You are on page 1of 4

Learning Area Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan-Agriculture

Learning Delivery Modality Modular Learning Modality


Paaralang Elementarya ng
Paaralan Baitang Baitang 5
Lesson Bagbag
Exemplar Guro Maria S.Cabrera Asignatura EPP
Ikalawang
Petsa March 17, 2021 Markahan
Markahan
Oras Bilang ng Araw

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at
Pangnilalaman kasanayan sa pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito sa pag-
unlad ng pamumuhay
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa nang maayos ang pagtatanim, pag-aani, at
pagsasapamilihan ng gulay sa masistemang pamamaraan
C. Pinakamahalagang
Kasanayan sa
Pagkatuto (MELC) Naisasapamilihan ang inalagaang hayop/isda
(Kung mayroon, isulat ang EPP5AG-0j-18
pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto o MELC)
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Mga Paraan ng Pagsasapamilihan ng Produkto
III. KAGAMITAN PANTURO
a. Mga Sanggunian MELC EPP G5 Q1 (p.541)
PIVOT 4ABOW R4QUBE (p.275)
b. Mga Pahina sa
PIVOT 4A module pp. 32-36
Kagamitang Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo para sa
mga Gawain sa Pagpapaunlad
at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction ALAMIN
(Panimula)  Sa bahaging ito, malalaman ng mga mag-aaral ang
tunguhin ng layunin na dapat matutuhan sa modyul.

BALIKAN
Basahin ang bawat bilang .Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa hayop na inaalagan sa likod bahay at


pinagkukunan ang mga produkto tulad ng penoy at balot?
a. Manok b. Itik c. Pugo d. Tilapya
2. Anong uri ng isda ang maaring anihin pagkaraan ng tatlo
hanggang apat na buwan?
a. Karpa b. Bangus c. Hito d. Tilapya
3. Ano ang tawag sa pagpaparami ng kalapati na kung saan
pinababayaan lamang sila na mamili ng kanilang mapapangasawa?
a. Natural b. Artipisyal c. Sekswal d. Asekswal
4. Ano ang tawag sa uri ng manok na inaalagaan para sa mga itlog
nito?
a. Broiler b. Layer c. White Leghorn d. Lancaster
5. Ito ay isang uri ng hayop na pinagkukuhanan ng organikong
pataba.
a. Kalapati b. Manok c. Pugo d. Itik

B. Development SURIIN
(Pagpapaunlad)  Sa puntong ito, ipapakita ng guro ang mga larawang
may kaugnayan sa aralin.

 Isi-share ng guro ang kanyang screen at ipapakita sa


mga mag-aaral ang mga paraan sa pagsasapamilihan
gamit ang naihandang powerpoint presentation.

PAGYAMANIN
 Sa seksyong ito, ibabahagi ng guro ang maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan ang
mga mag-aaral na maunawaan ang bagong konsepto at
mga kasanayan.

Gawain 3-p.34
Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng
katotohanan at MALI naman kung hindi.
__________1. Ang tingiang pagbebenta ay nakadepende sa
pangangailangan ng mamimili.
__________2. May iba’t-ibang paraan ng pagsasapamilihan ng mga
produktong galing sa hayop; pakyawan, maramihan, tingian at
maaari ding online selling.
__________3. Ang kiluhan sa pagbebenta ng produkto ay maaaring
ibenta ng dosena.
__________4. Maaaring bilhin ng kada piraso ang mga produktong
tingiang bilihan.
__________5. Mahalagang sundin ang mga umiiral na alituntunin
sa pagbebenta ng mga produkto.
C. Engagement PAGYAMANIN
(Pagpapalihan)  Bumuo ng 3-5 grupo ng mag-aaral. Ipagawa ang mga
gawain para sa malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa.

Gawain 4-p.35
Magbigay ng mga hayop na puwedeng ipagbili sa pamamagitan
ng mga sumusunod:

Lansakan o
Tingian Pakyawan
Maramihan

D. Assimilation ISAISIP
(Paglalapat)  Ipoproseso ng guro kung anong natutuhan ng mag-
aaral mula sa aralin sa pamamagitan ng pagpupuno ng
mga mag-aaral sa mga patlang ng talata.

Ang pagbebenta ng inalagaang hayop ay kinakailangang


nasa hustong gulang ang mga ito. Nagdudulot ito ng kita o dagdag
kita sa kabuhayan ng pamilya. May iba’t-ibang paraan ng
pagsasapamilihan o pagbebenta ng mga produktong galing sa
hayop na inalagaan tulad ng ___________, __________ at
_________

TAYAHIN
 Magbibigay ang guro ng gawain na naglalayong matasa
o masukat ang antas ng pagkatuto ng mga bata sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

GAWAIN 7 p.36
1. Ang pamilya Perez ay may manukan. Sa paanong paraan nila
ipagbibili ang itlog ng kanilang mga alagang manok?
a. Pakyawan c. Tingian ayon sa kilo
b. Maramihan d. Tingian ayon sa bilang

2. Nag-alaga ng tilapia si Mang Nestor, ano ang pinakaangkop na


paraan upang maibenta niya ang kanyang mga alaga?
a. Lansakan o maramihan c. Tingian
b. Pakyawan d. Lahat ng nabanggit

3. Ano ang dapat alamin kapag magbebenta ng produkto upang


hindi malugi at maibenta lahat ang produkto?
a. Dami ng ibebentang produkto
b. Kasalukuyang presyo ng produkto
c. Timbang ng mga ibebentang produkto
d. Gulang at laki ng ibebentang produkto

4. Mag-aalaga ng hayop si Mang Tony upang pagkakitaan. Ano ang


dapat na gagawin niya sa kanyang mga puhunan at gastusin?
a. Tatandaan ang halaga ng kanyang puhunan.
b. Ilista ang kanyang mga gastusin sa pag-aalaga.
c. Magkaroon ng talaan ng puhunan at gastusin.
d. Lahat ng nabanggit

5. Ano ang kahalagahang dulot ng kaalaman sa pagtutuos ng


puhunan, gastos at kita?
a. Upang malaman ang puhunang ihahanda susunod na
pag-aalaga
b. Upang mapaghandaan ang mga gastusin sa pag-aalaga.
c. Upang malaman kung tumubo o nalugi sa pag-aalaga ng
hayop.
d. Upang maplano ang pagbebenta ng mga alagang hayop

V. PAGNINILAY  Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno,


journal o portfolio ng kanilang nararamdaman o
realisasyon gamit ang mga sumusunod na
prompt:

Nakaramdam ako ng __________________.


Nabatid ko na _______________________.

Prepared by:

MARIA S. CABRERA
Teacher III
Checked:

CHARITY M. MARASIGAN
Master Teacher

Noted:

RAMIL A. BALLESTRA
Principal

You might also like