You are on page 1of 3

Paggamit ng isip at kilos-loob

Ang Isip at Kilos-Loob ay dalawang konseptong isinagawa ng Tao. Tayo’y nilikha


ng Diyos na may isip, na may kakayahang mag isip at gamitin para alamin ang
diwa at buod ng isang bagay. Ang isip ang ginagamit natin upang magsuri, mag
alala , mangatuwiran, mang husga, at umunawa ng kahulugan ng mga bagay. Ito
ang ginagamit upang makahanap ng katotohanan. Ang isip natin ay may limitasyon
at hindi ito kasing perpekto ng maylikha, Ito ay nakadarama ng kakulangan. Ang
isip ang ginagamit natin upang alamin ang nararapat o hindi. Isip ang ginagamit
natin upang gumawa ng tamang desisyon sa buhay. Isip ang ginagamit natin upang
masolusyunan ang mga problema sa araw-araw. Ang kilos-loob ay umaasa sa isip,
naimpluwensiyahan ng isip ang kilos-loob dahil hindi nito nanaisin o gugustuhin
ang isang bagay na hindi niya nauunawaan. Ang kilos-loob ay ang kakayahan ng
isang tao na mag karon ng sariling desisyon at isakatuparan ito. Ang kilos-loob ay
ginagamit upang maka kilos o gumawa ang isang tao na naglalayang magtungo
ang kabutihan, Dahil ang kilos-loob ay responsable sa pagiging mapanagutan ng
isang indibidwal sapagkat taliwas ito sa ideya ng kasamaan. Ang kilos-loob ang
may kakayahan at kapangyarihan pumili ng may laya sa kanyang mga kagustuhan
nang walang sinumang naguutos o nagsasabi dito.
Pagpasya gamit ang konsensya

Ang konsensya ang gumagabay upang gumawa ng tama ang isang tao, sapagkat ito
ang nagiging dahilan na dapat ka magsisi kung hindi ka gagawa ng kabutihan. Sa
pamamagitan ng konsensya nakagagawa ang Tao ng mga pagpapasiya at
nasusunod ang Batas-Moral sa kaniyang buhay. Sa tulong ng konsensya nakikilala
ng Tao na may bagay siyang ginawa o hindi ginawa sa pamamagitan ng konsensya
nahuhusgahan ng tao kung may bagay dapat sana'y isinagawa subalit hindi niya
ginawa o hindi niya dapat isinagawa, subalit ginawa. Gamit ang konsensya
nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o
nagawa nang di maayos o mali. Ang konsensya ay naka kabit saating isip, kaya't
ito ay kakayahan ng isip ng manghusga ng mabuti at masama. kung alam mo at ng
konsensya mo kung ano ang tama at mali, Ito ang gagabay sa iyo upang
makapagpasya at makakilos nang maayos. Ang Tao mismo ang naghuhusga ng
mabuti o masama na kaniyang gagawin gamit ang kaniyang konsensya. Kung
patuloy na babalewalain ng tao ang kaniyang konsensya, ito'y magiging bunga ng
pagiging manhid sa pagkilala ng tama. Ang konsensya ang pinaka malapit na
pamantayan ng ating moralidad na gumagabay sa ating pamumuhay tungo sa
kabutihan.

You might also like