You are on page 1of 3

MGA HAYOP NA MAARING

ALAGAAN

Nilalaman:

Isang gawaing kapaki-pakinabang ang pag-aalaga ng mga hayop.


Malaki ang naitutulong nito sa pagdaragdag ng kita ng mag-anak
sapagkat maraming produkto ang nakukuha sa iba’t ibang uri ng hayop
na maaaring kainin at ipagbili. Kabilang sa mga produktong ito ay itlog,
karne at balat o balahibo ng hayop na maaaring gawing iba’t ibang
kagamitan sa tahanan. Isa ring magandang libangan ang pag-aalaga ng
hayop. Ang malayang oras ng mag-anak ay maaaring gamitin sa isang
gawaing kapaki-pakinabang kaya nakaiiwas ito sa masasamang gawain
at bisyo.

Maraming uri ng hayop ang maaaring alagaan sa bakuran. Ang


pagpapasya sa uri ng hayop na aalagaan ay dapat nababatay sa uri ng
kapaligiran. Kung malapit sa mga dagat o anumang anyong tubig,
maaaring mag-alaga ng mga isda, bibe, at itik. Ang manok at pugo
naman ay maaaring alagaan kahit sa maliit lamang na espasyo ng
bakuran.

Layunin :
Matutukoy ang mga hayop na maaaring alagaan.

ALAMIN NATIN

Mahalagang malaman ng mga mag-aaral na tulad mo


na may iba’t-ibang hayop na maaaring alagaan ng pamilya
sa bakuran. Ang manok, itik, pugo, tilapia, at hito ay
maaaring alagaan na may malaking pakinabang para sa
buong mag-anak.

93
LINANGIN NATIN

Mga Hayop na Maaaring Alagaan

1. Manok - Ang manok ay isang uri ng domestikadong ibon na


kadalasang kabilang sa mga pagkaing niluluto at inuulam ng tao.
Tandang ang tawag sa lalaking manok, inahin naman ang sa
babaeng manok, at sisiw para sa mga inakay o anak na ibon nito.
Ang mabata-batang inahin (halimbawa, wala pang isang taon) ay
tinatawag na dumalaga.
Kabilang ang mga manok sa mga poltri, mga ibong
inaalagaan at pinalalaki para kainin. Manukan ang katawagan sa
pook na alagaan ng mga manok sa bukid.
2. Pato - Ang tawag sa bibe at itik ay isang uri ng ibon. Karaniwang
tinatawag na bibi o bibe ang mga uring may mapuputing balahibo,
samantalang itik naman ang may mga kayumanggi o itim na kulay.
3. Pugo - Ang pugo ay isang uri ng maliit na ibong hinuhuli o
inaalagaan para kainin o paitlugin. Ang itlog ng pugo ay
mahalagang sangkap sa maraming uri ng ulam at nagtataglay ng
94
maraming sustansiya. Mabilog ang katawan ng pugo at maigsi ang
mga paa at liig.
4. Tilapia - Ang tilapia ay isang uri ng isdang nakakain. Nabubuhay
ang mga ito sa tubig-tabang at tubig-alat ng mga pook na tropikal
tulad ng Pilipinas.

TANDAAN NATIN

Kung malapit sa mga dagat o anumang anyong


tubig, maaaring mag-alaga ng mga isda, bibe at itik. Ang
manok at pugo naman ay maaaring alagaan kahit sa maliit
lamang na espasyo ng bakuran.

Ang mga ito ay nagdudulot ng malaking pakinabang


para sa buong mag-anak.

GAWIN NATIN

Magpangkat-pangkat sa apat na grupo at itala sa


isang malinis na papel ang mga inaalagaang hayop ng
inyong pamilya. Isulat din ang mga pakinabang na ibinibigay
ng mga alagang hayop sa pamilya at sa pamayanan.

PAGYAMANIN NATIN

1. Tukuyin ang mga inaalagaang hayop ng mga tao sa


inyong komunidad.
2. Magbigay din ng mga pagkaing ginamitan ng mga
produktong mula sa mga alagang hayop.

95

You might also like