You are on page 1of 4

Sampung Utos Para sa Kapayapaan ng Isip

1. Huwag Makialam sa Gawain ng Iba kung Hindi Kinakailangan


Kadalasan tayong nakakagawa ng ating problema sa pamamagitan ng madalas na
pakikialam sa ibang tao. Ginagawa natin ito dahil kinukumbinsi ang ating sarili na
ang paraan natin ang pinakamabisang paraan, na ang pag-iisip natin ang
perpekto, at ang hindi sumang-ayon sa atin ay kinakailangang punahin at
gabayan sa tamang direksyon- at ito ang direksyon natin.
Ang ganitong pag uugali ay kinakailangan ang presensya ng isang tao at kasunod
nito ang presensya ng Diyos, dahil nilikha ang bawat sa atin ng Diyos sa espesyal
na paraaan. Lahat ng lalaki at babae ay gumagawa ayon sa kanilang kakayahan
dahil inoobliga sila ayon sa nararapat sa kanila. Mayroong Diyos na titingin
pagkatapos ng lahat. Bakit ka naguguluhan? May sarili akong pag iisip sa ganun ay
magkakaroon ka ng kapayapaan.
2. Makalimot at Magpatawad
Ito ang pinakamakapangyarihan para magkaroon ng kapayapaan ng isip.
Kadalasan tayong nagtatanim ng sama ng loob sa taong nang insult o nanakit sa
atin. Pinapalaki natin ang ating hinanakit na nagreresulta ng kulang sa tulog,
pagkakaroon ng sakit sa tiyan, pagtaas ng presyon ng dugo at iba pang mga sakit
na kinikimkim natin sa ating kalooban. Nakakalimutan natin na ang insult o sakit
ay ginawa sa atin minsan lamang pero habang tumatagal nagtatanim tayo ng
sama ng loob sa ating puso. Kaya mahalagang tayo ay magpatawad at makalimot.
Maniwala sa hustisya ng Panginoon at sa Karma. Hayaan nating ang Diyos ang
maghusga sa nanakit sa atin. Napakaikli ng buhay para sayangin sa mga walang
kwentang bagay. Makalimot, magpatawad at ipagpatuloy ang buhay.
3. Huwag Maghangad ng Papuri
Ang mundo ay puno ng makasariling mga tao. Minsan lamang silang humanga sa
tao na walang makasariling motibo. Hahangaan ka nila ngayon dahil ikaw ay
mayaman at may kapangyarihan at kapag wala ka ng kapangyarihan,
makakalimutan na nila ang mga ginawa mo at mag uumpisa ng punahin ka.
Ang mga tao ay mortal at may mga kapintasan. Walang taong perpekto. Bakit mo
papahalagahan ang mga sinasabing papuri ng taong kagaya mo? Bakit ka
maghahangad ng ganoong klaseng papuri kung mawawala ang kapayapaan ng
iyong pag iisip?
Maniwala ka sa iyong sarili. Ang pagsamba ng tao ay hindi nagtatagal at hindi
mahalaga. Gawin mo ang iyong responsibilidad na bukal sa iyong kalooban at
hayaan mo ang lahat sa Panginoon.
4. Huwag Mainggit
Lahat tayo ay may karanasan kung paanong ang inggit ay nakakagambala sa
kapayapaan ng ating pag iisip. Alam mong mas masipag kang magtrabaho kaysa
sa mga katrabaho mo sa opisina, pero sila pa ang mas nabibigyan ng promosyon
at ikaw ay hindi. Mas matagal ka ng nagsimula ng iyong negosyo pero hindi ka
matagumpay kumpara sa mga taong ang negosyo ay isang taon pa lamang.
Maraming halimbawa kagaya nito sa ating buhay. Dapat ka bang mainggit?Hindi,
tandaan na ang buhay natin ay naaayon sa nakaraang karma at ngayon ito na ang
iyong tadhana. Kung ito na ang iyong Kapalaran, wala ng makatutulong saiyo.
Walang mangyayari sa paninisi ng iba sa iyong pagkakamali. Ang inggit ay walang
patutunguhan at ito ay walang mabuting maidudulot saiyo.
5. Baguhin Mo ang Iyong Sarili Ayon sa Kapaligiran
Kung susubukan mong baguhin ang iyong kapaligiran ng mag isa, maaari kang
hindi magtagumpay. Bagkus, baguhin mo ang iyong sarili para umayon sa
kapaligiran. Kapag nagawa mo ito, kahit na ang kapaligiran na hindi nagging
mabuti sa iyo ay katakatakang magkakasundo at magkakatugma.
6. Tiisin ang Hindi Kayang Gamutin
Ito ang pinakamabisang paraan para ang walang magandang maidudulot ay
magkaroon ng kabuluhan. Araw-araw ay humaharap tayo sa maraming problema,
sakit, bagabag, mga aksidente na hindi natin kontrolado. Dapat tayong matutong
sumabay dito. Dapat tayong matutong tiisin ito ng may kasiyahanKagustuhan ito
ng Diyos, kaya dapat itong masunod. Ang pag iisip ng Diyos ay nasa likod ng
ating pang unawa. Maniwala at magkaroon ng pasensya, magkaroon ng
pananalig sa kagustuhan ng Panginoon.
7. Huwag Mong Kagatin ang Hindi Mo Kayang Nguyain
Ang kasabihang ito ay dapat tandaan. Kadalasan tayong tumatanggap ng
responsibilidad kahit hindi natin ito kaya. Ginagawa natin ito dahil sa ating
kapalaluan. Alamin mo ang iyong limitasyon. Bakit ka tatanggap ng mga
responsibilidad kung marami ka namang aalalahanin? Hindi ka magkakaroon ng
kapayapaan ng pag iisip sa pamamagitan ng panlabas na mga Gawain. Kung
mayroon kang libreng oras, gamitin ito sa pagdarasal, pagsisiyasat ng sarili at
pagninilay-nilay. Ito ay makakabawas ng mga alalahanin. Mas kaunting iniisip,
Mas magkakaroon ng kapayapaan ng pag iisip.
8. Magnilay-nilay ng Madalas
Ang pagninilay-nilay ay mas magkakaroon ng kunting alalahanin. Ito ang
pinakamataas na estado ng pagkakaroon ng kapayapaan ng pag iisip. Subukan at
gawin ito. Kapag ikaw ay nagnilay-nilay ng seryoso, magkakaroon ka ng kalahating
kapayapaan ng isip. Subukan at gawin ito. Kapag ikaw ay seryosong nagnilay-nilay
ng kalahating oras araw-araw, magiging kalmado ka sa natitirang dalawamput
tatlo at kalahating oras. Ang isip mo ay hindi magagambala kagaya ng nauna.
Dapat mong dagdagan ang oras ng iyong pagninilay-nilay. Iisipin mong
makakasagabal ito sa araw-araw mong ginagawa. Sa kabaliktaran, itoy
makadaragdag ng iyong bilis at makakapagtrabaho ka ng mas marami sa kaunting
oras.
9. Huwag Mong Hayaang Mabakante ang Iyong Isip
Ang walang iniisip ay hindi magandang Gawain. Ang lahat ng masamang gawain
ay nagsisimula sa isip. Hayaan mong mag isip ka ng positibo, ng
kapakipakinabang. Magkaroon ka ng pagkakaabalahan kagaya ng pagsilbi sa
komunidad o sa Simbahan na kahit walang bayad ay magkakaroon ka naman ng
kasiyahan at kaginhawaan. Kahit na wala kang ginagawa sa pisikal na aspeto,
abalahin mo ang iyong sarili sa pagbabasa o pagiging malapit sa Diyos.
10. Huwag Ipagpaliban at Huwag Magsisi
Huwag mong sayangin ang iyong oras sa pag aalala ng Dapat ba o hindi dapat?
Ang araw , lingo, buwan at taon ay maaaring masayang sa ganyang uri ng pag
iisip. Hindi mo maaaring planuhing lahat dahil hindi mo alam ang mga
mangyayari. Lagi mong tandaan na ang Diyos ay palaging may plano. Pahalagahan
mo ang iyong oras at gumawa ng mga gawain. Hindi mahalaga kung hindi ka
magtagumpay sa una. Maaari kang matuto sa iyong pagkakamali at
magtagumpay sa susunod. Ang pag upo at pag aalala ay walang magandang
maidudulot, Matuto ka sa iyong pagkakamali subalit huwag ng balikan ang
nakaraan. HUWAG KANG MAGSISI! Kung anumang mangyari ay nakatadhanang
mangyari. Isipin mong itoy kagustuhan ng Diyos. Wala kang kapangyarihang
baguhin ang kagustuhan ng Diyos. Kaya bakit ka iiyak sa natapong gatas?

Sana ay tulungan ka ng Diyos at ng mundo na magkaroon ng kapayapaan ng pag
iisip.
Bicol State College of Applied Science and Technology
College of Education
S/Y 2014-2015



Paghahanda
sa
Filipino 3





Catherine Q. Robles
BEED 2A





Elsa E. Durante, PhD
Propesor

You might also like