2. Malinis, nakaangat sa lupa, at maluwang na bahay kulungan. 3. Malinis na tubig. 4. Matibay na bubong. 5. Malinis na kapaligiran. 6. Nararapat na gamut, bitamina kung kinakailangan upang lumaki na malulusog at makapagdulot o makapagbigay ng maayos na produkto. Ang mga sumusunod ay mga bagay na dapat ibigay sa aalagaang hayop. 1. Tirahan/Kulungan a. Nakaangat sa lupa b. May sapat na malinis na tubig c. Nasisikatan ng araw. 2. May maayos na daanan ng tubig/kanal. 3. Tama ang layo sa bahay. 4. May lilim na panangga sa sobrang init at ulan. 5. May preskong simoy ng hangin.
Tamang Paraan sa Pag-aalaga ng Hayop
Ang pag-aalaga ng hayop ay isang kapaki-pakinabang na gawain. Nakatutulong ito upang maalis ang ating stress at gumanda an gating kalusugan. Madadagdagan din ang kita ng mag-anak kung ito ay mapararami at maipagbibili. Kaya dapat nating malaman ang maayos na pamamaraan ng pag-aalaga upang lubos na mapakinabangan at masiyahan sa gawaing ito. A. Wastong Pag-aalaga ng Aso 1. Panatilihing malinis ang kulungan ng aso. 2. Dapat magkaroon ng sapat na bentilasyon ang kulungan ng aso. 3. Bigyan ang aso ng gamut na kontra bulate makalipas ang isa o dalawang lingo. 4. Bgyan ng sapat at malinis na tubig na maiinom ang alagang aso. 5. Dalhin sa malapit na beternaryoupang maturukan ng anti-rabies. B. Wastong Pag-aalaga ng Kalapati
1. Ang bahay ng kalapati ay dapat nakaangat sa lupa upang hindi
mapasukan ng daga. Ito ay dapat maluwag, mahangin, tuyo at nasisikatan ng araw. Kung maari, itayo sa mga punongkahoy. 2. Gumawa ng pugad sa bawat isang inahin sapagkat mabilis silang mangitlog. Ang pugad ay maaaring yari sa dayami, tuyong dahon ngkugon o pinagkataman. Ang kahon ay dapat magkaroon ng taas na 72 sentimetro at lapad na 90 sentimetro. 3. Ang mga kalapati ay dapat pakainin ng palay, mais, munggo, tinapay at buto ng mirasol. Kailangan din silang bigyan ng pinaghalu-halo at dinurog na kabibi at uling na tinimplahan ng asin. 4. Pakainin sila sa pamamagitan ng pagsasaboy ng pagkain, pagpaptuka sa lupa, sa palad o sa paglalagay sa isang lalagyang malanday. Halu-halong dinurog na kabibi at tinimplahan ng asin. 5. Bigyan din ng sapat at malinis na tubig na inumin. Kaialangang panatilihin ang kalinisan upang hindi dapuan at magkasakit ng mga peste ang mga ibon. Linisin ang kailang bahay at pinagkakainan araw- araw. C. Wastong Pag-aalaga ng Manok 1. Maglaan ng kulungan para sa mga manok. 2. Patukain ng masustansyang pagkain upang bumilis ang paglaki at manatiling malusog tulad ng starting mashpara sa mga bagong pisang sisiw, growing mash na para sa patabaing manok, at laying mash na para sa mga inahing nangingitlog. D. Tamang Pag-aalaga ng Kuneho