mahalagang salitang ginamit ng tekstong Persuweysib. 2. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong Persuweysib. 3. Nakasusulat ng sariling halimbawa ng tekstong persuweysib. Panuto: Panuorin ang patalastas at ibigay ang mga katangian na inyong napansin. • D:\MYDOCS\Desktop\COT 2\Green Cross Alcohol Stop 100 TVC 30s.mp4 CONCEPT MAP
PERSUWEYSIB Tekstong Persuweysib
• Isang uri ng teksto na umaapela o pumupukaw sa damdamin ng
mambabasa o tagapakinig upang makuha ang simpatiya nito at mahikayat na umayon sa ideyang inilahad. Mga Layunin
1. Manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto.
2. Umapela o makapukaw ng damdamin sa mambabasa upang makuha ang simpatiya nito at mahikayat na umayon sa ideyang inilalahad. 3. Manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng pagkuha ng damdamin o simpatiya ng mambabasa. Mga Katangian
1. May subhetibong tono.
2. Personal na opinyon at paniniwala ng may- akda. 3.Karaniwang ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda para sa eleksiyon, at pagrerekrut para sa isang samahan o networking. Elemento ng Panghihikayat
1. Ethos: Ang Karakter, Imahe, o
Reputasyon ng Manunulat/ Tagapagsalita
Ang salitang ethos ay salitang Griyego na
nauugnay sa salitang etika ngunit higit itong angkop ngayon sa salitang “Imahe”. Ginamit ni Aristotle ang ethos upang tukuyin ang karakter o kredibilidad ng tagapagsalita batay sa paningin ng nakikinig. Elemento ng Panghihikayat
2. Logos: Ang Opinyon o Lohikal na
pagmamatuwid ng manunulat/ Tagapagsalita
Ang salitang Griyego na logos ay tumutukoy
sa pangangatwiran. Nangangahulugan rin itong panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman. Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal na nilalaman o kung may katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang tagapakinig na ito ay totoo. Elemento ng Panghihikayat
3. Pathos: Emosyon ng mambabasa/ Tagapakinig
Pathos ang elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o damdamin ng mambabasa o tagapakinig. May kakayahan ang tao na gumawa ng sariling desisyon dahil mayroon siyang pag-iisip at lahat ng ginagawa ng tao ay bunga ng kaniyang pag-iisip. Subalit hindi niya nakikita na malaki rin ang impluwensiya ng emosyon kagaya ng galit, awa, at takot sa pagdedesisyon at paghuhusga. Emosyon ang pinakamabisang motibasyon upang kumilos ang isang tao. Propaganda Devices
1.Name-Calling- Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang
puna o taguri sa isang produkto o katunggaling politiko upang tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa mundo ng politika. Halimbawa : Ang pekeng kandidato Propaganda Devices
2. Glittering Generalities- Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na
pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa. Halimbawa : Mas nakakatipid sa bagong Tide. Ang iyong damit ay mas magiging maputi. Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian. Propaganda Devices
3. Transfer- Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang
mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan. Halimbawa: Pagpromote ng isang artista sa isang hindi sikat na brand 4.Testimonial- Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto. Halimbawa: Ang isang taong nagpapatunay na siya ay pumuti dahil sa ginamit niyang sabon sa pamamagitan ng pagpapakita ng ebidensiya. Propaganda Devices
5. Plain Folks- Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal
kung saan ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo. Halimbawa: Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit at pinapakita nila na nagmula at galing rin sila sa hirap. Propaganda Devices
6. Card Stacking- Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang
katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian. Halimbawa: Lucky Me, Pinapakita dito ang magandang dulot nito sa pamilya, ngunit sa labis na pagkain nito, nagdudulot ito ng sakit sa bato at UTI. Propaganda Devices
7. Bandwagon- Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na
gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na. Halimbawa: Buong bayan ay nag-e- LBC peso padala na. PANUTO: Punan ang Web Map batay sa iyong pag-unawa sa bagong aralin. GAWAIN
Unang pangkat: Bumuo ng isang
patalastas sa radio gamit ang propaganda device na napili. GAWAIN
Ikalawang Pangkat: Gumawa ng isang
patalastas sa telebisyon gamit ang propaganda device na napili. GAWAIN
Ikatlong pangkat: Gumawa ng isang
talumpati para sa darating na eleksyon 2022. GAWAIN
Ikaapat na pangkat : Ipaliwanag kung
alin sa dalawang unang pangkat ang mas nagbigay hikayat sa inyong pangkat at bakit? PAGSUSULIT
Panuto: Mag-isip ng isang lokal na produkto o isang
magandang tanwain sa inyong lugar. Sumulat ng isang persuweysib na teksto upang mahikayat ang mga tao na tangkilikin o punatahan ang inyong lugar.
RUBRIK SA PAGSULAT NG TEKSTONG PERSUWEYSIB Pamantayan Puntos Natamong Puntos Malinaw na naailahad ang layunin sa pagsukat ng teksto 5 Organisado ang mga ideya. 5 Mahusay sa paggamit ng wika 5 Sumusunod sa wastong balarila, baybay at panuntunan sa pagsulat 5 KABUUAN 20 puntos TAKDANG ARALIN
Panuto: Sumuri ng isang Persuweysib na teksto at ibigay
ang mga propaganda devices na ginamit dito. Isulat kung saang bahagi ng teksto ito ipinakita.