You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan 5

Sa Hapag-kainan!

Ikalawang Markahan – Modyul 9: W9

PINAKAMAHALAGANG KASANAYAN SA PAGKATUTO:


Naihahanda nang kaakit-akit ang nilutong pagkain sa hapag-
kainan.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi


muna ang lahat ng inyong pinagkakaabalahan upang
mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit
ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

MGA BAHAGI NG MODYUL

Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong kaalaman
at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating kaalaman at
kasanayang nalinang na.
Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng
aralin
Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang bagong
aralin
Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin

2
ARALIN : PAGDUDULOT NG PAGLULUTO

INAASAHAN

Sa pagtatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:


 Natutukoy ang mga uri ng pagdudulot ng pagkain..
 Naisasagawa ang pag-aayos ng individual cover.
 Naisasaayos nang kaakit-akit ang hapag-kainan para sa pamilya

UNANG PAGSUBOK

Panuto: Anong uri ng paghahain ang tinutukoy sa bawat bilang? Hanapin sa


kahon ang tamang sagot.

A. Buffet D. Russian Style


B. Individual Cover E. Smorgasboard
C. Family Style

1. Kaarawan ng iyong nanay at marami kayong panauhin. Inilagay ninyo ang mga
pagkain sa isang mahabang mesa at ang mga panauhin ang kumuha ng nais
nilang kainin.
2. Inihanda mo ang mesa para sa tanghalian ng iyong pamilya. Inilagay mo ang
mga kagamitan sa pagkain at ang pagkain sa ibabaw ng mesa.
3. Pumunta kayo sa isang kainan. Ang mga pagkain ay nakahain sa mesa at
maaari ninyong kainin ang lahat ng gusto ninyo at hanggang gusto ninyong
kumain.
4. Dumalo kayo sa kasalan at nakita mo na ang mga kagamitan sa pagkain ay
nakaayos sa mesa at isa-isang idinudulot ng sebidora ang pagkain sa mga
panauhin na nakupo paikot sa mesa.
5. Pag-aayos ng mga kagamitan sa pagkain para sa isang tao.

3
BALIK-TANAW

Panuto : Piliin sa loob ng kahon ang kagamitang gagamitin sa pagsasagawa ng


mga gawain sa bawat bilang.

tinidor peeler kutsilyo kudkuran almires salaan

1 Pinuhin ang mani 2. Talupan ang upo

4. Ihiwalay ang sabaw


3. Liitin ang kalabasa
sa laman

5. .Batihin ang itlog

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Ang iba’t ibang paraan ng paghahanda ng hapag-kainan ay ibinabatay sa


okasyon at sa lugar na pagdarausan. Ang kaakit-akit na paghahanda ng mga pagkain
ay nakadaragdag ng saya sa mga nakakakita nito lalo na kung sama-samang sa
pagkain ang buong pamilya. Maaring gumamit ng mga gulay at prutas na inayos bilang
palamuti sa mga pagkain at mesang kainan.
Ating Pag-aralan: Mga Paraan ng Paghahanda ng Hapag-kainan
1. Russian Style – Ito ay pormal na pag—
aayos ng mesa. Ang bawat kakain ay
bibigyan ng pagkain at tuwing matapos
kumain ay aalisin ang mga kinainan at
papalitan ng isusunod na dapat kainin.

https://www.google.com/search?q=formal+style+ta
ble+setting&tbm=isch&ved=2ahUKEwi5j5bDk9Hs
AhUG4pQKHZhaBWwQ2-

4
2. Buffet Style – Ang lahat ng pagkain ay
nakahanda sa isang mesa at ang mga kakain
ang kukuha ng kanilang gustong kainin. Ang
gamit sa pagkain ay maaaring nakaayos sa
unang bahagi ng mesa at kinukuha upang
lagyan ng pagkain.

https://www.cebueatery.com/c
ebu-catering-services/

3. Family Style o English Style – Ang mesa ay


nakaayos ayon sa bilang at dami ng kakain na
may nakalagay na place mat at mga gamit sa
pagkain. Ang mga pagkain ay nasa gitna ng
mesa at maaaring abutin ng kakain.

https://www.pinterest.ph/pin/683281193
20969033/?nic_v2=1a6RlGKKi

4. Individual Cover – Pag-aayos ng hapag-kainan


para sa isang tao. Ang mga kagamitan sa
pagakin ay inaayos ayon sa mga tuntunin at
gamit.

https://nicholmagouirk.typepa
d.com/.a/6a00d8341c6f8a53ef0167683e
8479970b-popup

Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan


Adriana Publishing
Susana V. Guinea et.al

5
MGA GAWAIN 1

Gawain 1: Ating Kilalanin


Layunin: Natutukoy ang uri ng pagdudulot ng pagkain.
Panuto: Anong uri ng pag-aayos ang angkop sa mga sumusunod na pagtitipon

1. Kaarawan ng iyong ina at sama-sama kayong pamilya na kakain

2. Ipaghahain mo ang matalik mong kaibigan.

3. Pabinyag ng iyong ate, maliit ang inyong lugar at may 20 panauhin.

4. Magsasama –sama ang pamilya sa pagdiriwang ng Pasko.

5. Dumating ang iyong tatay mula sa trabaho. Siya na lamang ang hindi pa kumakain.

Gawain 2: Kayang-kaya mo!


Layunin: Naisasagawa ang pag-aayos ng individual cover.
Panuto: Sundin ang mga hakbang sa pagsasagawa ng individual cover. Kuhanan ng
larawan o video ang ginawa at isend sa guro.

Sundin ang mga hakbang.

1. Lagyan ng mantel ( table cloth ) ang mesa. Kung salamin ang ibabaw ng mesa lagyan
na lamang ng placemat.

6
2. Ilagay ang plato. ( Hawakan ito ng ang kaliwa’t kanang apat na daliri ay nasa sa ilalim ng
plato. Ilapag sa mesa nang walang ingay na may isang pulgada ang layo mula sa
harapang gilid ng mesa.)
3. Isunod ang mga nasa gawing kanan ng plato- kutsilyo, kutsara, at kutsarita
 Hawakan ang mga kubyertos sa hawakan. Ang talim ng kutsilyo ay ay iharap sa
plato na may isang pulgada ang layo,Isunod ang kutsara at ang kutsarita na may
pagitang isang pulgada ang layo sa bawat isa at kapantay ng gilid ng plato mula
sa gilid ng mesa.
4. Isunod ang mga nasa kaliwa ng plato. Ilagay ang tinidor na isang pulgada ang layo mula
sa plato. Itabi sa tinidor ang serbilyeta ( table napkin ) na may isang pulgada ang layo
mula sa tinidor at mula sa gilid ng mesa. Ang lahat ay dapat nakahilera na may layong
isang pulgada mula sa dulo ng mesa.
5. Ilagay ang baso sa taas na bahagi ng kutsilyo..
6. Maglagay ng centerpiece . Maaaring gumamit ng prutas o plorera na may sariwang

Gawain 3: Sorpresahin ang pamilya!


Layunin: Naisasaayos nang kaakit-akit ang hapag-kainan para sa pamilya
Panuto: Sorpresahin ang pamilya sa pamamagitan ng pag-aayos ng inyong hapag-
kainan. Kuhanan ng larawan ang iyong ginawa at isend sa guro.
Bigyang pansin ang mga sumusunod:
 Ihain ang pagkain sa kaaya-aya at nakagaganang paraan. Ang mga pagkaing may
sabaw ay ilagay sa malalim na mangkok.
 Ang mga pagkaing tuyo o may sarsa ay ilagay sa malalanday na pinggan o
bandehado.
 Palamutian ang ulam ng hiniwang gulay tulad ng kamatis, karot, sibuyas, o kintsay
upang magkaroon ito ng kulay.
 Tiyaking sapat ang dami ng lalagyan sa hapag kainan upang maiwasan ang
pagtayo upang kumuha ng pagkain.
 Tiyaking nasa katamtamang init o lamig ang pagkain bago ito ihain.
 Maglaan ng pitsel ng tubig sa isang lugar na malapit sa hapag-kainan upang
punuin ang mga basong walang laman.

TANDAAN

 Gawing kaakit-akit ang pag-aayos ng hapag-kainan


 Iangkop ang gagawing pagdudulot sa okasyon.

7
PAG-ALAM SA MGA NATUTUNAN
Panuto; Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa pag-aayos ng hapag-
kainan.

 Ilagay ang kubyertos.


 Ilagay ang baso.
 Ilatag ang sapin ng mesa o
place mat.
 Ilagay ang centerpiece.
 Ilagay ang plato

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.


1. Nais ayusin ni Elsa ang hapag-kainan para sa ika-7 kaarawan ng kanyang
kapatid. Mayroon silang 20 panauhin. Nag-aalala siya dahil maliit ang kanilang
lugar. Anong pagdudulot ang dapat niyang gawin?
A. Buffet
B. Individual Cover
C. Russian Style
D. Smorgasboard

2. Kung ikaw ay mag-aayos ng mga kagamitan sa pagkain, saan mo ilalagay ang


tinidor?
A. Sa kanan ng plato
B. Sa itaas ng plato
C. Sa tabi ng baso
D. Sa kaliwa ng plato

8
3. Paano mo ilalarawan ang family style na pag-aayos ng hapag-kainan?
A. Ang mga pagkain ay idinudulot ng serbidora
B. Ang mga pagkain ay nakahain sa isang mesa at hahayaang kainin
hanggat gusto.
C. Ang mga pagkain ay nasa isang mahabang mesa at kanya kanya ng
kuha ng nais kainin.
D. Ang mga pagkain at kagamitan sa pagkain ay nakaayos sa mesa at
sabay sabay na kakain ang miyembro ng pamilya.
4. Mag-aayos si Jane ng hapag kainan. Nakita niyang may biniling prutas ang
kanyang ina. Ano ang maaaring niyang gawin dito?
A. Itago sa palamigan.
B. Ilagay sa ibabaw ng palamigan
C. Ibalot sa isang plastic at hayaang mahinog
D. Ayusin sa isang lalagyan at gawing centrepiece sa mesang kainan
5. Nais ni Covina na gawing kaakit-akit ang pagdudulot niya ng mga putahe sa
hapag kainan. Alin sa mga sumusunod ang maaari niyang gamiting palamuti?
A. bulaklak
B. candies
C. halaman
D. prutas

PAGNINILAY

(Pagbuo ng katauhan )
Ano ang kahalagahan ng natutunan sa pagdudulot ng pagkain sa:

sarili

pamilya

pamayanan

9
SANGGUNIAN

Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan


Adriana Publishing
Susana v. Guinea et.al.

https://www.google.com/search?q=smorgasboard&tbm
https://www.google.com/search?q=buffet+style&tbm=isch&ve
https://www.google.com/search?q=russian+style+of+table+setting&tbm
https://www.google.com/search?q=familystyle+of+table+setting&tbm
https://www.google.com/search?q=individualcover&tbm=isch&ved

MANAGEMENT AND DEVELOPMENT TEAM


Schools Division Superintendent : Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Chief Education Supervisor : Aida H. Rondilla
CID Education Supervisor : Carmelina D.M. tan
CID LR Supervisor : Lucky S. Carpio
CID LRMDS Librarian II : Lady Hannah C. Gillo
CID LRMDS PDO II : Albert James P. Macaraeg

Editor : Fe B. Bele
Writer : Maria Leonora C. Figueroa

SUSI NG KASAGUTAN

5. D 4. D 1. A 2. D 3. D
Pangwakas na Pagsusulit

5. Individual Cover
4. Family Style
3. Buffet
2. Individual Cover
1. Family Style
Gawain 1:

5. tinidor 4. salaan 3.kutsilyo 2. peeler 1. Almires


Balik-tanaw:
5. B 4. D 3. E 1. A 2. C
Unang Pagsubok:

10

You might also like