You are on page 1of 5

GAWAAING PAGKATUTO sa Edukasyon sa Pagpapakatao

KWARTER 2, Linggo 3.1


LIKAS NA BATAS MORAL: NGAYON BUKAS AT MAGPAKAILAN MAN

Pangalan : __________________________________________ Petsa: ____________


I. Panimula (Susing Konsepto)

Ang batas ay nagsisilbing gabay ng tao upang malaman kung ano ang tama at
kung ano ang maaaring gawin at kung ano ang ipinagbabawal na gawin. Lahat tayo
ay nagkakamali, ngunit dapat na manaig ang kabutihan. Anumang batas na batay sa
Likas na Batas Moral ay dapat sundin sapagkat tumutugon ito sa pangangailangan
ng tao at umaayon sa dignidad ng tao. Ito ay gabay din sa kabutihan, kamalayan at
kalayaan
II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCS

1.2 Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral

III. Mga Gawain

Gawain 1: Ang batas ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng mga bagay


na magkaroon ng kaayusan sa lipunan. Naisip mo ba kung ano ang batas at aling
mga batas ang dapat mong sundin?
Basahin at subukan sagutin ang mga sumusunod na mga sitwasyon. Isulat kung
ano sa palagay mo ang maaring mangyari sa ilalim ng bawat katanungan

ANO ANG MAAARING MANGYARI KUNG…….

1. _______________________________________________
Walang batas sa
paaralan, lahat ay _______________________________________________
pantay pantay _______________________________________________

Page 1 of 5
_______________________________________________
2. Walang batas na _______________________________________________
mag-iingat sa _______________________________________________
iyong ari-arian _______________________________________________

3. Walang batas na _______________________________________________


nagpaparusa sa _______________________________________________
anumang krimen _______________________________________________
_______________________________________________

Pagpapahayag ng Pag-unawa
Subukan saguting ang mga tanong.
1. Bakit kailangan ang batas ?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Bakit dapat sundin ang batas ? Ano ang epekto ng hindi pagsunod sa batas ?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Anong batas ang batayan ng batas na binubuo ng tao ?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Gawain 2: Hindi pa tapos ang laban natin sa pandaigdigan pandemiko – Covid


19. Sa ngayon nasa kalagayan tayo na “new normal “ na sitwasyon. Tingnan ang mga
larawan . Paano mo ito isinasagawa bilang pagtugon sa batas ukol sa kalusugan
(Health Protocol) Ano ang kahalahagahan sa pagtupad nito ?

Pagsusunod/Pagtutupad Kahalagahan sa
ng batas/kautusan pagsunod sa
Batas/kautusan

SOCIAL DISTANCING

Page 2 of 5
HAND WASHING

FACE MASK

IV.Pagpapalalim

BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL

Ayon kay St. Thomas Aquinas, ang batas ay batas ng katuwiran upang makamit
ang kabutihang panglahat. Ito ay makatarungang prinsipyong gumagabay sa kilos ng tao
sa pakikipagugnayan sa lipunan. Maari itong ihambing sa ilang mga palatandaan sa
lansangan na nagbibigay direksyon sa tinatahak na daan ng isang tao. Kung walang
ang mga batas , tiyak na walang kaayusan at kapayapaan at maging katarungan sa
ating lipunan.

LIKAS NA BATAS MORAL

Ang likas na batas moral ay ibinibigay sa tao noong siya


ay nilikha . Sa pamamagitan ng batas na ito, ang tao ay may Ang Likas na Batas Moralay
kakayahang makilala ang mabuti at masama. Dahil sa hindi instruction manual.
Kalayaan ang tao ay may kakayahang gumawa ng Mabuti Hindi ito isang malinaw n
o masama. Nakaugat ito sa kanyang malayang kilos-loob autos kung ano ang
dahil ang pagtungo sa kabutihan o kasamaan ay may gagawin ng tao sa iba’t
kamalayan at Kalayaan. ibang pagkakataon. Gabay
lamang ito upang Makita
Ang isang tao ay hindi kailangan na pumasok sa ang halaga ng tao.
paaralan upang matutuhan o malaman ang batas na ito.
Nakaaukit ito sa pagkatao ng isang indibidwal kaya’ ang
unang prinsipyo nito ay : Likas sa tao na gumawa ng Mabuti at maiwasan ang kasamaan
Ang likas na Batas Moral ay likas sa tao dahil sa kaniyang Kalayaan, Itinataguyod ng
batas na ito ang dapat gawin at di dapat gawin ng tao,kaya’t ito ay gumagabay sa kilos
ng tao . Layon ng batas na moral na pagkalooban ang tao ng kinakailangan batayan
upang makagawa siya ng tamang pasiya at kilos. Higit sa lahat , layunin ng batas ay ang

Page 3 of 5
kabutihan ng tao. Ang tao ang iisang nilika na maaaring gumawa ng masama ang
sumira sa kaniyang sa sarili. Ito ang dahilan kung bakit ipinagkaloob ang LIkas na
Batas moral. Maiiwasang gawin ng tao ang masama kung susundin niya ang batas na
ito.
Mga katangian ng Likas na Batas Moral
1. Obhetibo - Ang batas na namamamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan.
2. Pangkalahatan (Universal) – Dahil sa likas na Batas Moral ay para sa tao
sinasaklaw nito ang lahat ng tao,
3. Walang hanggan (Eternal) Ito ay umiiral at mananatiling iiral.
4. Di- nagbabago (immutable) – Hindi nagbabago ang likas na Batas Moral dahil
hindi nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of Man).

Ayon kay Lipio, binibigyang direksyon ng batas-moral ang pamumuhay ng tao.


Sinusunod niya ang batas-moral upang magawa ang Mabuti, magkaroon ng paggalang
sa kapwa at makipagtulungan sa mga taong binigyan ng kapangyarihang pangalagaan
ang kapakanan ng lahat.
Samakatuwid, dahil sa ang bawat batas ay nangangalaga sa karapatan at dignidad
ng bawat tao, mahalagang ang mga batas ng tao ay sumang-ayon sa Bats Moral,
nangangahulugan ito na ang lahat ng batas ay matibay na batayang moral. Ito ay
sapagakay ang isang tao ay maaring magkamali sa kakulangan ng kaniyang pag unawa
sa tunay na etikal o moral na batayan ng pagkilos. Kung kaya walang sinumang
kapangyarihan ng tao ang maaring humadlang sa Batas ng Diyos. Kapag ang batas ay
ipinaubaya lamang natin sa pagpapasiya ng mga tiwaling awtoridad magiging magulo at
walang katarungan ang ating lipunan. Dahil ditto mahalaga na ang humahawakng
awtoridad ay may maatatag at moral na paninindigan sa katotohanan.
GIVE ME, GIVE ME!
Ihambing ang maaring ibunga sa pagsunod sa batas na naaayon sa Likas na Batas
Moral at pagsunod sa hindi naaayon sa Likas na Batas Moral Gamitin ang
talahanayan
Pagsunod sa batas na naaayon sa Pagsunod sa batas na HINDI
Likas na Batas Moral naaayon sa Likas na Batas Moral

Page 4 of 5
V. Mga Rubrics
Gawain 1
5 Puntos Nasasagutan ang mga tanong ng tama at malinaw na naipapahayag
ang ideya .
4 Puntos Nasasagutan ang mga tanong ngunit may ideya na hindi naaakma sa
tanong
3 Puntos Nasasagutan ang mga tanong ngunit di gaanong malinaw ang
pagpapahayag
1 Puntos Hindi malinaw ang pagpapahayag ng ideya.

Gawain 2
5 Puntos Naibigay ng tama ang paghahambing na malinaw at maayos.
3 Puntos Naibigay ng tama ang paghahambing ngunit may ideya na hindi akma
sa hinihingi ng tanong
2 Puntos Hindi malinaw ang paghahambing
0 Walang sagot

VI. Sanggunian/Reference for Learners


Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Modyul para sa mag-aaral p.68- 75
Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Learner’s Material (Unit 1 & 2) p.149-151
Pagpapakatao Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatoa sa Sekondarya 9
Twila G. Punzalan et. al. p 90- 91

Mga larawan
https://twitter.com/IloveTaguig1/status
https://www.phcppros.com/articles/1125
https://twitter.com/IloveTaguig1/status1246344334045143040

Inihanda ni:

JOBEN A. COMPETENTE
La Salvacion National High School
Division of Camarines Sur

Page 5 of 5

You might also like