You are on page 1of 7

Pangalan ng Proyekto: Pambalot Para Sa Kapaligiran

I. Tagapagtaguyod:

1. BUREAU OF PLANT INDUSTRY

Ang aming proyekto ay nangangailangan ng mais at iba’t-ibang uri ng buto. Ang BPI ay

makakatulong sa pamamagitan ng pagtulong sa amin na makamit ang sapat na supply

na kailangan at pagturo sa amin kung paano pabutihin ang kalidad nito, sapagkat ang

mga tungkulin niya ay: Isulong ang pagpapaunlad ng industriya ng halaman sa

pamamagitan ng pananaliksik at pagpapaunlad; Ipagpatuloy ang produksyon ng mga

pananim; Proteksyonan ang mga pananim; at Mabisang promosyon at paggamit ng

teknolohiya.

2. ENVIRONMENTAL MANAGEMENT BUREAU

Ang pinaka-layunin ng aming proyekto ay bigyang proteksyon ang kapaligiran at

pabutihin pa ang kalagayan nito. Ang EMB ay makakatulong sa pamamagitan ng

pagbibigay alalay saamin gamit ang mga nabuo nitong mga plano at programa, at

paninigurado na maraming bahay na sa bansa ang may naaangkop na pamantayan sa

kalidad ng kapaligiran para sa pag-iwas at pagkontrol ng polusyon ng bansa.

3. DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

Sakop ng aming proyekto ang bacterial culture. Ipinoproseso ang mais sa isang corn wet

mill kung saan kinukuha ang almirol at ginagawang glucose. Ang glucose ay dadaan sa

fermentation at ito ay magiging lactic acid, at sa kaulanan, magiging cornstarch.

Kinakailangan namin ang tulong ng DOST bilang tagapagtaguyod upang maging maayos
ang resulta ng aming proyekto, na kinakailangan ng matinding kaalaman sa Botanika at

Kimika.

4. LOCAL GOVERNMENT UNITS

Ang layunin ng aming proyekto ay bigyang oportunidad ang bawat mamamayang

Pilipino, mahirap man o mayaman, malapit man o malayo na makatulong sa pagresolba

sa mga kontemporaryong isyu. Mangyayari lamang ito kung magiging tagapagtaguyod

ang LGUs sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon nila sa amin kung gaano

karaming supply ng produkto ang kailangan nila at saan ito kailangan. Nais din namin na

hikayatin ng LGUs ang bawat mamamayan na subukan ang aming produkto, sapagkat isa

ito sa mga pinakakailangan na solusyon ng unti-unting nasisirang kapaligiran. At

kailangan din namin ng mapagtatayuan ng mga imbakan para sa aming produkto at

tulong sa pagpapakalat ng impormasyon kung paano gamitin ang produkto.

5. DEPARTMENT OF FINANCE

Hindi magiging posible ang proyekto na ito kung hindi kabilang ang DOF sa mga

tagapagtaguyod. Kinakailangan ng proyekto na ito ng pondo o pamumuhunan para

maging posible, sapagkat kailangan bayaran ang mga manggagawa at mga magsasaka at

bumili ng mga materyales o gamit na kinakailangan.

II. Paliwanag:

Ang ating kapaligiran ay nahaharap na sa madaming problema, at marami sa mga ito ay

tila lumalala sa paglipas ng panahon, na nagdadala sa atin sa isang panahon na

mayroong tunay na krisis ng kapaligiran. Kaya't lalong nagiging mahalaga na sapat ang
ating kamalayan sa mga isyung ito, gayundin ang mga nangungunang sanhi nito. Isa na

rito ang packaging.

Sa kasamaang-palad, karamihan sa mga packaging ay idinisenyo bilang single-use, at

karaniwang itinatapon sa halip na gamitin muli o i-recycle. Halimbawa nito ay ang mga

plastik. Ang mga packaging na ipinadadala sa mga landfill, ay hindi mabilis na mag-

degrade, at ang mga kemikal mula sa mga materyales nito, kabilang na ang mga tinta

mula sa mga label, ay maaaring tumagas sa tubig at lupa. Napakarami nang naipon na

plastik sa ating ekosistema (sa ilang mga pagtatantya, 8300 milyong metrikong tonelada

na ng plastik ang nagawa mula noong 1950) na ginawa na ng ilang scientists ang

akumulasyon ng plastik bilang isang "key geologic indicator" ng ating kasalukuyang

yugto sa geological na panahon (Anthropocene).

Naniniwala ang ibang scientists na ang mikroplastik (plastik na mas maliit sa limang

milimetro) polusyon sa lupa ay isang mas matinding problema kaysa sa mikroplastik

polusyon sa ating karagatan — tinatayang apat na beses na mas malala. Ang mga

mikroplastik sa lupa ay may iilang masasamang epekto, kabilang na dito ang epekto sa

pag-uugali ng fauna sa lupa tulad ng mga bulate na nagdadala ng sakit.

Kapag nasa lupa at mga daluyan na ng tubig, sinisipsip na ng mga plastik na ito ang mga

nakakalason na kemikal tulad ng mga PCB at pestisidyo tulad ng DDT. Ang mga

kontaminadong piraso ng plastik sa kalaunan ay dadaan sa animal food chain at sa mga


tao sa pamamagitan ng pagkain natin ng mga pagkaing-dagat. Ayon sa Ocean

Conservancy, "Plastic has been found in 59 percent of sea birds like albatross and

pelicans, in 100 percent of sea turtle species and in more than 25 percent of fish sampled

from seafood markets around the world." Ang pagka-degrade rin ng mga plastik sa lupa

at tubig ay naglalabas din ng mga nakakalason na kemikal tulad ng phthalates at

Bisphenol A (BPA).

Ngunit ang mga plastik (at iba pang mga packaging) ay hindi lamang nagiging

mapanganib sa kapaligiran kapag hindi wastong itinatapon, nakakapinsala din ito sa

tuwing ito ay ginagawa. Ang bawat anyo ng packaging ay gumagamit ng mga resources

tulad ng enerhiya, tubig, kemikal, petrolyo, mineral, kahoy at mga hibla upang matapos

ang produksyon nito. Ang paggawa nito ay madalas din bumubuo ng mga emisyon,

kabilang na dito ang mga greenhouse gases, mabibigat na metal at particulates, at

wastewater o putik na naglalaman ng mga nakakalason na contaminant, ang lahat ng ito

ay nag-aambag sa polusyon, at sa kaulanan, climate change.

Ang Pambalot Para Sa Kapaligiran ay nag-aalok ng solusyon para sa lahat ng problema

na ito. Isang alternatibo sa packaging tulad ng mga plastik na naging isa sa mga salik ng

krisis sa kapaligiran ng ating mundo. Ang Cornstarch packaging na natatanim (Oo, ito ay

may mga buto sa loob). Ano nga ba ang benepisyo ng produktong ito?
1. Ang Cornstarch packaging, ay mabubulok din sa loob ng dalawang buwan sa

isang mahalumigmig na composting environment, kaya ito ay babalik din sa lupa,

kung saan ito orihinal na nanggaling.

2. Ang mga organikong basurang pagkain ay maaaring i-compost kasama nito.

3. Galing ito sa isang renewable source, mais, na maaaring itanim muli ng ating mga

lokal na magsasaka at maging bentahe sa kanilang kabuhayan. Hindi tulad ng iba

pang "environmentally-friendly" packaging tulad ng molded fibers na gumagamit

ng mga papel, na nag-aambag sa deforestation, at samakatuwid, ay hindi

maaaring maging isang pangmatagalang solusyon.

4. Ang mga bioplastics tulad ng Cornstarch packaging ay hindi naglalabas ng mga

nakakalason na gas kapag ito ay sinunog dahil wala itong toxins. Ang produksyon

nito ay mayroon ding 75% na mas kaunting greenhouse gas emissions kumpara

sa kumbensyonal na plastik.

5. Ang Cornstarch packaging ay nangangailangan ng 65% na mas kaunting enerhiya

para magawa kaysa sa kumbensyonal na mga plastik na gawa sa petrolyo.

6. Ang Cornstarch packaging ay isang PLA plastik, ibig sabihin ay mas mura ito ng

di-hamak gawin at ibenta kaysa sa kumbensyonal na plastik.

7. Ang paggamit ng cornstarch polymers ay walang dalang panganib ng pagsabog sa

proseso ng produksyon hindi gaya sa petrolyo, kaya mas ligtas itong gawin.

8. Ang bioplastic na ito ay walang BPA at phthalate, kaya wala itong dalang

panganib sa ating katawan tulad ng endocrine disruption.


III. Mga Layunin at Misyon:

Ang layunin ng Pambalot Para Sa Kapaligiran ay ang mabigyan ng oportunidad

makatulong ang bawat mamamayang Pilipino, mahirap o mayaman, malayo o malapit,

sa pagresolba ng mga kontemporaryong isyu na polusyon, sobra-sobrang pagtatapon ng

basura at pagkain, kakulangan sa pagkain, at ang pagkasira ng biodiversity ng ating

planeta. Matutupad ang layunin na ito sa pamamagitan ng paggamit ng Cornstarch

packaging bilang isang alternatibong materyales sa iba pang uri ng packaging katulad ng

plastik. Mababasa sa II. Paliwanag ang pinagkabi ng dalawa at kung papaano mas

nakabubuti para sa ating kapaligiran ang Cornstarch packaging.

Paano ba magagawa ang aming proyekto?

1. Kumuha ng lalagyan

2. Magdagdag ng 1 kutsara ng cornstarch

3. Magdagdag ng 4 na kutsara ng tubig at ihalo sa gawgaw hanggang sa ito ay

matunaw

4. Magdagdag ng 1 kutsara ng gliserin at 1 kutsara ng suka at ihalo ito nang mabuti

5. Kapag handa na ang timpla, iinit ito sa mahinang apoy habang hinahalo

6. Kapag ito ay makapal na at walang bukol, alisin ito sa apoy

7. Ilagay ang mga buto na nais

8. Iwanan ang naging masa upang matuyo sa ibabaw ng isang non-stick na surface o

sa cling film
9. Kapag tuyo na, kailangan itong hubugin sa kahit anumang hugis — mahalagang

huwag maghintay hanggang sa ganap na itong malamig, dahil hindi mo na

mababago ang hugis nito

10. Pagkatapos hubugin, hayaang matuyo ito ng 2-7 araw depende sa laki

Paano ba magagamit ang aming proyekto? Imbis na itapon lamang sa mga basurahan

kung saan maaari pang mapunta ang Cornstarch packaging sa mga landfills, maaari

itong basain ng tubig bago pira-pirasuhin at itanim sa lupa. Kung mapapansin, sa loob ng

Cornstarch packaging ay mga buto, na maaring sumibol bilang isang panibagong puno,

prutas, o gulay. (At kung sakaling walang mapagtataniman sa bahay, mayroon kaming

ihahandang mga imbakan sa bawat lungsod kung saan pwede ibigay ang mga

Cornstarch packaging, at kami na mismo ang bahalang magtanim nito at ibigay muli sa

inyo ang sumibol.)

You might also like