You are on page 1of 5

WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEETS

Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Quarter 2 Week 3

Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral

Pangalan: ____________________________ Seksiyon: _________

Panimula (Susing Konsepto)

Narinig mo na ba ang prinsipyong First Do No Harm (primum non nocere) ng


mga manggagamot? Sinasabi nitong ang unang layunin ng mga manggagamot ay
hindi makapagdulot ng higit pang sakit. Negatibo man ang pagkakasabi, at hindi
positibo gaya ng “Magbigay lunas,” pasitibo ang nais sabihin nito: lagging may
pagnanais na makapagpapagaling at iiwasan ang lahat ng makapagpapalala ng
sakit o makasasama sa pasyente.

Mapapatanong ka siguro kung bakit kailangan pa itong sabihin. Hindi ba’t


kaya nga pinili ng mga doktor ang ganitong larangan dahil sa pagnanais na
makapagpagaling at makatulong? Walang doktor ang magbibigay ng payong
medikal na nakapagpalala ng kondisyon ng pasyente. Walang doktor ang papasok
sa operasyon nang hindi handa. Lagging ang nasa isip nila ay ang makapagpagaling
ng pasyente.

• Ang Mabuti
o Ang isip at puso ang gabay para kilatisin kung ano talaga ang Mabuti.
Ang Mabuti ay ang siyang kilos ng pagsisikap na laging kumilos tungo
sa pagbubuo at pagpapaunlad ng sarili at ng mga ugnayan.
• Ang Tama: Iba sa Mabuti
o Tulad din sa Likas Moral, Preskripsiyon ang Mabuti, ang tama ay ang
angkop sa tao.
• Ang Kaisa-isang Batas: Maging Makatao
o Iba-iba man ang pormula ng likas na batas moral, tinuturo nito ay isa
lamang: hindi ko kakasangkapanin ang tao. Naituturing ko bilang may
pinakamataas na halaga ang tao. Na gagawin ko ang lahat upang
ingatan at payabungin ang tao.
• Lahat ng Batas: Para sa Tao
o Dito nakaangkla ang pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan
ng Tao (Universal Declaration of Human Rights) ng mga Nagkakaisang
Bansa (United Nations). Talagang nakikita nila, mula sa iba’t ibang
mukha ng mga tao sa iba’t ibang sulok ng mundo, na mahalagang
ingatan ang dignidad ng tao.
• Likas na Batas Moral: Batayan ng mga Batas ng Tao
o Hindi perpekto ang mga batas. Subalit, muli, babalik tayo sa
depinisyon ng Mabuti – sapat na ang laging pagtingin sa kabutihan at
pagsisikap na matupad ito.

Kasanayang Pampagkatuto at koda

Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral. (EsP9TTIIc-6.1)


Gawain 1: PILIIN MO AKO!
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik lamang.

1. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang


panlahat. Alin sa sumusunod ang tunay na diwa nito, maliban sa isa.
a. Protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan.
b. Ingatan ang interes ng marami.
c. Itaguyod ang karapatang-pantao.
d. Kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan.
2. Saan matatagpuan at makikilala ang Likas na Batas Moral?
a. Mula sa mga aklat ni Tomas de Aquino
b. Mula sa pagkaunawa ng isip ng tao.
c. Mula sa kaisipan ng mga pilosopo
d. Mula sa Diyos.
3. Paano nagbibigay ng proteksiyon sa tao ang prinsipyong “First Do No Harm”
sa mga medikal na doktor?
a. Gawin lagi ang tama.
b. Anuman ang kalagayan ng isang tao, huwag tayong mananakit.
c. Gamutin ang sariling sakit bago ang iba.
d. Ingatan na huwag saktan ang tao.
4. Alin sa sumusunod ang hindi umaayon sa Likas na Batas Moral?
a. Pagkaltas ng SSS, Pag-ibig, at buwis sa mga manggagawa ng walang
konsultasyon.
b. Pagmungkahi sa mga ina na regular na magpatingin sa malapit na center
sa kanilang lugar
c. Pagtuturo sa mga bata ng tamang pangangalaga sa sarili.
d. Paghikayat sa mga tao na magsimula sa araw ng linggo.
5. Paano mailalarawan ang isang taong buo ang pagkatao?
a. May pagsaklolo sa iba.
b. Pagiging matulungin sa kapuwa.
c. Pagkampi sa tao.
d. Tunay ang pagsunod s autos ng Diyos.

Gawain 2: IKAHON MO, IDEYA KO!


Panuto: Tukuyin ang mga pahayag kung sa aling mga batas moral ito nakabatay.
Piliin at isulat ang sagot sa kahon bago ang bilang.

a. Ang Mabuti
b. Ang Tama: Iba sa Mabuti
c. Ang kaisa-isang batas: Maging Makatao
d. Lahat ng Batas: Para sa Tao
e. Likas na Batas Moral: Batayan ng mga Batas ng Tao

1. Ang laging pagtingin sa kabutihan at pagsisikap na


matupad ito.
2. Dito iniingatan ang dignidad ng tao sa lipunan.

3. Itinuturing bilang may pinakamataas na halaga ang tao.

4. Ito ang pagpili ng pinakamabuti batay sa panahon,


kasaysayan, lawak, at sitwasyon.
5. Ito ang mga bagay na tutulong sa pagbuo ng sarili.
Gawain 3: TANONG SA KAHON (TANONG-SAGOT)
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa kahon upang mataya mo ang iyong pag-unawa
sa mga mahalagang konsepto sa babasahin. Isulat ang mga sagot sa
kuwaderno.

Ano ang
pagkakaiba ng
mabuti sa tama?

Paano
malalaman ang
mabuti?

Bakit
pinakamahalaga
ang maging
makatao?

May pagkakaiba
ba ang Likas na
Batas Moral sa
ibang kultura?
Ipaliwanag.

Bakit First Do No
Harm ang unang
hakbang sa
pagtupad sa
mabuti?
Ipaliwanag.
Gawain 4: SLOGAN MO!
Panuto: Gumawa ng isang SLOGAN patungkol sa kinakaharap nating Pandemya na
nakaayon sa Likas na Batas Moral.

Rubrik sa Pagpupuntos
Mga pamantayan sa pagbibigay ng mga puntos sa SLOGAN

Kaangkupan sa Paksa 25%


Kalinisan at kaayusan 25%
Orihinalidad at Pagkamalikhain 25%
Biswal (Visual) 25%
Kabuuang Puntos 100%

Repleksiyon

Natutunan ko sa araling ito na ____________________________________________


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________.
Sanggunian:

ESP Grade 9 Modyul para sa mga Mag-aaral pahina 65-75

Susi ng pagwawasto:

Gawain 1:
1. D
2. B
3. B
4. A
5. D
Gawain 2:
1. E
2. D
3. C
4. B
5. A
Gawain 3: Mga Posibleng Sagot
1. Ang Mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa pagbuo ng sarili at ang tama
ay ang pagpili ng pinakamabuti batay sa panahon, kasaysayan, lawak at
sitwasyon.
2. Ang isip at puso ang gabay para kilatisin kung ano talaga ang Mabuti.
3. Dahil likas sa tao ang hangarin ang Mabuti, ito ay upang ingatan at
payabungin ang tao.
4. Para sa akin, wala, sapagkat sa iba’t ibang mukha ng mga tao sa iba’t ibang
sulok ng mundo, mahalagang ingatan ang dignidad ng tao.
5. Dahil ang pinakamahalaga at pinakamabuting dapat gawin ay ingatan ang
tao.
Gawain 4: Sariling Gawa

(Ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang sagot. Gamitin ang Rubriks)

Inihanda nina:

LOVELY JOY J. FRANCISCO


NAISHA NOVELYN M. CARAMOAN
JEQUEL B. JABAGAT
SHEILA MAE A. BANAAG

You might also like