You are on page 1of 3

REVIEW TEST SA HOME ECONOMICS

I. Isulat kung TAMA o MALI.


_______1. Manahi sa gabi o sa madilim na lugar.
_______2. Gumamit ng sinulid na kakulay o pareho ang kulay sa telang tatahiin.
_______3. Ibinubuhol ang sinulid bago at matapos magtahi.
_______4. I dry-clean ang gown bago itago sa aparador
_______5. Matulog gamit ang damit maghapon.
_______6. Inihihiwalay ang damit pansiba, pangbahay at pang alis sa pagtupi at paglagay sa
aparador.
_______7. May iba’t ibang kasuotang nararapat sa iba’t ibang okasyon.
_______8. Nararapat na magpalit ng damit bago matulog.

II. Piliin ang tinutukoy na angkop na kagamitan sa paglilinis ng tahanan.

a. dustpan b. bunot c. walis d. vacuum e. floor f. basahan g. walis


tambo polisher tingting
9. Isang klase ng walis na ginagamit sa magaspang na sahig o sa bakuran.
10. Isang elektronikong panglinis na tulad ng mop.
11. Ito ang tumutulong sa paglilipat ng kalat mula sa sahig papuntang basurahan.
12. Ginagamit ng may pwersa mula sa binti upang kumintab ang sahig.
13. Ipinamumunas ito sa mga kagamitan o displays upang matanggal ang mga alikabok.
14. Isang klase ng walis na ginagamit sa tiles o madulas at patag na sahig.
15. Hinihigop nito ang mga alikabok o maliliit na dumi.

III. Piliin ang tamang sagot.


Isaayos ang tamang pagkakasunod sunod sa paghuhugas ng pinagkainan, isulat ang bilang 1-5.
________16. sandok at siyansi
________17. mga baso o glassware
________18. mga kubyertos o silverware
________19. palayok, kaldero, kawali, at iba pa
________20. mga plato, platito, tasa, at mangkok o chinaware

KEY ANSWER:

1. MALI 11. a
2. TAMA 12. b
3. TAMA 13. f
4. TAMA 14. c
5. MALI 15. d
6. TAMA 16. 4
7. TAMA 17. 1
8. TAMA 18. 2
9. g 19. 5
10. e 20. 3
REVIEW SA AGRIKULTURA IV
Piliin ang pinakatamang sagot mula sa mga pagpipilian.
1. Alin sa mga sumusunod ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental?
A. Nagdudulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
B. Nagbibigay lilim at sariwang hangin.
C. Nagdudulot ng polusyon.
D. Nakasisira ng paligid.

2. Alin sa mga sumusunod ang wastong paraan at pagtatanim sa tuwirang pagpapatubo?


A. Ihanda ang lupang taniman at diligan.
B. Lagyan ng patpat at tali na may buhol upang maging gabay.
C. Gumawa ng butas sa ilalim ng buhol ay maghulog ng 2-3 butong pantanim.
D. A,B,at C

3. Paano isinasagawa ang cutting?


A. Ang sanga ay pinuputol at itinatanim.
B. Ang sanga ay pinuputol, pinauugat at itinatanim.
C. Ang sanga ay pinuputol, binabalot at itinatanim.
D. Ang sanga ay pinuputol, binabalatan, binabalot at itinatanim.

4. Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagawa sa marcotting?


A. Pagtanggal ng balat. C. Paglalagay ng lupa at lumot.
B. Pagkaskas sa panlabas na hibla ng sanga. D. Pagpuputol sa sanga.

5. Ano ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng aso?


A. Nagbibigay ito ng itlog. C. Mainam na bantay sa bahay.
B. Nagbibigay ito ng karne. D. Magaling humuli ng daga.

6. Ano ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng pusa?


A. Nagbibigay ito ng itlog. C. Mainam na bantay sa bahay.
B. Nagbibigay ito ng karne. D. Magaling humuli ng daga.

7. Alin sa mga sumusunod na hayop ang maaaring alagaan sa bahay?


A. ibon B. elepante C. tigre D. leon

8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong paraan ng pag-aalaga ng hayop?


A. Panatilihing marumi ang kulungan ng hayop.
B. Hayaan ang hayop na gumala sa kalsada.
C. Bigyan ng sapat at malinis na tubig.
D. Huwag pakainin ang alagang hayop.

9. Ang _________________________ ay mga tanim na ginagamit na palamuti sa mga tahanan,


paaralan, hotel, restaurant, parke, at mga lansangan.
A. halamang ornamental B. halamang gulay C. halamang prutas D. halamang medicinal
10. Alin ang mga halimbawa ng halamang ornamental?
A. malunggay at sili B. mangga at bayabas C. zinnia at rose D. saging at talong

11. Ito ay ginagamit upang linisin ang kalat sa bakuran tulad ng tuyong dahon at
iba pang uri ng basura.
A. asarol B. kalaykay C. pala D. regadera

12. Ito ay mga halamang hindi nakakatayo sa sarili kaya't gumagapang sa lupa o
kumakapit sa mga bagay.
A. punongkahoy
B. aquatic
C. vine
D. shrubs

13. Ang pagtatanim ng mga puno at halaman sa paligid ay maiiwasan


ang_________.
A. pagsunog
B. paglilinis
C. polusyon
D. pagkukumpuni

14. Ito ay pagdidesenyo ng mga halaman at punong ornamental sa hardin.


A. landscape gardening
B. ornamental gardening
C. narseri
D. intercropping

15. Sino ang guro mo sa EPP 4?


A. Gerard Angelo T. Lozano
B. Gerald Angelo T. Lozano
C. Rard T. Lozano
D. Richard T. Lozano

Answer Key in Review Test in EPP IV Agrikultura


1. B 9. A
2. D 10. C
3. A 11. B
4. D 12. C
5. C 13. C
6. D 14. A
7. A 15. A
8. C

You might also like