You are on page 1of 11

Senior High School

FILIPINO
Ikatlong Markahan 3 – SGP 3:
(Sariling-Gawaing Pampagkatuto)
Tekstong Persuweysib:
Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik

FOR TANDAG CITY DIVISION USE ONLY

PAGKAKAKILANLAN SA IMPORMASYON

Asignatura: ___________________________________ Kwarter: 3

Pangalan ng Mag-aaral: _________________________________________________________
Baitang: ____ Track: ____________________________
Paaralan: _______________________________________________________________________

DESKRIPSYON SA GAWAING PAMPAGKATUTO

Saklaw na Araw:
Week 3: _________________________________________

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC):

1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang salitang ginamit ng
tekstong Persuweysib
(FIIPT-IIIa-88)

2. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong Persuweysib

(FIIPS-IIIb-91)

3. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng tekstong Persuweysib

(F11PU – IIIb – 89)

Layunin:
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:

1. nakapagbibigay ng sariling pagpapakahulugan batay sa paksang tinalakay;

2. natutukoy ang propaganda device na ginamit sa bawat sitwasyon at

nakagagawa ng propaganda ayon sa larawang iginuhit;

3. nasasagot ang mga tanong na may kaugnayan sa binasang teksto; at,

4. nakasusulat ng tekstong persuweysib na may kaugnayan sa panahon ng

pandemya.

Kagamitan:
Papel at Ballpen

2
TUKLASIN
A. Panuto: Sumulat ng sariling tagline batay sa mga larawan sa ibaba kung ikaw
ay bibigyan ng pagkakataon upang magkaroon ng produkto.

Halimbawa:
Produkto: Jollibee - Tagline: Bida ang saya!

Photo credit from Can Stock Photo by colematt.

September 11, 2005.
Photo credit from PIXLR Pizza (pepperoni, onion) https://www.canstockphoto.com/soap-
Photo credit from Istock by Getty Images. May 16,
- black and white illustration/ drawing 27633167.html
2015.
by 3dgenerator
https://www.istockphoto.com/vector/drink-water-
https://pixlr.com/ph/stock/details/1341100050-
bottle-gm473838148-63859977
pizza-(pepperoni,-onion)---black-and-white-illustr/

______________ ______________ ______________

SURIIN TEKSTONG PERSUWEYSIB

KAHULUGAN

Isang uri ng teksto na umaapela o pumupukaw sa damdamin ng

mambabasa o tagapakinig upang makuha ang simpatiya nito at mahikayat na
umayon sa ideyang inilahad. Ito rin ay may layuning manghikayat ng mambabasa
na makiayon o tanggapin ang pananaw ng manunulat. Mabibilang dito ang
advertisement, sanaysay na political, brocure, catalog at mga kauri nito.

MGA LAYUNIN
1. Manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto
2. Umapela o makapukaw ng damdamin sa mambabasa upang makuha
ang simpatiya nito at mahikayat na umayon sa ideyang inilalahad
3. Manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng pagkuha ng
damdamin o simpatiya ng mambabasa
MGA KATANGIAN
1. May subhetibong tono
2. Personal na opinyon at paniniwala ng may-akda
3. Karaniwang ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda
para sa eleksiyon, at pagrerekrut para sa isang samahan o networking

ELEMENTO NG PANGHIHIKAYAT AYON KAY ARISTOTLE

Ethos: Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/ Tagapagsalita Ang

salitang ethos ay salitang Griyego na nauugnay sa salitang etika ngunit higit itong
angkop ngayon sa salitang “Imahe”. Ginamit ni Aristotle ang ethos upang tukuyin
ang karakter o kredibilidad ng tagapagsalita batay sa paningin ng nakikinig. Ang
elementong ethos ang magpapasiya kung kapani-paniwala o dapat
pagkakatiwalaan ng tagapakinig ang tagapagsalita, o mambabasa ang manunulat.

3
Madaling mahikayat ang mga tagapakinig kapag ang tagapagsalita ay kilalang may
pag-uugali, maayos kausap, may mabuting kalooban, at maganda ang hangarin.

Halimbawa:
Ang isang artistang nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin
ang isang isla sa Pilipinas

Logos: Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/

Tagapagsalita
Ang salitang Griyego na logos ay tumutukoy sa pangangatwiran.
Nangangahulugan din itong panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman.
Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal na nilalaman o kung may katuturan ba ang
sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang tagapakinig na ito ay totoo. Sa ating
lipunan, malaki ang pagpapahalaga sa lohika at pagiging makatwiran ng mga
estratehiya gamit ang mga retorikal na pangangatwirang pabuod (Deductive) at
pasaklaw (Inductive).

Halimbawa:
Ang isang taong nanghihikayat na bumili ng kanilang sabon dahil ang
sabon na iyon ay makakaputi

Pathos: Emosyon ng mambabasa/ Tagapakinig

Pathos ang elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o
damdamin ng mambabasa o tagapakinig. May kakayahan ang tao na gumawa ng
sariling desisyon dahil mayroon siyang pag-iisip at lahat ng ginagawa ng tao ay
bunga ng kaniyang pag-iisip. Subalit hindi niya nakikita na malaki rin ang
impluwensiya ng emosyon kagaya ng galit, awa, at takot sa pagdedesisyon at
paghuhusga. Emosyon ang pinakamabisang motibasyon upang kumilos ang isang
tao.

Halimbawa:
Ang pagsasalaysay ng isang kuwentong makaantig ng puso tulad ng galit o
awa ay isang mabisang paraan upang mahikayat silang pumanig sa manunulat.

PROPAGANDA DEVICES
Ang panghihikayat sa taong bumili ng isang produkto o iboboto ang isang
kandidato ay isang bagay na dapat ay masusing pinag-iisipan. Kung mapapansin,
ang mga patalastas sa telebisyon, sa mga diyaryo, at magasin ay kinakailangang
makapukaw ng atensiyon upang mapansin. Ang mga eksperto sa likod ng mga
propagandang ito ay may mga ginamit na propaganda device. Ating alamain kung
anu-ano ito:

1. Name-Calling- Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang puna o taguri sa

isang produkto o katunggaling politiko upang tangkilikin. Karaniwang
ginagamit ito sa mundo ng politika.
Halimbawa:
Ang pekeng sabon, bagitong kandidato

2. Glittering Generalities- Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag

ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga
ng mambabasa.
Halimbawa:
Mas nakakatipid sa bagong Tide. Ang iyong damit ay mas magiging
maputi. Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian.

4
3. Transfer- Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa
isang produkto o tao ang kasikatan.
Halimbawa:
Pagpromote ng isang artista sa isang hindi sikat na brand

4. Testimonial- Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-

endorso ng isang tao o produkto.
Halimbawa:
Ang isang taong nagpapatunay na siya ay pumuti dahil sa ginamit
niyang sabon sa pamamagitan ng pagpapakita ng ebidensiya.

Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya ang kandidato

na huwag ding kakalimutan ng sambayanan ang kanyang kapartido.

5. Plain Folks- Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung

saan ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong
nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo.
Halimbawa:
Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong
damit at pinapakita nila na nagmula at galing rin sila sa hirap.

6. Card Stacking- Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng

produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian.
Halimbawa:

Lucky Me, Pinapakita dito ang magandang dulot nito sa pamilya,

ngunit sa labis na pagkain nito, nagdudulot ito ng sakit sa bato at UTI.
7. Bandwagon- Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang
isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na.
Halimbawa:
Buong bayan ay nag-e- LBC peso padala na.

Gawain 1: Grapiko ng Talakayan

A. Panuto: Gamit ang grapiko sa ibaba, ilahad ang sariling pagpapakahulugan ng
tekstong persuweysib batay sa paksang tinalakay.

TEKSTONG PERSUWEYSIB

5
Gawain 2: Propaganda ng Produkto Ko

A. Panuto: May ilang sitwasyon na makikita sa ibabang bahagi. Tukuyin kung

anong propaganda device ang ginamit sa bawat sitwasyon. Isulat ang
inyong sagot sa papel.

1. Isang sobrang sikat na artista na nag-eendorso sa hindi sikat na brand ng

produkto.
2. Instant Noodles ad na pinapakita ang magandang dulot nito sa pamilya,
ngunit sa labis na pagkain nito, nagdudulot ito ng sakit sa bato at UTI.
3. Isang commercial ng dishwashing liquid na pinapakita nila na ang mga tao
sa iba’t ibang parte ng Pilipinas ay gumagamit nito sa paghuhugas ng
pinggan dahil ito ay epektibo sa pagtanggal ng sebo.
4. Kapag eleksyon, nagbibigay ng testimonya ang kandidato na huwag ding
kakalimutan na sa mga nakaraang eleksyon ay mula sa kanilang partido
ang may pinakamataas na trust rate survey sa kanilang serbisyo publiko.
5. Sa isang commercial ng face cleanser ipapakita na sa kahit anong
sitwasyon, kapag ginamit mo ang produktong iyon ay GUWAPO AT MAKINIS
ka sa lahat ng pagkakataon.

B. Panuto: Gumuhit ng larawan ng mga produktong nais mo at gawan ito ng

Propaganda. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

LARAWAN

___________________________
___________________________
1. ________________________ ___________________________
___________________________
_________________________

___________________________
___________________________
2. ________________________ ___________________________
___________________________
_________________________

___________________________
___________________________
3. ________________________ ___________________________
___________________________
_________________________

6
Basahin ang halimbawa ng tesktong Persuweysib.

Ang halalan o malayang pagpili ng mga manunungkulan sa

pamahalaan ay haligi ng demokrasya. Ngunit ngayon ito ay nawawalan
ng saysay sa kadahilanang ginawa na itong hanapbuhay ng mga
politiko na nagmamalabis sa kanilang kapangyarihan kapag naluklok
na sa puwesto.
Kailangang maging mulat ang mga mata ng lahat sa ganitong uri
ng politiko. Iwasang muli’t muli tayong malinlang ng ganitong uri ng
mga huwad na lider ng bansa.
Sa pagsapit ng halalan, ipagsanggalang natin ang pagiging
sagrado ng mga balota. Huwag nating hayaang mapunta ito sa kamay
ng mga manlilinlang ng tanging kaban lamang ng bayan ang
pinupuntirya. Maawa tayo sa mga Pilipino at sa susunod na salinlahi.
Bantayan natin ang ating mga boto.

Gawain 3: Pagsagot sa mga tanong

Panuto: Sagutin ang sumunod na tanong.

Ano ang mensaheng nais iparating ng tekstong iyong nabasa? Anong halalan
mayroon ang Pilipinas at ano ang epekto nito sa mamamayan? Ipaliwanag ang
epekto nito sa iyo.
__________________________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGSAGOT NG GAWAIN

Natamong
Pamantayan Puntos
Puntos
Malawak na pang-unawa sa tekstong
10
binasa
Kahusayan sa paggamit ng wika 5
Sumusunod sa wastong balarila, baybay at
panuntunang sa pagsuat. 5
KABUUAN 20 puntos

7
Gawain 4: Pagsulat ng Tekstong Persuweysib
Panuto: Sumulat ng isang tekstong Persuweysib batay sa sitwasyong
ibinigay sa baba.

Sumulat ng isang Editoryal kung saan pumapaksa sa Pandemya sa

Kasalukuyan. Paano mo hihikayatin ang mga mambabasa upang panatilihing
ligtas ang bawat isa sa atin? At paano mo hihikayating mabuti ang mga
mambabasa upang makiisa sa pagsunod sa mga inihain ng ating gobyerno upang
labanan ang sakit na nagdudulot ng Pandemya sa panahong ito?

______________________________________________________________________________

Kaukulang Nakuhang
Pamantayan
Puntos Puntos
Kahusayan sa paglipat ng kaalaman sa
10
Tekstong Persuweysib
Malinaw na mababatid ang Ethos, Logos at
10
Pathos ng manunulat
Kaangkupan ng propaganda device na napili
10
sa mga dayalogo ng teksto
Sumusunod sa wastong balarila, baybay at
5
panuntunan sa pagsulat
Kabuuan: 35 puntos

8
TASAHIN
Panuto: Piliin ang pinakaangkop na sagot sa bawat katanungan. Titik lamang ang
isulat na sagot sa iyong papel.

______1. Ang salitang Griyego na _______ ay tumutukoy sa pangangatwiran.

A. Logos B. Ethos C. Pathos D. Ethospathos

______2. Paraan ito ng panghihikayat kung saan ginamit ni Aristotle ang

ethos upang tukuyin ang karakter o kredibilidad ng
tagapagsalita batay sa paningin ng nakikinig.
A. Logos B. Ethos C. Pathos D. Ethospathos

______3. Ito ay elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o

damdamin ng mama babasa o tagapakinig.
A. Logos B. Ethos C. Pathos D. Ethospathos

______4. Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang puna o taguri sa isang

produkto o katunggaling politiko upang tangkilikin. Karaniwang
ginagamit ito sa mundo ng politika.
A. Name -Calling C. Transfer
B. Testimonial D. Plain folks

______5. Ito ay isa sa propaganda devices na ginagamit kapag ang isang

sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o
produkto.
A. Name -Calling C. Transfer
B. Testimonial D. Plain Folks

______6. Ito ay panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin

ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay
sumali na.
A. Name -Calling C. Transfer
B. Band wagon D. Plain Folks

______7. Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto

ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian.
A. Name -Calling C. Transfer
B. Bandwagon D. Card Stacking

______8. Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan

ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong
taong nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo.
A. Name -Calling C. Plain Folks
B. Bandwagon D. Card Stacking

______9. Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa

isang produkto o tao ang kasikataan.
A. Name -Calling C. Transfer
B. Bandwagon D. Card Stacking

______10. Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang

produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga
ng mambabasa.
A. Glittering Generalities C. Transfer
B. Bandwagon D. Card Stacking

9
PAGNINILAY

Ang natutunan ko sa araling ito ay

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Ang nais ko pong malaman sa araling ito ay

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

SANGGUNIAN

MELCS 2020-2021, pahina 525

Marquez, S.T. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teskto tungo sa
Panana liksik. Sibs Publishing House

Dexie P. Dilag, et.al (2021). Modyul 3: Tekstong Persuweysib. Department of

Education – Alternative Delivery Mode (ADM)

SUSI SA PAGWAWASTO

sagot.) Batay sa Pamantayan

Gawain 4: (Nasa guro ang pagpapasya kung ano ang tamang
10. A
9. C sagot.) Batay sa Pamantayan
8. C Gawain 3: (Nasa guro ang pagpapasya kung ano ang tamang ang tamang sagot.)
7. D pagpapasya kung ano
6. B (Nasa guro ang pagpapasya kung ano ang tamang sagot.) (Nasa guro ang
B-
5. B A-
5. Glittering generalities
4. A Tuklasin
4. Testimonial
3. C 3. Bandwagon
2. B 2. Card stacking
1. A 1. Transfer
Tasahin A-
Gawain 2:

(Nasa guro ang pagpapasya kung ano ang tamang sagot.)

Gawain 1:
Suriin

10
Development Team of the S-LAS
Manunulat: Rodolfo P. Yabut
Editor: Rissa E. Lureñana, Ma. Rossana C. Meniano
Tagasuri: Gemma B. Espadero, Jeanette R. Isidro, Marvelous B. Estal,
Pinky Rosarie E. Laurente
Tagalapat / Tagaguhit: Julien A. Espinoza
Mga Tagapamahala: Gemma A. De Paz
Segundino A. Madjos, Jr.
Jeanette R. Isidro
Gemma B. Espadero
Ma. Rossana C. Meniano

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Tandag City

LEARNING RESOURCE MANAGEMENT SECTION (LRMS)

Purok Narra, Balilahan, Mabua, Tandag City

Telephone: 214-5848

Email Address: tandag.lrms@deped.gov.ph

11

You might also like