You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
DIVISION OF ROXAS CITY
City of Roxas

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 5


(AGRICULTURE)

I. NILALAMAN:

Kailangang isaalang – alangang ang maraming bagay o masusing pag-aaral kapag


nagbabalak mag-alaga ng mga halamang gulay sa inyong paligid. Maaaring isagawa ang mga
pag-aaral sa pamamagitan ng survey. Higit na magiging matagumpay ang paghahalaman kapag
maingat at masusing paghahanda ang isasagawa rito.

II. LAYUNIN:

1.2 Nakapagsasagawa ng survey upang malaman ang mga halamang gulay na maaaring
itanim: ayon sa lugar, panahon, pangangailangan, at gusto ng mga mamimili na maaaring
pagkakitaan.

III. PAKSANG ARALIN:

Paksa: Pagsasagawa ng Survey Upang Malaman ang mga Halamang Gulay na Maaaring
Itanim: Ayon sa Lugar, Panahon, Pangangailangan, at Gusto ng mga Mamimili na
Maaaring Pagkakitaan
Sanggunian: EPP5AG-0a-2 (1.2-1.2.1)
UmunladsaPaggawa 5, pp. 114 – 115
Agap at Sikap 6, p. 71-72
MakabuluhangGawaingPantahanan at Pangkabuhayan 6, p. 85-86
EPP 4 Patnubay ng Guro, pp. 130-132
Kagamitan: manila paper, pentel pen, kuwaderno, lapiso ballpen

IV. PANIMULANG PAGTATASA:

Ipasagot sa mga mag-aaral angsumusunod na tanong.

1. Ang pagpili ng lugar na pagtatamnan ay nababatay sa ____________.


a. pinagkukunan at pinagdadaluyan ng tubig at uri ng lupa
b. sapat nasikat ng araw
c. hangin at laki ng halamang gagawin
d. lahat ng nabanggit

2. Ito ay mahalagangpangangailangansapaghahalamanlalung-lalonasapanahon ng
tag-initkaya’tangbinabalaknahalamanan ay nararapatnanasalugarnamadaling
makakuha ng ____________.
a. sikat ng araw b. hangin c. tubig d. lupa

V. PAMAMARAAN:

A. PAGHAWAN NG BALAKID

1. survey 3. lugar 5. pangangailangan


2. salik 4. panahon 6. pananaliksik
B. PAGGANYAK

Magsurvey ang bawat pangkat sa pamayanan tungkol sa iba’tibang uri ng gulay


at mga paraan ng pagtatanim/pag-aalaga nito. Itanong sa mga mag-aaral ang:

 Anong paraan ang gagamitin ninyo upang mapadali ang gagawing pagsu-survey?
 Bigyangkahuluganangmgasalitang survey, salik, lugar, panahon,
pangangailangan, at pananaliksik.

C. PAGLALAHAD

Maghanda ang guro ng isu-survey ng bawat pangkat upang maging matagumpay


ang pananaliksik.

Pangalan ng Uri ng Halamang Lugar kung Saan Paraan ng


Halamang Gulay Gulay Dapat Itanim Pagtatanim/Pag
-aalaga
Ampalaya
Bataw
Sitaw
Talinum
Labanos
Petsay
Talong
Alogbate
Kalabasa
Patola

D. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

Idikit sa pisara ang mga nagawang survey ng bawat pangkat at talakayin ang mga
ito. Isa-isahin kung anong uri ng halaman, lugar kung saan dapat itanim, paraan ng
pagtatanim/pag-aalaga.

E. PAGSASANIB

ICT----web surfing

F. PAGLALAHAT

Sa paghahalaman, ang pagpaplano ay mahalagang Gawain sa pagkat


magiging gabay ito sa maayos at kapaki-pakinabang na paghahalaman. Sa pagpaplanong
gawain, makabubuting isaalang-alangang mga salik gaya ng lugar na pagtatamnan,
pangangailangan, at panahon upang ang mga layunin sa pagatatanim ay matamo.
Upang maging madali at mabilisang pagsa-survey ng kahit anong halamang
gulay, gamitin ang computer upang makatulong sa pagsasakatuparan sa mgaito.
Maaaring mas makikilala ang mga halamang gulay kung makikita ito sa internet.

VI. PAGTATAYA:

Magpasulat sa bawat kasapi ng pangkat ng isang maikling sanaysay tungkol sa


Isinagawang pagsa-survey.
VII. PANGWAKAS NA PAGTATASA:

Sabihin kung ang sumusunod ay halamang gulay na gumagapang, namumunga, o


bungang ugat, o bungang dahon.

1. Ampalaya 6. Petsay
2. Bataw 7. Talong
3. Sitaw 8. Alogbate
4. Talinum 9. Kalabasa
5. Labanos 10. Patola

VIII. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:

Padalhin ang mga bata ng mga halamang gulay na pweding itanim at itanim ito sa isang
lalagyan. Alagaan ang mga ito at subukang gamitin ang mga materyales sa pagtatanim.
Ipasulat ang resulta kung ito ay tumubo o hindi makalipas ang ilang araw at ibahagi ang ito
Sa klase.

Inihanda ni:

JOEL D. ARROYO, EdD


Master Teacher I
InzoArnaldo Village Integrated School

Iniwasto ni:

GORGONIO A. BATILARAN, JR.


EPS TLE/EPP

You might also like