You are on page 1of 17

TEKSTONG

PERSUWEYSIB
Aralin: 5
Layunin ng isang tekstong persuweysib ang
manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng
teksto. Ang tekstong persuweysib ay may
subhetibong tono sapagkat malayang
ipinahahayag ng manunulat ang kanyang
paniniwala at pagkiling tungkol sa isang Isyung
may ilang panig.
Halimbawa ng Tekstong Persuweysib:
• iskrip sa patalastas
• propaganda sa eleksyon
• Pliers ng produkto
• brochures na nanghihikayat
• networking (Open Minded Ka Ba?
HAHAHAH)
• kahit anong panghihikayat
Inilarawan ng Griyegong pilosopo na
si Aristotle ang tatlong paraan ng
panghihikayat o pangungumbinsi.
Ito ay ang sumusunod:
1. Ethos Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng
isang manunulat, Dapat makumbinsi ng isang
manunulat ang mambabasa na Siya ay may
malawak na kaalaman at karanasan tungkol
sa kanyang isinusulat, kung hindi ay baka
hindi sila mahikayat na maniwala rito.
Halimbawa:
Ang isang taong nanghihikayat ng mga turista
upang bisitahin ang isang Isla sa Pilipinas
gayong hindi pa siya nakapupunta rito ay
maaaring maging kaduda-duda. gayunman,
may iba pang paraan upang magkaroon ng
kredibilidad.
2. Pathos: Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o
damdamin upang mahikayat ang mambabasa.
Ayon kay Aristotle, karamihan sa mga
mambabasa ay madaling madala ng kanilang
emosyon. Ang paggamit ng pagpapahalaga at
paniniwala ng mambabasa ay isang epektibong
paraan upang makumbinsi sila.
Halimbawa, ang pagsasalaysay ng isang
kuwentong makaaantig ng galit o awa ay
isang mabisang paraan upang mahikayat
silang pumanig sa manunulat.
3. Logos: lto ay tumutukoy sa gamit ng lohika
upang makumbinsi ang mambabasa. Kailangang
mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa
na batay sa mga impormasyon at datos na
kanyang inilatag ang kanyang pananaw o punto
ang siyang dapat paniwalaan.
Propaganda devices sa
Tekstong Persuweysib:
1. Name-Calling
Ito ay ang pagbibigay ng hindi
magandang taguri sa isang Produkto o
katunggaling politiko upang hindi
tangkilikin, Karaniwang ginagamit ito sa
mundo ng politika, Halimbawa: ang
pekeng sabon, bagitong kandidato, trapo
(traditional politician)
2. Glitiering Generalities
Ito ay ang magaganda at nakasisilaw na pahayag
ukol sa Isang produktong tumutugon sa mga
paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa.
Halimbawa: Mas makatitipid sa bagong____Ang
inyong damit ay mas magiging maputi
sa_____puting-puti. Bossing sa katipiran, bossing
sa kaputian.
3. Transfer
Ang paggamit ng isang sikat na personalidad
upang mailipat sa isang
produkto o tao ang kasikatan. Halimbawa:
Ipagpapatuloy ko ang Sinimulan ni FPJ.

-Grace Poe; Manny Pacquiao gumagamit


ng____kapag nasasaktan.
4. Testimonial
Kapag ang isang sikat na personalidad
ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o
produkto.
5. Plain Folks
Karaniwan itong ginagamit sa kampanya
o komersiyal kung saan ang mga kilala o tanyag na
tao ay pinalalabas na ordinaryong taong
nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo.
6. Card Stacking
Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian
ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi
magandang katangian. Halimbawa: Ang instant
noodles na ito ay nakapagbubuklod ng pamilya,
nakatitipid sa oras, mura na, masarap pa. (Ngunit hindi
nito sinasabing kakaunti lang ang sustansiyang taglay,
maraming tagong asin at kung araw-araw itong
kakainin ay maaaring magdulot ng sakit.)
7. Bandwagon
Panghihikayat kung saan hinihimok ang
lahat na gamitin ang isang
produkto o sumali sa isang pangkat dahil
ang lahat ay sumali na. Halimbawa:
Buong bayan ay nag-peso padala na.

You might also like