You are on page 1of 19

4

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
Home Economics
Ikalawang Markahan – Modyul 7
Wastong Paggamit ng Kubyertos

0
Panimula

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa batang katulad mo na


nasa ika-apat na baitang upang matulungan kang pag-aralan ang
wastong paggamit ng kubyertos. Mapag-aralan mo rin dito ang wastong
hakbang sa pag-aayos ng hapag-kainan gamit ang mga kubyertos at
ang mga kagandahang asal sa hapag-kainan na iyong magagamit
upang makakatulong sa pagpapanatili ng kaayusan ng hapag-kainan at
magagamit sa pang-araw-araw na buhay. Ang mga gawaing makikita
dito ay inaasahang makakatulong sa iyo upang lubos na maunawaan
ang aralin.

Ang modyul ay naglalaman tungkol sa:

Aralin 1: Wastong Paggamit ng Kubyertos

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:

1. mabibigyang kahulugan ang wastong paraan ng paggamit ng


kubyertos

2. maipaliliwanag ang mga panuntunan ng wastong paggamit ng


kubyertos

3. masusunod ang mga panuntunang kultural sa pagkain

4. maipakikita ang wastong paggamit ng kubyertos,

5. masasabi ang kagandahang asal sa hapag-kainan.

1
Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Piliin lamang ang titik
ng tamang sagot at isulat ito sa hiwalay na sagutang papel.

1. Bakit mahalaga ang wastong pag-aayos, paghahanda at paggamit ng


kubyertos ?
A. Upang maging kaaya-aya ang paghahain ng pagkain at
ikagana ng bawat myembro ng pamilya.
B. Upang maipagmamalaki sa mga kaibigan na alam mo kung
paano ang wastong pag-aayos ng kubyertos.
C. Upang maging masarap ang mga pagkain at maraming mga
taong mahihikayat na kumain kasama ako.
D.Upang ako palagi ang uutusan na mag-ayos ng hapag-kainan
at mabibigyan ako puna dahil sa aking kabaitan.

2. Paano iaaayos ang tinidor sa isang cover? Ito ay ilalagay sa


___________.
A. itaas ng plato C. kaliwa ng plato
B. kanan ng plato D. ibabaw ng plato

3. Ang kubyertos na ito ay gagamitin bilang pamalit sa kutsilyo kung may


puputuling pagkain.
A. sandok C. tinidor
B. kutsara D. kutsarita

4. Pagkatapos punasan ang mesa, ano ang unang inilalagay sa lugar ng


bawat taong kakain?
A. baso C. placemat
B. plato D. serbitilya

5. Bakit kaya merong mga taong hindi gumagamit ng kubyertos sa


pagkain?
A. dahil ito ay hindi angkop sa kanilang kultura
B. dahil hindi nila nagustuhan ang ginagamit na kubyertos
C. dahil hindi nababagay ang mga kubyertos sa kanilang kinakain
D. dahil hindi sila kumakain gamit ang mga mamahaling kubyertos

2
6. Ano ang gagawin mo kung may makita o makasama kang taong may
ibang kultura sa pagkain at hindi o ayaw gumagamit ng kubyertos
habang kumakain?
A. sasawayin ito
B. paalisin sa hapag-kainan
C. pipiliting gumamit ng kubyertos
D. igagalang ang kultura niya sa pagkain

7. Sa pag-aayos ng hapag-kainan ano ang inilalagay sa kaliwang


bahagi ng plato?
A. baso C. serbilyeta at baso
B. kutsara D. serbilyeta at tinidor

8. Ilang sukat ang tamang laman ng baso?


A. ¼ na tubig C. ¾ na tubig
B. ½ na tubig D. punong-puno

9. Paano inuumpisahan ang pagkain, lalo na sa hapag-kainan?


A. magtawanan
B. magkuwentuhan
C. sumubo agad ng pagkain
D. magdasal at magpasalamat

10. Paano nginunguya ang pagkain habang kumakain lalo na sa hapag-


kainan?
A. nakapikit ang mata C. nakabukas ang bibig
B. nakikipag-usap sa iba D. nakasarado ang bibig

3
Pag-aralan

Aralin 1. Wastong Paggamit ng Kubyertos

Aralin 1.1 Kahulugan ng Wastong Paraan ng Paggamit


ng Kubyertos

Napakahalaga ng oras kapag nagkakasama ang mga kasapi


ng pamilya sa hapag-kainan. Nagkakaroon ng masayang pagsasalo-
salo ang pamilya kung ang mesang–kainan ay nakahanda ng maayos.
Ang lahat ng kasapi ay nakakaramdam ng kapayapaan at kaginhawaan.

Ang paghahanda ng hapag-kainan ay isang


napakagandang karanasan na dapat matutuhan ng sinuman. Kahit
isang simpleng pagsalo-salo, kailangan maging malikhain at maayos
upang maihain ang mga pagkain nang kaaya-aya at katakam-takam.
Mabuting malaman ang paghahanda ng mesa at mga kagamitan na
kailangan sa pag-aayos nito, tulad ng mga kubyertos na kailangan ay
nasa wastong ayos at paggamit. Ang kahalagahan ng wastong pag-ayos
at paggamit ng mga ito ay makakatulong sa pagpapamalas ng ating
magandang asal upang magkakaroon ng masaya at kaaya-ayang
kapaligiran lalo na sa hapag-kainan.

Aralin 1.2 Mga panuntunan ng wastong pag-aayos/


paggamit ng kubyertos sa hapag-kainan

Ang hapag-kainan ay nakahihikayat sa mga kakain kung ito ay


nakakaayos nang maganda. Ang estilo ng pagsisilbi sa hapag-kainan
gamit ng mga kubyertos gaya ng kutsara , tinidor kasama na rin ang
plato, serbelyita (table napkin), ay nararapat ibagay sa menu at
okasyon. Sa ating mga Pilipino kahit napakasimpleng menu lamang ang
inihahanda ay ginagamitan ng mga kubyertos kaya, napakahalaga na
matutunan ang wastong pag-aayos at ang paggamit nito.

4
Upang maisakatuparan ito sundin ang mga sumusunod na
panuntunan:

https://www.slideshare.net/edithahonradez/epp-he-aralin-19-109908904

Mga Wastong Hakbang sa Pag-aayos ng Hapag-kainan


1. Punasan ang mesa at maglagay ng mantel o placemat sa lugar ng
bawat taong kakain. Ito ay tinatawag na one cover.
2. Ilagay ang nakatihayang plato sa gitna ng cover na may pagitang
isang pulgada mula sa gilid ng mesa.
3. Ilagay sa kaliwang bahagi ng plato ang serbilyeta (table napkin) at
tinidor na nakatihaya. Sa kanang bahagi naman ang kutsara na
nakatihaya rin at sa bandang itaas nito ilagay ang baso na may ¾ na
tubig.
4. Ilagay ang nasa tray na prutas sa gitna ng hapag-kainan.
5. Gawin ito sa iba pang cover. Bigyan ng sapat na pagitan upang
makakilos nang maluwag at maayos ang mga kakain.

Aralin 1.3 Mga panuntunang kultural sa pagkain

Ang hapag noon pa man, bahagi na ng global na karanasan - ang


hapag-kainan, sapagkat isa sa mahahalagang pangangailangan ng tao
ang pagkain. Bahagi ito ng bawat tahanan at kasama ng pamilya tuwing
almusal, tanghalian, meryenda, o hapunan. Ang bawat bansa ay
mayroong sariling kultura at danas sa hapag-kainan, subalit binigyang-
tuon ng pag-aaral na ito ang hapag ng pamilyang Pilipino.

Ayon kay Doreen Fernandez, isang bantog na mananaliksik sa


larangan ng literatura at kultura, ang pagkain at hapag ng Pilipino ay

5
hinulma ng iba't ibang karanasan, kasaysayan, at lipunan. Ibig sabihin
nito, karanasan, kultura, at kasaysayan ang bumuo sa hapag. Ang
bawat pagkakaiba-iba nito ay sumasalamin sa natatangi at makulay na
sistema o danas na mayroon ang isang pamilya. Sa kabilang banda,
ang mayroon ding paghuhulmang dulot ang hapag sa kultura at
karanasang panlipunan sapagkat kaakibat ng hapag na ito ang
pangunahing pangangailangan at karanasan ng isang pamilya - ang
kumain.

Ang paggamit ng kubyertos ay naaayon din sa kultura ng mga


taong kumakain. Ang kanilang kultura ay mayroon ding sariling
panuntunan na sinusunod nila.

Dapat nating tandaan na merong mga tao na hindi gumagamit ng


kubyertos tulad ng kutsara at tinidor sa hapag-kainan o habang
kumakain bilang bahagi ng kanilang kultura. Hindi sila dapat pilitin kung
ito ay labag sa kanilang kultura. Ipakita ang paggalang sa kultura sa
pagkain ng iba , tulad halimbawa ng mga muslim, ang pagkain sa
pamamagitan ng kanang kamay ay obligado para sa mga Muslim
maliban kung mayroong dahilan gaya ng karamdaman o pinsala. Ang
pagkain sa pamamagitan ng kanang kamay ay isang paraan upang
tularan si Propeta Muhammad at ang kanyang mga kasamahan, at iyon
ay ipinapayo at kapaki-pakinabang na gawa, gayunpaman, ang
paggamit ng tinidor, kutsara at kutsilyo ay hindi ipinagbabawal.

Magkaiba man tayo ng kultura sa pagkain, ang mahalaga ay


marunong tayong sumunod sa mga panuntunan sa pagkain na angkop
sa kung ano mang kultura mayroon tayo.

Aralin 1.4 Wastong paraan ng paggamit ng kubyertos

Ang kubyertos ay mga gamit sa pagkain tulad ng kutsara at


tinidor. Sa paghahanda ng hapag-kainan, hindi lamang tinidor at
kutsara ang inihanda, kasama na rito ang plato o pinggan, baso
at serbilyeta.

6
Tinidor - ay isang uri ng kubyertos, na binubuo ng isang hawakan
na may maliliit na ngipin sa kabilang dulo. Ang tinidor ay pangunahing
tampok sa kanluran bilang isang gamit pangkain, kung saan sa
Silangang Asya naman ang chopsticks ang mas madalas gamitin. Ang
kagamitan na ito na kadalasan ay gawa sa metal ay ginagamit upang
ibuhat ang pagkain sa bibig o kaya ay ipanghawak sa pagkain habang
nagluluto o habang hinihiwa ito. Karaniwan itong itinatambal sa kutsara.
Tinidor ang gamitin bilang pamalit sa kutsilyo kung may puputuling
pagkain.

Kutsara -isang kagamitan para sa pagkakain o sa paghahain;


isang nakasandok na kasangkapan kung saan ang mahabang hawakan
nito ay nakatuwid. Ginagamit ito sa pagsandok ng pagkain para isubo sa
bibig. Kung may sopas o sabaw gamitin ang gilid ng kutsara nang
paiwas sa iyo at higupin ang sabaw nang walang ingay.

Baso- ito ay isang uri ng kasangkapang pang-inom. Sa isang


cover ang baso na may ¾ na tubig ay inilagay sa bandang itaas ng
nakatihayang kutsara .

Pinggan o Plato – ay isang uri ng kagamitang pagkain. Dito


inilalagay ang pagkain. Meron nitong gawa sa kristal ,porcelana at
plastic. Inilagay ito sa gitna ng placemat.

Serbilyeta – ay isang kagamitan na ginagamit na pamahiran.


Meron itong gawa sa tela at makapal at malambot na papel. Inilagay ito
sa kaliwang bahagi ng plato kasama ng tinidor.

Aralin 1.5 Ang kagandahang asal sa hapag-kainan

Ang mga tao ay madalas na hinuhusgahan sa mga ipinapakita


nilang asal. Ang pag-uugali ay napapasyahan ng lipunan. Itinakda ng
kasaysayan na ang kabutihang asal ay maiaakma sa pagkahari.

Dapat nating malaman na ang pag-uugali ay naiiba mula sa isang


kultura at sa iba. Mahalaga ang sumunod sa mga pamantayan ng

7
tamang pag-uugali, sapagkat hinuhusgahan tayo sa ating ugali – Mabuti
man o masama.

Sapagkat tayo ay malapit sa tao at sa ating kapwa, nararapat


lamang na sa pagdating sa pagkain sa hapag-kainan, maipapamalas din
natin ang tamang asal; upang tayo ay hindi pandirihan.

Kung tayo ay naglalapat ng pangunahing mga prinsipyo sa


pagtatakda ng mesa at sa asal, tayo ay makakalikha ng kaaya-ayang
kapaligiran sa hapag-kainan na makakatulong sa pagpapabuti ng mga
relasyon sa ating mga kasabay sa pagkain. Ang mabuting asal ay
nagpapakita ng iyong pagbibigay respeto sa iba.

Mga Kagandahang Asal sa Hapag-kainan:


1. Magdasal bago at pagkatapos kumain.
2. Maglaan ng upuan sa bawat isa. Unang paupuin ang babae bago ang
lalaki.
3. Umupo ng tuwid na nakalapat ang paa sa sahig. Iwasang ipatong
ang mga siko sa ibabaw ng mesa.
4. Gamitin ng maayos ang kutsara at tinidor. Tinidor ang gamitin bilang
pamalit sa kutsilyo kung may puputuling pagkain.
5. Kung may sopas o sabaw gamitin ang gilid ng kutsara nang paiwas
sa iyo at higupin ang sabaw nang walang ingay.
6. Magsubo ng katamtamang dami ng pagkain gamit ang gilid ng
kutsara at hindi ng dulo nito.
7. Ipakisuyo ang pagkaing malayo sa iyo sa kasamahang malapit dito
kung gusto mong kumuha nito.
8. Maging magalang at ibigay ang atensyon sa iba pang kasamahang
kumakain. Magalang na tanggihan ang pagkaing hindi gusto.
9. Iwasang hipan ang pagkain kung ito ay mainit pa sa halip ito ay
hayaang kusang maalis ang init.
10. Huwag magsasalita kung puno o may pagkain ang bibig.
11. Magkuwento ng masayang bagay. Iwasan ang paksang ukol sa
patay, sakit o kalamidad sapagkat ito ay nakakawala ng gana sa
pagkain.
12. Iwanang ubos ang pagkain sa plato at ilagay ng pahalang ang
kutsara at tinidor sa pinggan.
8
Mga Gawaing Pampagkatuto

Gawain 1
Panuto: Pagtambalin ang hanay A sa hanay B ukol sa mga wastong
pag-ayos at paggamit ng mga kubyertos. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. plato a. ito ang unang inilalagay sa mesa
2. baso b. ginagamit sa pagsubo ng kanin
3. kutsara c. gamit na pamalit na panghiwa sa
matigas na pagkain
4. tinidor d. Kasangkapang ginagamit sa pag-inom
5. placemat e. Inilalagay sa gitna ng placemat

Gawain 2
Panuto : Piliin ang pangungusap na nagpapaliwanag ng panununtunan
ng wastong pag-aayos/paggamit ng kubyertos. Isulat ang
tamang sagot sa sagutang papel.

1. _____
A. Ilagay ng pahalang ang kutsara at tinidor sa ibabaw ng plato.
B. Balutin ang kutsara at tinidor ng serbilyeta at ilagay sa baso.
C. Inilagay ang kutsara at tinidor na magkatabi sa ibabaw ng plato.
D. Ang kutsara ay inilagay sa kanan ng plato at ang tinidor sa
kaliwa ng plato na nakatihaya.

2. _____
A. Sa hapag-kainan, kailangan limitahan lamang ang bilang ng
mga kakain.
B. Sa pag-aayos ng mga gamit sa pagkain dapat ay magkadikit ito
upang madali maabot ng kumakain.
C. Sa hapag-kainan dapat ang kakain ay may malayo sa isa’t isa
upang hindi mga ito magkuwentuhan.
D. Sa pag-ayos ng isang cover, dapat ay bigyan ng sapat na
pagitan upang makakilos ng maluwag at maayos ang kakain.

9
3. _____
A. Sa paghanda ng hapag-kainan, ang plato ay ilagay ng
nakataob ng walang placemat.
B. Ang placemat ay gagamitin lamang sa paghanda ng isang
cover kung ang mga kakain ay mga mayayaman .
C. Sa isang cover, ang plato ay ilagay sa gitna na nakatihaya na
may pagitang isang pulgada sa gilid ng mesa.
D. Sa isang cover, ang plato ay ilagay sa gitna na nakataob na
may pagitan ng isa at kalahating pulgada sa gilid ng mesa.

4. _____
A. Ang kutsara ay gagamitin lamang sa pagkain kung may mga
sabaw.
B. Kung kakain ,magsubo ng maraming pagkain gamit ang dulo
ng kutsara.
C. Ang kutsara ay gagamitin sa pagkuha at pagsubo ng kanin
na may katamtamang dami gamit ang gilid nito.
D. Ang kutsara ay gagamitin sa pagkuha at pagsubo ng kanin
na may katamtamang dami gamit ang dulo nito.

5._____
A. Ang pagsunod sa mga panuntunan ay para lamang sa mga
matatanda.
B. Ang mga panuntunan ay dapat sundin para maging masaya
ang lahat.
C. Ang mga panuntunan ng wastong pag-ayos o paggamit ng
mga kubyertos ay susundin lamang kung tayo ay kakain
kasama ang mga bisita.
D. Mahalagang sundin ang mga panuntunan sa wastong pag-
ayos/paggamit ng mga kubyertos dahil nakahikayat ito sa
mga kakain kung ito ay maayos at maganda.

10
Gawain 3
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Sagutan ng T ang patlang kung
ang pangungusap ayTama o pagsunod sa mga panuntunang
kultural sa pagkain at M kung hindi. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

____ 1. Lahat ng mga taong kumakain ay iisa ang kultura sa pagkain.


____ 2. Pilitin ang lahat ng taong kumakain na gumamit ng kubyertos.
____ 3. Magkaiba man tayo, dapat igalang ang kultura ng iba sa
pagkain.
____ 4. Dapat sundin ang panuntunan sa pagkain na angkop sa iyong
kultura.
____ 5.Ang paggamit ng kubyertos ay naaayon din sa kultura ng mga
taong kumakain.

Gawain 4
Panuto: Pagsunod-sunurin ang sumusunod na mga hakbang sa
pamamagitan ng pagsulat ng numero 1-5 upang maipakita ang
wastong paraan sa pag-aayos ng mga kubyertos sa hapag-
kainan at ang wastong paggamit nito. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

____Ilagay ang nasa tray na prutas sa gitna ng hapag-kainan.

____Gawin ito sa iba pang cover. Bigyan ng sapat na pagitan upang


makakilos nang maluwag at maayos ang mga kakain.

____Punasan ang mesa at maglagay ng mantel o placemat sa lugar


ng bawat taong kakain. Ito ay tinatawag na one cover.

____Ilagay ang nakatihayang plato sa gitna ng cover na may


pagitang isang pulgada mula sa gilid ng mesa.

____Ilagay sa kaliwang bahagi ng plato ang serbilyeta (table napkin)


at tinidor na nakatihaya. Sa kanang bahagi naman ang kutsara
na nakatihaya rin at sa bandang itaas nito ilagay ang baso na
may ¾ na tubig.

11
Gawain 5
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat pangungusap at isulat
ito sa sagutang papel.

_____1.Gaano kahalaga ang pagpanatili nang kagandahang-asal


habang nasa hapag-kainan? Mahalaga ito ______.
A. para hindi mapahiya ang aking pamilya
B. dahil nakasalalay dito ang aking kinabukasan.
C. dahil pinapakita dito kung gaano ka ka disiplinado bilang
isang bata
D. pero wala akong pakialam kung ano man ang sasabihin
ng mga tao

_____2. Paano ang tamang paraan sa paghihigop ng sopas o sabaw?


A. higupin ang sabaw gamit ang baso
B. higupin ang sabaw mula sa lalagyan nito
C. gamitin ang dulo ng kutsara papunta sa iyo at higupin ng
may ingay
D. gamitin ang gilid ng kutsara nang paiwas sa iyo at higupin
ang sabaw ng walang ingay

______3. Paano mo kukunin ang pagkaing gusto mong kainin ngunit


malayo sa iyo?
A. tumayo at kunin ito
B. hindi ka nalang kakain
C. makisuyo sa kasamahan na malapit sa pagkain
D. utusan ang katabi na kunin ang pagkain para sa iyo

______4. Nakasanayan na ninyo sa pamilya na magdasal bago kumain,


ikaw ay nahuli sa pag-upo at tapos na silang nagdasal.
Magdarasal ka pa rin ba? Bakit?
A. Hindi na dahil tapos naman silang magdasal.
B. Hindi na dahil wala namang makapansin.
C. Magdarasal pa rin dahil ito ang kultura naming
nakaugalian.
D. Magdarasal pa rin, titigil ang ang mga kumakain at
sabayan ako pagdasal

12
______ 5. Nakasabay mo ang lola mo papuntang hapag-kainan, ano
ang dapat mong gawin?
A. huwag pansinin ang lola
B. tatakbo papuntang hapag-kainan at uupo
C. alalayan ang lola at unang paupuin bago ka umupo
D. alalayan papuntang hapag-kainan at hayaan na siyang
umupo

13
Repleksyon

Panuto: Punan ang 3-2-1 tsart ng iyong mga natutunan tungkol sa mga
pinag-aralang mga aralin. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na
sagutang papel.

Ang natutunan ko…


3 Bagay na 1. _______________________________________
2. _______________________________________
natutunan
3. _______________________________________

Ang bagay na nakapukaw sa aking interes ay…


2 Bagay na 1. _______________________________________
nakapukaw
2. _______________________________________
ng interes

Kailangan ko pang matutunan ang…


1 Bagay na
1. _______________________________________
nakapagpalito

14
Panapos na Pagtataya

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Piliin lamang ang titik
ng tamang sagot at isulat ito sa hiwalay na sagutang papel.

1. Sa pag-aayos ng hapag-kainan ano ang inilalagay sa kaliwang bahagi


ng plato?
A. baso C. kutsara
B. tinidor at serbilyeta D. serbilyeta at baso

2. Ilang sukat ang tamang laman ng baso?


A. ¼ na tubig C. ¾ na tubig
B. ½ na tubig D. punong-puno

3. Paano nginunguya ang pagkain habang ikaw ay kumakain lalo na sa


hapag-kainan?
A. nakapikit ang mata C. nakabukas ang bibig
B. nakikipag-usap sa iba D. nakasarado ang bibig

4. Paano iaayos ang tinidor sa isang cover? Ilalagay ito sa __________.


A. itaas ng plato C. kaliwa ng plato
B. kanan ng plato D. ibabaw ng plato

5. Bakit kaya,merong mga taong hindi gumagamit ng kubyertos sa


pagkain? Dahil________.
A. ito ay hindi angkop sa kanilang kultura.
B. hindi nila nagustuhan ang ginagamit na kubyertos.
C. hindi nababagay ang mga kubyertos sa kanilang kinakain.
D. hindi sila kumakain gamit ang mga mamahaling kubyertos.

6. Ano ang gagawin mo kung may makita o makasama kang taong hindi
o ayaw gumagamit ng kubyertos habang kumakain?
A. sasawayin ito
B. paalisin sa hapag-kainan
C. pipiliting gumamit ng kubyertos
D. igagalang ang kultura niya sa pagkain

15
7. Paano inuumpisahan ang pagkain lalo na sa hapag-kainan?
A. magtawanan
B. magkuwentuhan
C. sumubo agad ng pagkain
D. magdasal at magpasalamat

8. Saang bahagi ng placemat ilalagay ang plato?


A. gitna C. kaliwa
B. kanan D. ibabaw ng baso

9. Pagkatapos punasan ang mesa, ano ang unang inilalagay sa lugar ng


bawat taong kakain?
A. baso C. placemat
B. plato D. serbitilya

10. Bakit mahalaga ang wastong pag-aayos, paghahanda at paggamit


ng kubyertos ?
A. Upang maging kaaya-aya ang paghahain ng pagkain at
ikagana ng bawat myembro ng pamilya.
B. Upang maipagmamalaki sa mga kaibigan na alam mo kung
paano ang wastong pag-aayos ng kubyertos.
C. Upang maging masarap ang mga pagkain at maraming mga
taong mahihikayat na kumain kasama ako.
D. Upang ako palagi ang uutusan na mag-ayos ng hapag-kainan
at mabibigyan ako puna dahil sa aking kabaitan.

16
17
Paunang Pagtataya Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3
1. A 1. E 1. D 1. M
2. C 2. D 2. D 2. M
3. C 3. B 3. C 3. T
4. C 4. C 4. C 4. T
5. A 5. D 5. T
5. A
6. D
7. D
8. C
9. D
10.D
Gawain 4 Gawain 5 Repleksyon Panapos na
Pagtataya
1. C Ang sagot ay
1. 4 1. B
2. 5 2. D magkaiba-iba dahil
sa sariling opinion o 2. C
3. 1 3. C
4. 2 rpleksyon ng bawat 3. D
4. C
5. 3 bata. 4. C
5. C
5. A
6. D
7.D
8.A
9.C
10.A
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian
Aklat:
Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia, Bernie C. Dispabiladera. 2015. Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan 4: Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City, Philippines:
Department of Education- Instructional materials Concil Secretariat pages 310-314

Leonora David-Basbas,PhD 2017. Learning and Living in the 21st Century (Worktext in
Home Economics and Livelihood Education) pp.299-308, Revised Edition. Quezon City
,Philippines : REX Book Store Inc.

Rosalina P. Gregorio, Dr.Pablo E.Natividad 1986. Gumawa at Umunlad Batayang Aklat sa


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 pp. 85 Unang Edisyon, Karapatang-isip ng
J.C. Palabay Enterprises

https://www.thespruce.com/how-to-use-utensils-at-a-formal-dinner-1216967
https://www.uen.org/lessonplan/view/17714#:~:text=The%20way%20you%20set%20your,ap
pearance%20of%20the%20food%20served.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Tinidor
https://tl.wiktionary.org/wiki/kutsara
https://www.researchgate.net/publication/343818109_SA_HAPAG_DANAS_AT_KULTURA_NG_PAM
ILYANG_PILIPINO_SA_HAPAG-KAINAN
https://www.newmuslims.com/tl/lessons/99/pagkain-a-sa-pamamaraang-islamiko-bahagi-1-ng-2/

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon ng Caraga


Dibisyong Pansangay ng mga Paaralan ng Lungsod ng Surigao
Tagapamanihalang Pansangay: Karen L. Galanida
Kawaksing Tagapamanihalang Pansangay: Florence E. Almaden

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Angelita G. Tugay , Marevelle B. Perez


Editor : Mariannie A. Morales, Fritzie B. Ignalig
Tagasuri : Vilma L. Gorgonio , Zosimo H. Lopez Jr., Marrianie A. Morales,
Fritzie Ignalig, Carol B. Ortiz
Tagalapat : Carol B. Ortiz
Tagapamahala : Karen L. Galanida
Florence E. Almaden
Carlo P. Tantoy
Elizabeth S. Larase
Noemi D. Lim
Vilma L. Gorgonio

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyong Pansangay ng mga Paaralan ng Lungsod Surigao


Office Address : M. Ortiz Street, Barangay Washington
: Surigao City, Surigao del Norte, Philippines

Telephone : (086) 826-1268; (086) 826-3075; (086) 826-8931


E-mail Address : surigao.city@deped.gov.ph

18

You might also like