You are on page 1of 16

7

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Ang Likas na Batas Moral
Ikalawang Markahan - Ikatlong Linggo

1|Pahina
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO – 7
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Ang Likas na Batas Moral
Ikalawang Markahan - Unang Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Manunulat: Romelyn G. Marzal
Editor: Genefer T. Alcantara
Tagasuri: Genefer T. Alcantara
Tagaguhit at Tagalapat: Joenalie D. Marfil
Tagapamahala: Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle Ablian-Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Lani A. Miraflor EdD
Ronald Ryan L. Sion
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Ang Likas na Batas Moral

Panimula

Magpapatuloy pa ba o susuko na? Mga linyahang uso sa mga kabataan sa


social media. Nakakatawa man pero kailangang pumili kung alin nga ba sa dalawa.
Depende o wala, ay pumili ka pa rin, yun nga lamang ay walang katiyakan ang
naging kasagutan. Sa pagmulat ng ating mga mata sa umaga, gumagawa na tayo ng
pagpapasiya mula sa simple hanggang sa kumplikadong pagpili ay kailangan nating
gawin. Hindi lang natin napapansin. Kailangang pag-ukulan ng pansin, ang pagpili
sa pagitan ng tama at mali, mabuti sa masama na nangangailangan ng malalim na
pag-iisip.

Naunawaan mo sa nagdaang aralin, na ang tao ay natatanging nilalang ng


Diyos na biniyayaan ng isip at kilos-loob. Isa pang kakayahan na ipinagkaloob sa
tao ay ang magpakita ng kabutihan hindi lamang sa kapuwa kundi pati na rin sa
iba pang nilalang ng Diyos. Sa pamamagitan ng Likas na Batas Moral, may
kakayahan ang tao na makilala ang mabuti at masama. Ngayon, handa ka na bang
pumili sa kung ano ang tama sa mali para sa ikabubuti ng lahat? Tara na at ating
tuklasin.

Kasanayang Pampagkatuto

1. Nakikilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang pagtungo
sa kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay
likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
(EsP7PS-IIc-6.1)

2. Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na
taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral. (EsP7PS-IIc-6.2)

1|Pahina
Mga Layunin

Pagkatapos mong basahin ang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang


Pampagkatuto ito, ikaw ay inaasahang:

1. natutukoy ng kahulugan at katangian ng Likas na Batas Moral;


2. nakikilala ang unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral; at
3. nakalalapat ng wastong paraan sa pagpapasiya at kilos ayon sa unang
prinsipyo ng Likas na Batas Moral.

Balik Aral

Sa iyong sagutang papel, sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang tatlong nilikha ng Diyos na may buhay?


2. Alin sa tatlo ang natatanging nilalang ng Diyos?
3. Anu – ano ang mga katangian ng tao na wala sa ibang nilalang?
4. Bakit may ganitong katangian at kakayahan ang tao?
5. Sa iyong palagay, may mga katangian at kakayahan pa ang tao na wala sa
ibang nilalang? Ano kaya ito?

Pagtalakay sa Paksa

“Gusto kong bumait pero di ko magawa, gusto kong bumait


pero di ko magawa“, Isang linya ng isang awitin noon na ngayon
niyo lamang narinig. Napaisip ka ba sa mensahe ng awiting ito?
Nakapagtataka na gusto mong gawin pero bakit hindi mo kayang
gawin? Kadalasan, alam natin ang gagawin subalit natutuklasan
natin na wala tayong kakayahan o lakas ng loob na gawin ito.
Ang nangyayari ay hindi natin nagagawa ang mabuti na nais
nating gawin.

2|Pahina
Sa nakaraang aralin, naunawaan mo na kailangang sanayin, paunlarin at
gawing ganap ang ating isip at kilos-loob patungo sa katotohanan at kabutihan. Ang
pamantayan ng pagsasagawa nito ay ang katotohanan at kabutihan. Ang makataong
kilos ay nangangailangan ng batayan sa paghusga kung ang mga ito ay tama o
masama. Ang moralidad ng tao ay nakasalalay sa batayan ng katotohanan at
kabutihan. Ang kautusan o batas ng katotohanan at kabutihan upang maipakita ng
taong may moralidad ay tinatawag nating Likas na Batas Moral.

Ang Likas na Batas Moral ay masasabing nakasulat at nakaukit sa katauhan


ng bawat tao sapagkat ito ay nasa makatwirang pag-iisip ng tao na nag-uutos sa
kaniya na gumawa ng kabutihan at talikdan ang kasamaan at kasalanan. Ibinigay
sa tao ang Likas na Batas Moral noong siya ay likhain sa kadahilanang ang tao ay
nakikibahagi sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng batas na
ito, ang tao ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama. Ang tao ay may
kakayahang gumawa ng mabuti o masama dahil siya ay may kalayaan. Nakaugat
ito sa kaniyang malayang kilos-loob dahil ang pagtungo sa kabutihan o sa kasamaan
ay may kamalayan at kalayaan.

Hindi kinakailangang regular na pumasok sa paaralan upang matutunan ito.


Likas na nakaukit ito sa pagkatao ng isang indibidwal. Likas na nakaugat sa
kalikasan ng tao kung kaya’t ang unang prinsipyo nito ay: Likas sa tao na dapat
gawin ang mabuti at iwasan ang masama. Ito ang nagtuturo sa tao kung ano ang
dapat gawin at ano ang dapat iwasan.

Ang tao ang tanging nilalang ng Diyos na nararapat gabayan ng batas na ito
mula sa Diyos. Ito ay dahil kailangan niyang pamahalaan ang kaniyang kilos sa
pamamagitan ng tamang paggamit ng kaniyang Kalayaan at kilos-loob.

Ang Likas na Batas Moral ay likas sa tao dahil sa kaniyang isip, kilos-loob, at
kalayaan. Hindi sakop ng batas na ito ang walang kalayaan. Nakasaad sa batas na
ito ang dapat at hindi dapat gawin ng tao kaya ito ang gumagabay sa kilos ng tao.
Sa pamamagitan ng Batas Moral, nagkakaroon ang tao ng batayan upang makagawa
ng tamang pasiya at kilos. Layunin ng batas na ito ang kabutihan ng tao.
Ipinagkaloob ang Likas ng Batas Moral dahil ang tao ang nag-iisang nilikha ng Diyos
na maaaring gumawa ng masama, ang sumira ng kapuwa at sumira ng kaniyang
sarili. Kung susundin ng tao ang Likas na Batas Moral maiiwasan niyang gawin ang
masama.

3|Pahina
May mga katangian ang Likas na Batas Moral

• Obhetibo – Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan.


Ito ay nagmula sa mismong katotohanan – ang Diyos. Ang katotohanan ay
hindi nililikha; kaya hindi ito imbensiyon ng tao. Ito ay natutuklasan lamang
tao. Pangkalahatang katotohanan ito na may makatueirang pundasyon.
Naaayon sa reyalidad nito at hindi nakabatay sa tao. Hindi ito
naiimpluwensiyahan ng anumang bagay lalo na ng pagtingin ng tao dito.
Palagi itong umiiral dahil hindi ito naaapektuhan, kilalanin man ito ng tao o
hindi.
• Pangkalahatan (Universal) – Sinasaklaw nito ang lahat ng tao dahil ito ay para
sa tao. Hindi nagbabago sa dahilang pisikal na pagkakaiba o sa kultura,
paniniwala at panahon. Nakaukit ito sa kalikasan ng tao kaya ito ay
nauunawa ng lahat at ito ay katanggap-tanggap sa lahat ng tao.
• Walang Hanggan (Eternal) – Ito ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas na
ito ay walang hanggan, walang katapusan at walang kamatayan dahil ito ay
permanente. Ang kalikasan ng tao ay permanente kaya’t ang batas na
sumasaklaw sa kaniya ay permanente rin. Ito ay totoo kahit saan at kahit
kailan.
• Di-nagbabago (Immutable) – Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil
hindi nagbabago ang pagkatao ng tao o nature of man. Maging ang layon ng
tao sa mundo ay hindi nagbabago. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura,
ang Likas na Batas Moral ang nagbibigkis sa lahat ng tao. Ito rin ang
nagpapatupad ng iisang alituntunin para sa lahat.

Ang Likas na Batas Moral ay nagpapakita ng direksiyon ng pantaong kilos


upang makarating sa tamang patutunguhan. Ang Likas na Batas Moral ay
nababatay sa Sampung Utos ng Diyos ay unibersal. Ibig sabihin nito ay totoo ang
batas sa lahat ng tao kahit ano pa ang kanilang relihiyon. Ito ay angkop sa lahat ng
kultura o lahi dahil ang mga pagpapahalagang nakapaloob sa Likas na Batas Moral
ay likas sa lahat ng tao, gaya ng pagmamahalan at paggalang sa dignidad ng tao.
Para ito sa lahat ng tao sapagkat lahat ng tao ay may likas na kakayahang mag-isip
ng tama at loobing gumawa ng mabuti.

Ang Likas na Batas Moral ay may mga moral na katuruan na nagiging


pamantayan ng tao sa kaniyang pagkilos nang tama o mali. Ang Likas na Batas
Moral ang nagbibigay ng mga kautusan kung paano kumilos nang tama at makipag-
ugnayan nang mabuti sa kapuwa. Ayon sa Likas na Batas Moral, likas sa tao ang
kamalayan at kalayaan, kaya likas din sa tao ang kakayahang alamin ang gawaing
mabuti at piliing iwasan ang masama.

4|Pahina
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Buuin ang mga titik upang matukoy ang kasagutan na sinasaad ng mga
pahayag. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. SIKAL AN STABA OLMAR – Ito ay nakasulat at nakaukit sa katauhan ng


bawat tao sapagkat ito ay nasa makatwirang pag-iisip ng tao na nag-uutos
sa kaniya na gumawa ng kabutihan at talikdan ang kasamaan at
kasalanan.
2. OTA - Nararapat tumanggap ng batas na ito mula sa Diyos.
3. NAPKLHANGAATA - Sinasaklaw nito ang lahat ng tao dahil ito ay para sa
tao.
4. OOBEHIBT - Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa
katotohanan.
5. UMATIB – Ang unang prinsipyo: Likas sa tao na dapat gawin ang ________
at iwasan ang masama.
6. ALWANG GAHGNNA - Ang batas na ito ay walang hanggan, walang
katapusan at walang kamatayan dahil ito ay permanente.
7. SOKLI - Ang Likas na Batas Moral ay nagpapakita ng direksiyon ng
pantaong ________ upang makarating sa tamang patutunguhan.
8. ID AGOABABNG - Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi
nagbabago ang pagkatao ng tao o nature of man.
9. NAHITUBAK - Layunin ng Likas na Batas Moral na ito ang kabutihan ng
tao.
10. LAAMYNKAA - Ayon sa Likas na Batas Moral, likas sa tao ang __________
at kalayaan, kaya likas din sa tao ang kakayahang alamin ang gawaing
mabuti at piliing iwasan ang masama.

Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na situwasyon at gumawa ng sariling
pagpapasiya. Isulat ang inyong pasiya at paliwanag kaugnay nito sa iyong sagutang
papel.
1. Ang iyong kaklase at matalik na kaibigan na si Adel ay nagtapat sa iyo na
lalayas siya sa bahay nila dahil sa problema sa kanilang pamilya. Dahil sa
matalik kayong magkaibigan, ipinagkatiwala niyang ipagtapat sa iyo kung
saan siya pupunta. Subali’t mahigpit ang bilin niya na huwag itong sasabihin
sa iba lalo na sa kaniyang mga magulang. Kinabukasan, pumunta ang nanay
niya sa inyo at humihingi sa iyo ng tulong. Ano ang gagawin mo?

5|Pahina
2. Naiwan kang mag-isa sa inyong silid-aralan. May nakita kang pitaka sa
ibabaw ng mesa. Nang tingnan mo, naglalaman ito ng dalawang libong piso.
Naroon din ang I.D. ng may-ari na is among kaklase. May sakit ang tatay mo
at kinakapos kayo sa perang pambili ng kaniyang gamut. Ano ang gagawin
mo?

3. Naglalakad ka pauwi galing sa paaralan ng madaanan mo ang ilang


kabataang nagkumpulan. Nakita mo na pinagtutulungan nilang suntukin at
pilit kinukuha ang pitaka ng isang matandang lalaki. Walang laban at kaawa-
awa ang kalagayan ng matanda na bumagsak sa lupa. Tanging ikaw lamang
ang nandoon at nakakita ng nangyari. Ano ang gagawin mo?

4. Nagbabasa ka ng aklat ng biglang lumapit ang iyong kaklase at inanyayahan


ka na sumama sa kanila pagkatapos ng klase. Dahil sa gusto mong
mapabilang sa kanilang grupo, pumayag ka at nakipagkita sa kanila.
Nagtataka ka dahil wala ng tao sa paaralan ngunit hindi pa rin kayo lumabas
ng silid-aralan. Tumayo at lumabas ang lider ng grupo at nagsisunod ang iba.
Pagbalik nila ay inabot sa iyo ang isang envelope. Sinabihan ka na itago mo
at ibigay sa knila mamayang gabi. Pag uwi ng bahay, inusisa mo ang laman
nito at nakita mong pagsusulit pala ito. Ano ang gagawin mo?

5. Mula sa natutunan mo sa inyong leksiyon tungkol sa kalinisan ng


kapaligiran, nalaman mo ang suliranin sab asura at mga epekto nito sa
sambayanan. Mayroong babala sa inyong barangay na nagtatakda ng parusa
sa mga taong mahuhuling nagtatapon ng basura sa hindi itinakdang lugar
na tapunan nito. Isang gabi, nakita mo ang matalik na kaibigan ng iyong ama
na nagtapon ng basura sa hindi itinakdang lugar ng tapunan. Ang ama mo
ang kapitan ng inyong barangay. Ano ang gagawin mo?

Rubriks para sa Pagwawasto ng Pinatnubayang Pagsasanay 2


Puntos Pamantayan
10 Makabuluhan at maliwanag na naiugnay ang mga konsepto
sa bawat sagot.
May kaisahan at kalinawan ang nilalaman.
7 Karamihan ay naiugnay ang konsepto sa bawat sagot.
Malinaw at nababasa.
5 Bahagyang naiugnay ang mga sagot sa konsepto.
Hindi gaanong makabuluhan.
3 Hindi naiugnay ang sagot sa konsepto.

6|Pahina
Pang-isahang Pagsasanay
Panuto: Magtala ng mga simpleng gawain na maaaring gawin bilang pagkilala at
pagsunod sa likas na batas at mga gawaing dapat iwasan dahil labag ito sa Likas na
Batas Moral. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Mga Maaaring Gawin Mga Dapat Iwasan

Halimbawa: pagbabahagi ng pagkain Pandaraya sa pagsagot ng modyul


sa kapitbahay na nangangailangan

1.

2.

3.

4.

5.

Rubriks para sa Pagwawasto ng Pang-Isahang Pagsasanay


Puntos Pamantayan
10 Makabuluhan at maliwanag na naiugnay ang mga konsepto
sa bawat sagot.
May kaisahan at kalinawan ang nilalaman.
7 Karamihan ay naiugnay ang konsepto sa bawat sagot.
Malinaw at nababasa.
5 Bahagyang naiugnay ang mga sagot sa konsepto.
Hindi gaanong makabuluhan.
3 Hindi naiugnay ang sagot sa konsepto.

7|Pahina
Pagsusulit

A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Tukuyin at isulat ang tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ang nagbibigay ng mga kautusan kung paano kumilos nang tama at
makipag-ugnayan nang mabuti sa kapwa.
2. Ang likas na batas moral ay hindi imbensiyon ng tao, ito ay natutuklasan
lamang.
3. Ang batas na ito ay walang hanggan, walang katapusan at walang kamatayan
dahil ito ay permanente.
4. Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi nagbabago ang
pagkatao ng tao o nature of man.
5. Ang likas na batas moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat
ng lugar at sa lahat ng pagkakataon.

B. Panuto: Basahin at pagnilayan ang situwasyon sa ibaba pagkatapos sagutin ang


tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Si Maria ay pinagkatiwalaan bilang ingat-yaman ng buong klase. Lahat ng


kontribusyon para sa iba’t ibang gawain at proyekto ng klase ay si Maria ang
humahawak. Isang araw, inaya ka ng mga kaklase mo na pumunta sa mall upang
mamasyal. Naglalakad kayo sa mall ng nakita mo na magkakaroon ng concert ang
iyong paboritong mang-aawit at sa susunod na linggo na iyon gaganapin ngunit wala
kang pera pambili ng tiket. Tinanong mo ang ate na nagbebenta ng tiket kung
mayroon pa at hanggang kailan. Sinabi ni ate na isa na lamang ang tiket. Naisip mo
na hawak mo ang kontribusyon ninyo ngunit gagamitin sa isang proyekto
kinabukasan. Gustong-gusto mong manood ng concert. Ano ang gagawin mo?

Rubriks para sa Pagwawasto ng Pagsusulit B

Puntos Pamantayan
5 Makabuluhan at maliwanag na naiugnay ang mga konsepto
sa bawat sagot.
May kaisahan at kalinawan ang nilalaman.
3 Bahagyang naiugnay ang mga sagot sa konsepto.
Hindi gaanong makabuluhan.
1 Hindi naiugnay ang sagot sa konsepto.

8|Pahina
Pangwakas

Panuto: Buuin ang mga pahayag upang mabuo ang konsepto ayon sa natutunan mo
sa ating aralin

1. Ang tao ay likas na biniyayaan ng talino upang


___________________________________________________________________________

2. Pinaniniwalaang ang tao ay likas na Mabuti dahil


___________________________________________________________________________

3. Mahalagang sangkap ang pagkilala at pagmamahal sa Diyos sa pagsunod sa


likas na batas moral dahil
___________________________________________________________________________

4. Nalalaman ng tao ang likas na batas moral dahil


___________________________________________________________________________

5. Ang “banal at likas” na batas ay nagpapakita sa tao ng


___________________________________________________________________________

Rubriks para sa Pagwawasto ng Pangwakas

Puntos Pamantayan
10 Makabuluhan at maliwanag na naiugnay ang mga konsepto
sa bawat sagot.
May kaisahan at kalinawan ang nilalaman.
7 Karamihan ay naiugnay ang konsepto sa bawat sagot.
Malinaw at nababasa.
5 Bahagyang naiugnay ang mga sagot sa konsepto.
Hindi gaanong makabuluhan.
3 Hindi naiugnay ang sagot sa konsepto.

9|Pahina
Mga Sanggunian

Arrogante, Constantina S., et.al. "Edukasyon sa Pagpapakatao 7". Vibal Publishing


House, Inc. 1253 G. Araneta Avenue, Quezon City. 2013

Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 7, Kagamitan Ng Mag-aaral. Pasig City,


Philippines: Department of education – Bureau of Learning Resources, 2014.

"K12 MELC With Corresponding CG Codes And Guidelines". 2020. Commons PH.
https://commons.ph/k12-melc-cg-codesguidelines/.

Punsalan, Twila G.,Gonzales, Camila C., Nicolas, Myra Villa D., Marte, Nonita C.,
"Pagpapakatao 7". Rex Publishing, Inc. 1977 C.M. Recto Avenue, Manila.

10 | P a h i n a
11 | P a h i n a
PANG-ISAHANG PAGSASANAY BALIK-ARAL
Ang sagot ay magmumula sa Ang sagot ay magmumula sa
sariling kaalaman at opinyon ng sariling kaalaman at opinyon ng
mag-aaral. Gagamitin ang mag-aaral.
inihandang rubriks bilang panukat
PINATNUBAYANG PAGSASANAY 1
PAGSUSULIT 1. Likas na Batas Moral
2. Tao
A. 3. Pangkalahatan
1. Likas na Batas Moral 4. Obhetibo
2. Obhetibo 5. Mabuti
3. Walang Hanggan 6. Walang Hanggan
4. Di- Nagbabago 7. Kilos
5. Pangkalahatan 8. Di Nagbabago
9. Kabutihan
B. 10. Kamalayan
Ang sagot ay magmumula sa
sariling kaalaman at opinyon ng
mag-aaral. Gagamitin ang
inihandang rubriks bilang panukat PINATNUBAYANG PAGSASANAY 2
Ang sagot ay magmumula sa
sariling kaalaman at opinyon ng
PANGWAKAS mag-aaral. Gagamitin ang
inihandang rubriks bilang panukat
Ang sagot ay magmumula sa
sariling kaalaman at opinyon ng
mag-aaral. Gagamitin ang
inihandang rubriks bilang panukat
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat

Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales

ang taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng

tagumpay para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag

at pamamahagi ng Ikalawang Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang

Kasanayang Pampagkatuto sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang

tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng naaangkop na kagamitang

pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

(MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga pamantayan ng

pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:

Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga

manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan

upang makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.

Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at

mga tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng

Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang

kawastuhan at katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng

Edukasyon;

Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang

patuloy na paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang gugugulin sa

12 | P a h i n a
paglilimbag ng mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga

magulang at mag-aaral sa tahanan.

Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat

asignatura sa kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro,

sa kanilang lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa

Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na

pagsubaybay sa pag-unlad ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at

Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy

sa kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay

upang maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang

bawat mag-aaral na maging responsableng indibidwal sa hinaharap.

Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong

panahon ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay

na malasakit na pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.

Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna, maaaring sumulat o
tumawag sa:

Schools Division of Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like