You are on page 1of 3

ST.

COLUMBAN’S INSTITUTE
Domalandan Center, Lingayen, Pangasinan
S.Y. 2021-2022
Junior High School
Q1 Summative Test 2
ESP Grade 10 St.

LRN:________________________
Pangalan: ______________________________ Lagda:____________
Guro: Mrs. Rowena M. Uligan Parents Signature:______

I. Panuto: Unawaing mabuti ang bawat tanong at bilugan ang titik ng pinakamahusay na
sagot.
1. Ano ang tunay na kahulugan ng kalayaan?
a). Malaya ang tao sa kaniyang pamumuhay at napananagutan niya ang kaniyang kapwa.
b). Ang tao ay nakapagsasarili at hindi dumedepende sa kagustuhan ng iba
c). Ang tao ay malaya sa pagsunod ng batas at pag-iwas sa ipinagbabawal na gawain.
2. Aling paraan ang pinakamahina sa pag-angat ng isang kabataan ng sariling dignidad at
ang kanyang kapwa?
a). Itaas ang sarilig kamalayaan at ng kapwa kabataan sa pagtuligsa sa korupsyon.
b). Makisangkot sa mga pangkat pampamayanan para sa kabutihan ng pamumuhay.
c). Makinig sa mga pagtutuligsa sa hindi makataong pamamalakad ng pamahalaan.
3. Ano ang moral na dahilan ng pagpapanatili ng buhay?
a). Dahil likas na mabuti ang mabuhay
b). Dahil minimithi ng bawat nilalang na mapabuti ang buhay
c). Dahil ang buhay ay dapat mapalago para sa mabuting buhay
4. Alin ang pinakamabuting paraan sa paghubog ng tamang konsiyensiya?
a). Ang paghingi ng pananaw sa mga kaibigan
b). Ang seryosong pag-aaral tungkol sa Batas Moral
c). Ang pakikipagtalakayan sa kapwa tungkol sa konsiyensiya
5. Ang sumusunod maliban sa isa ay mahahalagang aksiyon sa pagdepensa sa dangal pantao.
a). Pagprotekta sa lahat ng uri ng hanapbuhay
b). Pagsanggalang sa kabanalan ng buhay at ang pinagmulan nito
c). Pagtampo ng buong edukasyon at kalinangan.
6. Alin ang pinakamahusay na pagpapaliwanag ng pagkakaiba ng tao sa hayop?
a). Ang hayop ay higit na mabilis umiwas sa kapahamakan kaysa sa tao.
b). Ang tao at hayop ay parehong nag-iisip na matugunan ang pangangailangan na
pagkain pero magkaiba ang kinakain.
c). Ang tao ay may kakayahang mag-isip at gumamit ng kilos-loob.
7. Alin ang hindi paraan ng konsiyensya sa paglapat ng kaalaman?
a). Ang konsiyensiya ay naghuhusga kung mabuti o masama ang ginawa.
b). Ang konsiyensiya ay naghuhusga kung mayroon kang puwedeng gawing mabuti o
wala.
c). Ang konsiyensiya ay nagpapatunay kung mayroon kang ginawa o hindi ginawa.
8. “Maraming sinasabing kalayaan sa kasulukuyang nakapagpapaalipin sa masasamang
gawain”. Ang pinakamahinang implikasyon nito sa kabataan ay :
a). Hayaan ang pamahalaan na maghanap ng paraan sa higit na mabuting kalagayan ng
kapwa.
b). Kailangang lumaya mula sa mga panandaliang kasiyahan at makamundong buhay.
c). Matutong lumaya mula sa mga pang-aalipin ng mga negatibong puwersa.
9. Ang pagkiling sa mahihirap at mga katutubo ay pagsuporta sa pag-angat sa kanilag dignidad. Ang
pangungusap na ito ay:
a). Hindi totoo, dahil tinuturuan ang mahihira at mga katutubo na umasa nang lubos sa
kapwa.
b). Totoo, dahil hindi nila natutugunan nang sapat ang sariling pangangailangan
c). Totoo, sapagkat kailangan nila ang tulong ng iba at wala silang magagawa
10. Alin ang pinakamataas na yugto ng paggamit ng isip at kilos-loob?
a). Ang isip ay tumutukoy sa pinakamabuting paraan para sa sitwasyon. Ang kilos-loob
naman ay pipiliin ang pinakamabuting paraang tinukoy ng isip.
b). Ang isip ay iuutos na gawin ang pinakamabuti. Ang kilos-loob ay gagamitin o
kokontrolin ang katawan o pag-iisip kung kinakailangan.
c). Ang isip ay tumutukoy sa tama at mabuti. Ang kilos-loob naman ay sumasang-ayon o
maaaring palitan ang paksa.
11. Alin ang pinakamalapit na kaugnay ng “Ang dignidad ng tao ang batayan ng moral na pamumuhay ng
isang lipunan”.
a). Anumang pang-aabuso sa dignidad ng tao ay nakakalason sa lipunan.
b). Ang dignidad ay hindi nanggagaling sa uri ng hanapbuhay kundi mula sa pagkatao.
c). Ang mga tao at ang kanilang ugnayan ay dapat iginagalang na may kabanalan.
12. Alin ang hindi ginagawa ng konsiyensiya?
a). Hinuhusgahan nitong mali ang buong gawa kahit mabuti ang layunin ngunit masama
ang paraan.
b). Ito ay palaging nagpapaalala sa atin na gumawa ng mabuti at iwasan ang masama
c). Maaari nitong itatwang mali ang naging paraan ng isang layuning mabuti.
13. Paano maipamamalas ang mataas na antas ng paggamit ng isip at kilos-loob.
a). Paggamit ng kaalaman sa pagtulong sa mahihirap
b). Pakikilahok sa paminsan-minsang paggawa ng kabutihan para sa nangangailagan.
c). Patuloy na pag-aaral at pagpupunyagi
14. Alin ang pinakamahusay na pagpapaliwanag ng prinsipyo ng Batas Moral?
a). Alam ng tao na mabuti ang lahat patungkol sa kaniyang likas na kaganapan.
b). Ang mabuti ay dapat gawin at kamtin; ang masama ay dapat iwasan.
c). Ang prinsipyo ng Batas Moral ay ang batas na nakaukit sa bawat puso ng tao.
15. Nagiging moral ba ang pagkiling sa iba?
a). Hindi kailanman maaaring maging moral ang pagkiling sa iba.
b). Oo, kapag ang pagkiling ay pagtanaw ng mabuting - loob.
c). Oo, kapag ang kinikilingan ay lubos na nangangailangan.

II. Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang.


__________ 1. Ito ang kakayahan ng tao para sa pag-unawa o kapangyarihang mag-isip.
__________ 2. Kakayahang magpasiyang pumili batay sa mga nakalap na
impormasyon ng isip.
__________ 3. Ito ang batayan ng pagkilos ng tao upang ito ay maging tama at mabuti.
__________ 4. Tumutukoy para sa mga nilalang na mababa sa tao tulad ng mga hayop,
puno at lupa, hangin, dagat at iba pang element ng kalikasan na walang
isip at kilos-loob
__________ 5. Ano ang pang limang utos ng Diyos?
___________6.Ito ay isang kapangyarihan at kamangha-manghang kakayahang
tinataglay lamang ng tao.
__________ 7. Ito ang posibilidad ng tao na kumilos ayon sa kanyang pagpapasiya at
sariling plano.
__________ 8. Ito ay dangal ng pagkatao. Ito ang pagkabanal at pagkabukod-tangi ng
tao ng nag-uugat mula sa kaniyang material at espiritwal na kalikasan.
__________ 9-10. Mabigay ng dalawang antas ng aksiyon sa pagpapatibay ng dangal
pantao.
__________

III. PANUTO: Ipaliwanag ang sumusunod (X2)

a. Isip
b. Kilos-loob

c. Batas Moral

d. Konsensya

e. Kalayaan

IV. PANUTO: Isulat ang hiniling ng mga sumusunod:

Ano ang dalawang likas sa na tinatawag sa Batas Moral?

1.

2.

Ano ang apat na prinsipyo na gumagabay sa paghubog ng konsensya?

1.

2.

3.

4.

Ano ang tatlong antas ng aksiyon sa pagpapatibay ng Dangal Pantao?

1.

2.

3.

Ano ang apat na Pinakamalagang aksiyon sa Pagsasanggalang ng Dangal Pantao?

1.

2.

3.

4.

V. Sagutin sa limang pangungusap ang tanong na:


“Paano mo ipapaliwanag na ang iyong mga kilos ay tumutugon sa prinsipyo ng Likas na Batas
Moral?”

You might also like