You are on page 1of 8

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA EPP 4

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng 50-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naipamamalas ang pang-unawa sa batayang konsepto ng gawaing pantahanan
at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng sarili at tahanan;
b. naisasagawa ng may kasanayan ang mga gawaing pantahanan na
makatutulong sa pangangalaga ng pansarili at ng sariling tahanan; at
c. nakatutulong sa paghahanda ng masustansiyang pagkain.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Paghahanda ng Pagkain at Pagliligpit ng Pinagkainan
Kagamitan: Tsart, module, atbp
Sanggunian: EPP Quarter 3 DLL, K-12 Curriculum Guide. (MELC 32)

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PANIMULANG GAWAIN

Magandang hapon mga bata! Magandang hapon rin po ma’am Donna!

Tumayo ang lahat para sa ating panalangin.

Andrea Faith, pangunahan mo ang ating panalangin sa Opo ma’am.


umagang ito.

Maupo na ang lahat.

May liban ba sa klase ngayon? Wala po ma’am.

Mabuti naman at kumpleto kayo ngayon.

Kumusta naman kayo? Masaya po ma’am!

Mabuti kung ganoon.

B. PAGGANYAK
Ngayong hapon mga mag-aaral ay may bago tayong aralin. (Makikinig ng maigi)

Ngunit bago ang lahat, sino ang makapagsasabi kung ano ang
kailangang sundin sa paghahanda, pagluluto at paghahain ng
pagkain?
Yes Nathaniel? Kailangang sundin ang mga alituntuning
pangkalusugan at pangkaligtasan sa
paghahanda, pagluluto, at paghahain ng
pagkain ma’am.
Mahusay. Salamat Nathaniel.

Magbigay ng tatlong (3) alituntuning pangkalusugan at


pangkaligtasan sa paghahanda, pagluluto, at paghahain ng
pagkain.

Yes Jefferson? 1. Hugasang mabuti ang mga kamay bago


at pagkatapos maghanda ng pagkain.
2. Gumamit ng apron upang hindi
marumihan ang damit at maglagay ng
hairnet o bandana sa ulo.
3. Ihanda ang lahat ng gagamiting sangkap
at kasangkapan sa pagluluto upang
maiwasan ang abala.
Magaling! Salamat Jefferson.

Ngayon naman ay ating sagutan ang patungkol sa ating aralin


kahapon. Basahin nang sabay-sabay ang panuto.

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang mga patlang kung ito ay isa sa
iyong naranasan sa paghahanda ng pagkain.

____1. Bago balatan ang mga gulay ay hinuhugasan muna ito. Mga posibleng sagot:
____2. Dapat malinis ang kagamitan sa pagluluto bago (√)
gamitin. (√)
____3. Ihanda ang lahat ng sangkap sa pagluluto bago
magsimula. (√)
____4. Ginagamit ang peeler sa pagbabalat ng gulay o prutas.
____5. Ihain agad ang nilutong pagkain. (√)
____6. Haluin ang tuyong sangkap at saka ang basang (√)
sangkap. (√)

Magaling mga mag-aaral! Lahat kayo ay pumasa.

Mabuti naman kung ganoon.

C. PAGLALAHAD (Makikinig ng mabuti)


Sa araw na ito ang tatalakayin natin ay patungkol sa
Paghahanda ng Pagkain at Pagliligpit ng Pinagkainan.

Bago ang lahat, atin munang basahin ang layunin natin sa


araw na ito.
(Sabay-sabay na magbabasa)
Pagkatapos ng 50-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
a. naipamamalas ang pang-unawa sa batayang konsepto
ng “gawaing pantahanan” at ang maitutulong nito sa pag-
unlad ng sarili at tahanan;
b. naisasagawa ng may kasanayan ang mga gawaing
pantahanan na makatutulong sa pangangalaga ng pansarili at
ng sariling tahanan; at
c. nakatutulong sa paghahanda ng masustansiyang
pagkain.

Maraming salamat mga bata.

Kunin ang inyong kwarderno sa EPP at ating subukin ang (Makikinig ng maigi)
gawain na ito.

Panuto: Hanapin at bilugan ang mga sumusunod na salita na


matatagpuan sa palaisipan.

PAGPUTOL PAGPAPAKULO
PAGBABALAT PAGPRITO
PAGPRASO PAGLITSON
PAGBAYO PAGHURNO
PAGSALA PAG-IHAW
Mga sagot:
PAGPUTOL
PAGPAPAKULO
PAGBABALAT
PAGPRITO
PAGPRASO
PAGLITSON
PAGBAYO
PAGHURNO
PAGSALA
PAG-IHAW
Base sa inyong ginawa, ano sa tingin ninyo ang ating
tatalakayin natin ngayong hapon?

Maaari kang sumagot Pauleen. Mga paraan sa pagluluto ma’am.

Tama! Maraming salamat Pauleen.

Ang tatalakayin natin ngayon mga bata ay tungkol sa mga


paraan ng paghahanda ng pagkain.

D. PAGTATALAKAY
Ngayong araw na ito mga bata ay ating aalamin ang mga
alituntunin sa paghahanda, pagluluto at paghahain ng pagkain.

Ating basahin ng sabay-sabay.


Mga Paraan sa Paghahanda ng Pagkain: (Sabay-sabay na magbabasa)

Pagtitimpla – paghahalo ng dalawang sangkap gamit ang


kutsara o electric mixer.

Pagbugbog – ito ay ang paghahalo ng mga sangkap na may pa


ikot at ulit-ulit na galaw gamit ang tinidor o eggbeater.

Pagpuputol – pinuputol ang mga pagkain gaya ng karne,


karot, o sibuyas gamit ang kutsilyo at sangkalan o chopping
board.

Pagbabalat – isang proseso na kukunin ang balat ng prutas at


gulay gaya ng saging, dalanghita, kalamansi.

Pagpipiraso – pagpuputol ng pagkain sa maliit na paraan.

Pagbabayo- pagpulbo ng mga pagkain gamit ang pandikdik o


pambayo.

Pagsasala – pagproseso upang ma-sala ang pagkain.


Maraming salamat mga bata. Ngayon naman ay heto ang mga (Makikinig ng mabuti)
dapat nating tandaan sa paghahanda ng pagkain.

Mga Pamantayan na Dapat Tandaan sa Paghahanda ng


Pagkain

1. Planuhin ang nakalaang badyet para sa pagkain.


2. Upang di masayang ang panahon at oras, dapat planuhing
mabuti ang menu.
3. Seguraduhing presko ang biniling mga prutas at gulay.
4. Kung bibili ng pagkaing kinakailangan kaunti lamang ang
bibilhin sa madaling mabulok at malantang pagkain.
5. Bigyang konsiderasyon ang pagkaing kinakailangan sa
buong pamilya.
6. Gumawa ng menu sa bawat linggo na may wastong
nutsiyon ayon sa talaan ng food pyramid.
7. Magplano ng espesyal na pagkain para sa Linggo upang
may panahon pa sa paghahanda.
8. E-tsek/tingnan ang mga sangkap na kailangan para sa iyong
lulutuing pagkain kung may natira pa sa refrigerator o sa
pinaglalagyan.
9. Ilista ang mga kinakailangang sangkap na bibilhin sa
palengke.

Naunawaan ba mga mag-aaral?

Mabuti naman kung ganoon.

E. PANGKATANG GAWAIN
Ngayon ay dumako tayo sa pangkatang gawain, kayo ay (Pupunta sa pangkat at magtutulungan sa
ipapangkat ko sa tatlo at ito ang inyong gagawin. Gawain)
Panuto: Isulat ang nawawalang titik sa patlang upang mabuo
ang salita.

1. Ang pagpuputol ng pagkain sa maliit na paraan ay Mga posibleng sagot:


tinatawag na p _ g _ i _ _ r _ _ o. 1. Pagpipiraso
2. Pagtitimpla
2. Ang paghahalo ng dalawang sangkap gamit ang kutsara o 3. Pagbabalat
electric mixer ay tinatawag na 4. Pagsasala
p _ g t _ t _ _ _ a. 5. Pagbabayo

3. Isang proseso na kukunin ang balat ng prutas at gulay gaya


ng saging at kalamansi ay ang p _ g _ a _ a _ a _.

4. Isang proseso upang mahiwalay ang pagkain sa likido o


tubig ay ang pa _ _ a _ a la.

5. Ang p _ g b _ _ a _ u ay nangangahulugang pagdurog ng


pagkain upang ito ay mapulbo.
Ito ay gagawin ninyo sa loob lamang ng tatlong minuto.

Tapos na ba ang lahat?


Opo ma’am!
Okay ipasa na ang inyong mga gawa at ating sagutan.

Ano-ano ang mga tamang sagot? 1. Pagpipiraso


2. Pagtitimpla
3. Pagbabalat
4. Pagsasala
Magaling! 5. Pagbabayo

F. PAGLALAPAT
Kumuha ng malinis na papel at sagutan ang katanungan sa (Susunod sa guro)
ibaba sa loob ng 3 minuto.

Panuto: Ayusin ayon sa wastong pagkasunod-sunod ang mga


hakbang sa paghahanda ng pagkain. Isulat ang bilang 1-5 sa
patlang.

____Ihanda ang malinis na kubyertos sa pagluluto. Posibleng pagkasunod-sunod:


____Hugasan nang mabuti ang kamay bago mag-umpisa sa 4
ginagawa. 2
____ Ihanda ang mga sangkap bago ilagay ang kaserola sa 5
paglulutuan.
____ Magplano ng menu na iyong lulutuin at itala ang mga 5
sangkap na kailangan bago pumunta sa palengke.
____Hugasang mabuti ang mga sangkap bago balatan at 3
hiwain.

Tapos na ang oras mga mag-aaral, magpalitan ng papel sa


katabi.

Sino ang gustong sumagot?

Ikaw ang sumagot sa unang numero Julianna.

Si April sa pangalawang numero.

Pangatlo si Chris Paul ang sasagot.

Pang-apat ay si Harold Jay.

At panghuli ay si Nick.

Magaling mga bata! Lahat kayo ay nakakuha ng matataas na


marka.
G. PAGLALAHAT
Mga bata, ano ang kaibahan sa paghahanda at paghahain ng
pagkain? Paghahanda po ang ibig sabihin ay bago
magsimula ang pagluluto ng pagkain at ang
Yes Lyka Andrea? paghahain naman ay pagkatapos
makapagluto ma’am.
Magaling Lyka!

Magbigay ng tatlong (3) pamantayan sa paghahanda ng


pagkain.

Yes Ivan? Planuhin ang nakalaang badyet para sa


pagkain.
Mahusay Ivan!

Ilista ang mga kinakailangang sangkap na


Yes Vince? bibilhin sa palengke.

Tama Maraming salamat Vince!

Yes Jhanica? Seguraduhing presko ang biniling mga


prutas at gulay.
Tumpak!

Mahusay! Tunay nga na kayo ay nakikinig sa ating paksang


tinalakay ngayon.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang T kung ito ay tama sa
paghahanda at paghahain ng pagkain, M naman kung mali.

____1. Kinakailangan ang kutsilyo at sangkalan sa paghahanda ng pagkain.


____2. Hugasang mabuti ang mga kamay bagio at pagkatapos maghanda ng pagkain.
____3. Maghanda ng maraming lulutuin kahit wala sa plano.
____4. Kung ang isda ay unang nakalagay sa refrigerator ay siyang huling ihandang pagkain.
____5. Ang pagplano sa paghahanda ay nagdagdag ng oras at panahon.
____6. Hugasan muna at ilagay sa plastic sa magkahiwalay na lalagyan ang pinambiling isda
o karne bago ilagay sa refrigerator.
____7. Kapag ikaw ay namimili sa palengke, tingnang mabuti ang klase ng karne o isda kung
ito ay sariwa pa.
____8. Piliin ang murang ibinintang gulay at prutas kahit ito’y lanta na upang maka tipd sa
gastusin.
____9. Gumamit ng kahit anong kasangkapan sa paghahanda upanag mapadali ang paggawa
nito at hindi ka mapapagod.
____10. Mas mainam ang pagpaplano ng lingguhang menu.

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Sa tulong ng iyong kapatid. Pumili ng 5 hakbang sa paghahanda ng pagkain.
Isulat sa ibaba ang iyong mga ginawa. Gawin sa iyong kwaderno.

1. ________________________________
2. ________________________________
3. ________________________________
4. ________________________________
5. ________________________________

Prepared by:
DONNA MAE P. SUPLAGIO
Pre-Service Teacher

Checked by:
MRS. CHERLIN A. TOMAS
Cooperating Teacher

You might also like