You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII-Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF BOHOL

EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN LESSON PLAN


(DepEd Order 42, s 2016)

Teachers Name: GLADYS T. BAZAR Quarter: 1


Subject and Grade Level: EPP 5 Week: 1 Day: 5

Most Pangkalahatang Layunin: Nakapagsasagawa ng survey upang malaman ang


Essential halamang gulay na maaaring itanim ayon sa pangangailangan at gusto ng mga
Learning
Competency -
mamimili na maaaring pagkakakitaan.
(MELC)
Tiyak na Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang matuto sa
mga sumusunod:

A. Kaalaman: Nasasabi ang mga pangangailangan at gusto ng mga


Code: mamimili.
EPP5AG_1a_2
B. Kasanayan: Natutukoy kung paano nakatutulong ang mga
halamang gulay sa pangangailangan at gusto ng mamimili na
maaaring pagkakaitaan.
C. Kaasalan: Nabigyang halaga ang mga halamang gulay sa
pangangailangan at gusto ng mamimili.
Nilalaman Pagsasagawa ng Survey sa lupang pagtaniman
3.Mga Kaalaman at KasanayanTungo sa Kaunlaran 5, ph.61-63
Kagamitang
Pagtuturo Larawan ng mga gulay at tsart, mga tunay na halamang gulay sa paligid,
metacard,powerpoint .
Mga Pama- A. Paghahanda :
Pagbibigay puna sa takdang-aralin
maraan
Balik-aralan ang mga paraan sa pagsasagawa ng survey sa pagtatanim.
Pagbibigay Tanong:
Naranasan niyo na ba ang walang makain o ulam?
Paano kayo nakaraos dito?
Ano ang mga paraan na inyong ginawa?
Pag-aralan ang mga larawan .( TINGNAN ANG ATTACHMENT NA LARAWAN)
Photo Credit: Marcelo F. Balauta Photo Credit: Mirasol S. Lafuente

Photo Credit: DYang Photo Credit : Glenn S. Salomon

Ano ang inyong masasabi sa mga larawan?Ano ang ginawa ng mga bata at ng mga
magulang?

B. Paglalahad

1. Game: Pangkatin sa apat na grupo ang mga bata at bigyan ng tig-iisang


metacards bawat bata.Ipatala dito ang kanilang karanasan sa pagtatanim
ng gulay, Ipabasa sa lider ang kanilang isinulat
2. Pagsusuri: Gabay na mga Tanong (2 minuto)
Ipabasa sa mga bata ang bataya ng aklat sa pahina 61-63.
Ipasuri ang mga wastong paraan sa pagsasagawa ng survey upang malaman ang
mga halamang gulay na maaring itatanim nito.
Alamin ang mga uri ng gulay na ayon sa pangangailangan at gusto ng mga
mamimili at nang maaring pagkakakitaan.
Ipasuri muli ang mga ibinigay na mga larawan.

C. Pagtatalakay (12 minuto )

Pabuksan ang batayang aklat sa pahina 61-63.Basahin ang mga paraan kung
paano ang pagsasagawa ng survey sa mga halamang gulay na maaring itanim ayon sa
pangangailangan .
Ipabigay rin sa mga bata ang kanilang mga karanasan kung paano sila nagsasagawa ng
survey sa kanilang ginawang harden sa paaralan /bakuran.
D. Paglalapat ( 6 minuto )

Pagbibigay Tanong:
Bakit mahalaga ang pagtatanim ng mga iba’t-ibang halaman sa kapaaligiran?
Paano nakatutulong ang pagsasagawa ng survey ng lupa at gulay na itatanim sa
pangangailangan at gusto ng mga mamimili na maaring pagkakikitaan kapag tayo
ay magtatanim?
Ipabigay sa mga bata ang kanilang nalalaman hango sa kanilang karanasan.

E. Pagtataya ( 6 minuto )

Ipasagot ang mga sumusunod na tanong:


1. Ano ang kahalagahan ng pag-aalaga ng halaman?
2. Saan mo ito mahahalintulad?
3. Paano nakatutulong sa kalusugan ng mga tao lalo na sa mga matatanda ang
pagtatanim ng gulay/prutas?
4. Bakit kailangan na i-survey kung ano ang dapat na itatanim?
Pasagutan ang nasa batayang aklat “SURIIN“p. 65.

G. Panapos na Gawain/Takdang-Gawain

Gawin ang “ SUBUKIN” sa batayang aklat na nasa pahina 66.Itala ang mga sagot
iyong kwaderno.

Remarks

Reflection

You might also like