You are on page 1of 2

Ano ang inyong pamagat?

“Pagpapalaganap ng Kamalayan sa Tamang Pamamahala Basura para sa mga Mag-aaral ng HCCS”

Bakit ito ang inyung napili na pamagat sa inyong pananaliksik?


Napili naming pamagat na ito ukol sa aming pananaliksik upang mapalawak ang kanilang
kaalaman ukol sa tamang pamamahala ng Basura sa ating bansa. At para narin bigyan sila ng
mga karagadang impormasyon kung paano maiiwasan ang mga pagbabago sa ating ecosystem
o sa ating bansa dahil sa mga epekto na maaaring dulot ng hindi wastong pamamahala ng
basura. Meron din kaming mga suportadong paksa sa aming pamagat o sa aming pananaliksik
na tiyak naming makakatulong silang unawain ukol sa tamang pamamahala ng basura hindi
lamang sa ating paaralan kundi sa ibang lugar narin, tulad na lang ng.
Landfill Emessions at ang Epekto Nito sa ating Kapaligiran. At ang Epektibo ng Pamamahala ng
Basura sa Rural na lugar. Dahil kung hindi wasto ang pagtatapon ng basura, ang hindi makontrol
na mga problema sa landfill ay maaaring magdulot ng polusyon sa tubig, lupa, at hangin. Kapag
nabubulok ang mga organikong basura sa landfill, ang ilan sa mga ito ay naglalabas ng mga
nakakalason na gas. At ang mga pook na rural ang pinakadelikado rito sapagkat ang mga landfill
gas na ito ay nagdudulot ng ulap-usok na napupunta sa kanilang lugar na maaaring humantong
sa maraming sakit at pagkawala ng kalidad ng mga tanim at lupa. Kaya ukol sa aming
pananaliksik ay tiyak na hindi na ito lalaki pa sa ating bansa. Hindi lamang iyan ay meron pang
ibang suportadong paksa na kung saan ay konektado sa aming pamagat o sa aming
pananaliksik.
Sa paraan na paggamit ng recycle sa mga mekanikong basura. At mga paraan ng paggamit ng
mga pang-ekonomiyang insentibo upang hikayatin ang pag-recycle. Naisip namin ang ideyang
ito dahil karaniwan, ang mga electronics ay naglalamanng nakalalasong kemikal at mapanganib
na materyales na maaaring makasira sa kalikasan ng paaralan, na hindi talaga maganda para sa
mga estudyante. At kung hindi ito naitapon nang wasto sa mga sisidlan, maaaring magdulot ito
ng pagkalat ng nakalalasong sangkap sa loob ng paaralan. Simulan muna natin sa kung ano ang
"e-waste". Ang Ibig sabihin nito, ito ay ang mga basura na nagmula sa mga sirang electronic,
hindi na ginagamit, at mga sobrang electronic devices. Madalas din itong tinatawag na bilang
"e-scrap. Sa ngayon, isa sa pinaka-usapin sa buong mundo ay ang pag-recycle ng e-waste dahil
sa potensyal nitong magbawas ng mga panganib at dagdag proteksyon sa ating kalikasan at
iwas sa polusyon. Ngunit hindi natin maiiwasan ang mga problemang ito dahil tayo mismo ay
gumagamit nito katulad nalamang nang cellphone, cellphone na isa ding uri ng device na
maaaring magdulot ng e-waste ngunit hindi natin ito basta basta nalng maiiwasan dahil ito ang
nagbibigay saatin nang mga benepisyo sa ating pang araw-araw napamumuhay.
At ang panghuli ay bakit mahalaga ang pag-recycle at muling panggamit ng plastic sa
pamamahala ng basura? At ano ba ang epekto nito sa kapaligiran ng pagtatapon ng basura?
Dahil sa pamamgitang ito maipapakita naming sa aming mga kapwa ka mag-aral na may
kahalagahan ang muling pag gamit ng mga plastik, kagaya ng makikita natin sa Internet na
tinatawag na "DIY". Dahil ang paghihiwalay, pagbabawas, muling paggamit, pag-recycle at pag-
compost ay magandang opsyon para sa pamamahala ng basura sa paaralan. Dahil ang plastik ay
isa sa mga pangunahing uri ng hindi nabubulok na basura, kaya ang plastic recycling at muling
paggamit ay isang mahalagang bahagi ng wastong pamamahala ng basura. Kung hindi ito nire-
recycle o hindi na ginagamit, maaari itong magkaroon ng epekto sa kapaligiran dahil matagal
itong mabulok sa kalikasan. Kaya, ang wastong pagtatapon, pag-recycle at muling paggamit ng
mga plastik ay gagawing mas epektibo ang pagkontrol sa polusyon. Kaya sa aming pananliksik
ay tiyak naming malalaman nila ang aming gustong ipahiwatig sa kanila. At yun po ang dahilan
kung bakit napili naming ang pamagat na ito at ang aming layunin sa aming pananaliksik.

Group 1 AP Members:
Umaya, Zhekiah
Calupcupan, Gailynn Rose
Paradeza, Rochelle Mae
Gonzales, Kathreen Lois
Gascon, RJ
Rosales, Lyle Jeremy
Lapayag, Yza Mae
Humol, Christian Andrew

You might also like