You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region ______
Schools Division of _______________
District of ______
_________________________________
_____________________________________________

BANGHAY ARALIN para sa CLASSROOM OBSERVATION sa


EPP 5

I. LAYUNIN
naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa
A. Pamantayang Pangnilalaman pag-aalaga ng hayop at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng
pamumuhay
naisasagawa nang maayos ang pag-aalaga ng hayop sa masistemang
B. Pamantayan sa Pagganap
pamamaraan
C. Mga Kasanayan sa Pagkakatuto Natutukoy ang mga hayop na maaring alagaan gaya ng manok, pato, itik,
Isulat ang code ng bawat pugo/ tilapia
kasanayan EPP5AG-0g-15
Mga hayop na maaring alagaan gaya ng manok, pato, itik, pugo/ tilapia

II. NILALAMAN Integrasyon: Edukasyon sa Pagpapakatao at Musika

Pagpapahalaga: Kooperasyon at Pagkakaisa

Istratehiya: Discovery learning gamit ang mga Laro


III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
Most Essential Learning Competencies (MELCs) p.167
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
Curriculum Guide in Filipino p. 124

2. Mga Pahina sa Kagamitang


Pang-Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk pp.

4. Karagdagang Kagamitan mula


sa portal ng Learning
Resource

B. Iba Pang Kagamitang Panturo

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Paggamit ng laro “MASAYANG MUKHA o MALUNGKOT NA
at/o pagsisimula ng bagong MUKHA?”
aralin
Panuto: Ipakita ang masayang mukha kung ang sumusunod na pahayag
ay nagpapakita ng wastong paraan ng pag-aalaga ng hayop at ang
kahalagahan nito at malungkot namukha kung hindi.
1. Ang pag-aalaga ng isda ay nakapagdudulot ng kasiyahan sa atin.
2. Ang mga alagang hayop ay nakatutulong sa ating kabuhayan.
3. Hindi ligtas kainin ang mga inaalagaang hayop.
4. Panatilihing malinis ang kulungan ng mga inaalagaang hayop.
5. Tumataas ang gastos ng mag-anak kapag may inaalagaang hayop o
isda.
Paggamit ng ICT
Integrasyon sa Musika

Pag-awit at panonood ng Old Mcdonal Had a farm

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Itanong:
-Tungkol saan ang iyong napanood?
-Anu-ano ang mga hayop na nakita mo sa video?

Lokalisasyon at Kontekstuwalisayon:
-Naranasan mon a bang mag-alaga ng hayop?
-Anu-anong hayop ang mga naalagaan mon a?
-Ano ang naitulong ng pag-alalaga ng hayo sa iyong buhay?
-Paano mo inaalagaan ang iyong mga alaga? *HOTS

C. Pag-uugnay ng mga Paggamit ng laro “PUZZLE”


halimbawa sa bagong aralin

Hayaan ayusin ng mga bata ang puzzle.


Pagagamit ng laro “TANONG KO!SAGOT MO!

Anu-anong mga hayop ang nabuo mula sa puzzle?


Nakapag-alaga na ba kayo ng mga ito?
Ano na ang mga nakain mo diyan?
D. Pagtalakay ng bagong Isang kasiya-siya at kapaki-pakinabang na gawain ang pag-aalaga ng
konsepto at paglalahad ng mga hayop. Ang pag-aalaga ng mga hayop tulad ng manok, pato, itik,
bagong kasanayan #1 pugo at tilapia ay dapat nating malaman upang ating mapangalagaan at
malaman ang mga kakayahan ng ating mga inaalagaan upang mas lalong
maging kapakinabangan. Marami sa ating mga Pilipino ang may
libangang mag-alaga ng manok sa likod bahay o kung may bakanteng
lugar sa bakuran. Maging ang mga isda ay ating inaalagaan. Ang
pagaalaga ng mga hayop ay maaring maging libangan o
mapagkakakitaan. Narito ang mga maaring alagaang mga hayop sa ating
bakuran.

Paggamit ng laro “Pinoy Henyo”

Panuto: Hulaan ang mga salita batay sa clue na ibibigay sa inyo.

1. Manok
may dalawang paa na tumitilaok tuwing sasapit ang umaga.

2. brooding
isang sistema ng pagpapainit sa mga sisiw mula sa pagkapisa hanggang
humigit kumulang sa apat na linggo ang gulang.

3. Layer Chicken-
Inaalagaan ito para sa kanilang mga itlog. Upang dumami ang mga itlog
ng layer kailangang malayo ito sa ingay kaya naman ang iba ay
pinipiling magtayo sa mga kabukiran upang hindi magambala ang
pangingitlog ng mga layer.

Broiler Chicken- Inaalagaan ang mga manok na ito para sa taglay nitong
karne na ibinebenta sa mga fastfood restaurant, palaman sa sandwich o
ginagawang palaman sa burger o kaya naman ay nuggets.

Paglalaro ng “HANAP SALITA”


Pato
Ang Pato ay isang uri ng ibon na may dalawang paa at pakpak na
madalas nating makita sa ating mga bakuran at isa rin sa mga kapaki-
pakinabang na alaga ng ating mga pamilya.

Itik at bibe
May dalawang uri ng pato, ito ay ang itik at ang bibe. Ang itik ang
pinagkukuhanan natin ng itlog na ginagawa ding balut o penoy
samantalang ang bibe naman ay kulay puti na mapagkukunan ng karne
na maaring iluto.

Paglalaro ng “Ano ang nawawalang titik”

P____g_____
Ang pugo nagbibigay ng itlog na nagtataglay ng maraming sustansya. Isa
itong uri ng ibon na may mabibilog na katawan, maiikling leeg at paa na
walang balahibo hanggang tuhod at matulin kung tumakbo. Ang mga
pugo ay nakatayo kung mangitlog. Ang itlog ng pugo ay itinuturing na
small but terrible dahil sa benepisyong dulot nito. Ang mga pugo ay
mayroong 40 na uri.

Mga halimbawa:
Quail ordinary (ligaw) Manchu golden, Marble, Tuxedo at Japanese
quail

Paggamit ng laro “IAYOS ANG MGA LETRA”


Paggamit ng laro “TAPATAN MO ANG LETRA”

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng


tamang sagot sa loob ng saknong. Tumapat sa titik A kung ang sagot mo
ay A at tumatap sa titik B kung ang sagot ay titik B.
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng 1. (A. Tilapia) (B. Molobicus hybrid tilapia) ay nabubuhay sa tubig alat o
bagong kasanayan #2 tubig dagat.
2. (A. Broiler Chicken) (B. Layer Chicken) ay inaalagaan para sa taglay
nitong karne na ibinebenta sa mga fastfood restaurant, palaman sa
sandwich o ginagawang palaman sa burger, o kaya naman ay nuggets.
3. Ang (A. Hito) (B. Tilapia) naman ay popular na sa ating mga Pilipino.
Ito ay maaring alagaan sa tubig tabang o sa tubig alat.
4. Ang itlog ng (A. pugo) (B. Manok) ay itinuturing na small but terrible
dahil sa benepisyong dulot nito.
5. Ang (A. Brooding) (B. Boiling) ay isang sistema ng pagpapainit sa
mga sisiw mula sa pagkapisa hanggang humigit kumulang sa apat na
linggo ang gulang.

Paggamit ng laro “DEAL or NO DEAL”

F. Paglinang sa kabihasnan
(Tungo sa Formative
Assessment)
Panuto: Ipakita at sabihin ang DEAL kung wasto ang isinasaad ng mga
pahayag at NO DEAL kung hindi wasto.
1. Kung mag-aalaga ng manok, kailangan ng maluwang na kulungan
upang magkaroon ng sapat na bentilasyon at maging maginhawa sila
2. Maaring gamitin ang tubig na may kemikal sa pag-aalaga ng tilapia
3. Mayaman sa protina ang pugo.
4. Mahalaga sa itik ang maayos na pagpapakain upang dumami ang mga
itlog na ating makukuha.
5. Ang mga pugo ay nakatayo kung mangitlog.
G. Pag-uugnay sa pang araw- Paglalapat ng Diffrentiated Activities/ Instruction
araw na buhay
Pangkatang Gawain

Pangkat 1 EASY
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba ng wordhunt puzzle.
Hanapin at bilugan ang sagot na maaaring nakasulat ng patayo, pababa,
pahalang o pabalik sa wordhunt puzzle.
Tanong:
1. Ito ay isang uri ng ibon na nagtataglay protina.
2. Ito ay isang uri ng pato kung saan ay ginagawang balut o penoy ang
mga itlog nito.
3. Ito ay isang uri ng pato kung saan ay napapakinabangan dahil sa karne
nito.
4. Ito ay isang uri ng isda na matinik ngunit masarap. Ito rin ang
pambasang isda ng ating bansa.
5. Ito ay isang uri ng isda na pangalawa sa tilapia sa pagiging popular sa
mga Pilipino.

Pangkat 2 AVERAGE
Panuto: Lagyan ng salita ang bawat kahon. Tumingin sa clue na nasa
ibaba.

Pangkat 3 DIFFICULT
Panuto: Suriin at kumpletuhin ang tsart. Isulat ang sagot sa bawat bilang.

*Integrasyon sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Pagpapahalaga: (Pagkaka-isa at Kooperasyon)
Itanong:
Nagustuhan niyo ba ang ating pangkatang gawain?
Madali ba ang ating pangkatang gawain?
Bakita kaya ito naging madali?*HOTS

*Numeracy
Itanong:
1. Kung ikaw ay may mga alagang apat na manok, tatlong pato,
limang bangus, tatlong tilapia, dalawang pugo, ilan ang kabuuan
ng alaga mong hayop?
2. Ngayung pandemya magbigay ka nga ng hayop na maari mong
alagaan.
H. Paglalahat ng Aralin Ano ang ating pinag-aralan ngayun?
I. Pagtataya ng Aralin A. Panuto: Tukuyin ang mgga sumusunod na hayop na maaaring
alagaan.
______________1. Ito ay may dalawang paa na tumitilaok tuwing
sasapit ang umaga.
______________2. Isang uri ng ibon na may dalawang paa at pakpak na
madalas nating makita sa ating mga bakuran at isa rin sa mga kapaki-
pakinabang na alaga ng ating mga pamilya.
______________3. Ito ay nagbibigay ng itlog na nagtataglay ng
maraming sustansya. Isa itong uri ng ibon na may mabibilog na katawan,
maiikling leeg at paa na walang balahibo hanggang tuhod at matulin
kung tumakbo.
______________4. Popular na isda sa ating bansa. Ito ay maaring
alagaan sa tubig tabang o sa tubig alat.
______________5. Ito ay isang uri ng isdang matinik subalit masarap
kainin. Isa rin ito sa mga popular na isda na inaalagan sa ating bansa.

B. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang bago ang
bilang.

________6. Ito ay isang uri ng tilapia na napatunayang maaring


mabuhay sa tubig dagat o tubig alat.
a. Molobicus hybrid tilapia b. Nile tilapia
c. Blue tilapia d. wala sa nabanggit
________7. Ito ay isang uri ng pato na pinagkukunan ng itlog upang
gawing itlog na malaat
a. Pugo b. Manok
c. Bibi d. Itik
________8. Ito ay isang uri ng manok na mainam pagkunan ng karne at
itlog.
a. Brown Leghorn b. Freedom Ranger
c. Plymouth Rock d. White Leghorn
________9. Ito ay isang uri ng isda na pangkaraniwang nakahain sa
hapag kainan ng mga Pilipino.
a. Manok b. Pugo
c. Tilapia d. Pato
______10. Isang sistema ng pagpapainit sa mga sisiw mula sa pagkapisa
hanggang humigit kumulang sa apat na linggo ang gulang
a. Pruning b. Brooding
c. Boiling d. Hatching
J. Karagdagang gawain para sa Gumuhit ng mga hayop na maaaring alagaan ngayung pandemya.
takdang aralin at remediation
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng Mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng Mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
nararanasan na nasulusyunan
sa tulong ng punong guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa kapwa ko
guro?

Inihanda ni:

______________________
Ratee
Noted:

_______________________
Principal ____
Rater

You might also like