. 1,000.00 -5,000.00 B. Php. 50,000.00 -100,000.00
C. Php. 10,000.00 -50,000.00 D. Php. 100,000.00 -500,000.00

40. Namatay ang alagang aso ni Dingdong sanhi ng pagkakasakit. Kung ikaw si Dingdong ano ang gagawin mo sa
patay na katawan ng aso?
A. Ibaon sa lupa na may mababaw na hukay
B. Ibaon sa lupa na may malalim na hukay
C. Ibibigay sa kapitbahay para ipaluto ang karne
D. Ibebenta sa mga lasinggero

GOOD LUCK!!!

You might also like