You are on page 1of 36

KALIGTASAN AT

KALUSUGAN
TUNGO SA
PAGPAPAUNLAD NG
KALAGAYAN SA
PAMUMUHAY AT
PAGGGAWA
SA
PAMAYANANG AGRARYO

Isang proyekto ng:

Kagawaran ng
Repormang
Pansakahan
sa pakikipagtulungan ng

International
Labor Organization
ORYENTASYON
SA
OSH-WIND
Ano ang
Programang OSH – WIND?

Ito ay proyekto ng
Department of Agrarian
Reform (DAR) upang
maturuan ang mga Agrarian
Reform Beneficiaries (ARBs)
na makaiwas sa sakuna at
pagkakasakit na dulot ng
maling pamamaraan ng
paggawa sa bahay at sa
bukid.
Ano ang pangkalahatang
layunin nito?
Magkaroon ang mga
magsasaka ng malawak na
pang-unawa at kaalaman
sa pagbibigay halaga sa
pagpapabuti ng kanilang
kalagayan sa pamumuhay
at paggawa tungo sa
pagtaas ng kanilang
produksyon o
“productivity”, sa sakahan
man o sa tahanan.
Anu-ano ang mga
partikular na layunin nito?

1. Mabigyang halaga ang kalagayang


pangkalusugan at kaligtasan ng mga
kalahok na magsasaka;
2. Matutong magsagawa ng simple,
praktikal at di magastos na pamamaraan
upang mapaunlad ang kalagayan sa
pamumuhay at paggawa;
3. Makapagsagawa ng sariling pagbabago
sa kanilang kalagayan sa pamumuhay at
paggawa; at
4. Maunawaan ang kahalagahan ng
pakikipag-pulong sa mga kasamahan sa
komunidad upang makapagpalitan ng
kuro-kuro sa lalong pagpapabuti ng
inyong
Tatlong Pangunahing
Ideya
Para Maisakatuparan
ang mga Gawain at
Pamumuhay
1. Mag-umpisa sa simple,
praktikal at hindi magastos
na pamamaraan;

2. Gumamit ng lokal na
materyales at sariling
kakayahan;

3. Pag-aralang maisakatuparan
ang mga pagbabago ng
paunti-unti.
Anu – ano ang mga
Pangunahing
Panuntunan ng

OSH – WIND?
Bigyan ng
kakayahan/
kapangyarihan ang
mga tao na
magkaroon ng
magandang
pamumuhay
Bigyang diin ang mga
lokal at simpleng
halimbawa.

NOON NGAYON
Pagsabaying itaas ang
antas ng kalagayan sa
pamumuhay at
paggawa.
Unti-unting
magpatupad ng mga
hindi magastos na
pagbabago.
Ibahagi ang mga
positibong
karanasan sa mga
kapit-bahay.
Makipagtulungan
sa lahat.
Sa pamamagitan
ng
OSH – WIND
mabibigyang
pagkakataon ang
pagbabago sa
mga sumusunod:
Kalagayan
sa
Pamumuhay
SESYON 1
PANATILIHING MALUSOG AT MALINIS
ANG PAMAMARAAN NG PAGKAIN

May poso na pinagkukunan ng ligtas na inuming tubig na


malayo sa pinagtatapunan ng basura at sa palikuran o
poso negro.

Hinuhugasan nang mabuti ang mga gamit sa pagkain tulad


ng mga plato, baso, kubyertos, pitsel, at iba pa at itinatabi
ang mga ito sa isang malinis na taguan.
Pinakukuluan ng labing-limang minuto ang tubig
upang masiguro na ito ay ligtas na inumin

May lugar o komedor na kung saan maaaring


kumain ang pamilya na may komportableng silya
at hapag kainan
SESYON 2
PANATILIHING MALINIS ANG
KAPALIGIRAN AT PALIKURAN

May hiwalay na pinaglalabahan ng mga maruruming


damit sa pinaghuhugasan ng mga gamit sa pagkain
May malinis at pribadong palikuran

Pinaghihiwalay ang basurang nabubulok sa hindi nabubulok


SESYON 3
PANATILIHING MALINIS AT MASINOP
ANG PAMAMAHAY

May maayos na lalagyan ng mga damit at mga


personal na gamit

May malinis at maayos na sala na may malawak na mga


bintana para sa magandang daloy ng hangin
May maayos na papag upang tulugan

May lalagyan ng mga sapatos o tsinelas


SESYON 4
PANATILIHING MALUSOG AT LIGTAS
ANG BUONG PAMILYA

Kumukunsulta sa health center para sa mga


pangangailangang pangkalusugan

Nagtatanim ng mga halamang gamot at herbal plants


May ligtas na lugar para sa mga batang paslit

May maayos at malinis na pananamit ang mga bata


SESYON 5
MAGPLANO NG KABUHAYAN AT
MAKIPAGTULUNGAN SA KOMUNIDAD

Nagsusulong o nakikilahok sa mga proyektong


pangkabuhayan

Aktibong nakikilahok sa mga gawain ng kinabibilangang


asosasyon
Kalagayan
sa
Paggawa
SESYON 6
PANGANGALAGA, PAG-IIMBAK AT
PANGANGASIWA NG MGA GAMIT SA
PAGSASAKA

Nililinis at kinukumpuni ang mga makinarya at iba pang


gamit sa pagsasaka

May nasisilungan ang mga hayop pambukid


SESYON 7
PAGGAMIT AT PAG-IIMBAK NG MGA
NAKALALASONG KEMIKAL

May angkop na pangalan o “label” ang mga ginagamit na


pamatay peste at iba pang kemikal

Marunong sa pagtitimpla ng mga nakalalasong kemikal at


tinitimpla ang mga ito sa isang lugar na malayo sa tahanan
at ligtas para sa pamilya
SESYON 8
PAG-IIMBAK AT PANGANGASIWA NG
MGA ANI/ INANI

May hiwalay na imbakan ng mga ani

Isinasalansan nang maayos ang mga ani


SESYON 9
KALIGTASAN AT KALUSUGAN NG
MGA MAGSASAKA

May kasuotan at mga gamit na angkop sa gawaing bukid


tulad ng sombrero, long sleeves t-shirt o polo at pantalon,
pantakip sa ilong, sprayer at iba pa, sa lahat ng yugto ng
pagtatanim
Sa paglalagay ng abono

Sa pag-iisprey ng pamatay peste


Sa pagbibilad ng ani

May maliit na kubo o isang lugar na pahingahan kung


saan ay maaaring mamahinga ng panandalian ang
mga manggagawa sa bukid
May pinagkukunan ng tubig na malapit sa
pinagtatrabahuhan sa bukid

Naghuhugas at naghihilamos ng mukha o naliligo


pagkatapos maglagay ng abono o mag-isprey ng pamatay
peste
Nagpapalit ng T-shirt matapos magtrabaho sa bukid, lalo
na kung nga-isprey ng pamatay peste

Pinananatiling walang sagabal ang mga pilapil at daan


patungo sa bukid para sa maayos na pagkilos ng tao at ng
mga materyales
Gumagamit ng kariton, kalabaw at kuliglig sa paghakot ng
mga mabibigat na bagay tulad ng mga ani at iba pang
materyales na ginagamit sa bukid
TANDAAN
na ang
ikatatagumpay ng

OSH-WIND
ay nakasalalay sa
inyong pagkilos at
pagtutulungan.

You might also like