You are on page 1of 3

School: MAHARLIKA INTEGRATED Grade Level: V

SCHOOL
Teacher: EDIMAR L. RINGOR Learning Area: EPP
Teaching Dates MARCH 12, 2024 Quarter: 3RD
GRADE 5 and Time: QUARTE
DAILY LESSON PLAN R

TUESDAY
I. Layunin Pagkatapos ng aralin ng mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. nakagagawa ng menu para sa agahan, pananghalian at hapunan ayon sa badyet ng
pamilya;
b. nasusuri ang sustansyang makukuha sa pinaplanong menu; at
c. naisasagawa ang pagluluto ng masustansiyang pagkain.
A. Pamantayang Naipapamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa “gawaing pantahanan” at
Pangnilalaman tungkulin at pangangalaga sa sarili.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ang kasanayan sa pangangalaga sa sarili at gawaing pantahanan na
nakakatulong sa pagsasaayos ng tahanan.
C. Mga Kasanayan sa 1.1Naisasagawa ang pagpaplano at pagluluto ng masustansiyang pagkain (almusal,
Pagkatuto (Isulat ang code ng tanghalian, at hapunan) ayon sa badyet ng pamilya EPP5HE- 0i-24
bawat kasanayan)

II. NILALAMAN Pagpaplano at pagluluto ng masustansiyang pagkain


III. KAGAMITANG POWERPOINT
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Lee, E. G. L. (2019). Kabanata 2: Mga Tungkulin sa Tahanan at Pamilya. InMasiglang
Guro Pamumuhay para sa Kinabukasan(2nd ed., pp. 173-181). Phoenix Publishing House Inc.
2. Mga pahina sa Gabay ng
Pang-mag-aaral
3. Mga pahina Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan https://www.youtube.com/watch?v=GNU_EF9irns


mula sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang
pangturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik –Aral sa nakaraang Bago tayo dumako sa ating aralin ay
aralin at sa pagsisimula ng magkaroon muna tayo ng pagbabalik-aral.
bagong aralin Anong paksa ang ating tinalakay natin sa
nakaraang araw sa EPP?
Panuto: Ayusin ang scrambled letters at isulat sa patlang ang salitang tinutukoy nito.
PARNO 1. Pinapatong sa damit upang hindi ito marumihan habang nagluluto.
AKARYGANA 2. Harapang bahagi ng tela.
TOP EDROHL 3. Panghawak na ginagamit sa pagbukas ng mainit na takip ng kaserola.
BKAAILGTANAR 4. Dito inilalatag ang padron.
NOTOK 5. Telang ginagamit sa paggawa ng punda, apron, o damit ng bata.
B. Paghahabi ng layunin ng
aralin
C.Pag-uugnay ng mga Panuto: Kilalanin ang mga nasa larawan . Kumpletuhin ang word clue sa pamamagitan ng
halimbawa sa bagong aralin paglagay ng tamang titik sa loob ng kahon
D. Pagtalakay ng bagong Pagpaplano ng Masustansyang Pagkain (Almusal, Tanghalian at Hapunan ) Ayon sa
konsepto at paglalahad ng Badyet ng Pamilya Maraming naglalabasan na masasarap na pagkain na kakaiba sa ating
bagong kasanayan # 1 paningin at panlasa. Likas sa mga Pinoy ang mahilig kumain kung kaya’t naeengganyo
tayong tikman ito. Hindi masama ang kumain ngunit ang sobrang kain na walang
limitasyon ay maaring makaapekto sa ating kalusugan . Sa yugto na ito ng pandemya, ang
pagpaplano at pagluluto ng pagkain ay kailangang pag-isipan at balaking mabuti para sa
kapakanan ng ating mga mahal sa buhay. Mahalaga ang kaalaman na ito dahil
makatutulong ito upang maging gabay natin para maging malusog, masigla at malakas ang
ating resistensya. At dahil dito makakaiwas tayo sa sakit. Hindi rin magiging hadlang ang
pagpili ng masustansyang pagkain na naaayon sa badyet para sa pamilya kung ating
maisasagawa ito ng wasto
E. Pagtalakay ng bagong Narito ang mga mahahalagang salik na dapat isaalang-alang sa pagpapaplano at pagluluto
konsepto at paglalahad ng ng pagkain:
bagong kasanayan # 2
1. Menu Ito ay talaan ng mga pagkain at inuming ihahain sa oras ng kainan. Nagiging
batayan natin sa paggawa ng menu ang tatlong pangkat ng pagkain para sa isang
kumpletong hain.

2. Talaan ng mga Putahe (Menu Pattern) Gamitin ito sa pagpaplano ng menu upang
makabuo ng resipi para sa tiyak na age group. Mahalaga ang menu pattern sa paghahanda
ng pagkain para sa pamilya dahil pinag-iisipang mabuti ang mga ihahaing pagkain para sa
buong mag-anak.

3. Resipi Ito ay talaan ng mga sangkap at pamamaraan para sa paghahanda ng isang


lulutuing putahe o ihahandang pagkain. Tiyaking kumpleto ang mga gagamiting sangkap
sa pagluluto upang tuloy-tuloy ang paghahanda .

4. Sustansyang Nakukuha sa Pagkain Kinakailangang may sustansya ang mga pagkain na


ihahanda. Bukod sa Tatlong Pangkat ng Pagkain mahalagang bigyan pansin din ang Food
Pyramid at Pinggang Pinoy upang maging gabay sa paghahanda ng pagkain at makatiyak
na wasto at sapat ang pagkain na ihahain sa hapag kainan.

5. Badyet ng Pamilya Ibinabatay ang pagkaing ihahanda sa perang gugugulin na nakalaan


para sa lulutuing pagkain.
6. Laki ng Mag-anak Dito isinasaalang-alang ang bilang , edad at kasarian ng bawat
kasapi ng mag-anak sa paghahanda ng pagkain. 7. Lagay ng Panahon Masarap kumain ng
pagkaing mainit at may sabaw sa panahon ng taglamig. Kung panahon naman ng tag-init
mainam naman kumain ng malalamig na meryenda. 8. Panahon sa Paghahanda ng Pagkain
Dapat maglaan ng sapat na oras sa gagawing paghahanda at pagluluto. 9. Mga
Kasangkapan at Kagamitan sa Gagamitin sa Pagluluto May mga pagkain na
nangangailangan ng wastong kasangkapan sa pagluluto. Tingnan muna ang sariling kusina
kung sapat ang kagamitan bago magluto.

F. Paglinang sa kabihasnan Panuto: Dagdagan ang mga sumusunod na pagkain upang maging kumpleto ang
(Tungo sa Formative haingpagkain (meal) Piliin ang sagot sa loob ng panaklong at isulat sa patlang.
Assessment) 1. Tinapay , Scrambled egg, Gatas, _____________ (Saging, Juice)
2. Nilagang Baka , Kanin, _____________________ (Mangga, Sinigang na Baboy)
3. Pritong Isda, Pakbet, Saging, ________________ (Kanin, Tinapay)
4. Chopsuey, Papaya, Kanin, ___________________ (Pritong Manok, Sinangag na
Kanin)
5. Adobong Baboy, Kanin , _____________________(Papay a , Tinolang Manok)
G. Paglalapat ng aralin sa Gumawa ng talaan ng mga putahe o menu pattern para sa loob ng isang linggo na
pang-araw araw na buhay
H. Paglalahat ng aralin Ano ano ang mga Alituntuning Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa paghahanda at
pagluluto ng pagkain?
Kailangan ba nating planuhin ang mga pagkain na ating ihahanda sa hapag-kainan? Bakit?
Sa iyong palagay, dapat ba nating isaalang-alang ang badyet ng pamilya na ilalaan para sa
pagkain? Bakit?
I. Pagtataya ng aralin Panuto: 1. Pumili ng isang putahe sa menu plan na iyong ginawa. 2. Lutuin ang putaheng
ito sa tulong ng iyong magulang o ng mas nakakatanda sa iyong tahanan. 3. Kunan ng
litrato ang pagluto mo sa putahe at idikit ito sa papel. 4. Sa papel na dinikitan ng litrato,
ilagay sa ibaba ang paraan kung paano Ninyo ito ginawa.
J. Karagdagan Gawain para sa
takdang aralin at remediation
V.MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
Gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remediation? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa aralin.
D Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga estratehiyang
pagtuturo na nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyon sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking ginamit/nadiskubre
na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

You might also like