You are on page 1of 1

7 Teknik sa Paghihikayat

1. Name Calling
- Ito ay ang pagsasabi ng masama tungkol sa isang tao, bagay, o ideya.
- Hal. Pagsira sa isang kandidato sa kredibilidad ng kanyang kalaban sa eleksyon.

2. Glittering Generalities
- Ito ay ang pangungumbinsi sa pamamagitan ng magaganda, nakakasilaw, at
mga mabulaklak na salita o pahayag.
- Hal. isa isang komersyal ng “hair gel”, ipinapakita na gwapo ang isang llaki kapag
ginamit niya ang produktong iyon sa kahit anong sitwasyon o pagkakataon.

3. Transfer
- Ito ay ang paglilipat ng kasikatan ng isang personalidad sa hindi kilalang tao o
produkto.
- Hal. Ang paggamit sa isang sikat na personalidad upang i-endorso ang isang
produkto

4. Testimonial
- Kung saan eneendorso ng isang tao ang kanyang tao o produkto.
- Hal. Tuwing eleksyon, pinapaalala ng isang kandidato sa mga tao na huwag
kalimutan na suportahan at iboto ang kanyang mga kapartido.

5. Plain Folks
- Ito ay nanghihikayat sa pamamagitan ng pagpapakapayak tulad ng isang
ordinaryong tao para ipakita at makuha ang tiwala ng madla.
- Hal. Ang paggamit ng mga komersyal sa telebisyon ng mga ordinaryong tao para
sa pag eendorso ng kanilang produkto

6. Bandwagon
- Hinihikayat ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapaniwala sa mga ito na ang
masa ay tumatangkilik at gumagamit na ng kanilang produkto o serbisyo.
- Hal. Sa komersyal ng sabon, sinasabi rito na ng lahat nga tao ay gumagamit na
ng kailang produkto, ikaw nalang ng hindi.

7. Card Stacking
- Ang pagsasabi ng magandang pagpuna sa isang produkto ngunit hindi sinasabi
ang masamang epekto nito.
- Hal. Sa komersyal ng Lucky Me, ipinapakita dito ang magandang dulot nito sa
pamilya ay ang pagsasama sa hapagkainan. Ngunit, ang labis na pagkain nito ay
nagdudulot ng sakit.

You might also like