You are on page 1of 1

ANG AKING REPLEKSIYON SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Natutunan ko na ang konsepto ng makataong kilos ay mahalaga sa


paghubog ng ating pagkatao, dito natin sinusuri kung tam aba o mali
ang magiging desisyon natin sa pamamagitan ng konsensiya. Masusuri
rin natin kung ang kilos o Gawain ng tao ay makataong kilos o hindi sa
pamamagitan ng kanyang layunin kung ito ba ay masama o Mabuti, at
sa lahat ng gagawing kilos ng tao ay may kaakibat na pananagutan,
masama man ito o Mabuti. Natutunan ko rin na may mga yugto ang
pagsasagawa ng makataong kilos, at lahat ng ito ay kailangan mong
pag-isipang mabuti dahil nakasalalay ang anumang maaaring
kahinatnan nito. At ang kahalagahan ng layunin, paraan, sirkumstansiya,
at kahihinatnan ng makataong kilos. Kung susuriing mabuti, ang layunin
sa paggawa ng anumang kilos ay bahagi ng kilos - loob ng isang tao
samantalang ang paraan na kaniyang ginamit upang isakatuparan ang
kilos na ito ay bahagi naman ng kilos - labas o panlabas na kilos - loob.
Natutunan ko rin na mahalaga ang layunin ng kilos ng tao sapagkat ito
ang nagsasabi kung ang kilos ay mabuti o masama. Kaya naman
mahalaga na magkaroon ng mabuting layunin at ito ay nasasalamin sa
kung paano iginagalang ng isang tao ang dignidad ng kaniyang kapwa.

You might also like