You are on page 1of 8

WASTONG PARAAN NG

PAGGAMIT NG
KUBYERTOS
LAYUNIN:

 A. Natatalakay ang wastong hakbang


sa pag-aayos ng hapag-kainan.
 B. Naipapakita ang wastong paggamit
ng kubyertos (Kutsara at tinidor)
 C. Nasasabi ang kagandahang – asal sa
hapag-kainan.
Mga Wastong Hakbang sa Pag-aayos ng
Hapag-kainan
 Punasan ang mesa at maglagay ng mantel o placemat sa
lugar ng bawat taong kakain.
 Ilagay ang nakatihayang plato sa gitna ng cover na may
pagitang isang pulgada mula sa gilid ng mesa.
 Ilagay sa kaliwang bahagi ng plato ang serbilyeta at tinidor
na nakatihaya. Sa kanang bahagi naman ang kutsara na
nakatihaya rin at sa bandang itaas nito ilagay ang baso.
 Gawin ito sa iba pang cover.
Mga Kagandahang–asal sa Hapag-kainan

 Magdasal bago kumain.


 Maglaan ng upuan sa bawat isa.
 Umupo nang tuwid na nakalapat ang paa sa
sahig.
 Gamitin nang maayos ang kutsara at tinidor.
 Kungmay sopas o sabaw, higupin ang sabaw
ng walang ingay.
 Magsubo ng katamtamang dami ng pagkain.
Mga Kagandahang–asal sa Hapag-kainan
 Ipakisuyo ang pagkaing malayo sa iyo sa kasamahang
malapit ditto kung gusto mong kumuha nito.
 Maging magalang at ibigay ang atensyon sa iba pang
kumakain.
 Iwasang hipan ang pagkain kung ito ay mainit pa sa halip
ito ay hayaang kusang maalis ang init.
 Huwag magsasalita kung puno o may pagkain ang bibig.
 Iwasan ang paksang ukol sa patay o sakit habang
kumakain.
 Iwanang ubos ang pagkain sa plato at ilagay ng pahalang
ang kutsara at tinidor sa pinggan.
Pangkatang Gawain
 Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Pumili ng
lider.
 Magdaos ng dula-dulaan.
 Ang mga lider ng bawat pangkat ay bubunot ng
sitwasyon na kanilang isasadula o ipapakita sa
klase.
 Bigyan ng 5 minuto ang bawat pangkat upang mag
insayo at isa-isang magtanghal ang bawat
pangkat.
Panuto: Lagyan ng larawan ng masayang mukha
ang patlang kung ang pangungusap ay nagsasabi ng
kagandahang asal sa hapag-kainan at ekis
naman kung hindi.

_______1. Punuin ng pagkain ang pinggan.


_______2. Nguyain ang pagkain nang sirado ang bibig.
_______3. Magkuwento ukol sa patay o sa mga maysakit
habang kumakain.
_______4. Magsalita nang walang pagkain sa bibig.
_______5. Magalang na tanggihan ang pagkaing hindi
gusto.

You might also like