You are on page 1of 2

Pangalan: Johan C.

Uba III
Grade at Seksyon: 11-Pythagoras

Paano gumawa ng Bidyow?


TEKSTONG PERSWEYSIB – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang
tekstong persweysib at ang mga halimbawa nito.

Ang tekstong persuweysib ay naglalayong makapangumbisi o manghikayat sa


tagapakinig, manonood, o mambabasa. Bukod dito, ito rin ay nagbibigay ng opinyon ng
may akda o nagsasalita upang mahikayat ang madla. Ang tono ng tekstong ito ay
sobhetibo kung saan nakabatay ang manunulat sa kanyang mga ediya.

• Ethos – Paggamit ng kredibilidad o imahe para makapanghikayat.


• Pathos – Paggamit ng emosyon ng mambabasa
• Logos – Paggamit ng lohika at impormasyon

Heto ang mga halimbawa ng gingamit na instrumento ng tekstong persweysib sa pang-


aakit ng madla:

1. Name Calling
Ang name calling ay ang pagsasabi ng masama tungkol sa isang tao, bagay, o ideya
para maipakitang mas maganda ang sinusuportahan mo at para mailayo ang mga
tao sa ideya ng kalaban. Ang halimbawa nito ay ang pagsisira sa kredibilidad ng isang
kanditato sa kalaban niya sa eleksyon.

2. Glittering Generalities
Ito ay ang pangungumbinsi sa pamamagitan ng magaganda, nakakasilaw, at mga
mabubulaklak na salita o pahayag. Sa isang patalastas ni James Reid ating makikita
na kahit ano man ang sitwasyon, kapag ginamit mo ang produktong ginagamit niya
ay GWAPO ka sa lahat ng pagkakataon.

3. Transfer
Ito ay paglilipat ng kasikatan ng isang personalidad sa hindi kilalang tao o produkto.
Halimbawa nito ay ang pag paggamit ng mga sikat na personalidad upang i promote
ang isang produkto.

4. Testimonial
Ito ang propaganda device kung saan tuwirang eneendorso o pino-promote ng isang
tao ang kanyang tao o produkto. Halimbawa nito ay sa mga patalastas tungkol sa
toothpaste na nagsasabi na rekomendado ito ng mga dentista.

5. Plain Folks
Ang uri ng paghihikayat na ito ay gumagamit ng mga ordinaryong tao para ipakita at
makuha ang tiwala ng madla na katulad din nila. Halimbawa nito ay ang isang
kanditato na nag susuot ng ordinaryong damit para ipakita na galing din ito sa
mahirap.

6. Bandwagon
Hinihikayat ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapaniwala sa mga ito na ang masa
ay tumatangkilik at gumagamit na ng kanilang produkto o serbisyo. Halimbawa nito
ang pagsasabi na lahat ng tao ay gumagamit ng produkto at ikaw na lang ang hindi.

7. Card Stacking
Pagsasabi ng maganda puna sa isang produkto ngunit hindi sinasabi ang masamang
epekto nito.

You might also like