You are on page 1of 13

5

EDUKASYONG PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN
QUARTER 2
Week 8

CapSLET
Capsulized Self - Learning
Empowerment
Toolkit

Schools Division Office of Zamboanga City


Region IX, Zamboanga Peninsula
Zamboanga City

0
SUBJECT &
GRADE/LEVEL
EPP 5 QUARTER 2 WEEK 8

TOPIC KAAKIT-AKIT NA PAGHAHANDA NG PAGKAIN

LEARNING CODE
1.3 Naihahandanangkaakit-akit ang nilutong
COMPETENCY
pagkain sa hapag kainan (food presentation) EPP5HE-0j-29

LEARNING
OBJECTIVES Nakalilikha ng ilangparaan ng kaakit-akitnapaghahanda ng pagkain.

IMPORTANT: Do not write anything on this material. Write your answers on the learner’s activity and
assessment sheets provided separately.

UNAWAIN
Topic: KAAKIT-AKIT NA PAGHAHANDA NG PAGKAIN

Ang kaalaman sa pagsisilbi ng tatlong pagkain sa isang araw ay nakadaragdag sa


kaligayahan ng buhay mag-anak.
Ang uri ng pag-sisilbi ay ayon sa kaugalian ng mag-anak, espasyo, okasyon, kagamitan,
mga pagsisilbihan at menu. Ngunit ang karaniwang ginagamit sa pag-sisilbi o paghahanda ay ang
estilong pang mag-anak at ang bupey.
Ang pang mag-anak ay ang karaniwang ginagawa ng pag-aayos sa loob ng sariling tahanan.
Ito ay napakasimpleng paraan ng pagsisilbi na ang punong-abala siyang nagsisilbi o taga-tingin sa
hapag kung may dapat pang dagdagan o lalagyan.
Ang bupey ay isang maginhawang paraan ng pagsisilbi kung maraming panauhin lalo na
kung kakaunti ang mga tagasilbi. Ito ay mainam sa tanghalian, hapunan, handaan o meryenda.
Lahat ng mga pagkain ay inilalagay sa mesa at sunod-sunod ang mga pangunahing kukuha bago
hahanap ang pwestong mauupuan. Ang bawat isa ay maaring bumalik kung gusto pa.
Ang paghahanda ng pagkain ay maaring tawaging pormal (Russian Style) kung ang mga
pagkain ay isinisilbi ng wayter; impormal (English Style) kung ang lahat ng mga pagkain ay
naidudulot sa hapag/ mesa at kompromeys (compromise) kung ang ibang mga pagkain ay naidulot
sa mesa at ang iba naman ay nasa kusina.
Ang paghahanda ng nilutong pagkain sa hapag kainan (food presentation) ay isang paraan ng
sining upang mapaganda o maging kaakit-akit ang itsura ng pagkain na higit na magustuhan ng
taong pagdudulutan. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng paglalagay ng dekorasyong gulay,
prutas, sarsa, sa ibabaw ng pagkain o sa gilid nito at tinawag nating “Plating”.

1
Mga Paraan Ng Kaakit-Akit na Paghahanda ng NilutongPagkain

1. Gumawa ng konsepto o drawing ng pagkain sa plato. Humanap ng inspirasyon mula sa


larawan o bagay at magplano ng gagawing gayak sa nilutong pagkain.
2. Pumili ng isa hanggang dalawang sangkap na ilalagay sa presentasyon ng pagkain.
Gawing simple lamang ito.
3. Gawing balanse ang nilutong pagkain. Pagtugmain ang mga kulay, hugis at tekstura ng
pagkain na siguradong makaaakit sa mga taong kakain.
4. Tiyaking wasto ang dami/sukat ng mga sangkap at ng nilutong pagkain bago ilagay sa plato.
Ito ay dapat na tumutugma din sa sukat/hugis ng plato.
5. Kailangan na ang pangunahing sangkap ng nilutong pagkain ang manging ibabaw sa
kabuuan at hindi ito matatakpan ng mgagayak, sarsa, at iba pang pala muti sa pagkain.

Mga Paraan ng Paghahain sa Hapag-Kainan:


1. Smorgasboard - ang lahat ng pagkain ay inihain at pinapakain hangga't gusto
pang kumain.

2. Russian style - ito'y pormal na pag-aayos ng mesa. Ang bawat kakain ay bibigyan ng
pagkain at tuwing matatapos kumain ay aalisin ang mga kinakain at papalitan ng
isusunod na dapat kainin.

3. Buffet style - ang lahat ng pagkain ay nakahanda sa isang mesa at ang mga kakain
ang kukuha ng kanilang gusting kainin.

4. Family style o English style - ang mesa ay nakaayos ayon sa bilang at dami ng kakain
na may nakalagay na placement at mga gamit sa pagkain. Ang mga pagkain
ay nasa gitna ng mesa at maaaring abutin ng mga kakain.

5. Individual cover - pag-aayos para sa isang paghahain sa isang tao.

SAQ-1: Ano-ano ang mga paraan ng paghahainsahapagkainan?


SAQ-2:Bakitmahalaga ang kaaikit-akitnaparaan ngpaghahanda ng pagkain?

2
Let’s Do This!

Let’s Practice!

I. Panuto: Iguhit ang masayang mukha sa tapat ng larawang nagpapakita ng kaakit-akit


na paghahanda ng pagkain at malungkot na mukha ang hindi nagpapakita ng tamang
paraan ng paghahanda ng nilutong pagkain.

1. ______________6. _____________

2. ______________ 7. _______________

3. ______ _______________8. _______________

4. _______________9. _________________

5. _________________ 10. __________________

II.Panuto:Pagtambalinang Hanay A at Hanay B. Isulat sa patlang ang letra ng sagot na iyong


napili.
Hanay A Hanay B
_____1.Ito ay paraan na pormal na pag-aayos
ng mesa. Ang bawat kakain ay bibigyan ng A. Individual cover
pagkain at tuwing matatapos kumain ay aalisin B. Family Style o English Style
ang mga kinakain at papalitan ng isusunod na C. Smorgasboard
dapat kainin. D. Russian Style
_____2. Ito ay paraan ng paghahain sa hapag- E. Buffet Style
kainan na kung saan ang lahat ng pagkain ay F. American Style
inihain at pinapakain hangga't gusto pang
kumain.
_____3.Ito ay pag-aayos para sa isang
paghahain sa isang tao.
_____4.Kung saan ang lahat ng pagkain ay
nakahanda sa isang mesa at ang mga kakain
ang kukuha ng kanilang gustong kainin.
____5. Ang mesa ay nakaayos ayon sa bilang at
dami ng kakain na may nakalagay na placement
at mga gamit sa pagkain. Ang mga pagkain ay
nasa gitna ng mesa at maaaring abutin ng mga
kakanin.

3
ISAISIP
Key Points

Kaakit-akitnaPaghahanda ng Pagkain

Ang kaakit-akit na paghahanda ng nilutong pagkain ay kasing halaga ng nilalaman nito.


Kahit na simpleng putahe o ulam ang inihanda ngunit kung kaakit-akit naman ang presentasyon
nito, tiyak na kawili-wili at gaganahan ang mga kakain.
Isaalang- alang ang mga sumusunod sa paghahanda ng kaakit-akit na pagkain:
1. Kulay
Magplano ng ihahanda ng pagkain na makulay at lubhang kaakit-akit. Tiyaking magkakatugma
at magkakasabay sa isa’t isa halimbawa ng kulay pula, berde, at dilaw sa gelatin at sa gisado
ng gulay.
2. Lasa
Sapagkat ang ulam o pagkaing inihahanda ay binubuo ng iba’t ibang sangkap. Ibayong pag-
iingat ang dapat na isipin sa paghahanda ng pagkain. Tiyaking hindi masyadong maanghang,
maalat, o kaya’y matabang. Ang panlasa ng bawat tao ay iba-iba kaya ang pagbabagay ng
pampalasa ay na ayon sa nais ng taong kakain.
3. Hugis at Anyo
Partikular ang mga bata sa hugis at anyo ng mga sangkap ng pagkain. Ang pagsasama-sama
ng iba’t ibang hugis at anyo ay nagiging kaakit-akit sa paningin nila, halimbawa nito ay mga
Santa Hat Cake Pop, gelatin na hugis bituin, at iba pa.
4. Pagkakaiba-iba ng Texture
Ang texture ng pagkain ay iba-iba. Maaring malambot, malutong, gaya ng carrot stick,
pipino stick; mamasa-masa, malambot, at chewy.
5. Temperature
Ang ihahandang pagkain ay maaring mainit at malamig. Ihain ang pagkaing malamig kung ito
ay dapat ay malamig gaya ng salad; at mainit kung ito ay dapat na maiinit gaya ng soup.

Ang maganda at maayos na paghahain ng hapag-kainan ay napapagana sa pagkain ng mag-anak.

SUBUKIN NATIN
Let’s see how much have you learned today!

Rubrik sa paghahanda ng kaakit-akit na pagkain


Pamantayan Puntos
5 4 3 2 1
1.Nakasunod ng maayos sa mga direksyon sa
paggawa.
2. malinis, maayos ang pagkakagawa
3. nagging malikhain
4.masarap at kaakit-akit

Pagpapakahulugan
20-15= Napakahusay
14-10= Mahusay
9-6= Mahusay-husay
5-1= Kailangan pang magsanay

Panuto: Pumili at maghanda ng isang kaakit-akit na paraan ng paghahanda ng pagkain base sa


iyong natutunan sa mga paraan ng paghahanda ng kaakit-akit na pagkain. Isilbi o ibahagi ito sa
tatlong miyembro ng inyong pamilya na siyang magiging hurado at magbibigay ng puntos sa iyong
ginawa gamit ang rubriks na binigay.

4
CapSLET
Capsulized Self - Learning Empowerment Toolkit
SUBJECT &
GRADE/LEVEL
EPP 5 QUARTER 2 WEEK 8

TOPIC MGA WASTONG HAKBANG SA PAGHAHANDA NG HAPAG-KAINAN


LEARNING CODE
COMPETENCY 1.3 Naihahanda nang kaakit-akit ang nilutong
pagkain sa hapag kainan EPP5HE-0j-29

LEARNING Naipaliliwanag ang dapat tandaaan /mga alituntunin sa paghahanda ng


OBJECTIVES mesa at paghahain (principles in table setting)

IMPORTANT: Do not write anything on this material. Write your answers on the learner’s activity
and assessment sheets provided separately.

UNAWAIN
Topic: MGA WASTONG HAKBANG SA PAGHAHANDA NG HAPAG-KAINAN

Dagdag Kaalaman

Ang hapag, hapag-kainan, mesa o lamesa ay ang


patag na kagamitan sa bahay na may apat na paa.
Kalimitang yari ito sa kahoy. Dito pinapatong ang mga
pagkain sa oras ng almusal, tanghalian, meryenda o
hapunan.

Mahalaga sa isang pamilya ang sabay-sabay na pagkain sa hapag-kainan. Isa itong


masayang tagpo na dapat pagyamanin ng bawat kasapi nang mag-anak. Maraming magagandang
bagay ang puwedeng maganap habang kumakain.
Napakahalaga ng oras kapag nagkakasama-sama ang mga kasapi ng pamilya sa hapag-
kainan. Nagkakaroon ng masayang pagsasalo-salo ang pamilya kung ang mesang-kainan ay
nakahanda nang maayos. Ang lahat ng kasapi ay nakakaramdam ng kapayapaan at kaginhawaan.
Ang paghahanda ng hapag-kainan ay isang napakagandang karanasan na dapat matutuhan
ng sinuman. Kahit isang simpleng pagsasalo-salo, kailangan maging malikhain at maayos upang
maihain ang mga pagkain nang kaaya-aya at katakam-takam. Mabuting malaman ang paghahanda
ng mesa at mga kagamitang kailangan sa pagsasaayos nito.

5
Serbilyeta- (table napkin) ay Baso- isang kagamitan na
isang rektanggulo na tela kung maaring lagyan ng inumin
saan ginagamit sa hapag- tulad ng tubig, gatas at iba
kainan upang punasan ang pa.
bibig o mga daliri.

Tinidor- ang gamitin bilang pamalit Kutsara-isang kagamitan


sa kutsilyo kung may puputuling para sa pagsubo ng
pagkain. pagkain o sa paghahain.

Pinggan- ay isang bagay na Placemat- kagamitan na


ginagamit natin upang doon ilagay nilalagay sa mesa upang
ang ating pagkain. patungan ng pinggan.

Mga Wastong mga Hakbang sa Pag-aayos ng Hapag-kainan


1. Punasan ang mesa at maglagay ng mantel o placemat sa lugar ng bawat taong kakain. Ito
ay tinatawag na one cover.
2. Ilagay ang nakatihayang plato sa gitna ng cover na may pagitang isang pulgada mula sa
gilid ng mesa.
3. Ilagay sa kaliwang bahagi ng plato ang serbilyeta at tinidor na nakatihaya. Sa kanang bahagi
naman ang kutsara na nakatihaya rin at sa bandang itaas ni to ilagay ang baso na may ¾ na
tubig.
4. Ilagay ang nasa tray na prutas sa gitna ng hapag-kainan.
5. Gawin ito sa iba pang cover. Bigyan ng sapat na pagitan upang makakilos nang maluwag at
maayos ang mga kakain.

SAQ-1: Paano inaayos sa hapag-kainan ang plato, kutsara, at tinidor?


SAQ-2 : May mga panahon bang hindi ka gumagamit ng kubyertos? Bakit?
SAQ-3 : Ano ang gagawin mo sakaling may makita ka o makasamang tao
na hindi o ayaw gumamit ng kubyertos habang kumakain?

Let’s Do This!

Let’s Practice!

A. Panuto: Pagsunud-sunurin ang wastong mga hakbang sa pag-aayos ng hapag-kainan.


Isulat ang bilang 1-5 sa sagutang papel.

_____1. Ilagay ang nakatihayang plato sa gitna ng cover o placemat.


_____2. Isaayos ang serbilyeta, tinidor, kutsara sa paligid ng plato.
_____3. Gawin ito sa iba pang cover.
_____4. Punasan ang mesa at maglagay ng mantel o placemat.
_____5. Ilagay ang baso sa bandang itaas ng plato na may ¾ na laman na tubig.

6
B.Panuto: Ilarawan ang tamang posisyon ng mga kagamitan sa pag-aayos ng isang cover sa
hapag-kainan. Iguhit sa isang malinis na papel. (5 puntos)

ISAISIP
Key Points

Mga Kagandahang-asal sa Hapag-kainan

1. Magdasal bago at pagkatapos kumain.


2. Maglaan ng upuan sa bawat isa. Unang paupuin ang babae bago ang lalaki.
3. Umupo nang tuwid na nakalapat ang paa sa sahig. Iwasang ipatong ang mga siko sa
ibabaw ng mesa.
4. Gamitin nang maayos ang kutsara at tinidor. Tinidor ang gamitin bilang pamalit sa
kutsilyo kung may puputuling pagkain.
5. Kung may sopas o sabaw gamitin ang gilid ng kutsara nang paiwas sa iyo at higupin ang
sabaw nang walang ingay.
6. Magsubo ng katamtamang dami ng pagkain gamit ang gilid ng kutsara at hindi ang dulo
nito.
7. Ipakisuyu ang pagkaing malayo sa iyo sa kasamahang malapit ditto kung gusto mong
kumuha nito.
8. Maging magalang at ibigay ang batensyon sa iba pang kasamahang kumakain.
Magalang na tanggihan ang pagkaing hindi gusto.
9. Iwasang hipan ang pagkain kung ito ay mainit pa sa halip ito ay hayaang kusang maalis
ang init.
10. Huwag magsasalita kung puno o may pagkain ang bibig.

SUBUKIN NATIN
Let’s see how much have you learned today!

Sagutin ang mga sumusunod.


A. Panuto: Lagyan ng larawan ng masayang mukha  ang patlang kung ang pangungusap ay
nagsasabi ng kagandahang-asal sa hapag-kainan at malungkot na mukha  kung hindi.
_____1. Punuin ng pagkain ang pinggan.
_____2. Gamitin ang gilid ng kutsara sa pagsubo ng pagkain.
_____3. Nguyain ang pagkain nang sarado ang bibig.
_____4. Magkuwento ukol sa patay o samga maysakit habang kumakain.
_____5. Ilagay nangpahalang sa ibabaw ng pinggan ang mga kubyertos kung tapos nang
kumain.
_____6. Magsalita nang walang pagkain sa bibig.
_____7. Hayaang lumamig ang pagkain bago isubo.
_____8. Magalang na tanggihan ang pagkaing hindi gusto.
_____9. Maaaring gawing pamalit ang tinidor sa kutsilyo sa pagputol ng pagkain.
_____10. Mag-ukol ng atensyon sa kalapit na kumakain.
7
B. Panuto: Ipaliwanag ang dapat tandaan o mga alituntunin sa paghahanda ng mesa at
paghahain. (10 puntos)
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Website:CathyBangit-Gonzaga
Follow. “WastongPaghahanda Ng Pagkain.” LinkIn SlideShare, 25 july 2013,
www.slideshare.net/cathybangit/wastong-paghahanda-ng-pagkain

K-12 Most Essential Learning Competencies, Department of Education, Manila:


(May 2020): p406

Kaalaman at KasanayanTungosaKaunlaran (BatayangAklat)


VICARISH Publication and Trading Inc., pahina163-164
REFERENCE/S
Hilario, Loida L. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan. Rex
Book Store, 1991.
“Hapag.” Wikiwand, www.wikiwand.com/tl/Hapag.
“Depinisyon Ng Serbilyeta, Kahulugan Ng Serbilyeta.” Depinisyon
Kahulugan,www.depinisyon.com/depinisyon-173415-serbilyeta.php.
“Depinisyon Ng Place Mat, Kahulugan Ng Place Mat.” Depinisyon
Kahulugan, m.depinisyon.com/depinisyon-148501-place-mat.php.
“Baso.” Wikipedia, Wikimedia Foundation, 15 Nov. 2019, tl.wikipedia.org/wiki/Baso.
“Kutsara.” Wiktionary, tl.wiktionary.org/wiki/kutsara.
This learning resource contains copyrighted materials. The use of which has not
been specifically authorized by the copyright owner. We are making this learning
resource in our efforts to provide printed and e-copy learning resources available
for the learners in reference to the learning continuity plan of this division in this
DISCLAIMER time of pandemic.

This LR is produced and distributed locally without profit and will be used for
educational purposes only. No malicious infringement is intended by the writer.
Credits and respect to the original creator/owner of the materials found in this
learning resource.

Sinulat ni:

ROBIN C. CLEMENTE KATHERINE T. SEPE GERALDINE E. LIBRANDO


Teacher-I Master Teacher-II Teacher-I
ROGIELYN Q. INOVEJAS MARY CECILLE G. FAJARDO
Teacher-I Teacher-I

San Roque Elementary School

8
Republic of the Philippines
Department of Education
Division of Zamboanga City

EVALUATION TOOL FOR CONTENT AND LAYOUT & DESIGN


CAPSULIZED SELF-LEARNING EMPOWERMENT TOOLKIT (CapSLET)

Learning Area: _____EPP – H.E_________________________ Grade Level: _____5____


Title: ___________________________________________________________________
Kaakit-akit na Paghahanda ng Pagkain
Quarter: _____2__________________________________________________________
Week: ________8_________________________________________________________
Learning Competency: _________________________________________________________

Instructions:

1. Read carefully the learning resource (LR) page by page to evaluate the LR for compliance to standards
indicated in the criterion items under each factor below.
2. Put a check mark (/) in the appropriate column beside each criterion item. If your answer is NO, cite
specific page/s, briefly indicate the errors found, and give your recommendations in the attached
Summary of Findings form.
3. Write Not Applicable (NA) for criterion items that does not apply in the LR evaluated.

Standards /Criterion Items Yes No


CONTENT
Factor I. Intellectual Property Rights Compliance
1. The learning resource has no copyright violations. /
2. The copyrighted texts and visuals used in the LR are cited. /
3. The copyrighted materials used in the LR are accurately cited. /
4. The references are properly cited in the Reference/s box using the
DepEd LR Referencing Guide.
Note: At least 3 criterion items must be marked YES to indicate compliance to this factor. Complied Not Complied

Factor II. Learning Competencies


1. Content is consistent with the targeted DepEd Most Essential
Learning Competencies (MELCs) intended for the learning area and /
grade level.
2. The MELC is subtasked into learning objectives based on the
Compressed Curriculum Guide Syllabus (CCGS) of a specific
/
learning area.

Note: These 2 criterion items must be marked YES to indicate compliance to this factor. Complied Not Complied

Factor III. Instructional Design and Organization


1. The LR contributes to the achievement of specific objectives of the
/
learning area and grade level for which it is intended.
2. Sequencing of contents and activities from UNDERSTAND,
REMEMBER and TRY within each lesson facilitates achievement of /
objectives.
3. Content is suitable to the target learner’s level of development, needs,
/
and experience.
4. Content reinforces, enriches, and / or leads to the mastery of the
targeted learning competencies intended for the learning area and /
grade level.

9
5. The LR develops higher cognitive skills (e.g., critical thinking skills,
/
creativity, learning by doing, problem solving) and 21st century skills.
6. The LR enhances the development of desirable values and traits such
as: (Mark the appropriate box with an “X” applicable for values and /
traits only)

Note: At least 5 criterion items must be marked YES to indicate compliance to this factor. Complied Not Complied

Factor IV. Instructional Quality


1. Content and information are accurate. /
2. Content and information are up-to-date. /
3. The LR is free from any social content violations. /
4. The LR is free from factual errors. /
5. The LR is free from computational errors (if applicable)
6. The LR is free from grammatical errors. /
7. The LR is free from typographical errors. /
Note: At least 6 criterion items must be marked YES to indicate compliance to this factor. Complied Not Complied

Factor V. Assessment
1. The LR provides useful measures and information that help the
teacher evaluate learner’s progress in mastering the target /
competencies.
2. Assessment aligns with the learning competency/ies.
/
3. Assessment provides clear instructions in the TRY section. /
4. Assessment provides correct answer/s. /
Note: All criterion items must be marked YES to indicate compliance to this factor. Complied Not Complied

Factor VI. Readability


1. Vocabulary level is adapted to target users’ experience and
/
understanding.
2. Length of sentences is suited to the comprehension level of the target
/
user.
3. Sentences and paragraph structures are varied and appropriate to the
/
target user.
4. Lessons, instructions, exercises, questions, and activities are clear to
/
the target user.
5. The LR provides appropriate mother tongue for the target user. /
Note: At least 4 criterion items must be marked YES to indicate compliance to this factor Complied Not Complied

LAYOUT AND DESIGN


Factor I. Physical Attributes
1. All necessary elements are complete. /
2. Cover elements are correct and complete. (i.e., w/ grade indicator &
/
learning area, CapsLET title, quarter, headings, division tagline)
3. The CapsLET follows the prescribed learning area color. /
4. The LR observes correct pagination. /
5. Contains accurate learning competency and code. /
Note: All criterion items must be marked YES to indicate compliance to this factor Complied Not Complied

10
Factor II. Layout and Design
1. The LR follows the prescribed CapsLET template. (maximum of 10
/
pages and minimum of 3 pages)
2. The LR follows the prescribed CapsLET paper size
/
(long bond paper - 21.59cm x 33.02cm).
Note: All items be marked YES to indicate compliance to this factor. Complied Not Complied

Factor III. Typographical Organization


1. The LR uses appropriate font size (12 or 14) and styles
/
(Calibri Body, Arial or Times New Roman).
2. The LR follows the rules in the use of boldface and italics. /
Note: All criterion items must be YES to indicate compliance to this factor. Complied Not Complied

Factor IV. Visuals


1. It contains visuals that illustrate and clarify the concept. /
2. It has images that are easily recognizable. /
3. Layout is appropriate to the child. /
4. Text and visuals are properly placed. /
Note: All criterion items must be marked YES to indicate compliance to this factor. Complied Not Complied

Recommendation: (Please put a check mark (/) in the appropriate box.)

/ Minor revision. This material is found compliant to the minimum requirements in all six factors. Revision based on the
recommendations included in the Summary of Content Findings form and LR with marginal notes must be implemented.

Major revision. This material is non-compliant to the requirements in one or more factors. Revision based on the recommendations
included in the Summary of Content Findings form and LR with marginal notes must be implemented.

For field validation. This material is found compliant to all factors with NO corrections.

I certify that this evaluation report and the recommendation(s) in the summary report are my own and have been made without any
undue influence from others.

Name/s Signature/s

Evaluator/s: ________________________________ ________________________

________________________________ ________________________

________________________________ ________________________

Date accomplished: ___________________________

Note:
This tool is anchored on the Guidelines in ADM Content Evaluation, Guidelines in ADM Layout
Evaluation and Level 2 DepEd Evaluation Rating Sheet for 2 DepEd Evaluation Rating Sheet for Story
Books and Big Books.

11
Summary of Content Findings, Corrections and Review for Locally Developed CapSLET

Title of the CapSLET: ____________________ Grade Level: _5_____


Quarter: __2_________________________
Week: ____8_________________________
Part of the
CapSLET/ Put a check mark
Paragraph / Specific
Brief description of
Line / Page recommendations for
Errors/ Findings/
number (in improving the
Observations Implemented Not Implemented
chronological identified criterion
order)

Legend: (Type of Error) C - Content, L – Language, DL – Design and Layout


Other Findings: Write additional comments and recommendations not captured
in the evaluation tools used.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Prepared by: Date accomplished:


_________________________ _____________________
(Signature Over Printed Name)

12

You might also like