You are on page 1of 13

Pagtatanim ng Halaman

By: Juliet B. Cabinto


Nais mo bang malaman
Ang pagtatanim ng mga halaman
Mga paraan ay dapat matutunan
Upang matagumpay ang iyong
sinimulan
Sa paghahanda ng taniman, iyong tatandaan
Ang uri ng lupa na pagtatamnan
Bungkalin, patagin at maaaring haluan
Ng mga organikong bagay na kailangan
Sa paghahanda ng itatanim na mga halaman
Pasibulin muna ang buto maging sanga man
Wastong pag-aalaga ang kailangan
Upang matiyak ang pagtubo ng mga
halaman.
1. Ano ang nais
ipabatid ng tula?
2. Sa paghahanda ng lupang
pagtataniman, anu- ano ang
mga nabanggit
na dapat gawin?
3. Maliban sa pagpapasibol ng
sanga, ano pa ang isang paraan
ng pagpapasibol ng halaman?
Gawain 1
Kumpletuhin ang mga sumusunod na hakbang sa paghahanda ng
lupang pagtataniman. Piliin ang sagot sa kahon.

1.Alamin ang anyo at uri ng lupang taniman at ____________________ ito.


2._______________at patagin ang lupa gamit ang asarol at kalaykay.
3. Sa paghahanda ng taniman , kailangan ang __________________upang
makaiwas sa anumang sakuna.
4. Ang _______________ay mahalaga upang magkaroon ng ideya sa
gagawing taniman.
5. Maaari itong i-landscape ayon sa gusto mong _____________________.
Panuto: Bilugan ang titik ng napiling sagot. Isulat ang sagot sa iyong papel.

1. Ito ay isang paraan upang magkaroon ng ideya sa ating paghahanda ng


taniman.
A. Pagsusurvey
B. Pagbabasa ng ads
C. Pakikinig sa radio
D. Wala sa nabanggit

2. Sa paghahanda ng taniman,ano ang dapat unang alamin?

E. anyo at uri ng lupa


F. lawak ng taniman
G. dami ng itatanim
3. Sa pagbubungkal ng lupa, anu-ano ang tinatanggal na nakasasagabal
sa lupa?

A. Halaman
B .ugat at matitigas na bagay
C .lupa
D. bulate

4. Ang ___________________ay dapat tandaan sa lahat ng ating


ginagawa upang makaiwas sa sakuna.

A. pagsasalita
B. pag-iingat
C. pagpaplano
5. Ano ang tawag sa pagpaplano ng gagawing lugar ng pagtataniman ng
halaman upang hindi masayang ang oras, pera at pagod?

A. pag-eensayo
B. paglay-out.
C. pagkukumpuni.
D. Pag-interbyu

6. Ito ay halimbawa ng halamang nabubuhay sa tubig.


A. Photos
B. Water Lily
C. San Francisco
D. Gumamela
7. Saan nararapat ilagay ang mga mayayabong at malalaking halaman?

A. sa likod ng bahay.
B. sa babasaging bote
C. sa harapan ng maliliit na halaman.
D. sa likod ng maliliit na halaman

8. Ano ang gagawin sa magkakauri at magkakakulay na halaman?

A.ilagay sa lilim na lugar para hindi masira ang bulaklak


B .Ilagay sa iisang pwesto para mas magandang tingnan
C. ihalo sa ibang halaman
9. Pagkatapos bungkalin ang lupa, ano ang susunod na hakbang?

A. Lagyan ng abono
B. Patagin at alisin ang matitigas na bagay sa lupa
C. Diligan ito
D. Tamnan agad ito

10.Ito ay ginagawa upang gumanda ang ating bakuran at kaaya-aya


itong tingnan .

A. landscape gardening
B .pagpapatayo ng fish pond
C. paggawa ng kubo

You might also like