You are on page 1of 1

Mahalagang pamantayan para sa moral na pagdedesisyon.

Mahahalagang element sa paggawa ng moral na mga desisyon sa


buhay. Ang moral na desisyon ay isang pagpili na ginawa ng isang tao. Ang
mga desisyon na ito ay may posibilidad na makaapekto hindi lamang sa ating
sariling kapakanan, kundi sa kapakanan din ng iba. Sa buhay maroon tayong
mabuti at masasamang desisyon at hindi natin hawak ang mangyayari sa
ating buhay kundi hawak ito ng diyos.

Hindi masama ang makipagsapalaran para magpasya kung anong


desisyon ang pipiliin natin kung ito ang nagpapasaya sa atin piliin natin ito.
Kapag gumagawa ng moral na mga desisyon ay hinuhusgahan ng ating
konsensya ang ating kabutihang moral. Sa paggawa ng mga desisyon ang
pag imbestiga, pagtanong, pag-isip, pag-introspect at pagsumano ay
importante lalo na’t ang kinalabasan ng ating mga desisyon sa buhay ay hindi
natin alam at kung nakakaganda ba ito sa ating kinakaharap. Ang mabubuting
desisyon ay magagawa lamang kapag mayroon tayong malinaw na
kamalayan at pagtatasa sa katotohanan. Ang mabuting hangarin ay hindi
isang masamang paraan sa moral. Kailangan nating malaman ang
mahahalagang salik na kasangkot. Tayong mga Pilipino ay likas na tumitingin
sa ating mga kamag-anak o kaibigan para sa payo. Ito ay dahil sa kaalaman
na ang ating mga pagpili ay may epekto sa kapwa at sa ating sarili.

Tandaan natin na ang paghingi ng payo sa iba ay hindi pumapalit sa


paggawa ng mga responsableng desisyon nang mag isa at sa buhay hindi rin
masama ang makipagsapalaran o magtake risk dahil sa pag dedesisyon sa
buhay importante ito at may hangganan ang pagpili ng desisyon dahil minsan
nariyan ang tukso. Maging matalino sa pag pili at mahalin natin ang ating sarili
at ang ating kapwa.

You might also like