You are on page 1of 4

Schools Division Office

Muntinlupa City
PUTATAN ELEMENTARY SCHOOL

LAGUMANG PAGSUSULIT
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN V
Summative # 2
Quarter 1
Pangalan:________________________________________ Grade and Section:____________

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang titik nang tamang sagot.

1. Bakit mahalagang sundin ang mga panuntunan pangkalusugan sa paggawa ng abonong organiko?

A. upang hindi magkasakit C. upang walang abala sa gagawin

B. upang tuloy- tuloy ang paggawa D. upang matapos agad ang gawain

2. Sa paggawa ng kahit anumanag gawain,napakahalagang pagtuunan mo ng pansin ang iyong ginagawa upang:

A. malibang sa ginagawa. C. maiwasan ang aksidente

B. mabilis ang paggawa D. marami ang magiging kaibigan

3. Ang paghuhugas ng kamay pagkatapos gumawa ay isang gawaing pangkalusugan. Kailangang gawin upang:

A. maiwasan ang anumang sakit C. maiwasang mabasa ang kamay

B. maiwasan mapasma ang kamay D. manatiling tuyo ang kamay

4. Bakit mahalagang nasa maayos na kondisyon ang kasangkapang gagamitin sa paggawa ng abonong organiko?

A. upang mabilis ang paggawa C. upang nasa kondisyon ang taong gagawa

B. upang marami ang magagawa D.upang maiwasan ang anumang sakuna o aksident

5. Ano ang gagamitin mo kung ikaw ay basa na ng pawis habang gumagawa?

A. guwantes B. medyas C. tuwalya D. sombrero

B. Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot.

6. Ano ang dapat gawin sa mga tanim na gulay?

A. Lagyan ng maraming kemikal na abono.

B. Hayaang lumaki ang mga gulay ng hindi binibisita.

C. Bigyan ng wastong pagdidilig at pagbubungkal sa lupa.

D. Patubuin ang maraming damo sa paligid ng mga tanim na gulay.

7. Ito ay dapat gawin upang makahinga ang mga ugat ng mga tanim na gulay.

A. diligin ng malinis na tubig

B. pausukan ng mga tuyong dahon


C. lagyan ng maraming pataba ang lupa

D. bungkalin ang mga lupang nakapaligid

8. Anong halaman ang kailangan ang mababaw na pagbubungkal ng lupa?

A. Sa mga halamang makapal ang ugat

B. Sa mga halamang manipis ang tangkay

C. Sa mga halamang pino ang ugat at malalago ang dahon

D. Sa mga halamang pino ang ugat at manipis na tangkay

9. Ito ang katangian ng halaman na nagpapatibay sa mga halaman laban sa malakas na hampas ng hangin.

A. maiikling ugat

B. mahahabang ugat

C. maninipis na ugat

D. makakapal na ugat

10. Bakit dapat gawing regular ang pagtanggal ng mga damong ligaw sa paligid ng halaman?

A. Dahil hindi maaarawan ang mga halamang gulay.

B. Dahil makikisalo at makikihati sa sustansya ng lupa at tubig.

C. Dahil dumadami ang mga kulisap na sisira sa mga halaman.

D. Dahil hindi nito maagaw ang pataba at tubig na ibinibigay para sa halaman.

11. Ito ang makaagham na paraan ng pagbubulaklak o pagpapabunga ng tanim.

A. Ang ugaliing kausapin ang mga halaman.

B. Ang lagyan ng malakas na tugtog ang mga halaman

C. Ang lagyan ng baging para di maarawan ang mga halaman

D. Ang lagyan ng maraming kemikal na abono ang mga halaman

12. Bakit kailangang ingatan ang pagdidilig ng mga halaman?

A. Para hindi umalsa ang lupa

B. Para madaling gumapang ang mga halamang dinidiligan.

C. Para hindi masira o mapinsala ang halamang dinidiligan

D. Para ang mga ugat ay malunod ng husto at kumapit sa mga damong nakapaligid.

13. Bakit kailangang maglagay ng bakod sa paligid ng mga halaman?

A. Ang mga bakod ay harang sa mga damo.

B. Ang mga bakod ay maaaring lagyan ng sampayan.

C. Ang mga bakod ay magagapangan ng mga halaman.

D. Ang mga bakod ay harang sa mga alagang hayop sa paligid.


14. Bakit mahalaga ang pagbubungkal ng lupa sa mga tanim na halaman na gulay?

A. Dahil liliit ang mga ugat ng mga halaman.

B. Dahil darami ang mga ugat ng tanim na halaman.

C. Dahil iiksi ang mga ugat ng mga tanim na halaman.

D. Dahil lalaki ang mga dahon ng mga tanim na halaman.

15. Bakit kailangang maglagay ng pataba habang bata pa ang tanim na halaman?

A. Dahil sa pataba mabubuhay ang mga tanim na halaman.

B. Dahil sa panahong ito, kailangan ng tanim ang sustansiya mula sa lupa.

C. Dahil sa pataba maraming kemikal na makukuha ang mga tanim na halaman.

D. Dahil ang pataba ang lalapitan ng mga kulisap at tutulungang lumaki agad ang mga tanim na halaman.

C. Piliin ang titik ng tamang sagot

16. Sustansiyang nakukuha mula sa gulay_______.

A. Pagkain sa gulay B. Bitamina C. Organikong Pataba D. Ulam

17. Gulay na hindi pwedeng itanim anumang buwan ng taon.

A. Labanos B. Talong C. Ampalaya D. Mustasa

18. Galing sa dayami, tuyong dahoon at dumi ng hayop.

A. Organikong Pataba B. Pagkain C. Komersyal na Pataba D. Ulam

19. Isa itong gabay para sa isang taong gustong mag-alaga o magparami ng pananim.

A. Kalendaryo ng taon B. Aklat C. Kalendaryo ng Pagtatanim D. Binhi

20. Isa itong pakinabang na naidudulot ng pagtatanim ng gulay.

A. Pagod B. Stress C. Organikong Pataba D. Pagkain


SUMMATIVE TEST #1

GRADE V – EPP

Mga Layunin Code Bahagdan Bahgdan ng Kinalalagyan


Aytem ng Bilang
LO 1.4.2 Naisasagawa ang wastong pag- iingat EPP5AG-Ob-4 25% 5 1-5
sa paggawa ng abonong organiko.
L.O. 1.2 Naisasagawa ang masistemang EPP5AG – Oc 75% 15 6-20
pangangalaga ng tanim ng mga gulay –6
Kabuuan 100% 20 1-20

Prepared by:
MYLA T. CABARLE
EPP-Teacher

Validated by:

MYLA T. CABARLE JUVINAL T. ALABADO


Subject Coordinator M aster Teacher I

RONALD Q. CORTEZ
Grammarian

key:.1. A 11. A

2. C 12. C

3. A 13. D

4. D 14. B

5. C 15. B

6. C 16. B

7. D 17. B

8. D 18. A

9. D 19. A

10. A 20. D

You might also like