You are on page 1of 6

(Home Economics)

Tungkulin sa Sarili - Mapapangalagaan ang ating sarili sa pamamagitan ng:

 Paliligo araw-araw.
 Pagpapalit ng malinis na damit at damit panloob araw-araw.
 Pagkain ng balance diet.
 Pagkain ng mga berdeng dahon na mga gulay at sariwang prutas.
 Pag iwas sa pagkain ng junk foods at pag inom ng soft-drinks at iba pang pagkaing may kemikal.
 Pag sisispilyo ng ngipin pagkatapos kumain.
 Pagtulog ng walo hanggang sampung oras sa isang araw.
 Paglalaan ng sapat na oras sa paglalaro o pag-eehersisyo.
May mga bagay at kagamitan na dapat tayo lang ang gumagamit tulad ng mga personal na kagamitan.
Dapat ikaw lamang ang gumagamit ng iyong sipilyo bimpo,suklay,at mga panloob na damit.

Mga Kagamitan sa Paglilinis at Pag-aayos sa Sarili

Kagamitan para sa buhok

 Shampoo- ito at nagbibigay ng kaaya-ayang amoy sa ating buhok. Ito rin ang nag-aalis ng mga
kumakapit na dumi at alikabok sa ating buhok.

 Suklay o Hairbrush- ito ay ginagamit sa pagsusuklay ng buhok upang matanggal ang mga
buhol-buhol o gusot sa ating buhok.

Kagamitan para sa kuko

 Panggupit ng kuko o Nailcutter- ito ay ginagamit sa pagputol o paggugupit ng kuko sa kamay


at paa. Dapat pantayin ang kuko na ginupit gamit ang nail file o panliha.

Kagamitan para sa bibig at ngipin

 Sipilyo- ito ay ginagamit kasama ang toothpaste upang linisin at tanggalin ang mga pagkaing
dumikit o sumisingit sa pagitan ng mga ngipin pagkatapos kumain.

 Toothpaste - ay nagpipigil sa pagdami ng mikrobyo sa loob ng bibig. Pinatitibay nito ang mga
ngipin upang hindi ito mabulok.

Kagamitan para sa katawan

 Sabong pampaligo- ito ay nag-aalis ng dumi at libag sa katawan at nagbinigay ng mabango at


malinis na amoy sa buong katawan.

 Bimpo- ito ay kinukuskos sa buong katawan upang maalis ang libag sa ating buong katawan.

 Tuwalya- ito ay ginagamit na pamunas sa buong katawan pagkatapos maligo para matuyo.

WASTONG PARAAN NG PAG-AAYOS AT PAGLILINIS SA SARILI

PAGLILINIS SA SARILI
May kasabihan tayo na "Ang kalusugan ay kayamanan" Mapapanatili nating malusog ang ating
katawan kung tayo ay naliligo,nagsusuklay ng buhok, nagsisipilyo ng ngipin at gagawin ang iba pang
gawaing pangkalusugan araw-araw.

PAGLIGO

Dapat ugaliing maligo araw-araw para manatili tayong malinis. Gumamit ng sabon sa buong
katawan, Gumamit ng shampoo na akma sa buhok mo. Bago matulog sa gabi ugaliin din maglinis ng
katawan upang maging presko ang pakiramdam.

PAGSISIPILYO NG NGIPIN

Ang pagsisipilyo ng ngipin pagkatapos kumain ay makakatulong ng malaki upang maiwasang


masira o mabulok ang mga ito. Ang bulok na ngipin ay nagiging sanhi ng mabahong amoy sa bibig.
Gumamit ng toothpaste na may fluoride na angkop sa mga bata.

Ugaliing magsipilyo ng ngipin sa umaga, tanghali, at gabi pagkatapos kumain. Ang dila at ngala-
ngala ay dapat ding sipilyuhin.

WASTONG PANGANGALAGA NG KUKO

Mahalagang panatilihin na malinis ang mga kuko sa paa at kamay. Iwasang isubo ang mga daliri
sa bibig lalo na kung marumi ang kuko. Gupitin ang kuko ng paa at kamay isang beses sa loob ng isang
linggo. Gumamit ng nail cutter.

Ang ating mga kasuotan ang nagpoprotekta sa ating katawan tulad nalang sa init, lamig at tag
ulan kaya naman napaka importanteng alagaan natin ang mga ito

ITO ANG PARAAN SA PAG AALAGA NG ATING SARILING KASUOTAN

 Washing

Lahat ng mga damit na pinaggamitan at madumi ay kailangan labhan . Sa paglalaba pweding gawin
sa pamamagitan ng kamay o kaya naman ng washing machine kinakailangan ng soap bar or detergent at
tubig pwedi rin ng fabric softener.

 Removing Stains

Ito ang mga posibleng stains sa ating damit katulad ng ink, chewing gum, grease ito'y kailangang
alisin kaagad bago ito maging permanent sa ating kasuotan.

 Ironing

Isa rin ito sa pag aalaaga ng kasuotan ay ang pagpaplantsa dahil merong damit na pinaplantsa at
merong hindi, katulad ng ating mga uniform, dresses, etc.

 Mending

Pagtatahi pag may mga bitones sa damit na natanggal. Ito'y simpleng pagtatahi at kinakailangan
ng sinulid na kamukha ng kulay ng iyong damit at karayom.

 Patching
Ito'y ginagawa kapag may malaking sira ang ating damit na pwedi pa nating gamitin. Huwag na
nating paabuting lumaki pa ang butas hanggang sa Hindi na ito masuot .

 Folding

Pagtutupi ng damit ito ay mahalaga upang hindi pakalat kalat ang ating mga damit at maayos na
nakalagay sa ating lalagyanan ng kasuotan.

 Hanging

Isampay ng maayos ang damit dahil pag di maayos maaring magkaroon ng wrinkles ang damit.

"ANG MABUTING PAG-UUGALI BILANG KASAPI NG MAG-ANAK"

A. Ama- siya ang nagtataguyod sa pamilya para mabuhay nang maayos at itinuturing na haligi ng
tahanan.
B. Ina- ang ilaw ng tahanan, Siya ang nagbibigay ng mga solusyon o payo sa bawat problemang
ating pinagdaraanan.
C. Kuya- siya ang taga-igib o taga sibak ng kahoy (mga gawain ni tatay sa bahay) kung wala si tatay.
D. Ate- siya ang katulong ni nanay sa pamamalengke o paglilinis sa bahay.
E. Bunso- siya ang nagbibigay aliw sa loob ng tahanan. Sa bawat tawa at ngiti niya, lahat ng pagod
ay kanyang napapawi.

Nais ng bawat pamilya ang masaya, tahimik at maunlad na pamumuhay. Matatamo lamang ito
kung may mabuting pag-uugali ang bawat kasapi ng mag-anak at kung may mabuting pagsasamahan at
pagpapahalaga sa isa't isa ang mga ito.

WASTONG PARAAN NG PAG-AALAGA SA MATANDA

 panatilihing malinis ap maaliwalas ang silid

 panatilihin ding malinis ang kaniyang mga kagamitan tulad ng mga gamit sa pagkain. Hugasan
agad ang mga ito pagkatapos kumain

 iabot sa kaniya nang may pag-iingat at paggalang ang lahat at ang mag pangunahin niyang
pangangailangan

 kung hindi na kayang maglinis ng katawan ang matanda, punasan siya ng maligamgam na tubig
araw-araw o paliguan kung hindi makakasama sa kaniyang kalagayan.

 pagsuutin siya ng maginhawang damit-pambahay.

 hainan siya ng pagkain sa kanyang silid kung hindi na nya kayang pumunta sa hapag-kainan

 pakinggan siya kapag nagkukuwento*kausapin nang madalas ang matanda, upang maramdaman
niyang mahalaga pa rin siya

 maaaring ipasyal ang matanda paminsan-minsan upang makalanghap ng sariwang hangin

 dalawin sa kaniyang silid nang madalas kung hindi na niya kayang lumabas

PAG-AALAGA SA MAYSAKIT
 panatiliing malinis at maaliwalas ang silid ng maysakit. Alisin ang mga sampay na maaaring
pamahayan ng lamok.

 ilagay sa kanyang silid ang mga pangunahin niyang pangangailangan

 panatilihing bukas ang bintana upang makapasok ang sariwang hangin

 ipaskil sa isang lantad na lugar ang iskedyul ng pagpapainom ng gamot. Maglaan ng sadyang
lalagyan ng mga gamot. Iwasang maalis ang etiketa o label ng mga ito. Alisin kaagad ang mga
boteng walang laman, mga balat ng gamot at mga gamot na hindi kailangan

 panatiliiing malinis ang kagamitan ng may sakit. Hugasan agad ang mga ito pagkatapos gamitin

 gawing maginhawa ang pakiramdam ng maysakit. Punasan siya ng maligamgam na tubig araw-
araw o paliguan kung hindi makakasama sa kaniyang kalagayan.

 pagsuutin siya ng maluwag at maginhawang damit-pambahay

 sikaping makapagsipilyo siya araw-araw

 kung gumagamit siya ng arinola, sikaping maitapon agad ang laman nito.

 bigyan ng sapat na panahon na makapagpahinga ang maysakit. Iwasan ang pagtigil ng mga bata
sa silid kung nakagagambala sa kaniya ang ingay ng mga ito.

Mga karagdagang impormasyon at mga mungkahing sa pag-aalaga ng maysakit:

A. Kung may lagnat,sipon, at ubo:

i. bigyan ng gamot para sa sipon at ubo at pampababa ng lagnat ayon sa reseta ng doktor.

ii. bigyan ng sapat na inumin ang maysakit. Maaari siyang bigyan ng malinis na tubig, salabat,
lemonada o anumang inuming galing sa katas ng prutas

iii. hayaang presko ang silid ngunit tiyaking hindi naman giginawin ang may sakit

iv. bigyan ng kumot ang maysakit upang hindi ginawin.

B. Kung may diarrhea o nagdudumi ang may sakit:

i. bigyan siya ng sapat na likido tulad ng:

gatas ng ina
malabnaw na lugaw
sopas
bula ng sinaing na kanin o am
katas ng prutas
sabaw ng buko

ii. gumamit ng ORS o Oral Rehydration Salt o Solution ayon sa mungkahi ng doktor

iii. dalhin sa manggagamot kung kinakailangan.

ILAN SA MGA PARAAN SA PAG-AALAGA NG SANGGOL AT NAKAKABATANG KAPATID


Pagpapaligo

1. Paliguan ang bata sa tamang oras tuwing umaga


2. Ihanda ang lahat ng gagamitin sa pagpapaligo
3. Ilapag ang sanggol sa mesang paliguan. Hubarin ang kaniyang damit.
4. Basain ang bimpo ng maligamgam na tubig. Punasan ang mukha, mata, ilong, tainga, at ulo ng
sanggol.
5. Gumamit ng sabong pambata na hindi matapang sa balat at mata. Sabuning mabuti ang katawan
nang banayad.
6. Buhatin ang sanggol at itapat sa palangganang may tubig at banlawan siyang mabuti. Suportahan
ang likod ng bata gamit ang braso. Gawing mabilis ang pagbabanlaw.
7. Ilapag ang sanggol sa tuwalyang malaki at dampian ang katawan upang matuyo agad.
Pagbibihis

1. Palitan ang damit ng bata kung ito ay basa o kung kinakailangan.


2. Ang damit ng bata ay kailangang maginhawa, maluwag, at madaling isuot.
3. Kailangan ding madaling labhan at hindi inaalmirolan.
4. Dahan-dahang bihisan ang bata.
Pagpapakain

1. Sundin ang tagubilin ng nanay tungkol sa tamang oras ng pagpapakain.


2. Gamitin sa pagpapakain ng bata ang kaniyang pansariling kagamitan.
3. Linisin at iligpit ito matapos pakainin ang bata.
Paglalaro

1. Ang sala o silid-tulugan ang mabuting lugar para sa paglalaro sa loob ng bahay.
2. Ang lugar ay dapat maaliwalas at walang kasangkapang makakasagabal sa pagtakbo.
3. May sapat na bintana upang makapasok ang sariwang hangin.
Pagpapatulog

1. Tiyaking malinis, tuyo at komportable ang lugar.


2. Dapat ligtas, mahangin, maliwanag at hindi daanan ng tao upang hindi magambala sa pagtulog
ang sanngol.
3. Ipaghele ang bata sa iyong bisig bago ihiga sa higaan.
4. Lagyan ng kulambo.
5. Ibahin ang posisyon ng pagkakahiga ng bata matapos ang isang (1) oras upang hindi ito mangawit.

PAGTULONG NANG MAY PAG-IINGAT AT PAGGALANG

Masaya ang isang pamilya kung nakikipag tulungan ang bawat kasapi nito. Lalong nagiging
masaya kung ang pag tutulungan ay naisasagawa nang may pag iingat at paggalang?

Sa tahanan o sa paaralan may mga pagkakataon na tayo ay maaring makatulong sa ating kapuwa.
Ang pagtulong ay mahalaga dahil ito ay nakapagpapagaan sa mga gawain at damdamin ng ating kapuwa
lalong lalo na sa kasapi ng mag-anak. Tandaan lamang na sa bawat pag tulong ay kinakailangang gawin
ito nang may paggalang at pagiingat.

Mga halimbawa ng pag tulong

1. Pagtulong sa pag-aayos ng mga kagamitan sa tahan.


2. Paghingi ng paumanhin kung mayroon kang nagawang kasalan.
3. PagTulong sa papatwid na matanda sa daan.
Ang Kuwento ni Lolo Jose

Si Lolo Jose ay 80 taong gulang na mag-isang namumuhay sa isang maliit na kubo. Umaasa
lamang siya sa kanyang buwanang pensiyon para mabuhay. Katabi niya ang bahay ng mag-anak ni Aling
Cynthia at Mang Ramon na mayroong dalawang anak na lalaki, si Marlon sampung taong gulang na nasa
ikalimang baitang at si Manny, pitong taong gulang na nasa ikalawang baitang. Bago pumasok sa
paaralan ang dalawang mag-aaral ay dumadaan muna sa bahay ni Lolo Jose para magmano ay magpaalam
na sila ay papasok na sa paaralan. Ang mag-asawang Aling Cynthia at Mang Ramon naman ay dumadaan
din sa bahay ni Lolo Jose bago pumasok sa opisina. Ikinagagalak ito ng matanda dahil nararamdaman
niya na may pamilya siya kahit mag-isa lang siyang namumuhay.

Sa mga araw na walang pasok ang mag-anak sinisikap nilang isama si Lolo Jose sa kanilang
tahanan upang hindi ito mangulila. Maingat at magalang na nakikipag -usap at nakikipag ugnayan ang
mag-anak kay Lolo Jose sa pamamagitan ng paggamit ng po at opo kapag sila ay nakikipag-usap at
nagpapalitan ng kuro-kuro.

Maingat at magalang din na ipinagpapaalam ng mag-anak kung mayroon silang nais gawin sa
loob ng tahanan ni Lolo Jose, tulad ng pag-tulong nila sa paglilinis at pag-aayos ng kaniyang tahanan.
Malugod din nilang ipinagpapaalam kung mayroon silang nais na idaragdag na personal at pantahanan
niyang mga kagamitan. Ang ginagawang pagtulong ng mga anak ni Mang Ramon at Aling Cynthia kay
Lolo Jose ay nakatawag ng pansin sa mga tao sa kanilang pamayanan. Kung kaya nagawaran ng
pagkakilala bilang Huwarang Pamilya ng Barangay ang mag anak.

PAGTANGGAP NG MGA BISITA

Mga pangkaraniwang ginagawa sa pagtanggap ng mga sumusunod na mga bisita:

A. Mga Kamag - Anak

1. Magalang na patuluyin at paupuin sa loob ang kamag-anak na bisita.


2. Maaaring alukin ng maiinom o makakain ang bisita.

You might also like