You are on page 1of 1

REPLEKSYON:

Konsensya at Likas-Batas Moral


Ang konsensya ay ang pag-unawa ng tama sa mali, pag-iisip ng gawaing tama, pagunawa ng mga nararamdaman ng mga pagkakamali at ang pag-iisip ng mga mabuti. Ang
konsensya ay nakakatulong sa pagkilala ng mga gawain na naayon sa pagsusuri ng moral
na aksyon.Ito ang nagsusuri ng kilos at sumasaklaw sa pansariling batayan ayon sa
katotohanan at katwiran.
Sa pagpili o paghuhusgang ginagawa ng tao may kailangan siyang pag-ukulang
pansin ito ay ang pagpili sa pagitan ng tama sa mali na ginagawa o gagawin. nalalaman ng
tao ang mabuti at masama sa mga sitwasyon batay sa sinabi ng konsensya. Ang konsensya
ay tumatayong testigo sa sapagkat nagpapatunay ito sa kilos na ginagawa o hindi ginagawa
ng tao na ayon sa tamang gawi.Ang konsensya sa sitwasyong ito ay nagpapaala sa tao
upang magpaalala ng dapat at hindi dapat gawin. Ang konsensya ang bumabagabag sa tao
kapag gumawa siya ng hindi kanais-nais o maling gawain. Sa kadahilang ito nakakabuo ang
tao ng mga pasya na naayon sa tama sa kaniyang pang-araw-araw. Nararapat lamang
gumawa ng tama ayon sa konsensya na siyang nagsasabi na tamang gawain na naayon sa
utos ng diyos.
Bilang isang mamamayan, nararapat lamang na gawin ang tama na naayon sa
konsensya. Gawaing nauukol sa tama at mabuting pagpapasiya ayon sa moral ng tao.
Batay na may paghuhusga sa gawain na magiging dahilan ng kanyang katauhan. Epekto
ng pagpapasiya ay maaring makatulong sa sarili o sa kapwa na mabuti ang dulot sapagkat
ang pagpapapasiya ay pinili na naayon sa tiyak na konsensya. Ang pagpapasiyang
nabanggit ay nakakatulong luminang ng pagkatao ng isang indibidwal.
Ang likas batas moral ay ang dahilang nakikibahagi sa mga karunungan at kabutihan
ng diyos. Sa pamamagitan ng batas na ito ang tao ay may kakayahang makilala ang mabuti
sa masama at ang likas batas moral. Layon ng batas moral ang pagkalooban ang tao ng
kinakailangang batayan upang makagawa ng ng tamang pasya at kilos. Ang sampung utos
ng diyos ay halimbawa panuntunan sa pag-iisip ng tama o mali upang maiwasan ang mga
ginagawang mali at upang makalayo tayo sa mga kasalanan. Gusto ng diyos na
pahalagahan ang sampung utos dahil pinapahalagahan nito ang tao upang maka-iwas sa
mga kasalanan.
Nasasalamin ang kabutihan ng tao sa pagsunod niya sa kanyang konsensya na
nababatay naman sa likas batas moral upang maging matuwid ang tao sa kanyang gawi.

You might also like