You are on page 1of 1

Mapanuring pag-iisip

Siguro, marami sa'tin ang nagtataka kung ano ba talaga ang mas matimbang sa
pagpapasya, ang isip ba o puso? Kung may mga nararanasan tayong kahirapan at problema,
gumagawa tayo ng paraan at angkop na kilos, tama? Nagagamit natin sa paraang ito ang pag-
iisip. Mahalaga ang pag-iisip sa pagpapasiya lalo na kung nasa kalagitnaan ka ng panganib.
Kung may gusto ka, at gusto mo na yung taong 'yon ay lagi mong kasama at makita, nagkita
kayo ng hindi kinikilala ang bawat isa, at tinanong niya sau kung gusto mo siyang maging jowa
at agad ka namang pumayag na maging jowa niya. Ano kaya ang umiiral? Puso o Isipan?
Marahil, puso ang nanaig dito pero, mali iyon. Maaaring masama pala ang minamahal mo at
pineperahan kalang niya. Isip muna dapat ang unang gagamitin bago ang puso para mas
mapabuti ang isang bagay. Kailangang alamin ng tao ang magiging sanhi at bunga ng kanyang
ginawang pagpapasiya.
Sa bawat pagkilos na gagawin, ang tao ay nararapat na mag-isip ng mabuti at alamin ang
magiging sanhi at bunga ng isang bagay. Hindi lahat ng tao ay ganito, ang iba ay padalos-dalos
kung kumilos at ang iba ay hindi na nag-iisip at walang pakialam. Kung taglay ng tao ang
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip, madali siyang makapagpapasya na naaayon sa kanyang
kaalaman. Hindi pero lahat ng sa tingin natin ay tama kaya naghihinuha tayo ng mga posibilidad
ng maaaring mangyari. Ito ay may koneksiyon sa pag-alam ng maaaring sanhi at bunga ng
ginawang pagpapasya. Sa mga desisyong gagawin, hindi lang puso ang pinaiiral gayundin dapat
ang utak. Sa pamamagitan ng tamang pagpapasya, nagdudulot ito ng maayos na kalalabasan.
Ngunit kung taliwas naman ang naging pasya ng isang tao, may posibilidad na pangit ang
kalalabasan nito. Hindi sa lahat ng pagkakataon, tayo ay malayang makapagpapasya. Kaya sana
sa pagkakataong iyon, isipin ang magiging kahihinatnan at dapat na ang desisyong iyon ay
makabubuti sa lahat. Mahalagang malaman ang kahihinatnan upang makaiwas sa pagsisisi at
mga problema. Hindi natin alam ang mangyayari pero mag-advance na tayo. Halimbawa, gusto
mong sumama sa kaibigan mo sa beach, at hindi ka pinayagan, pero kinaumagahan ay tumakas
ka. Nag-aalala ang magulang mo at dahil ayaw mong mapagalitan, hindi mo sinasagot ang mga
tawag nila. Kapag ganito na ang sitwasyon ay una palang mali na ang ginawang pagpapasya.
Hindi niya ginamitan ng pag-iisip at padalos-dalos na tumakas sa bahay. Hindi niya iniisip ang
maaaring mangyari at dahil nga sa pagkasabik ay 'di na siya nakapag-isip.
Lagi nating tatandaan na sa bawat pagpapasyang gagawin ay nararapat na alamin ang
maaaring kahihinatnan sa gagawing kilos. Gamitan ito ng mapanuring pag-iisip at huwag
padalos-dalos kung magdesisyon. Isipin ang nakararami at 'wag gagawa ng bagay na
nakaaapekto sa kanila. Mas pairalin ang utak kaysa sa puso sa mga oras na ito dahil matitinag ka
kung ang ginamit mo lang ay puso. Mas magandang gawin ang mabubuting pagpapasya kaysa sa
nakapapahamak sa iba. Dahil 'di maiiwasan ang mga problema, pagsisisi at pangit na
kahihinatnan. Kayo, ano ang paiiralin niyo, utak o puso?

JERWIN R. PATALUD 8-HOPE 1-20-2023

You might also like