You are on page 1of 8

5

EDUKASYONG PANTAHANAN
AT PANGKABUHAYAN
(AGRICULTURE)

IKALAWANG MARKAHAN
Module 5-A
Kabutihang Dulot ng Pag-aalaga ng Hayop

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Grade 5

Quarter 2 – Week 5-A Day 1: Kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks,
etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders. Every effort has
been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective
copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over
them.

Regional Director: GILBERT T. SADSAD


Assistant Regional Director: JESSIE L. AMIN

Development Team of the Module

Writers: GENIE B. SOLARES, Master Teacher I – Mercedes ES


Editors/Reviewers: MARIFE S. MADERAZO, Teacher III-Daet ES
SUSAN B. VERAS, SP II-Labo ES
Illustrator:
Layout Artist: ARNEL B. DELA PASION, SP I-Gavino Vinzons ES
Consultant: NIXON S. OLFINDO, Ph.D., EPS EPP/TLE

SDO – CAMARINES NORTE


EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 5
Kabutihang Dulot ng Pag-aalaga ng Hayop
DAY 1

Magandang araw!
Alam mo ba kung paano makatutulong sa inyong pamilya lalo na sa mga
gastusin? Isa sa magandang pagkakakitaan sa panahon ngayon ay pag-aalaga ng
hayop lalo na kung ikaw ay nasa isang lugar na may malawak na lupain o kaya naman
ay may malawak na bakuran.
Sa modyul na ito ay tatalakayin ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop
na may dalawang paa at pakpak o isda.

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang…


 Naipaliliwanag ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop na may
dalawang paa at pakpak o isda. (EPP5AG-0e-11)

Piliin sa loob ng kahon ang mga hayop na may dalawang paa at pakpak o
isda. Isulat ang sagot sa ibaba sa tapat ng bilang 1-5.

baboy manok aso pato


1. ________
2. ________
tilapia baka kambing pugo
3. ________
4. ________
itik pusa
5. ________
Ang Pag-aalaga ng Hayop na may Dalawang Paa at Pakpak
Ang ilan sa mga hayop na may dalawang paa at may pakpak ay ang manok,
pugo, kalapati, itik, at mga ibon kagaya ng lovebirds. Ang bawat hayop ay may iba-
ibang pakinabang at mga kabutihang idinudulot sa pamilya at pamayanan.
Mga Pakinabang sa Pag-aalaga ng mga Hayop na may Dalawang Paa
at may Pakpak
Ang pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa at pakpak ay malaking
tulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng pamilya at pamayanan.
1. Ang mga alagang hayop ay may iba-ibang produktong ipinagkakaloob na
pinanggagalingan ng masustansiyang pagkain tulad ng karne at itlog.
2. Ang mga alagang hayop ay maaaring ipagbili at magbigay ng dagdag na kita.
3. Ang mga alagang hayop ay ginagamit na palamuti tulad ng balahibo ng mga
manok at ang mga dumi ng mga hayop ay mabisang pampataba ng lupa.
4. Ang pag-aalaga ng mga hayop ay isang mahusay na ehersisyo dahil ito’y
nagpapalakas ng mga tuhod, buto, at kalamnan.
Pag-aalaga ng Isda
Isang kapaki-pakinabang na gawain ang pag-aalaga ng mga piling isda sa
bakuran at tabing-ilog, sapa, lawa, o dagat.
Ang tilapia at bangus ay karaniwang pinalalaki sa mga palaisdaan sa bakuran
subalit mas madaling alagaan ang tilapia sa ilog, sapa, lawa, o dagat.
Ang tilapia ay masarap kainin, madaling alagaan, kilalang-kilala tulad ng
bangus, madaling pakainin, mabilis lumaki, at dumami kung kaya’t mainam ang pag-
aalaga ng tilapia at bangus para sa mag-anak.
Marami ang pakinabang na naidudulot ng pag-aalaga ng isda, dagdag kita ng
mag-anak, nakukunan ng pagkain, maaaring gawing libangan at maaari rin itong
gawing hanapbuhay.

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.


1. Ano-anong hayop na may dalawang paa at pakpak ang maaaring
alagaan sa likod-bahay?
2. Ano-ano ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng mga hayop na may
dalawang paa at pakpak?
3. Ano-ano ang mga hayop na may dalawang paa at pakpak?
4. Ano-ano ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng isda?
5. Ano-ano ang isda na maaaring alagaan sa bakuran?
Ibigay ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa at
pakpak o isda.

Kabutihang dulot
ng pag-aalaga
ng hayop na may
dalawang paa at
pakpak o isda.

Magbigay ng kabutihang dulot ng sumusunod na mga hayop na may


dalawang paa at pakpak o isda.

1. Manok -

2. Pato -

3. Itik -

4. Pugo -

5. Tilapia -
Malaki ang naitutulong ng may kaalaman sa pag-aalaga ng hayop sa
mag-anak at sa pamayanan.

Isulat ang Oo sa kahon bago ang bilang kung ang pagungusap ay tama at
Hindi kung ito ay mali.
1. Ang mga alagang hayop ay may iba-ibang produktong ipinagkakaloob
tulad ng karne at itlog.
2. Ang mga alagang hayop ay hindi ipinagbibili.
3. Ang mga alagang hayop ay ginagamit na palamuti tulad ng balahibo ng
mga manok.
4. Ang pag-aalaga ng mga hayop ay isang mahusay na ehersisyo dahil
ito’y nagpapalakas ng mga tuhod, buto, at kalamnan.
5. Ang pag-aalaga ng isda ay isang gawaing kapaki-pakinabang sa mag-
anak.
6.

Iguhit sa sagutang papel ang mga hayop na may dalawang paa at pakpak.

Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul,


binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul.
Subukin natin:
1. Manok
2. Pato
3. Tilapia
4. Pugo
5. Itik

Pagtatalakay:
1. Manok, Pato, Pugo, Itik
2. Ang kabutihang dulot nito ay dagdag kita ng mag-anak, maaaring libangan,
napagkukunan ng pagkain, maaaring maging ehersisyo.
3. Manok, Pato, Pugo, Itik
4. Ang kabutihang dulot nito ay dagdag kita ng mag-anak, maaaring libangan,
napagkukunan ng pagkain, maaaring maging ehersisyo
5. Bangus at Tilapia

Gawin Natin:
 Dagdag kita ng mag-anak
 Maaaring gawing libangan
 Napagkukunan ng pagkain
 Maaaring gawing ehersisyo

Dagdag na Gawain:
1. Nagbibigay ng pagkain gaya ng karne at itlog.
2. Nagbibigay ng pagkain gaya ng karne at itlog.
3. Nagbibigay ng pagkain gaya ng karne at itlog.
4. Nagbibigay ng pagkain gaya ng karne at itlog.
5. Nagbibigay ng pagkain.
Sariling Pagsusulit:
1. Oo
2. Hindi
3. Oo
4. Oo
5. Oo

References:
www.vecteezy.com
www.pngflow.com
www.imgbin.com
www.pngtree.com
www.pngguru.com
www.pinclipart.com
www.netclipart.com
www.netclipart.com
www.pngitem.com
www.clipart.email
www.clipartstation.com
www.fbnotify.top
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5
Curriculum Guide
Most Essential Learning Competence
Masiglang Pamumuhay Para sa Kinabukasan 5

You might also like