Professional Documents
Culture Documents
-iskrip sa patalastas
-propaganda sa eleksyon
-Pliers ng produkto
-brochures na nanghihikayat
-networking (Open Minded Ka Ba? HAHAHAH)
– kahit anong panghihikayat
2. Glittering Generalities
Ito ay ang pangungumbinsi sa pamamagitan ng magaganda, nakakasilaw, at mga mabubulaklak na salita o pahayag.
Halimbawa:
-Sa isang commercial ni James Reid na ipapakita na sa kahit anong sitwasyon, kapag ginamit mo ang produktong iyon ay
GWAPO ka sa lahat ng pagkakataon.
3. Transfer
Ito ay paglilipat ng kasikatan ng isang personalidad sa hindi kilalang tao o produkto.
Halimbawa:
-Pagpromote ng isang artista sa hindi sikat na brand.
-Kilala si Kuya Kim bilang mahilig tumuklas ng bagay bagay tungkol sa mundo lalo na sa siyensya, Dahil siya ay sikat sa
ganoong larangan, pinipili siya upang magpromote ng mga gamot na di pa masyadong sikat sa merkado.
4. Testimonial
Ito ang propaganda device kung saan tuwirang eneendorso o pino-promote ng isang tao ang kanyang tao o produkto.
Halimbawa:
-Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya ang kandidato na wag ding kakalimutan ng sambayanan ang kanyang
kapartido.
5. Plain Folks
Uri ng propaganda kung saan ang nagsasalita ay nanghihikayat sa pamamagitan ng pagpapakapayak tulad ng isang ordinaryong
tao para makuha ang tiwala ng sambayanan. Ito ay kalimitang ginagamit ng mga tumatakbo sa politiko.
Halimbawa:
-Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit at pinapakita nila na nagmula at galing rin sila sa
hirap.
-Paggamit ng mga komersyal sa mga ordinaryong tao para sa pag eendorso ng kanilang produkto.
6. Bandwagon
Hinihikayat ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapaniwala sa mga ito na ang masa ay tumatangkilik at gumagamit na ng
kanilang produkto o serbisyo.
Halimbawa:
LBC: Lahat ng tao ay dito na nagpapadala.
TGP: Tagapagpagaling ng Pilipinas.
Joy (Sabong panlaba); Pinapakita sa commercial nila na ang mga tao sa iba’t ibang parte ng Pilipinas ay gumagamit na ng Joy
sa paghuhugas ng pinggan dahil ito ay epektibo sa pagtangal ng sebo.
7. Card Stacking
Pagsasabi ng maganda puna sa isang produkto ngunit hindi sinasabi ang masamang epekto nito.
Halimbawa:
Lucky Me, Pinapakita dito ang magandang dulot nito sa pamilya, ngunit sa labis na pagkain nito, nagdudulot ito ng sakit sa bato
at UTI.