You are on page 1of 33

Tekstong

Persuweysib
Tayo na sa Sapatos Festival
Kapag sinabing ang sapatos ay "gawang
Marikina," sigurado itong matibay at
maganda. Yari ang mga ito sa materyales na
may mataas na kalidad. Dumaan ang mga
ito sa maiingat at mahuhusay na mga
kamay ng mga sapatero. Mayroon din itong
iba't ibang kulay at disenyo na tiyak na
babagay sa panlasa ninuman. Ang mga ito
ay iniluluwas at ipinagbibili sa ibang bansa.
Patunay lamang na ang "gawang Marikina"
ay talagang maipagmamalaki
Ipagdiwang natin ang husay ng mga
sapatero ng Marikina! Tangkilikin
natin ang kanilang mga gawa.
Halina, dumalo at makiisa sa
darating na Sapatos Festival sa
Nobyembre 1
hanggang Disyembre 15, 2016 sa
Marikina Riverbanks. Sa halagang
P199.00 pataas ay makabibili ka ng
sapatos na angkop sa iyong panlasa!
Saan ka pa makabibili ng maganda
at matibay na sapatos na abot-kaya?
Dito lang yan sa Marikina!
Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na salita:

Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng


sumusunod na salita:
tangkilikin –bilhin, gamitin, tanggapin
ituring –kilalanin
makumbinsi –mahikayat
isulong –pangunahan
merkado –pamilihan, market
nakapanghahalina –nakapanghihikayat
lunsarang teksto –hanguang teksto
Tekstong Persuweysib
Isang uri ng teksto na umaapela o
pumupukaw sa damdamin ng
mambabasa o tagapakinig upang
makuha ang simpatiya nito at
mahikayat na umayon sa ideyang
inilahad.
MGA LAYUNIN
1. Manghikayat o mangumbinsi sa
babasa ng teksto.
2. Umapela o makapukaw ng damdamin
sa mambabasa upang makuha ang
simpatiya nito at mahikayat na umayon
sa ideyang inilalahad
3. Mangumbinsi sa pamamagitan ng
pagkuha ng damdamin o simpatiya ng
mambabasa
Mga Halimbawa ng Tekstong Persuweysib
Maraming halimbawa ng tekstong
persuweysib ang makikita natin sa
paligid. Ilan dito ang mga
advertisement o patalastas sa radyo at
telebisyon, mga talumpati sa
pangangampanya at rally, paalala sa
mga poster o billboard, at feature article
tungkol sa isang gadget, cellphone, at
computer.
Advertisement o Patalastas
ay naglalayong hikayatin ang mga
mamimili na tangkilikin ang kanilang
iniendorsong produkto o serbisyo.
Kasama na rito ang mga paalala sa mga
poster o billboard. Dito ay inilalahad
ang mga katangian ng produkto o
serbisyo, pati na rin ang mga
benepisyong makukuha kung
tatangkilikin ito.
Speech o Talumpati
ay mga pahayag na naglalayong
makumbinsi ang mga tagapakinig o
mambabasa na maniwala o suportahan
ang posisyon o nais mangyari ng
nagtatalumpati. Inilalahad rito ang
magagandang punto o benepisyo na
makakamit kung susuportahan ang
nagtatalumpati.
Halimbawa:
Tuwing sasapit ang halalan ay nagtatalumpati ang mga
kandidato para kumbinsihin ang mga mamamayan na sila ay
iboto. Dito ay inilalahad nila ang mga pangakong pagbabago
o serbisyong ibibigay sa mga mamamayan kung sakaling sila
ay manalo. Mayroon din namang mga talumpati na
ipinahahayag sa mga protesta at rally. Dito ay inilalahad ang
mga isyung pinag-uusapan at ang hindi magagandang
epekto na naidudulot nito sa mga mamamayan. Nais din
nitong kumbinsihin ang mga mamamayan na makiisa sa
protesta at isulong ang isang hakbang na mas makabubuti
para sa nakararami.
Sa mga diyaryo at magasin naman
mababasa ang mga feature article.
Ang mga ito ay nagbibigay ng rebyu
tungkol sa isang produkto o serbisyo na
karaniwang bagong labas sa merkado.
Dito ay nagbibigay ng marka,
halimbawa 7/10, pagkatapos ilahad ang
mga katangian, benepisyo, at
kakulangan ng produkto o serbisyo.
PROPAGANDA DEVICES
 1. Name-Calling- Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang puna
o taguri sa isang produkto o katunggaling politiko upang
tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa mundo ng politika.


2. Glittering Generalities- Ito ay ang magaganda
at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang
produktong tumutugon sa mga paniniwala at
pagpapahalaga ng mambabasa.

Halimbawa: Mas nakakatipid sa bagong Tide.


Ang iyong damit ay mas magiging maputi.
Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian
3. Transfer- Ang paggamit ng isang
sikat na personalidad upang
mailipat sa isang produkto o tao
ang kasikatan.

Halimbawa: Pagpromote ng isang


artista sa isang hindi sikat na bran
4. Testimonial- Kapag ang isang sikat na
personalidad ay tuwirang nagendorso ng isang
tao o produkto.

Halimbawa: Ang isang taong nagpapatunay na


siya ay pumuti dahil sa ginamit niyang sabon
sa pamamagitan ng pagpapakita ng ebidensiya.
Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng
testimonya ang kandidato na huwag ding
kakalimutan ng sambayanan ang kanyang
kapartido.
5. Plain Folks- Karaniwan itong ginagamit
sa kampanya o komersiyal kung saan ang
mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na
ordinaryong taong nanghihikayat sa boto,
produkto, o serbisyo.

Halimbawa: Ang kandidato tuwing


eleksyon ay hindi nagsusuot ng
magagarbong damit at pinapakita nila na
nagmula at galing rin sila sa hirap.
6. Card Stacking- Ipinakikita nito ang lahat ng
magagandang katangian ng produkto ngunit
hindi binabanggit ang hindi magandang
katangian.

Halimbawa: Lucky Me, Pinapakita dito ang


magandang dulot nito sa pamilya, ngunit sa
labis na pagkain nito, nagdudulot ito ng sakit
sa bato at UTI
7. Bandwagon- Panghihikayat kung saan
hinihimok ang lahat na gamitin ang
isang produkto o sumali sa isang
pangkat dahil ang lahat ay sumali na.

Halimbawa: Buong bayan ay nag-e- LBC


peso padala na.
Mga Katangian ng Tekstong Persuweysib
Muling tunghayan ang poster na
ito.

Paano natin ito ilalarawan?

• Makulay ang ilustrasyon nito.


• Malinaw na nababasa ang
teksto o impormasyon.
• Kumpleto ang detalye tungkol
sa gaganaping festival.
Katangian Paliwanag/Halimbawa
Simple Gumagamit ng mga salitang madaling
maitindihan
‘Pag sinabing ang sapatos ay “Gawang Marikina”,
siguradong itong matibay at maganda.
Malinaw Hindi paligoy-ligoy; direkta sa punto

1. Yari ang mga ito sa materyales na may mataas na kalidad


2. Dumaan ang mga ito sa maiingat at mahuhusay na
kamay ng mga sapatero.
3. Mayroon din itong iba’t ibang kulay at disenyo na tiyak
na babagay sa panlasa ninuman.
4. Ang mga ito ay inululuwas at ipinagbili san ibang bansa.
katangian Paliwanag/Halimbawa
Organisado
Katangian Paliwanag/Halimbawa
Gumagamit ng
mga salitang
Bukod sa paggamit ng mga
nakapanghahalina positibong pang-uri, naglahad rin sa
teskto ng matibay na ebidensya.

Ang mga ito ay iniluluwas at


ipinagbibili sa ibang bansa.
Patunay lamang na ang
“gawang Marikina” ay
talagang maipagmamalaki.
Mga Paraan ng Panghihikayat
Ayon kay Aristotle, isang
kilalang pilosopo sa
sinaunang Gresya, may
tatlong paraan para
makapanghikayat. Ito ang
ethos, pathos, at logos.
Ethos
• Ang “ethos” ay
nangangahulugang “karakter”
o “personalidad.”
• Sa paraang ito, ginagamit ang
impluwensiya at kredibilidad
ng isang kilalang tao para
makahikayat ng mga tao na
tangkilikin ang isang produkto,
serbisyo, o paniniwala.
• Ito ang madalas gamitin sa
mga advertisement o
commercial ng iba’t ibang
produkto.
Sa ganitong paraan, ipinalalagay ng
mambabasa o manonood na ang
iniendorsong produkto o serbisyo ay
ginagamit ng kilalang artista o personalidad
na nagpapaganda sa kaniyang hitsura o
nagpapabuti ng kaniyang kalagayan. Dahil
dito, nahihikayat ang mga tao na tangkilikin
din ang nasabing produkto o serbisyo para
maging katulad siya ng nag-iendorso, na
karaniwan ay iniidolong artista o
personalidad.
Ang literal na salin ng salitang ethos ay
character. Alam ba ninyo kung paanong
kapag nanunuod tayo ng isang patalastas sa
telebisyon at nakita natin na ang paborito
nating artista ang nag-iendorso ay napaiisip
tayong bumili ng kaniyang pino-promote na
produkto? Dahil ipinalalagay nating
gumagamit siya ng produkto o serbisyong
iyon, at para sa atin ay kapani-paniwala
siyang tao, napaniniwala tayo na tunay na
mahusay ang nasabing produkto o serbisyo.
Halimbawa:
Sa ating teksto ay maaaring magdagdag ng isang
pahayag o testimonya mula sa isang kilalang
artista o personalidad tungkol sa ganda at tibay ng
mga sapatos ng Marikina.

 Maaari din sabihing ang personalidad na ito ay


dadalo sa festival para mahikayat ang mga tao na
dumalo rin para makita ang iniidolong
personalidad.
Pathos
 Ang “pathos” ay nangangahulugang
“nararamdaman.”
 Ang paraang ito ay nanghihikayat sa
pamamagitan ng pag-apila sa damdamin o
emosyon ng mga tao.
 Ito ang madalas gamitin kung nais
makakuha ng simpatiya, pakikiisa, o
pagkilos.
Halimbawa:
 Ang isang nasalanta ng kalamidad ay maaaring
magsalaysay ng kaniyang hindi magandang
karanasan at mga bagay na nawala sa kaniya para
makakuha ng simpatiya at tulong sa ibang tao.
 Ang mga nagpoprotesta tungkol sa isang
panlipunang isyu ay maaaring makahikayat sa iba
na makaramdam ng galit sa pamamagitan ng
paglalahad ng hindi magagandang epekto ng isang
gawain sa mga tao.
Logos Ang “logo” ay
nangangahulugang “sinabi
ko.”
 Sa paraang ito, gumagamit
ng mga katunayan,
ebidensiya, estadistika, mga
makasaysayang tala, mga
opisyal na dokumento, mga
sipi sa pananaliksik, at
panayam upang patunayan
ang katotohanan at bigat ng
katuwiran.
Karaniwang gumagamit ng
mga pahayag na “Ayon sa
aming pag-aaral…,” “9 out of
10 Filipinos…,” o “Batay sa
estadistika ng (pangalan ng
ahensiya ng pamahalaan)…
Sa pamamagitan nito ay
ipinahihiwatig na ang
inilalahad ay may
katotohanan at batay sa mga
napatunayan at tinatanggap
nang kaalaman.

You might also like