You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII-Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF BOHOL

EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN LESSON PLAN


(DepEd Order 42, s 2016)

Teachers Name: GLADYS T. BAZAR Quarter: 1


Subject and Grade Level: EPP 5 Week 1 Day 4

Most Pangkalahatang Layunin: Nakapagsasagawa ng survey upang malaman ang mga


Essential halamang gulay na maaaring itanim ayon sa panahon.
Learning
Tiyak na Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang matuto sa
Competency -
(MELC) mga sumusunod:
A. Kaalaman: Piliin ang tamang pananim ayon sa panahon.
B. Kasanayan: Tukuyin ang uri ng tanim na angkop sa panahon.
Code:
EPP5AG_1a_2 C. Kaasalan: Iulat ang kahalagahan sa mga uri ng panahon

Nilalaman Pagsasagawa ng Survey sa lupang pagtaniman


3.Mga Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5, ph.61-63, tunay na mga halaman,lupa,
Kagamitang
powerpoint
Pagtuturo
Mga Pama- A. Paghahanda :
maraan Pagbibigay puna sa takdang-aralin
Balik-aralan ang mga iba’t-ibang uri ng lupa na angkop sa mga malulusog na
pananim.
Pag-aralan ang tsart/larawan ( TINGNAN ANG ATTACHMENT NA LARAWAN)

Photo Credit: Mirasol S.Lafuente

Photo Credit: Mirasol S.Lafuente


Photo Credit: Mirasol S. Lafuente

Ano ang inyong masasabi sa mga larawan? Ano-anong mga uri ng lupa ito? Bakit?
B. Paglalahad

1. Drill/Aktibidad

Pagbibigay Tanong:
a. Ano-ano ang inyong masasabi tungkol sa panahon natin ngayon?
b. Ano-ano kaya ang mga pananim na angkop itanim ayon sa panahon mayroon
tayo ngayon?
c. Ilahad ang tsart o Kalendaryo ng Pagtatanim sa batayang aklat pahina 62.

DepED LM’s
d.Bakit kailangan iangkop natin ang mga pananim sa tamang panahon?
2. Pagsusuri: Gabay na mga Tanong (2 minuto)
Pagbuo ng pangkatang gawain: (Pagsusuri sa mga uri ng panahon / klima sa mga
lugar at mga halamang nabubuhay dito)
Pangkat I- Malamig na klima
Pangkat II- Maiinit na klima
Pangkat III- Mainam na klima
Ipasuri muli ang larawan. Ipaliwanag sa klase ang mga uri ng lupang angkop na
pagtaniman.
* Ano-ano ang mga pakinabang na maidudulot nito sa mga pananim?
*Bakit kaya mahalagang magkaroon ng maganda at angkop na lupa para sa pananim
sa pamayanan o paaralan?
* Paano nakatutulong ito sa kalusugan ng bawat pananim?

C. Pagtatalakay (12 minuto )

Pabuksan ang aklat “Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5, ph. 61-63.


Basahin at alamin ang mga pananim o produkto na madalas matatagpuan sa iba’t ibang
lugar ng bansa ayon sa panahon at klima.
D. Paglalapat ( 6 minuto )
Pagbibigay Tanong:
* Anong klima/panahon mayroon ang Pilipinas?
* Anong lugar ang may malamig na klima at tinatawag na
“Vegetable Basket of Central Visayas”?

* Anong lugar ang tinatawag na “Salad Bowl of the Philippines”?


* Ano-anong mga lugar ang tinatawag na:
1. “Vegetable Basket of Central Visayas”?
2. “Salad Bowl of the Philippines”?
Bakit kaya sagana sa produktong lupa ang mga lugar na ito?

E. Pagtataya ( 6 minuto )
Sagutan ang nasa batayang aklat “SURIIN“p. 65.
Bakit kailangang malaman ang mga uri ng gulay na itatanim sa bawat panahon?
Saan tayo sumangguni upang ang mga halamang itatanim ay maiaangkop sa tamang
panahon at klima?

G. Panapos na Gawain/Takdang-Gawain
Mag survey ng mga pananim na mayroon kayo sa tahanan at pamayanan at itala
ito sa iyong kwaderno.

Remarks

Reflection

You might also like