You are on page 1of 12

 

Edukasyon sa Pagpapakatao 7 
Activity Sheet 
Quarter 2 – MELCs 7 and 8
ANG​ ​K​AUGNAYAN NG KONSENSIYA SA LIKAS
NA BATAS MORAL

REGION VI – WESTERN VISAYAS


Edukasyon sa 
Pagpapakatao 7 
 
 
 
Ikalawang Markahan 

LEARNING ACTIVTIY SHEET 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Learning Activity Sheet (LAS): ​ANG KAUGNAYAN NG KONSENSIYA SA LIKAS NA
Unang Edisyon, 2020 ​ BATAS MORAL

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 ​na “Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang (​Edukasyon sa Pagpapakatao 7) ESP 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.
i

MABUHAY!

Ang (​Edukasyon sa Pagpapakatao 7) ESP 7​) ​Learning Activity Sheet (LAS)


na ito ay nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng (SDO) sa
pakikipagtulungan ng Kagawaran gn Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa sa
pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang
maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na
makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng ​LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang
oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may
kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan
at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang (​Edukasyon sa Pagpapakatao 7) ESP 7 ​Learning Activity Sheet (LAS) na ito


ay binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ​ng
edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga
tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga
gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng
mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang (​Edukasyon sa Pagpapakatao 7) ESP 7 ​Learning Activity Sheet (​na ito ay


binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa
iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at
makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga
panuto ng bawat gawain.

​ii
Learning Activity Sheets (LAS)

Pangalan ng Mag-aaral:_________________Grado at Seksiyon:______Petsa: _________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA (​(​Edukasyon sa Pagpapakatao 7)

ANG KAUGNAYAN NG KONSENSIYA SA LIKAS


NA BATAS MORAL

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

a. Nahihinuha na nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama sa


kongkretong situwasyon batay sa sinasabi ng konsensiya. Ito ang Likas na
Batas Moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao ​( EsP7PS-IId-6.3)
b. Nakabubuo ng tamang pangangatwiran batay sa Likas na Batas Moral
upang magkaroon ng angkop na pagpapasiya at kilos araw-araw.
(​EsP7PSIId-6.4)

II. PANIMULA (SUSING KONSEPTO)

Ang tao ay biniyayaan ng kakayahan na kumilala ng mabuti o masama. Ang


kakayahang ito ay tinatawag na konsensiya. Ang salitang konsensiya ay mula sa salitang
Latin na ​cum i​ big sabihin ay “with” o mayroon at ​scientia​, na ibig sabihin ay “knowledge” o
kaalaman. Samakatuwid, ang konsensiya ay nangangahulugang “with knowledge” o
mayroong kaalaman. Ipinahihiwatig nito ang kaugnayan ng kaalaman sa isang bagay;
sapagkat naipakikita ang paglalapat ng kaalaman sa pamamagitan ng kilos na ginawa.
III. GAWAIN
GAWAIN 1
Basahin at unawaing mabuti ang babasahin sa ibaba upang mapagtibay ang
iyong nabuong Kakailanganing Pag-unawa.

ANG KAUGNAYAN NG KONSENSIYA SA LIKAS NA BATAS MORAL

Ang paglalapat ng kaalaman ay maaaring magawa sa pamamagitan ng mga


sumusunod na paraan, ayon kay Santo Tomas de Aquino:
a. Sa tulong ng konsensiya, nakikilala ng tao na may bagay siyang ginawa o hindi
ginawa.
b. Sa pamamagitan ng konsensiya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat
sana’y isinagawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isinagawa subalit
ginawa.
c. Gamit ang konsensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa
nang maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali.

1
​Ipinakikita dito na ang konsensiya ay nakakabit sa isip ng tao; kaya’t ito ay kakayahan

ng isip na maghusga ng mabuti at masama. Ang konsensiya ang batayan ng isip sa

paghuhusga ng tama o mali. Ibinabatay ng konsensiya ang pagsukat o paghusga sa kilos sa

obhetibong pamantayan ng Likas na Batas Moral.

Ang ​Likas na Batas Moral ​ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain. Ito ay sa dahilang
nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang
tao ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama. Dahil sa kalayaan, ang tao ay
may kakayahang gumawa ng mabuti o masama. Nakaugat ito sa kanyang malayang
kilos-loob dahil ang pagtungo sa kabutihan o sa kasamaan ay may kamalayan at kalayaan.
Narito ang mga Katangian ng Likas na Batas Moral:
​ Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan.
a. Obhetibo –
Ito ay nagmula sa mismong katotohanan – ang Diyos. Ang katotohanan ay
hindi nililikha; kaya hindi ito imbensyon ng tao. Ito ay natutuklasan lamang ng
tao. Pangkalahatang katotohanan ito na may makatuwirang pundasyon.
Naaayon sa reyalidad ito at hindi nakabatay sa tao. Hindi ito
naiimpluwensyahan ng anumang bagay lalo na ng pagtingin ng tao dito.
Palagi itong umiiral dahil hindi ito naaapektuhan, kilalanin man ito ng tao o
hindi.
b. Pangkalahatan ​(​Unibersal) –
​ Dahil ang Likas na Batas Moral ay para sa tao,
sinasaklaw nito ang lahat ng tao. Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi, kultura,
sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay dahil nakaukit ito sa
kalikasan ng tao; kaya’t ito ay nauunawaan ng lahat at ito ay katanggap-
tanggap sa lahat ng tao.
​ Ito ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas na
c. Walang Hanggan (Eternal) –
ito ay walang hanggan, walang katapusan at walang kamatayan dahil ito ay
permanente. Ang kalikasan ng tao ay permanente kaya’t ang batas na
sumasaklaw sa kanya ay permanente rin. Ito ay totoo kahit saan at kahit
kailan.
d. Di-nagbabago (Immutable) ​– Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral
dahil hindi nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of man). Maging ang
layon ng tao sa mundo ay hindi nagbabago. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng
kultura, ang Likas na Batas Moral ang nagbibigkis sa lahat ng tao. Ito rin ang
nagpapatupad ng iisang alituntunin para sa lahat.

Uri ng Konsensya
1. Tama. ​Ang paghusga ng konsensya ay tama kung lahat ng kaisipan at dahilan
na kakailanganin sa paglapat ng obhektibong pamantayan ay naisakatuparan
nang walang pagkakamali. Tama ang konsensya kung hinuhusgahan nito ang
tama bilang tama at bilang mali ang mali (Agapay ).

2. Mali. ​Ang paghusga ng konsensya ay nagkakamali kapag ito ay nakabatay sa


mga maling prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo sa maling paraan. Ayon
pa rin kay Agapay, mali ang konsensya kung hinuhusgahan nito ang mali
bilang tama at ng tama ang mali.
Sa pamamagitan ng tamang uri ng konsensiya kung gayon, naisasagawa ang
pangkalahatang pamantayang moral sa pang-araw-araw na buhay. Ito ang personal na
pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang iniisip, salita at gawa ayon sa Likas na Batas
Moral na siya namang batayan upang malaman ang mabuti at masama sa natatanging
situwasyon.
Itinuturing ang konsensiya bilang batas moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng
tao. Sa pamamagitan ng konsensiya nakagagawa ang tao ng mga pagpapasiya at nasusunod
ang batas-moral sa kaniyang buhay. Dahil dito, ang konsensya ang pinakamalapit na
pamantayan ng moralidad. Sinusuri nito ang kilos kung ito ay tama o mali. Ang konsensiya ay
likas sa tao upang maghusga sa mabuti o masama na maaaring gawin. Taliwas sa komersiyal
ng sabon o sa katauhan na nasa kanan at kaliwang bahagi ng tao, ang paghuhusga ng
konsensiya ay hindi nagmumula sa labas ng tao. Ang tao mismo ang naghuhusga ng mabuti o
masama na kaniyang gagawin gamit ang kaniyang ​konsensya.
May pagkakataon na inaakala ng tao na ang maliit na bagay ay hindi nagkakaroon ng
malaking epekto sa kanyang pagkatao. Ito ang nagaganap sa kaniyang konsensiya nang hindi
niya namamalayan. Karaniwang sinasabi ang mga katagang: ​maliit na bagay lang naman,
​ pang pangatwiranan ang maling ginawa. Kung patuloy na
ngayon lang o minsan lang u
babalewalain ng tao ang kaniyang konsensya, darating ang pagkakataon na ito ay magiging
manhid sa pagkilala ng tama.
Epekto nito, ang tao ay maaaring maging katulad ng hayop sa kanyang pagpasya at pagkilos.

Mga Gabay na Tanong:

Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong
naunawaan sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:
1. Saan dapat ibatay ng tao ang kanyang gagawing pagpapasya at pagkilos?
2. Bakit natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral?

3. Saan dapat nakabatay ang pagkahubog ng konsensya? Ipaliwanag.


4. Paano nauugnay ang Likas na Batas Moral sa konsensya ng tao?
5. May tao bang walang konsensya? Ipaliwanag ang ibig sabihin nito?

GAWAIN 2

Anong konsepto ang naunawaan mo mula sa babasahin. Sagutin ito sa


iyong sagutang papel gamit ang ​graphic organizer​.
4

GAWAIN 3
Panuto:
● Basahin at unawain ang situwasyon sa ibaba. Suriin ito sa pamamagitan ng pagkilala sa
sasabihin o paghuhusga ng konsensiya sa situwasyong ito.
● Isulat ito sa unang hanay o kolum.
● Kilalanin din ang pinagbatayan ng konsensiya sa paghusga nito.
● Isulat ito sa ikalawang hanay o kolum

Sitwasyon 1:
Batayan ng Paghuhusga
Paghuhusga ng Konsensiya
(Likas na Batas Moral)

Sitwasyon 2:

Batayan ng Paghuhusga
Paghuhusga ng Konsensiya
(Likas na Batas Moral)

Gawain 4
Panuto:

Sumulat ng pagninilay tungkol sa natuklasan mong kaugnayan ng


konsensiya sa Likas na Batas Moral. Gawin ito sa iyong dyornal.

Ano ang kaugnayan ng konsensiya sa Likas na Batas Moral?

________________________________ ___________________________
6
Sanggunian:
Kawanihan ng Edukasyon Sekundarya, Kagawaran ng Edukasyon.
2010. ​Gabay sa Pagtuturo sa EP para sa 2010 Kurikulum ng
​ asig City: Awtor
Edukasyon Sekundarya (SEC) P
Conscience ​(n.d.)Retrieved November 21, 2009 from
http://www.newworldencyclopedia.org/entry/Conscience
Conscience ​(n.d.) Retrieved November 24, 2009 from
www.gospelped/ar.com/articles/christian%20Life/moralaw.html
Conscience ​(n.d.) Retrieved November 24, 2009 http://www.rosmini-in-
english.org/Conscience/Book_1/CS_Bk01Ch02.htm

SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1
* Sa tulong ng konsensiya nakikilala ng tao na may bagay siyang ginawa o hindi ginawa,
nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat sana’y isinagawa subalit hindi niya ginawa o
hindi niya dapat isinagawa subalit ginawa.

(Ang mga mag-aaral ay may pagkakaiba-ibang kasagutan na naaayon at hango sa akda.)


Gawain 2
* Ito ay sa dahilang nakikibahagi sia sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan
ng batas na ito, ang tao ay may kakayahang gumawa ng mabuti o masama.

(Ang mga mag-aaral ay may pagkakaiba-ibang kasagutan na naaayon at hango sa akda.)

Gawain 3
* Ito ay batay sa pagkakaiba-iba nga kasagutan na naaayon at hango sa akda ang Paghuhusga
ng Konsensiya at Batayan ng Paghuhusga (Likas na Batas Moral)
(Ang mga mag-aaral ay may pagkakaiba-ibang kasagutan na naaayon at hango sa akda.)

Gawain 4
* Kaugnayan ng konsensiya sa Likas na Batas Moral
Itinuturing ang konsensiya bilang batas moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao.
Sa pamamagitan ng konsensiya nakagagawa ang tao ng mga pagpapasiya at nasusunod ang
batas-moral sa kaniyang buhay. Dahil dito, ang konsensya ang pinakamalapit na pamantayan ng
moralidad. Sinusuri nito ang kilos kung ito ay tama o mali. Ang konsensiya ay likas sa tao
upang maghusga sa mabuti o masama na maaaring gawin. Taliwas sa komersiyal ng sabon o sa
katauhan na nasa kanan at kaliwang bahagi ng tao, ang paghuhusga ng konsensiya ay hindi
nagmumula sa labas ng tao. Ang tao mismo ang naghuhusga ng mabuti o masama na kaniyang
gagawin gamit ang kaniyang ​konsensya.
​Ang kaugnayan ng konsensiya sa Likas na Batas Moral ay iisa dahil ang Konsensiya ay
itinuturing bilang batas moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao.
7

You might also like