You are on page 1of 3

Paaralan LUCENA WEST III Baitang/Antas Ikatlong Baitang

Guro LORENA M. UY SIA Asignatura Agham / Science


Petsa at Oras ng March Unang Linggo Markahan ikaapat
Pagtuturo
Araw1
I. LAYUNIN
A.Pamantayang Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay makapagpakita ng pag-unawa sa ibat-ibang uri ng panahon at
kahandaang pangkaligtasan.
B.Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay dapat na magagawang magsanay ng mga hakbang pangkaligtasan at
kahandaan sa ibat-ibang uri ng panahon.
C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto
7.2 Nailalarawan ang epekto ng sikat ng araw sa mga halaman. (C) S3ES-IVg-7

II. PAKSANG ARALIN Epekto ng Init/Sikat ng Araw sa Halaman

A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Pp 186
Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pp 177-178
Pang-Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk Science Quest 248
4. Karagdagang Kagamitan Science Quest 248
mula sa Portal ng Learning
https://www.youtube.com/watch?v=ziOc0Ay2txk
Resource
B. Iba pang Kagamitang halaman na tuyot na, manila paper
Panturo

Konsepto Ang sobrang init ng araw ay may masamang epekto sa mga halaman.
III. PAMAMARAAN
Balik- aral:
A. Balik-Aral sa nakaraang Ano-ano ang epekto ng init ng araw sa tao? Paano ito nakakaapekto sa buhay ng tao?
aralin at/o pagsisimula ng aralin
Pagganyak:
B. Paghahabi sa layunin ng Ipakita ang dalawang paso ng halaman sa klase. Isang tuyot ang halaman at isang sariwa ang
aralin (Elicit) halaman.
Pagkumparahin ang dalawang halaman.
Itanong: Alin ang malusog na halaman? Ano ang masasabi ninyo sa dalawang halaman?
Paglalahad:
Ipakita ng dalawang larawan.
Itanong:
Ano ang masasabi ninyo sa dalawang halaman? Aling halaman ang malusog?
Halaman A Halaman B
C. Pag-uugnay ng mga Iugnay ang bagong aralin sa pamamagitan ng video..
halimbawa sa bagong aralin
(Engage) https://www.youtube.com/watch?v=ziOc0Ay2txk
Pag-usapan ang video.

1. Tungkol saan ang video?


2. Ano – ano ang epekto ng init ng araw sa halaman?
3. Ano-ano ang mga bagay na dapat gawin sa mga sitwasyong ganito?
4.
D. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng Pangkatang Gawain:
bagong kasanayan #1 Hatiin ang mga bata sa limang pangkat.
Gabayan ang mga bata sa paggawa ng Gawain 5 sa LM p. 177-178.
E. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
Itala sa manila paper ang inyong obserbasyon.
bagong kasanayan #2(Explore) Ilahad sa klase ang inyong naging sagot.

Pagpapakita ng Ginawa at Pagsusuri


F. Paglinang sa Kabihasaan Talakayin at itanong sa mga bata ang umusunod tungkol sa impormasyong nakalap sa gawaing
(Tungo sa Formative isinagawa:
Assessment) (Explain) Magkatulad ba ang Halaman A at Halaman B?
May epekto ba ang init ng araw sa mga halaman?
Ano ang epekto ng init ng araw sa mga halaman pagkalipas ng ilang araw?
G. Paglalapat ng aralin sa Palabasin ang mga bata ay hayaan silang humanap ng mga halaman sa paligid. Mga halaman na
pang-araw-araw na buhay nasa lilim at halaman na naiinitan ng araw.
Ipagawa ang tsart.
H. Paglalahat ng Aralin
(Elaborate)
Table 1: Mga Halaman na Nasa Lilim
Ngalan ng Halaman Ano ang aking masasabi?

Table 2: Mga Halaman na Nasisikatan ng Araw


Ngalan ng Halaman Ano ang aking masasabi?

Gabayan ang mga bata sa pagbuo ng paglalahat batay sa pamatnubay na tanong:


Paano nakaaapekto sa halaman ang init ng araw?
Tandaan Natin
Ang sobrang pagkabilad ng halaman sa init ng araw ay nagdudulot ng pagkalanta at
pagkatuyo ng halaman.

Sagutin ang tanong.


I. Pagtataya ng Aralin Nakatangggap ng halaman si Mrs. Gonzales bilang regalo sa kanyang kaarawan. Isa
(Evaluate) itong halaman na dapat ay nsa loob lang ng bahay. Pero naisip niya na mas mabuti na nasa labas
ito upang maging mas malusog. Pagkalipas ng ilang araw ang ganito na ang itura ng halaman
niya. Ibigay ang inyong prediksyon sa nangyari sa halaman. Bakit ito nalanta?

Gamitin ang rubric sa pagbibigay ng puntos sa pagtataya.


RUBRIC:
5 4 3 2 1
Napakaliwanag Maliwanag,at Naipaliwanag Maayos na May kahit
at diretso sa punto ng maayos ang nasagot ang konting punto na
komprehensibon at maayos na sagot. tanong ngunit di naipaliwang
g naipaliwanag nasagot ang gaanong ngunit hindi
ang sagot sa tanong. maliwanag. maayos na
katanungan. nasabi.
J. Karagdagang gawain para Kapanayamin ang isang magsasaka at itanong sa kanila ang sumusunod na tanong:
sa takdang-aralin at remediation Paano nakakaapekto ang uri ng panahon sa mga halaman?
(Extend) Ano ang kanilang pananim kapag tag-init? Kapg tag-ulan?
Isulat sa inyong kuwaderno ang kanilang sagot.
V.MGA TALA

VI PAGNINILAY
A.Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istrateheyang
patuturo nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyonan sa tulong
ng aking punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

You might also like