You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

Ikalawang Markahan

I. Layunin
1 .Nailalarawan ang mga gawaing pangkabuhayan sa iba’t-ibang bansa

2.Naitutukoy ang mga uri ng hanapbuhay sa kapaligiran.

3.Naiuugnay ang kapaligiran sa uri ng hanapbuhay rito.

II. Paksang Aralin

Paksa : Pag-uugnay ng kapaligiran at uri ng hanapbuhay

Kagamitan : graphic organizer ,mga babasahin ,mga larawan ng ibat’ ibang uri
ng hanapbuhay .

Sanggunian : Learner’s Material , pp.116-119

CG AP4LKE-IIA-1

Palu-ay , Alvenia P. (2006). Makabayan : kasaysayang Pilipino


,Batayang Aklat sa ikalimang baitang ,LG &LM,P.43

Integrasyon : Pagpapahalaga sa kapaligiran at kaugnayan nito sa uri ng hanapbuhay.

III. Pamamaraan :

A Panimula

1. Ganyan ang mga mag-aaral sa isang paglalakbay gamit ang kanilang


imahinasyon o Imaginary field trip . Sabihin ito habang nagpapatugtog ng
musikang instrumental. (Gumawa ang guro ng sariling script kung paani
gagawin ang imaginary field trip .)
2. Maghanda ng larawan ng mga uri ng hanapbuhay upang maipakita pagkatapos ng Gawain .

3. Itanong :

A. Ano ang napansin ninyo sa larawan ?

B. Ano-anong uri ng hanapbuhay ang nakikita niyo sa larawan?


C. May Kaugnayan kaya ang kapaligiran sa uri ng hanapbuhay ng isang relihiyon?

Paano mo ito nasabi ?

4. Isulat ang mga sagot ng mga bata sa pisara.

5. Iugnay ang mga ito sa araling tatalakayin.

B. Paglinang

1. Ilahad ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin Mo sa LM, pahina 116.

2. Magkaroon ng brainstorming hanapbuhay mayroon sa inyong lugar ?

* May kinalaman ba ang hanapbuhay sa inyong lugar sa kinaroroonan o lokasyon


nito

3. Tanggapin ang lahat ng mga kasagutan ng mga bata.

4.Ipabasa ang nilalaman ng babasahin sa LM, p.117

5. Talakayin ang aralin at bigyang diin ang ankop na sagot ng mga bata .

a. Ano ang kapaligiran ?

b. Bakit mahalaga ang kapaligiran sa uri ng hanapbuhay ng mga tao.

C. May pagkakaugnay ba ang kapaligiran sa uri ng isang tao? Ipaliwanag .

6. Ipaliwanag ang panuto sa pagsasagawa ang panuto sa pagsasagawa ng bawat Gawain .

7. Ipaliwanag ang sumusunod:

Gawain A

 Bumuo ng apat na pangkat .


 Ipaliwanag ang pamamaraan sa Gawain A sa LM, p. 118.
 Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat upang maisagawav nang
maayos ang mga Gawain .
 Ipakita sa klase ang natapos na Gawain .
Gawain B

 Ipagawa ang Gawain B sa LM, p. 118


 Ipaliwanag sa mga bata na ang sagot nila rito sa batay sa ginawa nila sa
Gawain A.
 Ipasulat ang kasagutan sa sagutang papel .

Gawain C

 Ipaliwanag ang panuto sa Gawain C sa LM , p.118


 Ipagawa ito sa mga bata .
 Bigyan sila ng sapat na oras sa pagsasagawa ng Gawain .
 Ipasulat ang kanilang sagot sa notbuk.

8. Talakayin isa-isa ang bawat Gawain .

9. Bigyang-diin ang kaisipan sa TANDAAN MO sa LM, p.119

III. Pagtataya
Pasagutan ang natutuhan ko sa LM , p. 119.

IV.Takdang Gawain

 Magsaliksik ng iba’t ibang uri ng hanapbuhay na naaangkop sa ibat-ibang lokasyon


ng bansa.
 Isulat ito sa notbuk sa Araling Panlipunan.
Susi sa Pagwawasto
Gawain A.
Pagsusuri sa poster : Ibat-iba ang sagot.

Pamantayan Batayang Puntos


A. Nilalaman
1. Kumpletong kaalaman ang nailahad ng pangkat sa 5
kanilang Gawain/output.
2. May mga ilang detalye na hindi maayos na 3
naipaliwang o nailahad ng pangkat.
3. Halos walang naipaliwanag o nagawang out put 1
ang pangkat
B. Kagamitang Biswal
1. Angkop ang mga kagamitang biswal na ginamit 5
ayon sa hinihingi ng Gawain . Kumpleto itong
naglalarawan o naglalaman ng mga kagamitan na dapat
Makita ng klase.
2. May kaunting kakulangan sa mga kagamitang 3
biswal at hindi kumpletong naglalarawan o naglalahad ng
tumpak na katugunan o kaalaman na dapat Makita sa
klase
3. Walang handing biswal 1
C. Pakikiisa ng bawat miyembro sa Gawain
1. Lahat ay nakikiisa sa pangkatang Gawain at 5
ngalalahad ng kanilang kaalaman at kasanayan na
kakailanganin sa gawaing iniatang
2. May dalawa o higit pang miyembro ang hindi 3
nakiisa sa gawain
3. Walang pakikiisa ang bawat miyembro ang hindi 1
nakiisa sa gawain

Gawain B.

Iba –iba ang sagot .

Gawain C.

1. Pagsasaka
2. Pangingisda
3. Pagtatanim
4. Pagtatanim
5. Pangingisda
Natutuhan ko

1. Pagtatanim
2. Pagdadaing
3. Pagsasaka
4. Pag-aalaga ng hayop
5. Pangingisida.
Ipinasa ni:

JONAH E. ESPAÑA
TEACHER III

You might also like