You are on page 1of 1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY

The National Center for Teacher Education


Mindanao
Multicultural Education Hub

Name: Jequel B. Jabagat


Instructor: Prof. Fe S. Bermiso
Section: BFE II
Course: S FIL 11 Introduksyon sa Pagkatuto ng Wika

FLD #1 Wikang Sarili Ko!

Ang wika ko ay Cebuano karaniwang gamit na wika sa banwa ko. Wika na may
sariling kahulugan at katangian. Ang wikang Cebuano ay may sariling kahulugan
sapagkat kalimitang inihahambing sa wikang Filipino gaya na lamang ng mga salitang
Cebuano: langgam na ibig sabihin sa wikang Filipino ay ibon,ngunit sa katagalugan ang
langgam ay kalimitang nakikita sa lupa at hindi lumilipad. Ito ay may katangian din na
kung saan ito ay binubuo din ng mga tunog at dahil ito ay karaniwang gamit sa isang
lugar ito ay buhay at dinamiko na patuloy na yumayabong. Dahil sa katangian nito, ito ay
may kakanyahan na pinapanatili nito ang kahalagahan ng bawat sambit ng mga salita.
Ito ay isang arbitraryo dahil sa ito ay napagkasunduan ng karamihan sa isang lugar at
nauunawaan ang kahulugan.

Ang wikang Cebuano ay mahalaga sapagkat ito ay medium ng isang lugar na


gamit sa komunikasyon. Kalimitan itong ginagamit sa gitnang bahagi ng Visayas at
Mindanao na siyang paraang pananalitang komunikasyon ng mga mamamayan.
Mahalaga ang wikang Cebuano dahil sinasalamin nito ang kultura at pagkakakilanlan ng
isang katutubo o tribu kung saan nagmula ang wikang sarili ko. Ang wika at kultura ay
magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin. Maraming salita na hindi maisalin sapagkat
wala silang katumbas sa ibang wika. Dahil sa ganitong pagkakataon, napipilitang
humiram ng salita mula sa isang wika sapagkat hindi komon ang salita sa kultura ng
wikang patutunguhan. Halimbawa, walang katumbas ang /malong/ sa Tagalog sapagkat
hindi bahagi ng kultura ng mga Tagalog ang salitang ito. Ang /lamaw/ naman ng Cebuano
ay hindi rin matutumbasan sapagkat iba ang paraan ng paghahanda ng buko ng mga
Cebuano sa iba pang komunidad sa bansa.

Ang wikang Cebuano ay may antas din, ito ang ginagamit lingua franca ng rehiyon
ng Caraga na siyang kalimitang ginagamit sa pananalitang komunikasyon ng rehiyon.
Ikinakategorya din ito bilang lalawiganin dahil kalimitan itong ginagamit sa mga ng
Visayas at Mindanao. Ito ay maaaring gamitin sa dalawang kategorya ang formal at di-
formal sa pakikipag-usap at pagsusulat.

You might also like