You are on page 1of 2

Anselmo B.

Legaspi National High School


Cayangwan, Makato, Aklan

Ikalawang MArkahang Pagsusulit sa Edukasyon sa PAgpapakatao – Grade 9

Pangalan :________________________ Seksyon:______________ Petsa: ___________

I. Pagpipili: Basahing mabuti ang pangungusap at unawain. Pagkatapos, piliin ang titik ng
tamang sagot at bilugan ito.

1. Ang mga batas ng lipunan ay nilikha upang:


a. protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
b.ingatan ang interes ng marami
c. pigilan ang masamsamang tao
d. itaguyod ang karapatang-pantao

2. Ang likas na batas moral ay:


a. galing sa Diyos c. nauunawaan ng tao
b. nilikha ni Tomas de Aquino d. inimbento ng mga pilosopo

3. Ang mabuti ay:


a. laging tama c. minsan tama
b. iba-iba sa tao d. pare-pareho sa tao

4. Piliin sa mga sumusunod ang hindi ayon sa likas na batas moral?


a. Pag-utos sa mga magiging ina na regular na magpatingin sa doktor
b. Pagkaltas ng SSS,PAG-IBIG, at buwis sa mga manggagawa
c. Pagpilit sa mga tao na magsimba
d. Pangungulit sa bata na maligo

5. Tama ang isang bagay kung:


a. ito ay ayon sa mabuti. c. makapagpapabuti sa tao.
b. walang nasasaktan. d. nagdudulot ito ng kasayahan.

6-10: BAsahing mabuti ang mga pangungusap at tukuyin kung ito ay tama o mali. Isulat T sa
tamang pangungusap at M naman pag mali ito. Isulat ang sagot sa puwang bago ang bilang.

____6. Ang lahat ng tao ay may pananagutan na magsalita at kumilos nang may katapatan.
____7. Ang lahat ng tao ay may pananagutang igalang ang buhay.
____8. Ang pagpaplano ng pamilya ay pananagutan ng mga anak.
____9. Ang bawat lalaki at babae ay may pananagutang ipakita ang paggalang sa isa’t isa.
____10. Ang bawat tao’y may karapatang mag-angkin ng ari-arian nang mag-isa gayon din na
kasama ng iba.

II. pagkikilala: Basahing mabuti ang mga tanong at unawain pagkatapos kilalanin ang tamang
sagot. Isulat ang tamang sagot sa puwang bago ang bilang. Tatlong puntos bawat tamang sagot.

_________________1. Sino ang pilosopong may pilosopiyang ganito: “Lahat ng tao ay may
kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may kakayahang makaunawa sa kabutihan.”
_________________2. Ano-ano ang mga gabay para kilatisin kung ano talaga ang mabuti?
_________________3. Ito ay ang siyang kilos ng pagsisikap na lagging kumilos tungo sa
pagbubuo at pagpapalago ng sarili at ng mga ugnayan.
_________________4. Ano ang ibig sabihin ng prinsipyo ng mga manggagamot sa Ingles, na
may mga katagang “Primum non nocere”.
_________________5. Ito ay ang mga prinsipyong sa pananaw ng tao tungkol sa pagtrato ng
kaniyang kapuwa at sa dignidad niya bilang tao.
_________________6. Ito ang tumutukoy sa kung ano ang nararapat o dapat para sa isang
nilalang o bagay.
_________________7. Ang tunay na panlipunang layunin ng paggawa.
_________________8. Ang kalipunan ng mga gawain, resources, instrument at teknolohiya na
ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.
_________________9. Ito’y isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad,pagkukusa
at pagkamalikhain at ang produkto nito, materyal man o hindi ay nagbubunga ng pagbabago sa
anumang bagay.
_________________10. Sino ang nagsabi sa kanyang akda na Laborem Exrcens na ang paggawa
ay nararapat para sa tao bilang anak ng Diyos.

B. Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod. Dalawang puntos sa bawat tamang sagot.
1. Mga Mahahalagang Layunin ng Paggawa (5)

2. Mga Paglabag sa Karapatang Pantao (9)

III. Pagpapaliwanag. Ipaliwanag sa iyong sariling opinyon. ( 5 puntos bawat bilang)

1. “ Madali ang maging tao pero mahirap ang magpakatao. “

2. Paano nakakatulong ang paggawa sa paghubog ng isang tao?

You might also like