You are on page 1of 8

9

Learning Activity Sheet 2


MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA
BATAS MORAL

IVY JOY C. PUNTO


Writer
GLADELINE L. BIESCAS
Evaluator
Pangkalahatang Panuto: Maaari lamang isulat ang inyong sagot sa mga gawain
sa isang malinis na papel. Ingatan ang (LAS) na ito upang magamit din ng iba
pang mag-aaral na naghahangad ding matuto. Hangad naming mga kaguruan
ang tagumpay ng bawat isa.
A.

Panimula
Susing Konsepto (Key Concepts) 1:

Narinig mo na ba ang prinsipyong First Do No Harm (Primum non nocere)


ng mga manggagamot? Sinasabi nitong ang unang layunin ng mga
manggagamot ay hindi makapagdulot ng higit pang sakit. Negatibo man
ang pagkakasabi, at hindi positibo gaya ng "Magbigay lunas," positibo
ang nais sabihin nito: laging may pagnanais na makapagpagaling
at iiwasan ang lahat ng makapagpapalala ng sakit o makasasama sa
pasyente.
Paniwala ng pilosopong si Sto. Tomas de Aquino: lahat ng tao ay may
kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may kakayahang makaunawa sa
kabutihan. Para sa pilosopong si Max Scheler, ang pag-alam sa kabutihang
ito ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi sa larangan
din ng pakiramdam. Ninanasa ng tao ang mabuti; hindi ang masama.
Walang sinuman ang magnanais na mapasama siya. Kahit na tinatamad
akong mag-aral, alam kong mabuti ang mag-aral. Kahit na natatakot
akong magpatingin sa doktor, alam kong mabuting gawin ito upang makita
ang kalagayan ng aking kalusugan. Kahit gustong-gusto kong kunin ang
cellphone ng kapatid ko, alam kong masama ito.
Paano ko nalaman kung ano ang mabuti at ano ang masama? Tinuro sa
atin ng ating mga magulang. Nakuha natin sa mga kapitbahay. Napanood
sa telebisyon. Nabasa. Narinig. Ang nakamamangha dito ay sa dami ng
ating mga narinig, sa dami ng ating nalaman, may maliit na tinig pa rin ng
kasiguraduhan sa ating loob na nagsasabi sa atin kung ano
ang mabuti. Nararamdaman ko ang mabuti. Nararamdaman ko ang tama
kahit na kung minsan ay parang sinasabi ng isip ko na mali ito. At sa kilos
ng pakiramdam ko kung ano ang dapat kong gawin, napapanatag ako at
natatahimik kapag sinunod ko ang tinig na ito.
Konsensya ba ito? Diyos ba ito? Takot ba ito sa aking magulang? Pressure
mula sa mga kaibigan? Tukso ng media? Isa ang totoo: naaakit ako sa alam
kong mabuti.
Sinasabi lang na may natural na pagkaakit ang tao sa mabuti. Ang mabuti
ang laging pakay at layon ng tao. Ang isip at puso ang gabay para kilatisin
kung ano talaga ang mabuti. May matinong pag-iisip, pagsusuri,
pagtitimbang at paglilinis sa mga motibasyon ang kasabay ng pagkilala sa
mabuti. Mabuti bang tumulong sa gawaing bahay? Mabuti bang tumambay
kasama ng barkada? Mabuti bang uminom ng alak? Ang tanungin ang
tanong na "Mabuti ba?" bago pa gawin ang isang bagay ay tanda na ng
masikap na paghahangad na matupad ang mabuti. Hindi agadagad
lumulusong sa paggawa nang walang pagtitimpi at pagmumuni sa
kabutihan ng gagawin. Nakatatakot at delikado ang taong agad may sagot
at hindi nag-iisip dahil malamang, ang ginagawa niya ay piliin lamang ang
pinakakawili-wili sa kaniya. Ang nag-iisip ay namimilipit pa sa pagtimbang
kung tama ba talaga ang pipiliin, kung ano ang mga posibleng epekto ng
pagpili, at kung mapaninindigan ba niya ang mga bungang kaniyang
kakaharapin. Sa pinakapayak na paliwanag, ang mabuti ay pagsisikap na
laging kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapalago ng sarili at ng mga
ugnayan. Tulad ng doktor, maaaring magkamali siya sa diagnosis at
prognosis ng sakit ng pasyente. Ang pinakamahalaga ay ang paghahangad
na makagaling at hindi makapagdulot ng sakit ang ginawa. Sapat na ito
upang tawaging mabuti.

Iba ang mabuti sa tama. Ang mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa
pagkabuo ng sarili. Ang tama ay ang pagpili ng mabuti batay sa panahon,
kasaysayan, konteksto at sitwasyon. Tinitingnan ditto ang mga
pangangailangan at kakayahan ng gagawa ng pagpili. Kung nakikita ni
Ramil na makabubuti sa kaniya ang isports, hindi lang siya basta-basta
sasabak sa laro. Kailangan niyang tingnan ang kaniyang kakayahan bago
siya magsimulang magboksing. Kung nais nang magpakasal ni Estella at
Ruben, kailangan nilang siguraduhing handa na ang kanilang loob para sa
kanilang kinabukasan bilang mag-asawa—ang bahay, ang pambayad ng
koryente, ng tubig, pagkain, at iba pa. Mabuti ang magasawa, tama na ba
ito agad? Kahit sa gamot, mabuti ang uminom ng gamot. Ngunit marapat
ding tingnan ng doktor ang kakayahan ng pasyente na bumili ng gamot at
ang mga partikular na reaksiyon ng pasyente sa bisa ng gamot na ibibigay.
Mabuti ang gamot, ngunit may tamang gamot para sa tao. May ibang gamot
na nagdudulot ng mga allergies sa mga partikular na tao. May mga gamot
na hindi mabisa sa mga ibang tao. Ganito ang prinsipyo ng generics. Ang
pasyente na ang bahalang humanap ng hihiyang sa kaniya batay sa reseta
ng doktor. Tulad din sa likas na batas moral, preskripsyon ang mabuti,
ang tama ay ang angkop sa tao.
B. Kasanayang Pampagkatuto:
1. Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral

2. Nasusuri ang mga batas na umiiral at panukala tungkol sa mga


kabataan batay sa pagsunod ng mga ito sa Likas na Batas Moral

3. Nahihinuha na ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas


Moral (Natural Law), gumagaratiya sa pagtugon sa pangangailangan ng
tao at umaayon sa dignidad ng tao at sa kung ano ang hinihingi ng
tamang katwiran, ay mahalaga upang makamit ang kabutihang
panlahat

4. Naipahahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa isang umiiral na batas


batay sa pagtugon nito sa kabutihang panlahat

C. Pamamaraan:

Gawain 1: Semantic Web


Panuto: Sa gawaing ito, bubuo ka ng isang semantic web na sasagot
sa core question na ―Bakit mayroong batas?. May apat na elemento
ang semantic web: ang (1) core question, (2) web strand, (3) strand
support, at (4) strand ties. Ang core question ang magiging pokus ng
web. Lahat ng mga impormasyon ay nauugnay sa core question. Ang
sagot sa core question ay ang web strand at isusulat ito sa paligid ng
core question. Ang mga katotohanan (facts) o paghinuha (inferences)
na ginagamit sa pagsuporta sa bawat web ay tinatawag na strand
support. Ang strand support ay nagmumula sa web strand. Ang
ugnayan ng mga strand ay tinatawag na strand ties.

1. Makakatutulong sa iyo ang template na nasa ibaba. Kalakip nito


ang core question para sa gawaing ito.
2. Gumawa ng katulad na pormat sa iyong malinis na papel. Mula sa
core question (Bakit mayroon batas?), isulat ang mga naisip na
sagot sa paligid nito (web strand). Matapos maitala ang mga sagot,
isulat sa ibaba ng bawat strand (strand support) ang mga
impormasyon o nakuhang kaalaman na susuporta sa iyong sagot.

Mga Tanong:

1. Batay sa mga sagot sa nabuong semantic web, ano ang layunin ng


batas?
2. Sino ang tuon ng batas? Ipaliwanag.
3. Bakit kailangang sundin ang batas? Ano ang epekto sa tao ng hindi
pagsunod dito?

Susing Konsepto (Key Concepts) 2:

Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain. Ito ay
sa dahilang nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa
pamamagitan ng batas na ito, ang tao ay may kakayahang makilala ang
mabuti at masama. Dahil sa kalayaan, ang tao ay may kakayahang
gumawa ng mabuti o masama. Nakaugat ito sa kanyang malayang kilos-
loob dahil ang pagtungo sa kabutihan o sa kasamaan ay may kamalayan
at kalayaan.
Hindi kailangan ng isang tao na pumasok sa paaralan upang matutuhan
o malaman ang batas na ito. Nakaukit ito sa pagkatao ng isang indibidwal
kaya’t ang unang prinsipyo nito ay: Likas sa tao na dapat gawin ang
mabuti at iwasan ang masama. Ang tao ang natatanging nilalang na
nararapat tumanggap ng batas mula sa Diyos. Ito ay dahil kailangan
niyang pamahalaan ang kanyang kilos sa pamamagitan ng tamang
paggamit ng kanyang kalayaan at kilos-loob.
Ang Likas na Batas Moral ay likas sa tao dahil sa kanyang kalayaan. Kaya’t
ang walang kalayaan ay di sakop ng batas na ito. Nakasaad sa batas na
ito ang dapat gawin at di dapat gawin ng tao; kaya’t ito ang gumagabay sa
kilos ng tao. Layon ng batas-moral na pagkalooban ang tao ng
kinakailangang batayan upang makagawa siya ng tamang pasya at kilos.
Higit sa lahat, layunin ng batas na ito ang kabutihan ng tao. Ang tao ang
iisang nilikha na maaaring gumawa ng masama: ang sumira ng kapwa at
sumira ng kanyang sarili. Ito ang dahilan kung bakit ipinagkaloob ang
Likas na Batas Moral. Maiiwasang gawin ng tao ang masama kung
susundin niya ang batas na ito.
Narito ang mga Katangian ng Likas na Batas Moral:
a. Obhektibo – Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa
katotohanan. Ito ay nagmula sa mismong katotohanan – ang
Diyos. Ang katotohanan ay hindi nililikha; kaya hindi ito
imbensiyon ng tao. Ito ay natutuklasan lamang ng tao.
Pangkalahatang katotohanan ito na may makatuwirang
pundasyon. Naaayon sa reyalidad ito at hindi nakabatay sa tao.
Hindi ito naiimpluwensiyahan ng anumang bagay lalo na ng
pagtingin ng tao rito. Palagi itong umiiral dahil hindi ito
naaapektuhan, kilalanin man ito ng tao o hindi.
b. Pangkalahatan (Unibersal) – Dahil ang Likas na Batas Moral ay
para sa tao, sinasaklaw nito ang lahat ng tao. Nakapangyayari ito
sa lahat ng lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng
pagkakataon. Ito ay dahil nakaukit ito sa kalikasan ng tao; kaya’t
ito ay nauunawaan ng lahat at ito ay katanggap-tanggap sa lahat
ng tao.
c. Walang Hanggan (Eternal) – Ito ay umiiral at mananatiling iiral.
Ang batas na ito ay walang hanggan, walang katapusan at walang
kamatayan dahil ito ay permanente. Ang kalikasan ng tao ay
permanente kaya’t ang batas na sumasaklaw sa kanya ay
permanente rin. Ito ay totoo kahit saan at kahit kailan.
d. Di nagbabago (Immutable) – Hindi nagbabago ang Likas na Batas
Moral dahil hindi nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of man).
Maging ang layon ng tao sa mundo ay hindi nagbabago. Sa kabila
ng pagkakaiba-iba ng kultura, ang Likas na Batas Moral ang
nagbibigkis sa lahat ng tao. Ito rin ang nagpapatupad ng iisang
alituntunin para sa lahat.
Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao dahil nakikibahagi siya sa
karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng batas na ito, may
kakayahan siyang kilalanin ang mabuti sa masama. Ngunit may
kakayahan din ang tao na gumawa ng mabuti o masama dahil sa kaniyang
malayang kilos-loob.

Wala bang mabuti na tama para sa lahat? Sa kayamanan ng sansinukob


at karupukan ng ating kakayahang umalam, napakahirap humanap ng
isang tama na sasang-ayunan ng lahat. Iba-iba ang kultura, relihiyon,
paniniwala. Iba-iba ang mga layunin, iba-iba ang mga pamamaraan.
Maaaring magkasundo-sundo ang nagkakaiba-ibang tao sa mabuti,
ngunit babalik pa rin sa iba’t ibang paraan ng pagtupad sa mabuti. Walang
isang porma ng tama ang mabuti. Mag-aanyo ito ayon sa kondisyon at
hinihingi ng pagkakataon.

Wala nga ba? May liwanag ng karunungan yata tayong maaninag sa


sinusumpaan ng mga doktor: First Do No Harm. Anumang kalagayan
kasadlakan ng tao, isa ang babalikan natin: ang huwag manakit.
Nagsasalubungan ang mabuti at tama sa prinsipyo ng pag-iwas sa
pananakit sa tao. Na ang pinakamahalaga at pinakamabuting dapat gawin
ay ingatan ang tao. Na iba-iba man ang pormula ng likas na batas moral,
tinuturo nito ay isa lamang: hindi ko kakasangkapanin ang tao. Na
ituturing ko bilang may
pinakamataas na halaga ang tao. Na gagawin ko ang lahat upang ingatan
at payabungin ang tao.
Likas sa tao ang hangarin ang mabuti. Ano ang ibig sabihin nito? Na likas
sa atin na maging makatao (panig sa tao): ito ang kaisa-isang batas na
hindi dapat labagin ninuman. Ang lumabag dito ay lumalabag din sa sarili
niyang kalikasan.

Dito nga nakaangkla ang Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan


ng Tao (Universal Declaration of Human Rights) ng mga Nagkakaisang
Bansa (United Nations). Hindi ito nilikha o inimbento o pinagsang-ayunan
lamang ng mga bansa dahil magandang pakinggan na kunwari may
dignidad ang tao! Talagang nakikita nila, mula sa iba't ibang mukha ng
mga tao sa iba't ibang sulok ng mundo, na mahalagang ingatan ang dangal
ng tao. Matinding kinokondena ng pahayag ang anumang uri ng paniniil
at paglalapastangan sa tao. Naniniwala silang ang pag-unlad ng isang
bansa at ng mundo ay magmumula sa pagkilala sa pantay na mga
karapatan. Ang pagbibigay ng kalayaang isakatuparan ang mga pagnanais
nila ang siyang makapagpapatibay sa mithiing ito ng kaunlaran at
kapayapaan.

Gawain 2:

Ano-anong batas na umiiral, panukala tungkol sa kabataan at


tuntunin sa pamilya ang alam mo. Gamit ang table sa ibaba, magtala ng
hindi bababa sa dalawa at isulat ang naging o magiging tugon mo rito.
Tugon
Batas na umiiral (susundin, sumusunod, hindi
susundin)
1.
2.

Tugon
Panukala tunkol sa kabataan (susundin, sumusunod, hindi susundin)

1.
2.
Tugon
Tuntunin sa pamilya (susundin, sumusunod, hindi susundin)

1.
2.

Gawain 3: Pagsasabuhay ng Leksyon:

Panuto: Sagutan ang sumusunod na katanungan at isulat ang sagot


patlang.

1. Bakit mahalaga ang kamalayan sa mga batas, panukala o tuntunin?


2. Ano ang tungkulin ng bawat tao kaugnay sa mga batas, panukala o
tuntunin?
3. Saan nakatuon ang pagsunod mo sa mga batas, panukala o tuntunin?
4. Paano nalalaman ang mabuti?
5. Ano ang pagkakaiba ng mabuti at tama?
6. Ano ang ipinag-uutos ng Likas na Batas Moral? Ipaliwanag.

D. Rubrik sa Pagpupuntos

E. Pangwakas:
 Ang mabuti ang laging pakay at layon ng tao. Ang isip at puso ang
gabay para kilatisin kung ano talaga ang mabuti. May matinong
pag-iisip, pagsusuri, pagtitimbang at paglilinis sa mga motibasyon
ang kasabay ng pagkilala sa mabuti.
 Iisa lamang ang likas na batas moral na may iba-ibang anyo.
.

F. Mga Sanggunian:
Edukasyon sa Pagpapakatao 9: Self-Learning Module

You might also like