You are on page 1of 17

Ang Halamang

Ornamental
•Ano ang mga halaman na nasa itaas?
•Ito ay halimbawa ng mga halamang ornamental. Ang halamang
ornamental ay ang mga halaman na pinatutubo at ginagamit
bilang palamuti o pampapaganda ng lugar. Dahil sa taglay na
ganda ng mga bulaklak at dahon ng mga halamang ornamental,
ito ay kalimitang itinatamin at pinalalago sa mga hardin o kaya
naman sa mga tanawin (landscapes) upang magbigay ng dagdag
ganda sa isang lugar o tanawin.
Mga Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental

Maraming kapakinabangang naidudulot sa mga mag-anak at


pamayanan ang pagtatanim ng halamang ornamental. Isa na rito ang
pagpapaganda ng mga bakuran dahil sa mga bulaklak at dahon nito na
nagtataglay ng magagandang kulay. Nililinis ng mga puno ang
maruruming hangin na nagiging sanhi ng polusyon at ginagawa nitong
sariwa ang hangin sa kapaligiran. Higit sa lahat kung ito ay magiging
isang gawaing pangkabuhayan, makatutustos ito sa mga pang araw araw
na gastusin ng pamilya.
Gawain 1. Suriin ang mga pangungusap. Piliin ang Tama kung ang
pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at Mali kung hindi
katotohanan.

• _______1.Ang pagtatanim ng mga halamang


ornamental ay nakatutulong sa pagbibigay ng malinis na
hangin.
• _______2. Ang mga halamang ornamental ay walang
naidudulot na mabuti sa pamilya at ibang tao sa
pamayanan.
• _______3. Maaaring ipagbili ang mga itatanim na
halamang ornamental.
• _______4. Nakapagbibigay kasiyahan sa pamilya at
pamayanan ang pagtatanim ng mga halamang
ornamental.
• _______5.Nakasisira ng kapaligiran ang halamang
ornamental
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

• 6. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang


pagtatanim ng halamang ornamental sa pamilya at
pamayanan?
• A. Nagsisilbi itong palamuti sa tahanan at pamayanan
• B. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya
• C. Lahat ng mga sagot sa itaas
• 6. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang
pagtatanim ng halamang ornamental sa pamilya at
pamayanan?
• A. Nagsisilbi itong palamuti sa tahanan at pamayanan
• B. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya
• C. Lahat ng mga sagot sa itaas
• D. Nagpapaunlad ng pamayanan.
• 7. Ang sumusunod ay mga kapakinabangan sa pagtatanim
ng mga hala-mang ornamental maliban sa isa?
• A. Nagbabawas ito ng maruming hangin sa kapaligiran
• B. Nagbibigay ito ng kabuhayan sa pamilya.
• C. Nagiging libangan ito na makabuluhan.
• D. Nagpapababa ito ng presyo ng mga bilihin sa palengke.
• 8. Paano makatutulong sa pagsugpo ng polusyon ang
pagtatanim ng mga halamang ornamental?
• A. Naiiwas nito na malanghap ng mga tao sa pamayanan at
ng ating pamilya ang maruming hangin sa kapaligiran.
• B. Lahat ay tamang sagot
• C. Nalilinis nito ang maruming hangin sa kapaligiran.
• D. Naiiwasan nito ang pagguho ng lupa at pagbaha.
• 9. Ang mga halaman sa ibaba ay ginagamit bilang
palamuti sa loob ng ating tahanan, maliban sa isa?
• A. Fortune Plant
• B. Rosas
• C. Narra
• D. Sampaguita
• 10. Ang mga halamang ornamental ay nakatutulong
hindi lamang sa atin kundi sa ating kapaligiran. Alin sa
mga ito ang mabuting naidudulot ng halamang
ornamental?
• A. napipigilan nito ang pagguho ng lupa.
• B. nakadadagdag ng polusyon ang halamang ornamental
• C. Nakasisira ito ng lupa
• D. Nakatutulong ito sa paglala ng baha.
Gawain: Gumuhit ng isang ornamental garden. Gawin itong buhay sa
pamamagitan ng paggamit ng iba’t-ibang kulay.

You might also like